Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Mike Kosa ft. Big Chop - Sana All Tayo sa Christmas Lyrics

kumpleto sa rekados wala ni isa na maiiwan
preparado na sa mesa ang alak at pulutan
walang drama at maoy, tuloy lang ang walwalan
at kampay para sa lahat ng tropa na lumisan

palitan ng regalo merong luge may panalo at merong abunado
sobrang dami di ko mabilang ang lahat ng imbitado
sasalubungin ang pasko na merong videokeng kasalo
safe lang sa tondo sa aming teritoryo
pausukin natin ang lahat ng aming inirolyo
espesyal ang mga bisita, tuloy sa iskinita
walang problema sa dagupan, raxabago't quiricada
ang daming carolers sa labas
christmas light nakasabit sa taas
basta pinasa ko sayo ay bawal ng pumass
maging masaya "sana all tayo sa christmas"

ramdam mo na ba ang lamig ng kapaskuhan
nawa'y matupad kung ano mang sinimulan
sana all tayo sa christmas (sana all tayo sa christmas)
sana all tayo sa christmas (sana all tayo sa christmas)
ilatag ang mahabang mesa sa labas
tayo ay magsaya malasing man o ma gobas
sana all tayo sa christmas (sana all tayo sa christmas)
sana all tayo sa christmas (sana all tayo sa christmas)

salute to all gangstas na nag ayos
imbes na away sa alak tayo magtuos
tapos na ang parinigan tayo'y magpagalingan
palitan ng musika dugong kumalat sa lansangan
uso na ang peace pwede nating ibahagi
mas okey magbuo kesa na maghati hati
let's talk about business, sa isip ba sumagi
pagmamahal ang ibalik sa katunggaling sabik sa bawi
dahil noche buena kasi ngayong gabi
ang daming baby cakes na masisipat sa tabi
kahit na anong sabihin nyo wala kaming paki
musika at negosyo make money lang kami
hiphop scene paangat ng paangat
mga lokal brand pakalat ng pakalat
mukhang nagbunga ng lahat magmula sa umpisa
paki hintay na lang ang inyong sobre ng pula

ramdam mo na ba ang lamig ng kapaskuhan
nawa'y matupad kung ano mang sinimulan
sana all tayo sa christmas (sana all tayo sa christmas)
sana all tayo sa christmas (sana all tayo sa christmas)
ilatag ang mahabang mesa sa labas
tayo ay magsaya malasing man o ma gobas
sana all tayo sa christmas (sana all tayo sa christmas)
sana all tayo sa christmas (sana all tayo sa christmas)

hayaan nyong magpasalamat, sa inyo't iparating
na kung hindi dahil senyo ay hindi ko narating
sa kasiyahan, kalungkutan at ilang mga daing
napailing sa aking mga napagbigyan hiling
salamat po panginoon sa pagbibigay gabay
naitawid ko ang pangarap ko na nag iisang tulay
naging ligtas ang pamilya, kumpleto at buhay
maging meron o wala ay dyaan kami sanay at
wait nyo mga regalo mga inaanak
na ma get ang mega jackpot ni ninong sa slot
hahahay this december napakasarap
every one, merong chances absuelto na lahat
kahit sana di pasko tayo tayo magbigayan
hatakan tayo pataas sabay sabay na mag angatan
at dahil espesyal ang kanyang kapanganakan
selebrasyon ito ng ating pagmamahalan

ramdam mo na ba ang lamig ng kapaskuhan
nawa'y matupad kung ano mang sinimulan
sana all tayo sa christmas (sana all tayo sa christmas)
sana all tayo sa christmas (sana all tayo sa christmas)
ilatag ang mahabang mesa sa labas
tayo ay magsaya malasing man o ma gobas
sana all tayo sa christmas (sana all tayo sa christmas)
sana all tayo sa christmas (sana all tayo sa christmas)

Mike Kosa ft. Big Chop - Sana All Tayo sa Christmas (Lyric Video)


Written and Performed by: Mike Kosa & Big Chop of Kalookals

Beat Produced by Blast Beats
Mixed and Mastered by : Blaster Cordez
Recorded At : Kalookals Musik Recording Studio

Ian Angeles ft. Mike Kosa - Wrong Pick (Official Music Video)


