Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

SunKissed Lola - Luna Lyrics

Sabi nga nila
Bilang lang and oras mo
Di bale na, basta't nasa piling mo

Di ko man maisip
Ang aking sasabihin sayo
Maipahiwatig na ikaw ang aking mundo

Halika't sumama, tumawa hanggang umaga

Lapit ka at hawakan ang palad
Aking mahagka't mayakap nang ulit

Sabi ng iba
Nasayang ang oras ko
Di nila alam
Mahirap maging ako


Labis nang napatid
Napayuko at napahinto
Nang ika'y yakapin
Lukso ng dugo'y natanto

Halika't sumama
Tumawa hanggang umaga

Lapit ka at hawakan ang palad
Aking mahagka't mayakap nang ulit

Halika't sumama
Tumawa hanggang umaga

Lapit ka at hawakan ang palad
Aking mahagka't mayakap nang ulit

Lapit ka at hawakan ang palad
Aking mahagka't mayakap nang ulit

SunKissed Lola - Luna (Official Lyric Video)


Performed & Arranged by SunKissed Lola
Written by Dan Ombao
Produced by Shadiel Chan & SunKissed Lola
Mixed by Shadiel Chan
Mastered by Jan Aries Agadier Fuertez
Art by Kosmiklia
Video by Pepo Daradal
Special thanks to Mika Aoki and Athena Luna Ombao!

Calvin - Luna Lyrics

Hey, hi sup hello
Medyo mata ko ay slow
oh no, daming balakid
walang sagot sa tanong mo na bakit
Di kita gagawing gamit
Tila ikay isang mikropono
Sayo lang ako aawit
Papunta sa langit
Medyo wala ko, wala sa tono
Kulang sa tyempo, kahit boses ay 'di pang harana
Ito'y mabisa, orihinal at 'di gawang tsina
Iha, tabi ka sakin habang naka-higa sa ilalim ng luna
Sa munti kong pluma, isasaad ang salitang mahal kita
Aking sinta, pagkat ika'y sa akin at walang iba
Konektado ang bawat galaw
Konektado ang bawat galaw

Medyo magara ang araw,
Ganda ng buwan
Unti unting nalulusaw
Pagod mo sa akin ay pumupukaw
Sandaling lambing tila ba'y pumanaw
Madaling magsawa
Ahh di makapigil hininga
Para bang patuloy ginagapos
Ayos lang, tagos nang 'yong haplos
Langhiya kailan ba 'to matatapos

Baryo ang pagitan
Ayos lang sungitan
Matik ang harutan
Tiyan mo gawin nating unan
Lika na 'di na mauulit pa
Walang iba, basta't kasama ka hanggang umaga

You and i together tonight
You and i will go up high
No lies between us just hold me tight
You and me tonight

Calvin - Luna (Official Music Video)


Directed By: Clarence Rheine
Lyrics Written & Performed by: Calvin De Leon
Producer, Mixed & Mastered by: Matthaios