Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Rockalyt - Pandemya Lyrics

Alam n’yo bang
‘Wag na natin s’yang tanungin
Lumuhod habang umiiyak
Manalanging ng taimtim
Ikaw ang buhay at tagapagligtas
Yakapin ang mundo
Nakikiusap ako sa’yo

Hanggang kailan kaya matatapos ang sakit na ‘to
Bilang na yata mga tao dito sa mundo
Ang titigas pa ng ulo ng mga ito
Pasintabi na rin dyan sa kasama mo
Na walang ginawa kundi magsalita
Habang busog sa salapi at sawang sawa
Ang kakapal ng mukha galing sa masama
Habang gutom ang iba at walang wala
Kung kaibigan kita, payo ko lang sa’yo
Matuto kang sumunod sa sakunang ito
Walang mahirap mayaman lahat pantay
Wag mong solohin mabuhay ika’y sablay

Isipin mo ang mga tao sa paligid mo
Na halos ‘di kumain matutulog lang sa hangin
Iipunin n’ya ang tubig para bukas may pang hain
Sa mahal nya sa buhay sa dasal lang kumakapit
Singkwenta pesos maghapon pagkakasyahin
Patis o toyo ulam halo dito sa amin
Pero ayus lang yan basta’t tayo’y buhay
Mananatiling matibay ng sabay sabay
Matuto kang sumunod sa agos ng panahon
‘Wag kang masilaw doon sa kinikita ngayon
‘Wag madalas lumabas, ika’y sumunod sa batas
Matuto kang pumantay ng hawak kamay

‘Di ko sinabing mali ang dumiskarte
Basta’t tamang paraan wala kang huli
Isang sakong kaban para kay ate
Tatlong kilong bigas lang sinasabi
Lahat pinapadaan taong maparaan
Hangga’t mayro’n pang lagay pang sapin sa tiyan
Mga taong praning mga nagmamagaling
Kahit anong idaing lumulusot ang hiling
Kung gusto n’yong maligtas wala ng aatras
Matuto daw rumespeto sa ating batas

Kayo namang mga maghapon na nakaupo
‘Wag nyong hayaan lumusot kung namigay ng tuyo
‘Wag n’yong piliin kung apat o dalawa ang gulong
Kahit anong ibulong walang sagot sa tanong
Bato sa langit ang tamaan ay magalit
Paki ko sa magagalit sa katulad kong maliit

Singkwenta pesos maghapon pagkakasyahin
Patis o toyo ulam halo dito sa amin
Pero mapalad pa rin tong mga kupal na ‘to
Nananatiling matibay dito sa mundo

Alam n’yo bang
‘Wag na natin s’yang tanungin
Lumuhod habang umiiyak
Manalanging ng taimtim
Ikaw ang buhay at tagapagligtas
Yakapin ang mundo
Nakikiusap ako sa’yo

Matalik kong kaibigan pasensya lang
Meron akong salapi isang daan na lang
Pilit mo mang singilin sa sabado na lang
Kahit hirap sa diskarte tiis na lang
Hindi lahat totoo tanaw na yong mata
Pilit nilang pinapakita na sila’y masaya
Walang laman ang sikmura nasusuka
Halos maduling sa gutom pero ‘di tumba

Singkwenta pesos maghapon pagkakasyahin
Patis o toyo ulam halo dito sa amin
Pero ayus lang yan basta’t tayo’y buhay
Mananatiling matibay ng sabay sabay

Matuto kang sumunod sa agos ng panahon
‘Wag kang masilaw doon sa kinikita ngayon
‘Wag madalas lumabas, ika’y sumunod sa batas
Matuto kang pumantay ng hawak kamay

Matuto kang sumunod sa agos ng panahon
‘Wag kang masilaw doon sa kinikita ngayon
‘Wag madalas lumabas, ika’y sumunod sa batas
Matuto kang pumantay ng hawak kamay

Alam n’yo bang
‘Wag na natin s’yang tanungin
Lumuhod habang umiiyak
Manalanging ng taimtim
Ikaw ang buhay at tagapagligtas
Yakapin ang mundo
Nakikiusap ako sa’yo

Bathala…

Rockalyt - Pandemya (Music Video)


PANDEMYA (Rockalyt)