Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Belle Mariano - Pansamantala Lyrics

Di malinaw ang aking dati-rating
Pagtingin sa iyong pagdating
Nangako sa dumaan na bituin
Na hindi na magmamahal muli

Sayang ang oras at panahon
Yan ang aking inakala noon
At sa katigasan ng aking ulo
Ay bigla na lang nahulog sa'yo

Pero puso, ingat na lang
Alam mo namang ito'y pansamantala lang
At di mo alam kung sino ang mangiiwan

Di ko naman sinadyang sumugal
Nagulat na lang bigla ka nang minahal
At kahit alam kong di magtatagal
Ay sumabak pa rin sa laban


Pero puso, isipin mo lang
Alam mo namang wala siyang ibang katulad
Sabihin mo na, bago pa tayo tuluyang lumisan

O puso, sayang naman
Manghihinayang ako pag sadyang
Linimutan ang nagiisang kasintahan

Dito na lang
Harap-harapan, sana'y wala tong hangganan
Sabihin mo lang
Kung ayaw mo kong lumisan

At sa bituing pinangakuan noon
Buti na lang di nagkatotoo
Balik-baliktarin ko pa ang aking mundo
Ay babalik at babalik sayo
Ay babalik at babalik dito

Belle Mariano - Pansamantala (Lyric Video)


Pansamantala
Performed by Belle Mariano
Words & Music by Francesca Johnnae Chua Mahusay
Produced by Roque “Rox” Santos & Belle Mariano
Arranged by Tommy Katigbak
Live guitars by Tommy Katigbak
Vocal Production/Vocal Arrangement by Rox B. Santos, Tim Recla & Cesca
Back up vocals by Cesca
Recorded by Rox Santos
Mixed & Mastered by Tim Recla
Executive Producer Roxy Liquigan

Copyright 2023 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

JRLDM ft. Loonie - Pansamantala Lyrics

[Chorus: JRLDM]
La, la, la, la, la, la, la
La, la, la, la, la
Pansamantala

[Verse 1: JRLDM]
Pansamantala lamang ang amats ng alak
Di ko mapatay ang dapat, kahapon dapat
Nais ko ng tapusin ang lahat ng dahan-dahan
Wala namang papayag kung sakaling magpaalam
La, la, la, la, la, la, la
La, la, la, la, la
Pansamantala
Mukhang mabuti pa na wag na lang na huminga
Kung pareho lang naman sa pagkalunod
Lahat ng galit na ito, galit sa mundo nais masunog
Pagnawawala na ang tama ay di ko na alam
Sasabihin ko pa ba kung hindi mo rin alam kung anong pakiramdam
Dahan-dahan lang na gumuguho ang mga bagay-bagay
Sinungaling ang ginto, di rin magtatagal nakatago pala
Sa pansamantala

[Chrous: JRLDM]
La, la, la, la, la, la, la
La, la, la, la, la
Pansamantala
La, la, la, la, la, la, la
La, la, la, la, la
Pansamantala
Pansamantala lang mu-
(???)

[Verse 2: Loonie]
Usok ang agahan, alak ang pananghalia
Hinahanap-hanap amat na panandalian
Lutang, walang balak makipaglaliman, tila isdang hinampas ng dagat sa dalampasigan
Pansamantalang mga ligaya di ko alam kung bakit di ko maiwan
Walang hanggang saya ang pinakamalungkot na kasinungalingan
"Ba't ako umiinom?" tama kutob mo, para lunurin ang demonyong na sa loob ko
Naging banyaga sa sarili kong bansa napilitan gumawa ng sarili kong mundo
Aaminin ko sayo tinititigan ko ang bukas na mata sa mata para lang makahiram ng saya sa kanya
Kaya wag ka ng magtaka kasi ganyan talaga
Pinakamalaking pagkakamali na aking nagawa ay ang mawala sa piling mo
Di naman ako nagmamadali kaya dahan-dahan kong pinapatay sarili ko
Pumunta sa ka-tropa ang sabi nya sa akin
"Kumusta ka na kosa? Ubos na ba ang droga? Sundot muna ng coca"
Malapit ng magunaw ang mundo na corona, mamamatay tayong sabog umulan man ng bomba

[Outro: JRLDM]
La, la, la, la, la, la, la
La, la, la, la, la
Pansamantala lamang ang amats ng alak
Di ko mapatay ang dapat kahapon dapat
(Pansamantala)
Nais ko ng tapusin ang lahat ng dahan-dahan
Wala namang papayag kung sakaling magpaalam
La, la, la, la, la, la, la
La, la, la, la, la
Pansamantala
Pansamantala lang mu-