Ian Angeles feat. Mike Kosa - Wrong Pick (Official Music Video)

Universal Reccords PH

Zargon x Mike Kosa ft.Twin Wolves - Triburitmo (Official Music Video)


Artist

MikeKosa
Zargon
TwinWolves

Video Editor
Iyazu Tokogawa

Videographer

Mar Peralta
Adrian Talavera
KidoFlix

Mike Kosa ft. JP Bacallan - Paulit Ulit (Official Music Video)


Mike Kosa - Paulit Ulit Ft. JP Bacallan
Lyrics By: Michael "Mikekosa" Castro & JP Bacallan
Beat Produced By: Mark "Mark Beats" Brogarolas
Recorded At: Kalookals Studio
Mixed By: Mark "Mark Beats" Brogarolas
Directed By: Jayr del Rosario
Edited By: Jayr del Rosario & Arpee Turla

Mike Kosa ft. JP Bacallan - Paulit Ulit Lyrics

1st verse:
Tadhana'y Nagbiro, pinagtagpo pero pinaglayo
away bati, Hindi na tayo magkasundo
puro sigaw nalang Palage at wala ng yakap
nag iisip nalang ng pagkakamali ang hanap
laging binabalik ang mga dating pagtatalo
parang pusa, parang aso, wala ng pagbabago
hampas dito, hampas do'n, hanggang kay'lan to matatapos
preso ng nakaraang di makaalis sa gapos
pag magkasama tayo mga dati Inuungkat
mga tapos na kwento na, pilit pa ding binibuklat
mga dating sugat na naging peklat ay iyong tinutuklap
hindi na'ko makasabat sa dami nang iyong sumbat
imbes na hawak ang kamay, halik sabay akbay
tamang hinala, jusko dai, ang paliwanag ko'y sablay
laging ikaw na lang ang tama, ako laging mali
ngayon ang ating relasyon saan nga ba mauuwi?

Chorus:
Kahit na hindi kita maintindihan
'di to dahilan para ikaw ay aking iwan
ikaw lamang ang aking pinapangarap
mga plano at galaw gusto ko'y kasama ka pang habang buhay

2nd verse:
Tuwing galit , umuusok ang ilong Ibang klaseng magtanong
kung mataya taya man 'to ako ay laging balagong
tsong, mukhang nagkamali ang bunga
dulot ng maging kami, pasakit na sa tuwina
sa paguwi ng bahay, palaging inaamoy
daig pa ang mga bumbero kung san galing ang apoy
kakaiba kung mag isip, siyento pursyento ang hinala
mapang husgang pag ibig, walang hustisyang tiwala
si Kupido, mali yata ang puso na pinana
imbis na pana ay mukhang sibat na ang tumama
sayong dating kasintahan ay wala akong panama
pero ako ay umaasa sa pagibig na hiwaga
matatawag bang martir kung ganito ko magmahal
kahit na sa'king pagtulog, parang gustong masakal
laging ikaw nalang ang tama, ako lagi'ng mali
ngayon ang ating relasyon, saan nga ba mauuwi?

Chorus:
Kahit na hindi kita maintindihan
'di to dahilan para ikaw ay aking iwan
ikaw lamang ang aking pinapangarap
mga plano at galaw gusto ko'y kasama ka pang habang buhay

Paulit ulit nalang ba
ang gusto mo na madama
'di ko alam kung ano ba ang dapat na gawin
upang mabigay sayo ang gusto mo'ng pagtingin

3rd verse:
Tinanggap ng pikit mata ang selos mo at duda
dalawang tainga ko'y takip sa bawat bulyaw mo at mura
bibig ko ay sarado nang wala ng pagtalunan
tanggap kong ako'y mali, nang wala ng pag usapan
nakalipas ay naaalala tuwing nabubulunan
mga pasiya at disisyon, lahat ng to'y tinututulan
walang kaso at atraso na hindi mo hinatulan
ayos lang na mangulungan basta huwag lang maputulan
sinulid na nagdudugtong sa ating dalawa
pag nagmahal ka ba nang tunay, okay magpakatanga?
pag nagtaas na siya kilay, kasabay ko ay kaba
nangangahulugang ang gera ay mag uumpisa na
sayo'y wala akong tinago, naging tapat palagi
tunay nga ba'kong mahal, sayo'ng ganyang pag uugali
kala ko ay totoo, mukhang mali nang pakiwari
puso ko'y biglang nahati na ginamit ay lagari

