Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Ben&Ben - Paninindigan Kita Lyrics

Kakainis na ayaw mong
Maniwalang mahal kita
Ano pa bang kailangan kong
Patunayan sa'yo sinta?

Pero naiintindihan ko naman
Iniiwasan mo lang masaktan
Di ka madedehado, kung sasagutin mo lang ako

Paninindigan kita, oo
Mamahalin kitang buong buo
Kahit sa pagtanda, ako'y sa'yo

Paninindigan kita, oo
Anumang sabihin ng magulong mundo
Kahit ayaw nilang ako'y sayo
Ika'y iingatan ko

Kakakilig ka sa tuwing
Lumalapit ka na sinta
Nawawala ang angas ko
Pilit man na itago pa

Mm, grabe kasi kung pano mo 'ko itahan
Kapag napupuno na'ko
Sa ingay ng paligid, ikaw ang aking
Katahimikan

Paninindigan kita, oo
Mamahalin kitang buong buo
Kahit sa pagtanda, ako'y sa'yo

Paninindigan kita, oo
Anumang sabihin ng magulong mundo
Kahit ayaw nilang ako'y sayo
Ika'y iingatan ko

Paninindigan kita

Sasamahan ka kahit na
Napapalibutan ng mga problema
Sa hirap at ginhawa
Dadamayan kita, sinta

Paninindigan kita, oo
Kahit alam kong, tayo'y magbabago
Magmula umpisa hanggang dulo

Paninindigan kita
Paninindigan kita
'Wag kang mag alala, ako'y
Siguradong sigurado

Paninindigan kita, oo
Mamahalin kitang buong buo
Kahit sa pagtanda, ako'y sa'yo

Paninindigan kita, oo
Anumang sabihin ng magulong mundo
Kahit ayaw nilang ako'y sayo
Ika'y iingatan ko

Paninindigan kita
Paninindigan kita
Paninindigan kita
Ika'y iingatan ko
Paninindigan kita
At aalagaan ko
Paninindigan kita
Kung andito na rin tayo
Paninindigan kita
Panindigan na natin 'to

Ben&Ben - Paninindigan Kita (Official Lyric Video)


Ben&Ben - Paninindigan Kita | Official Lyric Video

Description:

Paninindigan Kita
Written by Paolo Benjamin & Miguel Benjamin
Arranged by Ben&Ben
Produced by Jean Paul Verona, Sam Marquez, and Ben&Ben
Mixed by Jean Paul Verona
Mastered by Leon Zervos

Illustration by Isobel Funk
Animation by Emil Reoma
Creative Direction by Karen Dela Fuente