Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Loonie ft. CLR - Gasolina (Official Music Video)


"Gasolina" by Loonie ft. CLR / Produced by: Klumcee

Michael Bars x Loonie - Breaking Bad Lyrics

I have been boosting my knowledge in everything, never been losing my confidence
They only view me as dominant, know that I’m here to show you what a prophet is
Yeah, I’m in a mood to be stopping it I’m looking at the one I got a bone to pick with
I don’t even need to tell them I own the system, so realistic, do not provoke the system, I know!

You will never ever see a man down telling you now you know it’s not realistic, ooo!
You know that I’m animalistic, get a bomb nobody will ever stop the mission
Get back when I’m in this mood, get back when I’m in this mood!
Get back when I’m in this mood, I’m going in black so don’t get comfused, ooo!

You will never ever see a man down telling you now you know it’s not realistic, ooo!
You know that I’m animalistic, get a bomb nobody will ever stop the mission
Get back when I’m in this mood, get back when I’m in this mood!
Get back when I’m in this mood, I’m going in black so don’t get comfused, ooo!

Daming mapait daming mapait daming maalat daming maalat
Daming inggit na humahadlang sa aking pangarap
Kumusta sa mga kups na mapanghusga maraming salamat
Sa kahihila nyo pababa lalong tumaas aking watawat
Hindi pagkakaintindihan dahilan para magkagulo
Kahit pa sa mga kaibigan, kahit pa sa mga kadugo
Meron ka laging makakabangga, meron ka laging makakabunggo
Kahit sikmura mo at ang bituka mo ay di palaging makakasundo
Mga gustong sumikat ng mabilisan gawaing tamad
Tirahin mo sa kanta yung idol mo para astig ka brad
Gawan mo ng mga kwentong puro imbento’t walang kasing sagad
Yun ang “shortcut”, derecho sa “icon” para mag “click” agad wack

You will never ever see a man down telling you now you know it’s not realistic, ooo!
You know that I’m animalistic, get a bomb nobody will ever stop the mission
Get back when I’m in this mood, get back when I’m in this mood!
Get back when I’m in this mood, I’m going in black so don’t get comfused, ooo!

You will never ever see a man down telling you now you know it’s not realistic, ooo!
You know that I’m animalistic, get a bomb nobody will ever stop the mission
Get back when I’m in this mood, get back when I’m in this mood!
Get back when I’m in this mood, I’m going in black so don’t get comfused, ooo!

Now you better pack your bag in
Bars and Loonie are about to go back to back
In putting in another bomb, I will add to damage
You would never say this is what you can imagine, like woah!
You know that I’m bringing the heat again, burn you and then I’ll be taking the pieces
To show “I ain’t trippin’” I’ll fly to the Philippines, just to go say it with Steven
You’re lucky I handle the beefing!
You know I’m a man of believing in good but I know there is evil around so actually,
I’m going to back up my thesis on this demonstration
I have always been a slave in falling for the wrong women,
Never got them caught up in an awkward situation because we figured to get wrecked!
I’ll aim back, eventually. I’ll hit him in a second and you will never be getting me
I’m sitting in adrenaline pinning another enemy!
He better be dead to me knowing that I’ll put a letter “B” infront of the “Itch”,
When I say you get to repent again
Everybody know that Michael had a better development knowing damn well that it took more than 5 years
I got more coming with a heavier benefit, Mbars!

You will never ever see a man down telling you now you know it’s not realistic, ooo!
You know that I’m animalistic, get a bomb nobody will ever stop the mission
Get back when I’m in this mood, get back when I’m in this mood!
Get back when I’m in this mood, I’m going in black so don’t get comfused, ooo!

You will never ever see a man down telling you now you know it’s not realistic, ooo!
You know that I’m animalistic, get a bomb nobody will ever stop the mission
Get back when I’m in this mood, get back when I’m in this mood!
Get back when I’m in this mood, I’m going in black so don’t get comfused, ooo!

