Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Soulstice ft. Peso Mercado - Nadine Lyrics

Okay na din ako kahit na wala ka
Salamat sa ilang taon na pagsasama
Hindi na bale na tayo’y hanggang dito na lang
Makakabangon din ako sating nakaraan

Okay na din ako (3x)
At pangako na di na to muling babalik sayo
Hinding hindi na
Pinagtagpo pero hindi tinadhana
Kung kelan tayo nagtagal tsaka nagsawa
Yung dating tayo biglang naglaho
May naipalit ka na bang bago?
Ano bang nagawa ko?
Bakit ka nandaya?

Pinipilit kong intindihin kung ano ang maling nagawa ko
Ngunit parang wala naman kasi ikaw lang satin ang nagbago
Parang hindi na ikaw yan kaya ito na yata tanging paraan
Para maibalik yung mga dating ngiti ko kala ko tayo na sa dulo
Pero di pala kasi yung mahalin ka’y pagkakamali ko

Lahat ng aking pagmamahal di pala naging sapat sayo
Ngunit kahit na ganon sana ay di tayo magka-ilangan
Kung dati ikaw ang buhay ko ngayon di na kita kailangan
Dahil la na kong balak pang bumalik hindi na din ako nananabik
Sa pag-ibig mong pabigla-bigla sa iba’y bigla na lamang pumanik

Okay na din ako kahit na wala ka
Salamat sa ilang taon na pagsasama
Hindi na bale na tayo’y hanggang dito na lang
Makakabangon din ako sating nakaraan

Okay na din ako (3x)
At pangako na di na to muling babalik sayo
Hinding hindi na

Ano bang maling ginawa ko sayo?
Bat sa ganito pa tayo nauwi?
Pinipilit kong isipin kung san ako nagkulang
Busog naman sa yakap at halik
Yung pakiramdam na dinaramdam ko
Ay tila sakit na walang lunas, luhang pumatak na sarili ko nagpunas
Kung pwede malasing ng wala ng hulas (uh)

Kasi hinde, pwedeng makipaglokohan sa aking anino
Hindi rin kaya ng mata ko na makita kita sa iba lamang at sa kung sino (sino)
Kahit pa na pilitin mong umahon sa sakit ng dulot ng kahapon
Mas hihilingin ko pa rin sa taas na ikaw ang katabi ko sa pagbangon

Sa bawat umaga halos di na makabangon sa’king kama
Aminadong hinahanap ka pa rin pero di bali na lang din at wag na lamang na umasa
Kaysa makipagbiruan pa ako sa tadhana’t muli ko akong seryosohin
Ay wag na lang din mas maiging limutin lahat at aking palayain
Ang puso at isip tama na (uhhh)

Wala na dapat pag-usapan at wala ng dapat pa na ibalik pa
Mga yakap at halik na akala ko ay sakin lang
Pero tang*na higit sa lahat ay ako lang pala
Ang pinaka nagmalasakit sating samahan
Kung alam mo pa yon pero di din magtatagal
Ay burado ka na pagdating ng panahon

Okay na din ako kahit na wala ka
Salamat sa ilang taon na pagsasama
Hindi na bale na tayo’y hanggang dito na lang
Makakabangon din ako sating nakaraan

Okay na din ako (3x)
At pangako na di na to muling babalik sayo
Hinding hindi na

Oh bakit ba ganito?
Wala naman akong ginagawang mali sayo
Tipong lahat sayo ay iniintindi ko
Di maka hindi sa gusto mo
Para lang maging masaya kahit na puro problema yeah
Pano naman kalagayan ko kung iniisip mo sarili mo ohhh…
Wala ka na rin magagawa kahit ibalik pa sa dati

Sana nga ay lumipas
At dumating na bukas
Na di na kita maaalala muli
Yung maging tayo ay pagkakamali
Ilang taon na pagsasama nawala dahil sa sandal
Na saya, sa iba, bakit ba? Ika’y nag-iba

Okay na din ako kahit na wala ka
Salamat sa ilang taon na pagsasama
Hindi na bale na tayo’y hanggang dito na lang
Makakabangon din ako sating nakaraan

Okay na din ako (3x)
At pangako na di na to muling babalik sayo
Hinding hindi na

Soulstice ft. Peso Mercado - Nadine (Official Lyric Video)


SOULSTICE - NADINE ft. Peso Mercado (Official Lyric Video)

Soon on all Digital Platforms
Lyric Video / Cover Art by: @rainiercrescini_