Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Luci J - Paulit Ulit Lyrics

Paulit ulit mong lakarin
Lampasan mga maling gawain at salain yeah
Ang buhay napakaginto
Tandaan mo na hindi ito basta basta hihinto uulit lang yeah
At babalik at papanik
Kahit anong estado sa lupa ay hahalik yeah
Langit man ang inaasam
Pag-ibig ang sagot kung bakit lahat magaan

Sa isip malayong managinip
Tahimik mo ko kung masisilip
Tinatanaw ko lang naman ang laman bakit magaan
Pagkabuhay mo’y makulay ikaw din ang lalaanan
Ng mga aral, karanasan maging isa
Nilakbay hindi nagsawa ang noong nadarapa
Lumalapit lumalayo nadudurog nahuhubog
Gumagana na ang aral pagtapik sa natutulog
Ng magising halina’t ating lakbayin
Ang ganda ng pagkabuhay ‘wag mong mamasamain
Anu mang problema hindi na matetengga
May araw din ang pagkasagot sa’yong mg asana
Kaya hanapin lakbayin ang ating
Tunay na misyon at leksyon ay palaganapin
May ‘di man maintindihan sa patak ng mga ulan
Tatatak ang magaan habangbuhay ‘wag tantanan kaya

Paulit ulit mong lakarin
Lampasan mga maling gawain at salain yeah
Ang buhay napakaginto
Tandaan mo na hindi ito basta basta hihinto uulit lang yeah
At babalik at papanik
Kahit anong estado sa lupa ay hahalik yeah
Langit man ang inaasam
Pag-ibig ang sagot kung bakit lahat magaan

Lipad kahit medyo mabigat
Walang pigil akong maglalahad
Ng mga karanasan kong san man mapadpad
Tatayo at tatayo ako leon na nalayag
Kilos lakbay ang ginagawa
Salamat sa pamilya ko at sa natutuwa
Sa mga kapatid na nandyan na nung mapala
Sarap ng byahe natin kasi lahat ay masaya
Ang byahe pataas patas to kung maglabas
Pantay to kung masisilip sa loob o labas
Tao sa tao diretso to tumrato
Kumpirmado na kalmado at plantsado ang alas yeah
Paloob tumingin pangarap ay sagarin
Hiling ko din naman ay makatulong sayong hinaing
Yung kahit san mo na dalhin magaan laruin
Kayang lumagay at sumabay liwanag o dilim

Paulit ulit mong lakarin
Lampasan mga maling gawain at salain yeah
Ang buhay napakaginto
Tandaan mo na hindi ito basta basta hihinto uulit lang yeah
At babalik at papanik
Kahit anong estado sa lupa ay hahalik yeah
Langit man ang inaasam
Pag-ibig ang sagot kung bakit lahat magaan

Alam mo yan kung nakikinig ka sakin
Plano sa buhay natin ay wag nating sirain
Papataas lipad di pababa lika
Sa mundong nakabisa dapat mong mabalasa
Dapat may ikakasa saya sa mga galaw
Magpakasasa sa mayron kang aral na tanaw
Balukturin man ang buhay mo
May materyal kang ilalabas para mabuo
Ang mga aral karanasan maging isa
Oo yan ang susi sating pagkakaisa
Ng dibdib pagmamahal ang ihatid
Magtagpo sa pagtawid tulungan mong matuwid
At maklaro ang isip
Damahim mo lang pinugutan ka ng mga salita
Tunutukoy kong pag-ibig at pagdilig ng mga kapareho kong nilikha
Dinig ka halika pasok ka saking panlasa
Mundo ba’y malala na o palala pa ng palala pa kaya

Paulit ulit mong lakarin
Lampasan mga maling gawain at salain yeah
Ang buhay napakaginto
Tandaan mo na hindi ito basta basta hihinto uulit lang yeah
At babalik at papanik
Kahit anong estado sa lupa ay hahalik yeah
Langit man ang inaasam
Pag-ibig ang sagot kung bakit lahat magaan

Luci J - Paulit Ulit (Official Music Video)


LUCI J - PAULIT ULIT (Official Music Video) Prod. by Don Jay

Directed & Edited by Kurt Gonzales
Beat produced by Don Jay
Recorded at So Fly Records
Mixed & Mastered by Brian Luna

Mike Kosa ft. JP Bacallan - Paulit Ulit (Official Music Video)


Mike Kosa - Paulit Ulit Ft. JP Bacallan
Lyrics By: Michael "Mikekosa" Castro & JP Bacallan
Beat Produced By: Mark "Mark Beats" Brogarolas
Recorded At: Kalookals Studio
Mixed By: Mark "Mark Beats" Brogarolas
Directed By: Jayr del Rosario
Edited By: Jayr del Rosario & Arpee Turla

Mike Kosa ft. JP Bacallan - Paulit Ulit Lyrics

1st verse:
Tadhana'y Nagbiro, pinagtagpo pero pinaglayo
away bati, Hindi na tayo magkasundo
puro sigaw nalang Palage at wala ng yakap
nag iisip nalang ng pagkakamali ang hanap
laging binabalik ang mga dating pagtatalo
parang pusa, parang aso, wala ng pagbabago
hampas dito, hampas do'n, hanggang kay'lan to matatapos
preso ng nakaraang di makaalis sa gapos
pag magkasama tayo mga dati Inuungkat
mga tapos na kwento na, pilit pa ding binibuklat
mga dating sugat na naging peklat ay iyong tinutuklap
hindi na'ko makasabat sa dami nang iyong sumbat
imbes na hawak ang kamay, halik sabay akbay
tamang hinala, jusko dai, ang paliwanag ko'y sablay
laging ikaw na lang ang tama, ako laging mali
ngayon ang ating relasyon saan nga ba mauuwi?