Michael Bars x Loonie - Breaking Bad (Lyric Video)


Michael Bars x Loonie - Breaking Bad (Now on all streaming Platforms)

Lyrics by: Michael Bars & Loonie
Engineered & Mixed by: JayP
Cover edited by: PandingPanda

Lyric Video By: Ruodnoc

Loonie ft. John Roa - Eskapo Lyrics

Kapayapaan sa sarili
Kailan ko pa ba matatagpuan
Araw-araw na lang ang pag-aalala
Parang wala na siyang katapusan

Dumudugo ng luha Ang mga mata pag ang puso’y sugatan
Gusto ko nang lumuha ng dugo, para ulo’y gumaan
Gusto ko nang matulog bukas ipagpapatuloy ko na lang
Baka alam mo kung saan ang tamang daanan pakituro mo naman
Kasi gusto kong tingnan kung nasa’n nga ba ang pinagbuhatan
Ng kasalukuyan ang hinaharap ay pinangunahan
Pinarusahan nabilanggo sa nakaraan na kinamulatan
Hindi na rin makapaghintay pa sa pagdating ng kinabukasan
Kaya ako ay pumalaot, nagpaanod at inabot pa ng bagyo
Sumasabog ang mga alon at pinasok na ang barko
Ang kisame ng kabaong ko’y puro kalmot ng kuko
Ramdam ko na naman bigla ang ginaw na bumabalot sa buto
Naku po! Habagat na ang ihip pag malamig magkumot
Magdamag nasa isip masasakit na hugot
Masamang panaginip ang kalakip ng tulog
Kaharap pagkagising mas malaking bangungot (Kaya)

Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
‘Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Minsan gusto ko na lang na mawala na

Huwag kang magpapalimita sa iisang plano (‘Wag na wag, ‘wag na wag)
Imbis na mainip pag-isipan pa ng maigi kung pa’no (Magdamag, magdamag)
Malimit mahilig magbilin sa ibang tao
Ngunit tila ‘di ko masunod sunod ang sarili kong payo
Katahimikan nakahiligan kapaligiran parang libingan
At kahit minsan walang bisita nasa dilim at nakangiti lang
Naging pihikan sa pag-ibig maging sa kaibigan
Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan
Kaya maya’t maya natataranta sa mga nakaamba na pangamba
Kailangan ng pampakalma ayoko nang maalala ang pag-aalala
Nakakawala ng gana isip ay parang ibon lumilipad
Sa loob ng hawla na gawa sa mga negatibong posibilidad
Habagat na ang ihip pag malamig magkumot

Magdamag nasa isip masasakit na hugot
Masamang panaginip ang kalakip ng tulog
Kaharap pagkagising mas malaking bangungot (Kaya madalas ay)

Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
‘Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Minsan gusto ko na lang na mawala na

Minsan lapis at papel ang mas madaling kausap
Sakit sa ulo, ang sabi ng iba ito’y sakit sa utak
Kada gabi nagmamadali na makarating sa ulap
Bukas magkatabi na butas ng ilong may nakatakip na bulak
Balisong sa pulso kwarenta’y singkong nakatutok sa bibig
Pero parang gusto ko yung kumot nakapulupot sa leeg
Ang gulo ng buong daigdig wala naman yatang gustong makinig
Mas masarap pang mamundok o kaya magmukmok sa sulok ng pook na liblib

Puno ang dibdib ng kawalan ng pag-asa
Parang kusang sumusuko ang katawan sa mga pasan na wala nang hupa
Para kang sa Alcatraz pumuga sa taas ay nakakalula
Makaalpas ka man sa mga bara pag labas ay wala nang lupa
At kung makatakas ka man mahal mo naman sa buhay ang sasakluban
Nakakabuwang lahat tayo balang araw isa lang ang hahantungan
Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang ‘to natagpuan
Nung ang makitid ko na pag-iisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan

Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
‘Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Minsan gusto ko na lang na mawala na

Loonie ft. John Roa - Eskapo (Official Lyric Video)


"ESKAPO" by Loonie feat. John Roa

Music: Jim Poblete
Lyrics: Marlon Peroramas, John Roa
Co-producer: RJ Pineda, Ryan Pineda, Ken Aoki
Guitars: RJ Pineda, Ken Aoki
Mastered at MFORE Studio by ALiQ of AKJ Mastering
Lyric Video by Mark Jinno Visuals

Loonie ft. CLR - Gasolina (Official Lyric Video)


