Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

SUD - Payapa Lyrics

Mula noong namulat ang mata
Daglian kong nalaman na ikaw pala
Ang hinahanap kong tahimik
Bawat pag-hinga’y isang tula't usapang malalim
Kahit pa walang magsalita

Nakapikit habang hawak ang 'yong kamay
Rinig bawat pintig nati'y magkasabay
Marahan at tahimik ang habambuhay
Ngayon sa 'yo'y mahirap ng mawalay

Kung may ibig man sabihin ang salitang sapat
Ito'y nalaman ko sa piling mo, ngiti mo at lahat
Nais kong malaman mong ako'y naniniwala na
Sa payapa
Mula nung araw na nasilayan ka

Hindi na rin nagbago ang tingin
Walang minutong lumilipas na hindi kita pansin
Nais ko lang magpaka-lunod sa ‘yong mga mata
Sambahin ka habambuhay hanggang ako ay mawala

At pipikit habang salabay ko lahat ng iyong bigat
Andito lagi ang balikat, ilagay mo lang lahat
Mabigat man ang pasakit
May habambuhay pa tayo para di mag-hiwalay

Kung may ibig man sabihin ang salitang sapat
Ito'y nalaman ko sa piling mo, ngiti mo at lahat
Nais kong malaman mong ako'y naniniwala na
Sa payapa
Mula nung araw na nasilayan ka