Chorus:
Kahit na hindi kita maintindihan
'di to dahilan para ikaw ay aking iwan
ikaw lamang ang aking pinapangarap
mga plano at galaw gusto ko'y kasama ka pang habang buhay

Paulit ulit nalang ba
ang gusto mo na madama
'di ko alam kung ano ba ang dapat na gawin
upang mabigay sayo ang gusto mo'ng pagtingin

Mike Kosa ft. JP Bacallan - Paulit Ulit (Lyric Video)


Mike Kosa - Paulit Ulit Ft. JP Bacallan
Lyrics By: Michael "Mikekosa" Castro & JP Bacallan
Beat Produced By: Mark "Mark Beats" Brogarolas
Recorded At: Kalookals Studio
Mixed By: Mark "Mark Beats" Brogarolas
Lyric Video By: Erib "Razor" Mandia

Pareng Elbiz ft. Mike Kosa - Maniwala Ka (Official Music Video)


Pareng Elbiz - Maniwala Ka Feat. Mike Kosa

Written By:
Pareng Elbiz
Mike Kosa

MOTUS PRODUCTIONS

Directed By: MZhayt
Edited By: John Cris Dela Cruz
Music Produced By: Marlonne Ibayan
Recorded At: BP Music

Mixed and Mastered By: Martin Leonar

XXL ft. Mike Kosa & Anak Ni Bakuko - Ating Musika (Official Music Video)


XXL's "Ating Musika" featuring Mike Kosa & Anak Ni Bakuko

Directed By Stephen Paradise
Recorded At Kalookals Musik Studio
Mixed and Mastered By Kierz Ferrer
Beat Produced By Alas Ng Beats
Aerial Shots By Adrian Ferrer

© Kalookals Musik 2019

Pareng Elbiz ft. Mike Kosa - Maniwala Ka Lyrics

Ito ay di para sa mga umaasa
Ito ay para sa mga naniniwala
Kaya gising kahit mag-uumaga na
Isang malaking tanong ‘to sayo
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba ha ha
Maniwala ka

Kahit na anong gawin, bakit ganon pa rin?
Isang malaking tanong sakin
Sa hakbang saan pa nga ba ako nagkulang?
Papanig ba ang kapanahunan sa akin kalaunan
Para ‘kong natauhan sa gitna ng kaguluhan
Aking natagpuan ang katuturan at kabuluhan
Ng buhay, na nagsabing sundan ang mapusuan
Oportunidad kamuntikan ko ng matulugan
Kaya agad bumangon ng bigla ‘kong magising
Unti-unting lumiliwanag ang sinakop ng dilim
Pag tinago ang galing, ang tadhana ay sasakit
Di baleng magkamali kung maging tama ang kapalit kaya
Buksan ang isip, hirap mang makapilit
Lawakan ang imahinasyon, dilat kang managinip
Hayaan ang sariling tuluyang makalipad
Maniwalang balang araw mamumuong realidad

Ito ay di para sa mga umaasa
Ito ay para sa mga naniniwala
Kaya gising kahit mag-uumaga na
Isang malaking tanong ‘to sayo
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba ha ha
Maniwala ka

Kahit ang lagay ngayon ng sitwasyon
Malabong makarating sa gustong destinasyon
At wala pa ring resulta ang ‘yong inaksyon
Mga rejections ay gawin mong inspirasyon
Panghawakan mo ang paniniwalang
Balang araw ang pakpak mo ay magliliparan
Kahit ilang dapa man yan wag lang panghihinaan
Yan ay paghahanda sa gantimpalang iingatan
Oo di madali to, pero di imposible
Walang gusto na makukuha ng ganung kasimple
Libre mangarap pero ang pangarap di to libre
Kailangan pagbayaran ang sakripisyong matindi
Hanggang ang inaasam-asam ay maging akin
Mahawakan ng kamay mga magandang pangitain
Maisakatuparan ang lalim ng mga panalangin
Kakayanin ano mang hamon hanggang dumating ang
Panahong sumang-ayon ang kapalaran sakin

