Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Kyle Raphael - Paraluman (Official Music Video)


The official music video of "Paraluman" by Kyle Raphael.

Composed by Kyle Raphael Borbon
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced and arranged by Pao Lofranco
Recorded, mixed and mastered by Pao Lofranco at Mancave Studio
Vocals recorded by Kyle Raphael
Additional keys by Brandon J

Kyle Raphael - Paraluman Lyrics

Parang panaginip ang makita
Ang isang katulad mo
At ang kislap ng ‘yong mga mata
At ang ligaya na iyong dala’y ibang-iba

Pero sa liwanag ng umaga ay ika’y nawala
At ‘di man lang nasabi na aalis ka na
Pero hangga’t may bituin sa langit ay ‘di ako nag-iisa
Maalala pa rin kita kahit saan man mapunta

O, paraluman, kelan ka ba mahahagkan
Sabihin mo naman paraluman
Para ‘di na mainip, para ‘di na mag-isip
Kailan ka uuwi paraluman
Lagi kang aabangan kahit pa matagalan
O, paraluman, magpakita ka naman

Sa ’king mga panaginip lang
Makikita ang isang tulad mo (isang tulad mo)
Nanaginip ng gising para bang lasing
Kung saan saan na lang nakatingin
Kung saan saan na lang

Kasi sa liwanag ng umaga ay bigla kang nawala
‘Di man lang nasabi na aalis ka na
Pero hangga’t may bituin sa langit ay ‘di ako nag-iisa
Maalala pa rin kita kahit saan man mapunta.

O, paraluman, kelan ka ba mahahagkan
Sabihin mo naman paraluman
Para ‘di na mainip, para ‘di na mag-isip
Kailan ka uuwi paraluman
Lagi kang aabangan kahit pa matagalan
O, paraluman, magpakita ka

Kahit magbago man ikot ng ating mundo
Kahit na umulan pa man o bumagyo
Hindi magbabago ang pagtingin ko sa ’yo
Pangako sa ’yo andito lang ako
Kung sa panaginip lang muna tayong dalawa
Kahit sa panaginip pangako wala nang iba
Sa puso’t isipan ikaw naman talaga
Pangako sa ’yo andito lang ako

O, paraluman, kelan ka ba mahahagkan
Sabihin mo naman paraluman
Para ‘di na mainip, para ‘di na mag-isip
Kailan ka uuwi paraluman
Lagi kang aabangan kahit pa matagalan
O paraluman, hanggang sa susunod na lang

Kyle Raphael - Paraluman (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Paraluman" by Kyle Raphael.

Composed by Kyle Raphael Borbon
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced and arranged by Pao Lofranco
Recorded, mixed and mastered by Pao Lofranco at Mancave Studio
Vocals recorded by Kyle Raphael
Additional keys by Brandon J