Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

SB19 - Mana Lyrics

Ay. Hindi ba mahiwaga, di mo kilala nung nasa lupa pa
Ay. 'Ni walang alaala ika'y nangamusta, pusta ko singkwenta
Ay. Ngayong nasa alapaap na, giit ako ay nagbago na
Di mo ba ako nami-miss? oh yeah?
Nah, I'd rather half my body go missing. Oh yeah!

Bakit nga ba ganito?
'Di ko maintindihan ang sinasabi mo
Madaya ba'ng mundo?
Kung ganun na nga, eto babaguhin ko

Sakin ay hindi problema
Kung 'di nyo pa rin nakikita
Tinataglay ko ang biyayang
Hindi nyo maikakaila

Manananggal
Manananggal
Manananggal
Mana

Langit lupa'y
Magsasama
Basta ba maniwala

'Di man kita
Tunay na halaga ng aking biyaya

Manananggal
Manananggal
Manananggal
Mana

Mana
Mana

Huh? 'Di ko na marinig sinasabi nyo
'Di na nga umaabot dito sa kinalalagyan ko
Ingay pa ng katabi kong eroplano
I'll go turbo, turning on the nitro

Zoom papalayo
Di na hihinto
I be floating here
Cos I'm grounded
Chillin
Whatcha calling punks?
Yeah, we not dead

Wala na bang bago?
Yung hindi ko alam sa'king pagkatao
'Di na ba natuto?
Kakailanganin mo na ata ng milagro

Sakin ay hindi problema
Kung 'di nyo pa rin nakikita
Tinataglay ko ang biyayang
Hindi nyo maikakaila

Manananggal
Manananggal
Manananggal
Mana

Langit lupa'y
Magsasama
Basta ba maniwala

'Di man kita
Tunay na halaga ng aking biyaya

Manananggal
Manananggal
Manananggal
Mana

Mana
Mana

Aswang ba kaya kinakatakutan
Bibig mo ay itikom mo nalang
Pasensya ko'y wag mong subukan
Sige lang, sige sige
Wag lang kakatulugan

Aswang ba kaya kinakatakutan
Bibig mo ay itikom mo nalang
Pasensya ko'y wag mong subukan
Sige lang, sige sige lang
Ohhhh!

Aswang ba kaya kinakatakutan
Bibig mo ay itikom mo nalang
Pasensya ko'y wag mong subukan
Sige lang, sige wag lang
Kakatulugan

Manananggal
Manananggal
Manananggal
Mana

Langit lupa'y
Magsasama
Basta ba maniwala

'Di man kita
Tunay na halaga ng aking biyaya

Manananggal
Manananggal
Manananggal
Mana

Mana
Mana

Ron Henley - Mana (Official Music Video)


Beat produced by Klumcee
Recorded, mixed and mastered @ The Ashram Studio

Director/Editor: Ken Yamaguchi
2nd Cam Op.: Joshua Subeldia
Lighting Coordinator: Mhar Udarbe
Gaffer: Jet Corbe, Caloy Udarbe
BTS: Marlo Juare
Photography: Ashots