Chorus:
Kahit na hindi kita maintindihan
'di to dahilan para ikaw ay aking iwan
ikaw lamang ang aking pinapangarap
mga plano at galaw gusto ko'y kasama ka pang habang buhay

2nd verse:
Tuwing galit , umuusok ang ilong Ibang klaseng magtanong
kung mataya taya man 'to ako ay laging balagong
tsong, mukhang nagkamali ang bunga
dulot ng maging kami, pasakit na sa tuwina
sa paguwi ng bahay, palaging inaamoy
daig pa ang mga bumbero kung san galing ang apoy
kakaiba kung mag isip, siyento pursyento ang hinala
mapang husgang pag ibig, walang hustisyang tiwala
si Kupido, mali yata ang puso na pinana
imbis na pana ay mukhang sibat na ang tumama
sayong dating kasintahan ay wala akong panama
pero ako ay umaasa sa pagibig na hiwaga
matatawag bang martir kung ganito ko magmahal
kahit na sa'king pagtulog, parang gustong masakal
laging ikaw nalang ang tama, ako lagi'ng mali
ngayon ang ating relasyon, saan nga ba mauuwi?

Chorus:
Kahit na hindi kita maintindihan
'di to dahilan para ikaw ay aking iwan
ikaw lamang ang aking pinapangarap
mga plano at galaw gusto ko'y kasama ka pang habang buhay

Paulit ulit nalang ba
ang gusto mo na madama
'di ko alam kung ano ba ang dapat na gawin
upang mabigay sayo ang gusto mo'ng pagtingin

3rd verse:
Tinanggap ng pikit mata ang selos mo at duda
dalawang tainga ko'y takip sa bawat bulyaw mo at mura
bibig ko ay sarado nang wala ng pagtalunan
tanggap kong ako'y mali, nang wala ng pag usapan
nakalipas ay naaalala tuwing nabubulunan
mga pasiya at disisyon, lahat ng to'y tinututulan
walang kaso at atraso na hindi mo hinatulan
ayos lang na mangulungan basta huwag lang maputulan
sinulid na nagdudugtong sa ating dalawa
pag nagmahal ka ba nang tunay, okay magpakatanga?
pag nagtaas na siya kilay, kasabay ko ay kaba
nangangahulugang ang gera ay mag uumpisa na
sayo'y wala akong tinago, naging tapat palagi
tunay nga ba'kong mahal, sayo'ng ganyang pag uugali
kala ko ay totoo, mukhang mali nang pakiwari
puso ko'y biglang nahati na ginamit ay lagari

Chorus:
Kahit na hindi kita maintindihan
'di to dahilan para ikaw ay aking iwan
ikaw lamang ang aking pinapangarap
mga plano at galaw gusto ko'y kasama ka pang habang buhay

Paulit ulit nalang ba
ang gusto mo na madama
'di ko alam kung ano ba ang dapat na gawin
upang mabigay sayo ang gusto mo'ng pagtingin

Mike Kosa ft. JP Bacallan - Paulit Ulit (Lyric Video)


Mike Kosa - Paulit Ulit Ft. JP Bacallan
Lyrics By: Michael "Mikekosa" Castro & JP Bacallan
Beat Produced By: Mark "Mark Beats" Brogarolas
Recorded At: Kalookals Studio
Mixed By: Mark "Mark Beats" Brogarolas
Lyric Video By: Erib "Razor" Mandia

Kristoffer Martin - Paulit Ulit (Official Music Video)


PAULIT ULIT
Performed by Kristoffer Martin
Written by Jam Ruiz
GMA Records Publishing

Directed by: Miggy Tanchanco of SG Production
Special Guest appearance by: Analyn Barro
Make-up by: Julius "Pomposa" Renon
Hair styling by: Maricar Laurent
Wardrobe styling by: Regi Cruz

Kristoffer Martin - Paulit Ulit (Official Lyric Video)


Performed by Kristoffer Martin
Composed by Jam Ruiz
Published by GMA Records Publishing

Kristoffer Martin - Paulit Ulit Lyrics

Ano nga ba itong aking nararamdaman
Na para bang ako ay nasa ulap
Ako’y nagtataka at di ko maintindihan
Ibang iba at di mapaliwanag

Mula ng ikaw ay nakilala ko
Ang puso ko’y biglang nabihag mo

Ako ay paulit-ulit ulit lang
Paulit-ulit ulit lang
Paulit-ulit ulit lang
Ako ay nahuhulog
Paulit-ulit ulit lang
Paulit-ulit ulit lang
Dahil sayo’y nagmamahal muli

Di maiwasang mapasulyap sayo
Dahil ikaw lang ang nilalaman ng puso ko

Mula ng ikaw ay nakilala ko
Ang puso ko’y biglang nabihag mo

Ako ay paulit-ulit ulit lang
Paulit-ulit ulit lang
Paulit-ulit ulit lang
Ako ay nahuhulog
Paulit-ulit ulit lang
Paulit-ulit ulit lang
Dahil sayo’y nagmamahal muli

Wag mong sayangin
Wag mong saktan ang puso ko
Ako’y nagmamahal sayo

Ako ay paulit-ulit ulit lang
Paulit-ulit ulit lang
Paulit-ulit ulit lang
Ako ay nahuhulog
Paulit-ulit ulit lang
Paulit-ulit ulit lang
Dahil sayo’y nagmamahal muli

Paulit ulit lang