Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

ALAMAT - Maharani Lyrics

[Verse 1: Mo]
Nakatabing na naman ang iyong mga mata
May pahaging pero parang ayaw mong pahalata
Sinaktan ka na naman ba niya?
Bakit 'di ka pa nadadala?
Ang tulad mo ay tipong hindi basta binabalewala, pero
(Alamat, handa 'rap)

[Pre-Chorus: Tomas]
'Di niya batid ang kaniyang sinasayang
Habang ako dito'y naghihintay lamang
Gaya ng mga iilang tagahanga mong nasa gilid lang
Pangako 'di ako nahihibang
Ikaw ang aking nag-iisang

[Chorus: Jao, Alas]
Maharani, maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan
Lakambini, ako na lang ang 'yong Lakan
Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa
Maharani, maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan
Lakambini, ako na lang ang 'yong Lakan
Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa
Maharani

[Verse 2: Taneo]
Nakatabing mga labing nais nang isigaw
Kung sakaling papalirin ay maging ako't ikaw
Subok lang baka naman
Ito pala 'yung pang-walang hanggan
'Pagkat tulad mo 'yung tipong
Kahit ano aking ilalaan, pero


[Pre-Chorus: R-Ji]
'Di niya batid ang kaniyang sinasayang
Habang ako dito'y naghihintay lamang
Gaya ng mga iilang tagahanga mong nasa gilid lang
Pangako 'di ako nahihibang
Ikaw ang aking nag-iisang

[Chorus: Mo, Tomas]
Maharani, maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan
Lakambini, ako na lang ang 'yong Lakan
Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa
Maharani, maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan
Lakambini, ako na lang ang 'yong Lakan
Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa
Maharani

[Verse 3: Alas]
Mala-prinsesa sa'king paningin
Ay nababalot ng ginintuang seda
Ako'y nabibihag ng iyong mga ngiti
Na para bang naka-tanikala sa selda
Pasensya na hindi naman na lihim
Ikaw ang natatanging gusto ko na makapiling
Ang bawat daan ko sa iyo na nakakiling
Sana mabigyan ng pagkakataong ibigin

[Verse 4: Jao, Taneo]
Panahon ay nasasayang
'Pag pinaglalaban ang hindi ka naman kayang ipaglaban
Kaya sa'kin ka na nga lang
Ipinapangako ko ang puso ko'y magiging sa'yo lamang
Sa dami ng katunggali, magpupunyagi
Hanggang sa ako'y magwagi
Ngunit kahit magapi ang pagtingin
Dito pa rin maglalagi

[Chorus: R-Ji, Mo, Tomas]
Maharani (Maharani), maaari bang mapagbigyan? (Pagbigyan)
Kung sakali, pag-ibig mo ay makamtan (Pag-ibig mo ay makamtan)
Lakambini, ako na lang ang 'yong Lakan (Ooh-ooh-ooh)
Sumusumpa kay Bathala, ako ay 'di magsasawa ('Di magsasawa)
Maharani, maaari bang mapagbigyan?
Kung sakali (Kung sakali), pag-ibig mo ay makamtan (Oh-ooh-woah)
Lakambini, ako na lang ang 'yong Lakan
Sumusumpa (Sumusumpa) kay Bathala, ako ay 'di magsasawa
Maharani

ALAMAT - Maharani (Lyric Visualizer)


'MAHARANI' is part of Alamat's 6-track EP 'Pasulong'

MAHARANI
Composed by Thyro Alfaro
Published by Viva Music Publishing, Inc
Produced by Thyro Alfaro
Arranged by Thyro Alfaro
Mixed and mastered by Thyro Alfaro
Vocal arrangement by Zebedee Zuñiga
Recorded by Ponz Martinez
Production House: Viva Recording Studio