JRLDM ft. Loonie - Pansamantala (Official Music Video)


Pansamantala by JRLDM Featuring Loonie

VIDEO CREDITS
Producer: Ryan Armamento
Story & Concept: JRLDM
Director: JJeremy Lim of BLCKMRKT
Director of Photography: Michael Peñalosa
Editor: Jeremy Lim
Colorist: Michael Peñalosa
Photographer: Zaldine Alvaro
BTS Videos: BJ Tangco, Charlene Quinlao
Production Manager: Ma. Monina Cruz
Executive Producer: Music Colony Records for Warner Music Philippines
Special thanks to Mr. Kelley Mangahas (Senior A&R Manager of Warner Music Philippines)

AUDIO CREDITS
Produced by Ryan Armamento
Arranged by Jerald "JRLDM" Mallari
Written by: Jerald Mallari
Mixed by Ryan Armamento at MCR Main Studio
Mastered by Jett Galindo at The Bakery, L.A.
Executive producer: Music Colony Records for Warner Music Philippines

Lala Vinzon - Pansamantala (Official Music Video)


Credits:

Executive Producer: Island Records Philippines
Director: Jason Tan
DOP: Ian Guevara
Cameraman: Timothy Axibal
Production Manager: Red Banque
Location Manager: Jun Banque
Editor: Apol Dating
Colorist: Aurie Anden of Barebones
Camera, Lights & Grip: Voodoo Inc
Hair and Makeup: Yaj Labeo

A&R Manager: Bel Certeza
Creative Director: Chris Costello
Artist Manager: Geri Regondola
Marketing: Aize Naron
Assistant Artist Manager: Jackie Delos Santos

Shot on location at Epic Parc Rainforest, Tanay Rizal

Dresses by MAGS

Music video by Lala Vinzon performing Pansamantala © 2020 Island Records Philippines, a Universal Music Group Company.

Lala Vinzon - Pansamantala Lyrics

Pansamantalang pagmamahalan
Pansamantalang kaligayahan

Sinubukang ibigay ang lahat
‘Di pa nakuntento
Sana ay malaman mo
Na hindi agad ako sumuko

Dumating na rin pala ang oras
Na ika’y bibitaw
Umasa sa mga mga sinabing
Walang iwanan
Ito na ba ang katapusan

Nagsimula ang pagbukas ng mata
Sa panaginip kasinungalingan ang lahat yan ang katotohanan na
Walang magagawa kung aalis ay umalis
Ayoko ng pansamantalang pagmamahalan ohhh…

Naniwala sa mga sinabi mong
Naubos na ang luha
Mga pangako mong napako
‘Di makapaniwala

Dumating na rin pala ang oras
Na ika’y bibitaw
Umasa sa mga mga sinabing
Walang iwanan
Ito na ba ang katapusan

Nagsimula ang pagbukas ng mata
Sa panaginip kasinungalingan ang lahat yan ang katotohanan na
Walang magagawa kung aalis ay umalis
Ayoko ng pansamantalang pagmamahalan ohhh…

Pansamantalang pagmamahalan
Pansamantalang kaligayahan
Ohhh…

Pansamantala

Nagsimula ang pagbukas ng mata
Sa panaginip kasinungalingan ang lahat yan ang katotohanan na
Walang magagawa kung aalis ay umalis
Ayoko ng pansamantalang pagmamahalan
Kung aalis ay umalis
Ayoko ng pansamantalang pagmamahalan ohhh…

Pansamantalang pagmamahalan

Mhot ft. K-Ram - Pansamantala Lyrics

Wag mo nang ipilit pa
Pagkat alam kong motibo at ang ‘yong dahilan
Hindi na kailangan pang pilitin pa
Hindi naman kasi tunay ang nararamdaman
Tayo lang pansamantala (Tayo lang pansamantala)
Pansamantala
Pansamantala
Wag kang mag-alala