Ito ay di para sa mga umaasa
Ito ay para sa mga naniniwala
Kaya gising kahit mag-uumaga na
Isang malaking tanong ‘to sayo
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba ha ha
Maniwala ka

Positibo mag-isip, galawan sa pinagdaanan
Bulong sa kanan at kaliwa kong tenga, sinong paniniwalaan?
Nakabakat na sa aking tuhod mga talisod sa bako
Mga sugat na naging peklat ay kasamang matamo
Mga pangarap na naging malabo, gusto ding luminaw
Uhaw na makata na makikilala balang araw
Nagsumikap magbabad sa araw at maging inihaw
Nakahanda na ang matang singkit sa pagtapat ng ilaw
At sa bawat paghakbang daming balakid at hadlang
Magbunga sanang maganda ang lupain kong tinamnan
Ang mga awit na pilit sulatin sa tapat ng salamin
Nangarap nung ako’y matulog sa paggising ay maging
Mahusay na mang-aawit na sana ako’y mapabilang
Sa mga patimpalak, may pangarap siyang nakahirang
Mga pangarap na aking niyakap at hindi iniwan
Naniniwalang balang araw ay mahahawakan ko yan

Ito ay di para sa mga umaasa
Ito ay para sa mga naniniwala
Kaya gising kahit mag-uumaga na
Isang malaking tanong ‘to sayo
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba ha ha
Maniwala ka

Kahit na mukhang malayo pa
Ang lalakbayin mo wag ka lang huminto
Kahit san ka mapunta
Pagkat ang dulo niyan ay ang inaabangan mong tagumpay
Kapit ka lang at sa sarili ay maniwala ka

Pareng Elbiz ft. Mike Kosa - Maniwala Ka (Lyric Video)


Performed and Written By:
John Elvis "Pareng Elbiz" Narisma

Recorded at BP Music
Mixed and Mastered By Martin Leonar

Instrumentals By Marlonne Ibayan

Mike Kosa - Ayoko ng Tumambay (Official Music Video)


Ayoko ng Tumambay - Mikekosa
Starring Mr. Clean and the rest of BHEBHEBOYZ
Beats Produced by Jason Haft
Directed by Billy Faustino Cruz And Mr.Brown
Assistance Director Bj Prowel
Drone Shot by Romulo Cortero Afurong
Recorded Mixed by Mc Naszty Marcial Camp Records

Mike Kosa x Gobas Kalbaryo x Dicky Fox x Jason Haft Beats - Tara (Official Music Video)


Mike Kosa x Gobas Kalbaryo x Dicky Fox x Jason Haft Beats - Tara (Official Music Video)

gobas kalbaryo

Partners in Rhymes ft. Zendee - Super Hero Lyrics

Kapangyarihan ko’y ikaw at aking lakas
Kapag tayo ay magkasama pwede na kong mag-angas
Handa kong languyin ang dagat, libutin ang mundo
Ako ang hari at ika’y magiging reyna ng tondo
Ako ay simpleng tao lang di gwapo at matipuno
Pero nakuha mong ibigin kaya nagpakatino
Handa kong baklasin ang harang, balakid sa daanan
Hadlang na sagabal sa ating pagmamahalan
Naging kakaiba sa paningin ng nakararami
Pero sa puso mo ay number one pa rin
At sa puso ko ikaw lamang ang syang nagpatibok
Mamahalin ka habang buhay hanggang ako’y matigok

Balewala sakin si Batman o si Superman
Ikaw ang aking superhero magpakailanman
Walang panama sa iyo maging si Ironman
Dahil ikaw ang aking tanging superhero
Superhero, superhero, superhero

Love story na parang teleserye
Ako’y karamay mo na di ka iniwan sa ere
Pero syempre gusto ko man ipilit
Magiging tayo din naman kahit ang tatay mo’y biglang sumingit
Sinusundo ka at hinahating sa inyong tahanan
Hawak kamay naglalakad sa may daanan
Kwentuhang seryoso, drama at mga tawanan
Sabay tayong kumain madalas sa may tindahan
Ibang klase ang lakas pag kasama kita
Di maipinta ang ngiti dahil sa sobrang saya
Siguro nga’y kuntento na ko at wala ng iba
Pa ko na hahanapin dahil nga natagpuan kita