"Gasolina" by Loonie ft. CLR
Produced by: Klumcee

Loonie ft. CLR - Gasolina Lyrics

Kamusta na
Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid
Ako ito gumagawa ng kasaysayan
Tamang himay ng mensahe na maihahatid
Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina
Pangsilab ng apoy bago ‘ko manlamig
‘Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis
Lubos ko na kayong namimiss

Magdamag nagsusulat sa madilim na bartolina
Ba’t ako magtutulak kung maraming gasolina
Bawat isa sa aking mga nakatagong rima
Tila payong hinuhugot sa pabago-bagong klima
Kaso di natatakot sa apoy at arsonista
Manhid na sa sakit hanggang sa naging masokista
Armado ng tinta, mautak pa sa pogita
Ganyan sa umpisa, sadyang nagpapatalo
Bida bago ipakita ang isang daang porsyento
Tandaan na ang progreso dadaan pa sa prosesong
Mausisa at mabusisi na sa huli palagi ang pagsisisi
Pag pauwi na bawat palpak sa aking isip
Nakakadagdag ng mga titik na makamandag aking mithiin
Mamayagpag bilang magiting na alagad ng sining
Basta may pag-ibig na kalasag ay pilit na papalag
At mananatiling naglalagablab

Kamusta na
Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid
Ako ito gumagawa ng kasaysayan
Tamang himay ng mensahe na maihahatid
Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina
Pangsilab ng apoy bago ‘ko manlamig
‘Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis
Lubos ko na kayong namimiss

Sa likod ng pulang kurtina puro oportunistang
Handa kang sagasaan ng hindi bumubusina
Puro pangako ng pangarap na kumukutitap
Puro gustong kumita lalo nung umuso hip-hop!
Puro subpoena, Diyos ko por bida
Puro gungong na gusto lang manghila
Doon sa pila puro bulok na media at kolumnista
Na gagawin kang kontrabida at durugista kaya kung minsan
Nakakatamad nang pag-isipan ang mga bara
Hanapin kung saan naisiksik ang mga bala
Ngunit pag nakakabasa ng liham ng tagahanga
Unti-unti na naman nagniningas ang mga baga
Bumabalik ang gana sa t’wing naaalala
Tilian, palakpakan, hagikhikan mga tawa
Siksikan sa gig parang sardinas na nasa lata
Ako’y muling magliliyab na parang gin at marijuana sa sagada!

Kamusta na
Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid
Ako ito gumagawa ng kasaysayan
Tamang himay ng mensahe na maihahatid
Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina
Pangsilab ng apoy bago ‘ko manlamig
‘Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis
Lubos ko na kayong namimiss

Sa t’wing ako’y sumusulat ng mga tula
At mga kantang pinagsisikapang mabuo
Tiyak sapul pati puso at kaluluwa
Sapagkat hindi lang isip ang busog
Pinagpupuyatan ang tugma kahit pagod na pinaghihirapan ang tunog
Lahat kayo’y pinagkukuhanan ng apoy
Kapag ako’y pinanghihinaan ng loob

Lahat ng kumalaban at naiinggit sa akin
Ay pawang mga taga-hangang nahihiyang umamin
Lahat ng taga-hangang habambuhay sumuporta
Ng masugid ay tinuturing kong tunay kong katropa
Lahat ng tropa kong dikit sa ginhawa at sakit
Itinatrato kong higit pa sa kapatid
Kasama sa init at sa lamig
Mga sinunog kong tulay ang naging ilaw sa pagtawid

Naaalala nyo pa ba ako?
Kaya n’yo ba ‘tong mga bagay na ginagawa ko?
Lumalabas sa TV na parang si Sadako
Naaalala nyo pa ba ako?
Ang yabang mo naman wala ka bang kanta na bago?
Bakit wala kang battle takot ka bang matalo?

Kamusta na
Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid
Pinagpupuyatan ang tugma kahit pagod na pinaghihirapan ang tunog
Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina
Pangsilab ng apoy bago ‘ko manlamig
Lahat kayo’y pinagkukuhanan ng apoy
Kapag ako’y pinanghihinaan ng loob
Kamusta na
Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid
Kaya n’yo ba ‘tong mga bagay na ginagawa ko?
Lumalabas sa TV na parang si Sadako
Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina
Pangsilab ng apoy bago ‘ko manlamig
Ang yabang mo naman wala ka bang kanta na bago?
Bakit wala kang battle takot ka bang matalo?

