Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Team Katagumpay ft. RNDP, NokNok Paputok - Puro Dahilan Lyrics

Pagod ka na? ano’ng nangyayari?
Nagliliyab ang puso ngayo’y di ko na mawari
Sinong may kasalanan? Ako ba na iniwan?
Hangad ko lang na makasama ka pero bakit binitawan
Ako itong pagod kakaisip ko sayo
Kahit gusto ko ng bitawan tong nilulumot mong templo
Sino may kasalanan, ako na iniwan?
O ikaw na nagbuo noon ngayo’y di masilayan
Wag mong isisisi, sa araw na mainit lalo na sa reynang ulap
Bawat patak ay sulit, ulit ulit na tayo
Para humayo dumayo para pumalo kumayod
Wasakin na ang yong bakod ng, katamaran
Tol, di ka pwede dyan
Uubusin mo lang, oras walang lalagyan
Pag nakuha mo yan, di na papalag yan
Sumabay ka sa awit lahat ay kaloob ng langit
Wala ng bakit, REALTALK!

Puro dahilan! (Bakit puro dahilan, bakit puro dahilan)
Nagdidilim mong kalangitan
Sunod sunuran sa karamihan
Walang babalikan! (Wag ka ng magbabalik, walang maghahatid)
Liwanag mong taglay taglay
Sabi ni kosa to’y isang tulay

Ganto pala sa simula, pag nangangarap kang nakatingala
Takot at duda sa bawat galaw, aking bitbit natatanging ikaw
Alam kong mithi mo ring mapasaakin, dahil ikaw ang tangi kong dalangin
Pasensya ka na aking minamahal ako lang ang dapat mong sisihin
Ngayon narinig ko na iyong damdamin
Yung magtanim muling papangarapin
Para sa bahay, kotse’t mga dalangin
Gamit ang dugo’t pawis makakamit din natin
Pero tanggap kong hindi madali
Dahil ang bunga’y galing sa binhi
Patawad po sa pagmamadali
Nagpatalo sa iyak at hikbi
Kaya gumising at ilaban ang nasimulan
Iwasan magtapon ng grasya sa iyong kaban
Tandaan bilang na tao lang mga nakalaan
At wag kang papayag na di ka makakasama dyan

Puro dahilan! (Bakit puro dahilan, bakit puro dahilan)
Nagdidilim mong kalangitan
Sunod sunuran sa karamihan
Walang babalikan! (Wag ka ng magbabalik, walang maghahatid)
Liwanag mong taglay taglay
Sabi ni kosa to’y isang tulay

Kung may gusto ka kuhanin mo
Di pwede yung puro lang gusto
Lugmok na nga ang buhay mo
Kung wala kang gagawin ay uulit lang to
Kahirapan tinutukoy ko’t ayaw ng tignan pabalik
Tapos na kong madaanan yung buhay na matarik
Ambisyoso man kung pangarap ay labis
Sabik na kong makuha yung bungang ninanais
Kumilos na tayo tumayo at magpadayon
Maghihirap muna tayo hanggang kusang sumang-ayon
Palagi tayong aahon kahit malaglag ang dahon
Kung di ka gigising ngayon ay may ibang magbabangon
Tumingala at itaga mo ngayon sa tanikala
Kuhanin mo para sayo yung kanila’y sa kanila
Di baleng mabilad masunog tayo dyan sa initan
Kaysa matulog lang sa lilim na laging nag aabang lang

Puro dahilan! (Bakit puro dahilan, bakit puro dahilan)
Nagdidilim mong kalangitan
Sunod sunuran sa karamihan
Walang babalikan! (Wag ka ng magbabalik, walang maghahatid)
Liwanag mong taglay taglay
Sabi ni kosa to’y isang tulay

(Bakit puro dahilan, bakit puro dahilan)

Team Katagumpay ft. RNDP, NokNok Paputok - Puro Dahilan (Official Music Video)


" PURO DAHILAN " - Team Katagumpay feat. RNDP, NokNok Paputok (Official Music Video)

`