Agaw pansin, malagkit ang tingin
Halatang magpapatikim at kahit balak mong masamain
Sasadyain ka nya ng palihim
Hanggang ang tukso ay samantalahin mo na ring kagatin
Palalain na kahit meron kang limitasyon
Sadyang may sitwasyong ‘di palalampasin
Mga malalaswang larawan nya na masaya mong kinakamkam
Pampainit sa katawang maligamgam
Eto ba yung tinatawag nilang pang-aaswang
‘Di pinaborito pero pero panlaman-tyan
Mga pampalibog nya na magaspang
Pag nagbigay ng motibo, taas ang balahibo
Sa labas kaluluwa nya na pagpaparamdam
Nakahandang sumugal kahit sumatutal ay alam nya nang mali
Asahan mo rin na ‘di magtatagal ang ugnayang nakuha lang ng madali
Sya’y nang-aakit pag nangangati
Akala mo langit sa unang amoy
Na dinedemonyo ka lang pala para makipaglaro sa kanya ng apoy
Sya yung tipong ‘di laman ng puso
Kahit bilang pasikreto lang na kalaguyo
Mukhang sa dami ng karanasan natuto
Ayaw nang dinadaliri, ‘di nagpapaturo
Sumasakay nang ‘di alam kung san patungo
Pero gustong sinasagad hanggang sa dulo
At hindi sya natatakot sa gusot na pinapasok
Mukhang sanay na rin naman sya mapasubo

Wag mo nang ipilit pa
Pagkat alam kong motibo at ang ‘yong dahilan
Hindi na kailangan pang pilitin pa
Hindi naman kasi tunay ang nararamdaman
Tayo lang pansamantala (Tayo lang pansamantala)
Pansamantala
Pansamantala
Wag kang mag-alala

Di natin alam
Hanggang saan ang ganitong pakiramdam
Pasabik ng sobra ang kanyang hapit na lonta
Bandang huli ay nakabomba na nga’t wala na ring silbi ang porma
Kapag nanlalagkit na sa mga halik
Gumagaling magmaniobra
Pero ang malupit, sya pa maglalakip sayo ng panakip na goma
Ubos ang pawis ko at lakas na tila trabaho rin ang labas
Ikaw ang amo sa kondisyong nakaposisyon ka sa itaas
Na syang nagaganap madalas sa inuupahang kwarto na makitid
Imposibleng maging tahanan kung wala ring benepisyo na pag-ibig
Sa nakaw na sandali na nga nahilig
Ngunit bawal ang damdamin na mahulog
Walang pakealam sa kasalanan kung sa init ng kawatan na rin nasusunog
Kung mapagod man, sakin ay ayos lang
Magkatabi na muna tayo sa pagtulog
At sige patong lang pero usapan natin ay wala ring maaarin na mahulog
Pagkat kung mabuking man, masakit lang na ‘di ikaw ang mapipili
Kasabihan na sa hulihan ay talagang may pagsisisi
Lohikang napakasimple, itanong mo sa sarili
Na kung madali ka ngang nagagalaw ay pano ka mananatili

Wag mo nang ipilit pa
Pagkat alam kong motibo at ang ‘yong dahilan
Hindi na kailangan pang pilitin pa
Hindi naman kasi tunay ang nararamdaman
Tayo lang pansamantala (Tayo lang pansamantala)
Pansamantala
Pansamantala
Wag kang mag-alala

Mhot ft. K-Ram - Pansamantala (Official Lyric Video)


Beat produced by: Eversince
Lyric video edited by: Rhys

Mixed & Mastered by Nigs @MAKATAHANAN RECORDS

Four Sikatuna - Pansamantala Lyrics

pipikit aking mata
isasandal ang ulo

sa unan na naghihintay
sa mga yakap mo

dahan-dahang maglalakbay
ang isip at damdamin
ito ang tanging paraan
para makasama mo

managinip at wag kang gigising
ng hindi mo ako kapiling
managinip ka
managinip ka
managinip at wag kang gigising
ng hindi mo ako kapiling
managinip ka
managinip ka

hihimbing sa pag-idlip
gagawa ng alaala nating dalawa
na pansamantala
at pagmulat ng mata
may bakas ng luha
sa tuwing ako ay gigising
nagpapaalam ka

managinip at wag kang gigising
ng hindi mo ako kapiling
managinip ka
managinip ka
managinip at wag kang gigising
ng hindi mo ako kapiling
managinip ka
managinip ka

managinip at wag kang gigising
ng hindi mo ako kapiling
managinip ka
managinip ka
managinip at wag kang gigising
ng hindi mo ako kapiling
managinip ka
managinip ka

managinip, yeah
managinip
managinip ka

Four Sikatuna - Pansamantala (Official Lyric Video)


Four Sikatuna - Pansamantala - Official Lyric Video

Curve Entertainment