Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Unit 406 - Mahal Kong Maria Lyrics

Oh binibini, sana’y mapansin mo
Itong aking pusong ngayon lang nabihag ng husto
Tila’y isang bahaghari kung ika’y pagmasdan
Palaging inaabangan sa tuwing matatapos na ang ulan

Kaya hindi na kikimkimin pa hahayaang sumabog hanggang mabitawan ang mga katagang
“Puwede bang akin ka na lang?”

CHORUS
Hindi naman sa minamadali pero sana’y ‘wag nang patagalin
Dahil tunay at walang kapantay ang pag-ibig ko sa ‘yo
At ninanais kong malaman mo sagutin ma’y ‘di ako hihinto
Habangbuhay kitang liligawan sinta pangakong hindi magsasawa

Nakakabighani ang ‘yong mga pisngi
Malabulaklak na namumukadkad sa tuwing ikaw ay ngumingiti
Mahal kong Maria, huwag ka nang mangamba
Sa puso’y ikaw lang mag-isa
‘Di na lilingon pa sa iba

Ika’y kakantahan at pagsisilbihan
Handang balikan ang dating ligawan
Kung ‘yun lang tanging paraan
Upang pagsamo ko’y pagbigyan

CHORUS
Hindi naman sa minamadali pero sana’y ‘wag nang patagalin
Dahil tunay at walang kapantay ang pag-ibig ko sa ‘yo
At ninanais kong malaman mo sagutin ma’y ‘di ako hihinto
Habangbuhay kitang liligawan sinta pangakong hindi magsasawa

At kung sakaling may nararamdaman na para sa ‘kin huwag nang ilihim
Sa halip ay aminin at sabihin ang dalawang letra kong hiling

CHORUS
Hindi naman sa minamadali pero sana’y ‘wag nang patagalin
Dahil tunay at walang kapantay ang pag-ibig ko sa ‘yo
At ninanais kong malaman mo sagutin ma’y ‘di ako hihinto
Habangbuhay kitang liligawan sinta pangakong hindi magsasawa

Oooh…Pangakong hindi magsasawa