Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Bandang Lapis - Pagsisisi (Official Music Video)


Pagsisihan na natin ang ating mga nagawang mga kasalanan sa ating mundong ginagalawan dahil darating ang panahon kung sann magkakaron ng katapusan ang lahat. - Bandang Lapis

Bandang Lapis - Pagsisisi Lyrics

Patawarin mo ako
Sa lahat ng aking kasalanan
Pinagsisihan ko ang lahat
Sa pagkakamali ko sa’yong nagawa

Hinatak na ng hangin
Nilamon na ng lupa
Ang ating pagmamahalan
‘Di ko akalain
Na magkakaroon ng lamat
Matagal nating pagsasama

‘Di ko sinasadya
Maakit sa diwatang
Nababalot ng hiwaga

Dahil naging marupok na parang kahoy
Ang puso kong ito

‘Di na muling pagtatagpuin
Ang mga pusong nilason ng tadhana
‘Di na kita mababalikan
Dahil sa lahat ng nagawa ko sa’yong

Kasalanan!
Kasalanan!

Matagal kong pinag-isipan
Kung tama ba ang landas
Na aking tinatahak
‘Di ko inaakalang
Naliligaw na pala
Ako ng daanan

Imbis na lumalapit
Napapalayo sa iyo
Ang aking sarili

Dahil naging marupok na parang kahoy
Ang puso kong ito

‘Di na muling pagtatagpuin
Ang mga pusong nilason ng tadhana
‘Di na kita mababalikan
Dahil sa lahat ng nagawa ko sa’yong

Kasalanan!

Bakit nangyari sa’tin to?
Nawala ang lahat!

‘Di na muling pagtatagpuin
Ang mga pusong nilason ng tadhana
‘Di na kita mababalikan
Dahil sa lahat ng nagawa ko sa’yong

Kasalanan!
Kasalanan!
Kasalanan!

Bandang Lapis - Pagsisisi (Official Lyric Video)


Lyric Video Creator : Yancy Vance E. Francisco
Recorded by : Banana Rising
Mixed and Mastered by : Christian James Go

Bandang Lapis
Members :
Lesther Abano
Mark Jay Nievas
Lenrey Beltran
Leandro Repuno
Ryan Paul Marangga
Jomari Gabriel Luna
Ivan Morallos