Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Neo Domingo - Kasama (Official Music Video)

OFFICIAL MUSIC VIDEO of "Kasama" (Bakit Ka Nag-Stay OST)

Interpreted by: Neo Domingo
Written by: Pancho Maniquis​
Composed and Arranged by: Carlo Capulong

Neo Domingo - Kasama Lyrics

Umiiyak ka na naman
Sabihin mo sa akin ang dahilan
Pakiramdam mo ay tutulungan gumaan
Kasama mo ako ika’y pakikinggan

Ikaw ang bituin sa aking gabi
Sa mga yakap mo’t halik ako’y mananatili
Aalagaan ka sa bawat sandali
Lahat ng pangako sa iyo hindi mababali
Hindi mababali

Salamat at dumating ka sa aking buhay
Ikaw ang tanging nagbigay sa mundo ko ng kulay
Sasamahan ka sa bawat paglalakbay
Walang hanggang pagmamahal tanging sa’yo iaalay
Iaalay

Balat ko ma’y mangulubot sa katandaan
Ipapaalala sa iyo ang mga nagdaan
Pangako ko’y hindi ka iiwanan
Hanggang sa huling hininga ika’y dadamayan
Dadamayan

Salamat at dumating ka sa aking buhay
Ikaw ang tanging nagbigay sa mundo ko ng kulay
Sasamahan ka sa bawat paglalakbay
Walang hanggang pagmamahal tanging sa’yo iaalay
Iaalay

Ika’y dadamayan kahit kailan
Hindi ka iiwan, ika’y sasamahan
Tayo lang hanggang sa dulo
O, tayo lang. Tayo lang