Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

One Click Straight - Paraiso Lyrics

Ikaw ang kahulugan ng pag-ibig
Ang araw na tayo'y magsama ay di kayang isipin
Dahil alam ko ang dami kong pagkukulang
Kahit sa ilang beses na kitang nasaktan
Ikaw ang kahulugan ng pag-ibig

'Di ko akalain
Akin ka na pala
Nagiisang hiling, at ikaw ang himala
Paraiso
'Di ko kayang unawain 'di ka na mawawala

Ako, 'di naman karapat-dapat sayo
Ang gabi na tayo ay nagsama at sabi mo mahal mo ako
Kahit alam mo ang dami kong pagkukulang
Kahit minsan hindi magkaintindihan
Ikaw ang kahulugan ng pag-ibig

'Di ko akalain
Akin ka na pala
Nagiisang hiling, at ikaw ang himala
Paraiso
'Di ko kayang unawain 'di ka na mawawala

Hindi ko akalain
Akin ka na pala
Nagiisang hiling, at ikaw ang himala
Paraiso
'Di ko kayang unawain 'di ka na mawawala

Sa araw at gabi
'Di kailangan magalala
Dahil ngayon ating mundo ay magkaisa