Balewala sakin si Batman o si Superman
Ikaw ang aking superhero magpakailanman
Walang panama sa iyo maging si Ironman
Dahil ikaw ang aking tanging superhero
Superhero, superhero, superhero

Nagkaroon ako ng takot natutong sumunod
Parang bodyguard mo lamang laging nasa ‘yong likod
Matagal kong inasam at ngayon lang nadama
Dahil meron ng namamagitan sating dalawa
At salamat kay Ama pinagbigyan nya ang hiling
Pangarap ko’y natupad na ng bigla kang dumating
Halos kumpleto nang lahat, ano pa ba ang kulang
Boto na lahat ng kapatid mo at magulang
Di ka pababayaan, di ka paluluhain
At sabay tayong kakain ng nakakamay sa amin
Salamat sa paghanga at iyong pagtitiwala
At pangakong iingatan upang di ito masira

Balewala sakin si Batman o si Superman
Ikaw ang aking superhero magpakailanman
Walang panama sa iyo maging si Ironman
Dahil ikaw ang aking tanging superhero
Superhero, superhero, superhero

Hanggang pag-ibig mo ang aking taglay
Walang sinumang makakapaghiwalay
Sakin dahil ikaw at ako ang magkahawak kamay
Magkasamang lumipad at maglakbay

Balewala sakin si Batman o si Superman
Ikaw ang aking superhero magpakailanman
Walang panama sa iyo maging si Ironman
Dahil ikaw ang aking tanging superhero
Superhero, superhero, superhero

Mike Kosa ft. Ayeeman - Mahal Kong Kultura Lyrics

eto ang klase ng musika
na aking nang pinagmulan
mga konsepto kong naisip dito ko
sinimulan mga hangarin ko nung bata
na maging makata na bumuo ng mga
awitin gamit ang mga talata na naitala
sa aking mga sulat kamay mga pangarap
na akala koy hindi ibibigay kahit pagod na naghintay
ay umaasang darating na balang araw ang awitin koy
kakantahin nyo rin at laging bukambibig ng mga tambay
sa lansangan ang pangalan nagmarka na dito sa ating larangan
at iyong sasambitin na meron pang huling alas na magtataas
ng antas ng hiphop sa pinas

chorus
mahalaga saakin ang pinagmulan
hindi sumagi sa sisipan ko “hangang dyan nalang”
ang tinig kong lumilipad subukan nyong pakinggan
simpleng sandata na ginamit ko nang masimulan
mahal kong kultura itataas ko ako ang tala sa daan
magiging kawal dito sa ating kultura mandirigmang
sumisigaw sa kagubatan ay humihiyaw

verse II
anu kung tagalog ang ginamit ko at hindi ingles
masasabihan mo bang ang awit koy hindi mabangis ?
kahit kabisado mo ng mangalinya ko’t sinasabayan
dahil angkop lang sa panlasa’t di mababaduyan
pinagdaanan ang ibat’ ibang klase ng laro
limang taong naglakbay upang aking matamo ang
pangarap na maging sikat at makilala ng lahat
sa pamamagitan ng mga awit at kumita ng sapat
sa pagkanta sa entablado sa harapan ng mga tao
binubuksan ang mga diwang magmula sa pagkasarado
sa kanta na nakakasado na aking binagsak apg narinig mo
ewan ko lang kung di ka pumalakpak

repeat chorus

mga pangarap na itinanim ko ngayon umani
ng respeto na hindi ko na mabilang sa pagdami
at pagkalat ng mga kanta na aking naisinulat naging
isa sa instrumento upang aking maipamulat na ang
musikang rap ay hindi basta libangan itinuturing na
trabaho na pwedeng pagkakitaan ang mga salitang yan
ay handa ko ng isalin upang sumagi sa mga isip imbis na
babuyin ay pagyamanin ang tugtugan na kinamulatan
natin nuoon itinama ko mga mali ngayon sa aking panahon
ito ang tamang pagkakataon upang aking msabi na ang kulturang
to ay makikilala ng marami na magiging pundasyon at inspirasyon
sa mga makatang susunod sa ating henerasyon magsisilbing
atensyon upang gisingin ang lahat na ang kulturang to ay sabay sabay
nating iangat

repeat chorus