Ron Henley - Mana Lyrics

Sa musika ako unang nalulong
Sa kwarto maghapong nagpapatugtog, nagkukulong
Akala ng iba baliw kasi mag-isang bumubulong
Di lang nila alam na minsan pag sinusumpong
ng mga salitang pulu-pulutong
Isip ko di mapigilang tumugon
Lalong-lalo na nung narinig ko yung
"Way I Am" ni Eminem, tangina men ang galing din!
Sabay kuha ng itim na ballpen, sinubukan kong itugma yung dingding sa tingting,
Ganun din sa singsing, chedeng, ineng, maging sa bling-bling, bitin parin
Problema ko pa kung alin ang gagamitin at pano pagkokone-konektahin
Teka meron lang akong tetestingin, baka kako magawa kong perpiken
Pinagpuyatan kong hinanap ang liwanag sa nilalakaran kong lansangan kung san ang dilim-dilim
Sinubukan kong tumikim-tikim, umupo, umubo ako, ehem-ehem
Kusang nagpakita yung talang nagturo sa bagong silang na supling dun sa Betlehem
Ika-dalawampu ng Mayo, mil nobesyentos otsentay sais
mag-aalas siyete ng gabi, may nanay na ire ng ire, pawis na pawis
Abong isinaboy padala mula sa kometa nung dito sa planeta dumaplis
Tibok ng puso'y bumilis, senyales na araw ng martes ang labas ko ng matris
Matinding liwanag ang aking nasipat
Kahit mata'y di ko pa maidilat, kaligayahan ang aking agimat
alam kong ligtas ako sa kanyang balikat
at atat nakong makita ang araw, sa kanyang paglubog at sa kanyang pagsikat
Buwan-buwan ma'y palipat-palipat
Pero tandaang pag gabi, may bituing kumukutitap
Ako yung toothpick nangarap maging banana cue stick
Turo ng mga mapaglarong daliri ni Ludwig
Kwaderno ko'y parang naging pinagsama-samang pisara nila Da Vinci at Euclid
Marami-raming punit, inaral ko ilang ulit ngunit di ko nagawang maging bihasa sa pagguhit
Di ko namamalayang may mga larawang maipipinta sa tala-talatang letrang aking naiukit
Gusto mo ba ng kakaibang romansa?
Yung tipong mapapasayaw ka ng cha-cha
Pagkatapos kong isawsaw tong taco sayong salsa
Mula Marikina, dumayo ng Tanza
Tapos bumisitang Pasacao at Naga
Pinakita sakin ang Pasig at Qc para
sabihin lang na wag mawalan ng Pag-Asa
Makauwi na nga sa amin
Pero bago ang lahat, magdudugo muna dun sa bahaging
dibdib bakasakaling marinig ninyo ang pahaging, masabing
ito'y tagos sa damdamin
Pwes tsob, tsa, tagilid, aken
Subukan mong languyin ang lalim, wag mo ng hintayin
pulikatin, at maging pagkaen
ng mga butanding sa baybayin ng Lingayen
Naisip ko sa kanto, sinulat ko sa banyo
pangarap ko lang marinig sa radyo
Nakakapanibago
nakakapagtaka biglang bait ng mga tao
Mga nakahaing nakakaengganyo
oo may kontrata na tayo
kaya ngayon pano, napapraning nako,,
magpapabiktima ba'ko
sa mga maiitim nilang plano
Bigyan nyoko ng patas na laban
Wag nyo naman kunin lahat ng laman sa menudo
baka matira sakin patatas at sarsa na lamang
Sa dumi ng pulitika di na kaya ng ilang sabon
Umabot nako ng dalawampu't syam na taon, sistema'y bulok parin hanggang ngayon
Nagtanim ako sa isang bakanteng lupain, di ko akalaing may makakapansin
Tapos nung may nakarating andami rin palang magmamagaling, makikiangkin
Madalang ko lang silang nakikita nung ako'y gumagapang
Kaso nung ako'y nakatayo na sa sarili kong paa, sasabihin ng iba yumayabang
Wag mokong husgahan
Di pa kita nakakasalamuha sa damuhan, itigil mo na yan
Di ka nga gumagamit pero ugali mo'y adik sayang naman
kung ako sayo itira mo nalang
Wala na bang matinong kausap
Tira nila'y dakdakan, akin nama'y hook shoot
Kung gusto mo ng pataasan ng talon, sige mauna ka don sa rooftop
Makaramdam ka naman ng dagok sa bumbunan
Parang kinukunan habang pinupugutan
Mga kalawanging pako na galing impyerno ang pinaghuhugutan
Pinagtagpi-tagpi kong barong, pinaghalu-halong kahoy, bakal at gulong
Limas pati pinaghirapan kong bubong
Gusto nila sa kahon ako ikulong, di naman kasya ang mga tulad kong annunaki don
Tuyong-tuyo ako noong Pasko, Bagong Taon ako ay napadaing
Sana sa Mahal na Araw, punuin Nya yung salin ng aking balde-baldeng panalangin
Nagrolyo ako ng papel, hindi pambalot
Wag kang matakot, alam kong di ka madamot
Umaasa lang akong makalibreng batok
"Bakit ba nandito to? ang agresibo mo
Ito na yung kapiraso ng lupang kinita mo
Diba hiningi mo to?
Pero pano mo mapapatunayang sayo, eh wala ka ngang titulo"
Kung ipagpapatuloy ko to, aabutin tayo ng umaga
Humanda ka! makukuha ko rin naman yung dapat ay sa akin, parating na yung mana...

Ron Henley - Mana (Official Audio)


Produced by Klumcee
Recorded, mixed and mastered @ The Ashram Studio
Single cover art by The Nutcase PK