Pinoy Radio Here:

Followers:

Crakky - Mainam Lyrics

Nakakabighani malayo man o malapitan
Nakakaadik ka kaya ako’y palaging lutang
Mahal na nga kita mahal ng di mo alam
Kapag dumadating ka ang tingin sayo na naman

Pambihira di na nakasimangot
Bibihira na lang di makalimot
Aba mabisa pumipili ng sinusuot
Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot

Ang dali daling gumana ang talab
Ng ngiti mo pag tinititigan kita ang sarap
Pangarapin ang katulad mo kapag kausap
Na kita handa kong magpuyat

Alam mo bang palagi na akong nag-aayos
Natutong alagaan yung sarili kasabay nun ay
Gusto kong magawa yan
Sayo lalong nainspira kaya wag kang magtaka
Kung bakit madali ko lang nasabi na mahal kita
Maganda’t di maarte kahit bossy yung dating
Ok lang kahit sabihin pa nilang uunderin
Di bale ang mahalaga ako ay mahal mo rin
Mapasaya ka lang pangako na lahat ay gagawin

Nakakabighani malayo man o malapitan
Nakakaadik ka kaya ako’y palaging lutang
Mahal na nga kita mahal ng di mo alam
Kapag dumadating ka ang tingin sayo na naman

Pambihira di na nakasimangot
Bibihira na lang di makalimot
Aba mabisa pumipili ng sinusuot
Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot

Kapag kasama ka ayoko ng mablanko
Kasi gusto ko na mapangiti ka sa mga kwento ko
Hindi kita bibitinin laging papatawanin
Kasi misyon ko lang ay araw-araw kang pasayahin
Yung simple mong tinginan gusto kong iuwi yan
Ang cute kasi kaya mas lalo kong tinititigan
Ang sarap isiping magkahawak ang kamay
Naglalakad at tila di na maghihiwalay
Sabay tayong kakain palaging dadalhan kita
Ng mga paborito mo asahan di mag-iiba
Di ko sasayangin yung tiwala mong ibibigay
Basta sagutin mo lang yung lagi kong hinihintay

Nakakabighani malayo man o malapitan
Nakakaadik ka kaya ako’y palaging lutang
Mahal na nga kita mahal ng di mo alam
Kapag dumadating ka ang tingin sayo na naman

Pambihira di na nakasimangot
Bibihira na lang di makalimot
Aba mabisa pumipili ng sinusuot
Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot

Kung saan saan ko na hinanap yung pag-ibig
Pero nung nakita ka nagbago yung paligid
Buong akala ko noon mahirap tong gawin
Mula nung nakilala ka iba na yung tingin
Palagi kang aalalayan di ko hahayaang
Pumatak ang luha sa mata mo kung kailangan
Nandito lang ako at isang tawag mo lang
Agad agad pupuntahan kita kung nasan ka man
Bukod sa ikaw ay nag-iisa asahan mong wala ka ng kahati
Para sakin di na titingin pa sa iba
Lahat tutuparin sagutin mo lang ng oo mo
Papatunayan ko sayong pag-ibig ko ay totoo

Nakakabighani malayo man o malapitan
Nakakaadik ka kaya ako’y palaging lutang
Mahal na nga kita mahal ng di mo alam
Kapag dumadating ka ang tingin sayo na naman

Pambihira di na nakasimangot
Bibihira na lang di makalimot
Aba mabisa pumipili ng sinusuot
Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot

Nakakabighani malayo man o malapitan
Nakakaadik ka kaya ako’y palaging lutang
Mahal na nga kita mahal ng di mo alam
Kapag dumadating ka ang tingin sayo na naman

Pambihira di na nakasimangot
Bibihira na lang di makalimot
Aba mabisa pumipili ng sinusuot
Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot

Crakky - Mainam (Official Lyric Video)


Crakky's newest single 'Mainam'
Beat Produced by ELEVEN

Mixed & Mastered by Angelo Luigi Timog
Album Art Cover by Rizmar Jhon Haboc Arapoc
Lyric Video by Rizmar Jhon Haboc Arapoc

© 2020 ALLMO$T Music