Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Jeffrey Querubin - Makakarating Din Lyrics

Sa paglalakbay sa mundong ito
Hindi ko alam kung saan patutungo
Pagkat minsan ay di mapagtanto
Ang daan na tatahakin mo

Kung saan man ika’y mapadpad
Isipin na ika’y parang lumilipad
Pagkat libre lang ang mangarap
Huwag hayaang mata’y malingap

Huwag kang matakot sa iyong pagtahak
Huwag kang mapagod sa iyong paglakad
Kahit ang ulan man ay pumatak
Sa init ng araw man ika’y mabilad

Ituloy ang pag-usad
Sa tamang oras makakarating din
Makakarating din
Makakarating din

Sa bawat hakbang ng iyong buhay
Gamitin ang lakas na tinataglay
Pagkat may kasama kang gumagabay
Patungo sa iyong tagumpay

Huwag kang matakot sa iyong pagtahak
Huwag kang mapagod sa iyong paglakad
Kahit ang ulan man ay pumatak
Sa init ng araw man ika’y mabilad

Ituloy ang pag-usad
Sa tamang oras makakarating din
Makakarating din
Makakarating din

Tuloy ang lakad, tuloy ang pangarap
Huwag mangamba, huwag mabahala
Pagkat ang Diyos ang iyong kasama

Huwag kang matakot sa iyong pagtahak
Huwag kang mapagod sa iyong paglakad
Kahit ang ulan man ay pumatak
Sa init ng araw man ika’y mabilad

Ituloy ang pag-usad
Sa tamang oras makakarating din
Makakarating din
Makakarating din

Makakarating din

Jeffrey Querubin - Makakarating Din (Official Lyric Video)


Lyric video of Jeffrey Querubin's single "Makakarating Din" from the album of the same name.

CurveEnt