Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Pio Balbuena ft. Bosx1ne - Pangmatagalan Lyrics

BOSX1NE:
Woah
Yeah yeah

‘Di mo kailangan mag-uwian
Sama ka na sakin, ‘di lang minsan
Gusto ko ay araw-araw kiss lang
Walang masama ‘pag susubukan, yeah
Ilang beses mo na’ko na sinamahan, yeah
Gusto ko ngayon naman pangmatagalan, yeah

PIO:
Ikaw ang lagi kong kasama, hindi ka nawawala
Inalalayan mo’ko nung yung mata ko namamaga
Umiiyak pa nga ’ko non sa problema na malala
Pinatayo mo ‘ko kahit ilang ulit na nadapa

Kung sakali na mali, itinatama mo lahat
Akala ko kasi dati tanghali lang ang tapat
Pero nandiyan ka lalong-lalo na kapag
Magulo ang mundo ko, nanatili kang matatag

Kaya kahit may problema, napapangiti
Wag mo’kong hawakan diyan, nakakakiliti
‘Pag bumubulong ka na talagang nakakabingi
Tumatayo yung balahibo ko nang nakatabingi

Nakakakilig ‘pag magkasama tayo
Nakakanginig ‘pag nasa kama tayo
Sasamahan kita kahit na malayo
Sumakay ka sa’kin, ako ang kabayo

BOSX1NE:
‘Di mo kailangan mag-uwian
Sama ka na sakin, ‘di lang minsan
gusto ko ay araw-araw kiss lang
Walang masama kung susubukan, yeah
Ilang beses mo na’ko na sinamahan, yeah
Gusto ko ngayon naman pangmatagalan, yeah

Yeah na na yeah
Pangmatagalan na
Na na yeah
Pangmatagalan

PIO:
Minsan nagtatalo
Ikaw lang ang panalo
‘Pag araw ng dalaw bigla kang namamalo
Tapos tamang hinala
Kaya ako’y kabado
Ang hirap tantiyahin ng utak mong pabago-bago

T’wing aalis tayo ang tagal mo mag-ayos
Nakabihis na’ko pero hindi ka pa rin tapos
At halos hindi na kita maintindihan
Minsan nagagalit ka nang walang dahilan

Pero ‘pag bati na tayo ang sarap mo halikan
Sabay ngiti ka na, hindi ka nakakasawang tingnan
Kaya nandito lang ako basta nandiyan ka lang
Hindi ka papabayaan, ‘yan ang laging tandaan

Nakakakilig ‘pag magkasama tayo
Nakakanginig ‘pag nasa kama tayo
Sasamahan kita kahit na malayo
Sumakay ka sa’kin, ako ang kabayo

BOSX1NE:
‘Di mo kailangan mag-uwian
Sama ka na sakin, ‘di lang minsan
gusto ko ay araw-araw kiss lang
Walang masama kung susubukan, yeah
Ilang beses mo na’ko na sinamahan, yeah
Gusto ko ngayon naman pangmatagalan, yeah

Yeah na na yeah
Pangmatagalan na
Na na yeah
Pangmatagalan

Pio Balbuena ft. Bosx1ne - Pangmatagalan (Official Lyric Video)


“Pangmatagalan”
Written by Pio Balbuena and Mark Maglasang
Mixed and mastered by Pio Balbuena and Bosx1ne at Ex Battalion Music Studio

Viva Records