Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

esseca ft. Asiong De Luna - Pahimakas (Official Music Video)


Executive Produced by: Viva Records
Directed, shot, edited by: Melvin Dave
Prod Assist: Roger Divino
Production: TMP Prod Inc.
Produced by: Esseca
Studio: Nine Studio/Space
Lights: Rest Day Studios

Esseca ft. Asiong de Luna - Pahimakas Lyrics

Mga luha sa aking mata
Sa ‘king puso may iniinda (May iniinda pa ba)
Tila sariling mundo’y nilikha
Kung saan doo’y walang naninita (Walang naninita)
Tara samahan mo ako sa pagpinta
Tanging ikaw lang ang inimbita (Ikaw lang inimbita)
Oh sinta pwede ba halika na
Halika na, (Hmm, tara)

Tutuparin ko pa rin ang mga pangako kahit wala ka
Wala nga bang tiyansa onting pag-asa
Na makasama ako’y umaasa
Na sana iyong dinggin mga pangako na saksi ang bituin
Mga gabing sa’yo lang ang tingin
(Sa ‘yo lang tingin) Hirap alisin
Ang hirap alisin, ano ba ‘yan

Pa’no mo ba ako nalimutan
Kasi alam ko na mahirap na mawala lahat sa isang iglap
Kaya kung pwedeng ibalik pa natin ang lahat sa dati
Pangakong ‘di na mauulit
Ako ay ayos na at maaabot ko na
Mga pangarap nating dalawa
Ako na’ng bahala hihiling kay bathala
Kahit na ako na lang ang mag-isa

Hanggang ngayon (Hanggang ngayon)
Hirap pang bumangon (Hirap pang bumangon)
Gawang nandito pa’ng kirot ng kahapon
(Ang kirot mula kahapon)
Andami-daming pagsisisi kung bakit ‘di ka nanatili
At bakit ‘di ako ang ‘yong napili

Pa’no mo ba (Bakit ‘di ako)
Ako nalimutan (Bakit ‘di ako)
Kasi alam ko na mahirap (Bakit ‘di ako)
Na mawala lahat sa isang iglap
Kaya kung pwedeng ibalik pa natin ang lahat sa dati
Pangakong ‘di na mauulit

Ang dami ko pang gustong sabihin
Sana nama’y ito’y makarating na pinaparating ko
Pangarap ko sanang maulit ang ating mga sandali
At ng makatabi ka sa dating gawi’t makapagpagabi
Kundi maaaraing ika’y makapiling sa ‘king panaginip

Pa’no mo ba (Pa’no mo ba)
Ako nalimutan (Ako nalimutan)
Kasi alam ko na mahirap (Mahirap)
Na mawala lahat sa isang iglap
Kaya kung pwedeng ibalik pa natin ang lahat sa dati
Pangakong ‘di na mauulit
Ipilit ko man ating nakaraan
At mga bagay na ating nakasanayan (Nakasanayan)
Ay haharapin ang masakit na katotohanan na
Hindi na babalik hindi na babalik hindi na babalik pa