Omar Baliw ft. Loonie, Rhyne - Kalmado Part 1 Lyrics

Kalmado lang
Kalmado lang
Kalmado lang

Kalmado lang
Kalmado lang
Kalmado lang

Ibang klase pagkadale, balikang mala-lagare
Utak ang palalakarin, bitawan mga bagahe
Pasensya pahahabain, ang plano pagaganahin
Lahat ay makaka-kain, salamat, mapapa-amen
Sagadan hanggang sa dulo, tiyaga kung meron mang tulo
Bitaw palaging todo, sigaw ay nasa tono
Ikaw lang din kikilos, ikaw mismo kukuha
Sila yung manghihila, sila din manghihina
Walang makakaawat hanggang sa makalapit
Sariling byahe lakad, hindi lang nakasabit
Hindi pa man makuha atleast ay sinubukan
Sagot ay laging hanap, hindi ko sinukuan
Minsan ay tinutulan kaya ko tinutukan
Pag-asa tinubuan, lahat yan tinuruan
Lakbay kahit walang kasabay, sumakay
Kahit kelan wag kang matakot sumablay

Sige lang sige lang
Tuloy lang sa pagbibilang
Sige lang sige lang
Tuloy lang sa pagbibilang
Eto ang aking gitnang daliri
Saluhin sa kada sambit ng aking pangalan
Kesa aking pagbigyan
Mas pinili kong maging kalmado
‘Wag na bigyang pansin ‘yan
Tuloy lang sa gawain ‘wag magpalinlang
Sa mga tuso’t di ka dapat mailang
Tatagan mo lang at maging kalmado

Balewala mga tira ng palengkerong aligaga
‘Di ako interesado sa market n’yong pang talipapa
Daming dada ‘lang ginawa kundi manghila paibaba
Pare sukat na ang narra para sa inyong parihaba
Sadyang maingay ang mga nakatali na aso
Lalo na pag hindi pinapakain ng amo
Nanggagalaiti ang mga feeling mas gago
Samantalang ako’y nananatiling kalmado
Galit galitan sa opinyon ko’t pakiramdam
‘Di ako mainit ‘di manlang ako lumigamgam
Bakit ako magagalit nasabi na sa’kin dati yan
Mas masakit kasi kalaban nyo’y walang pakialam
Alam kong gusto nyo lang naman ay magka-views kayo
‘Di magpapaaning sa mga kabobohan nyo
Kasi mas matagal kang darating sa paroroonan mo
Kung babatuhin mo lahat ng aso na kakahol sayo

Sige lang sige lang
Tuloy lang sa pagbibilang
Sige lang sige lang
Tuloy lang sa pagbibilang
Eto ang aking gitnang daliri
Saluhin sa kada sambit ng aking pangalan
Kesa aking pagbigyan
Mas pinili kong maging kalmado
‘Wag na bigyang pansin ‘yan
Tuloy lang sa gawain ‘wag magpalinlang
Sa mga tuso’t di ka dapat mailang
Tatagan mo lang at maging kalmado

Eto ang aking gitnang daliri
Saluhin sa kada sambit ng aking pangalan
Kesa aking pagbigyan
Mas pinili kong maging kalmado
‘Wag na bigyang pansin ‘yan
Tuloy lang sa gawain ‘wag magpalinlang
Sa mga tuso’t di ka dapat mailang
Tatagan mo lang at maging kalmado

Kalmado lang
Kalmado lang
Kalmado lang

Kalmado lang
Kalmado lang
Kalmado lang

Omar Baliw ft. Loonie, Rhyne - Kalmado Part 1 (Official Music Video)


Omar Baliw - KALMADO PART 1 feat. Loonie, Rhyne (Official Music Video)

Produced by Ochomil
Directed by BJT
A film by Black Chair
Photo by ZJA

Loonie - Wag Ka Magdroga! Lyrics

Wag ka magdodroga
Wag na wag ka magshabu
Wag ka magcococa
Wag ka magdodroga
Pwede sigarilyo
Pwedeng pwede rin tumoma
Wag ka magdodroga
Ikaw ay maniwala lamang sa mahiwaga
Wag ka magdodroga
Wala ng metapora basta wag ka magdodroga b**ch

Gusto mong subukan
Hindi ang tamang sagot
Katawan at utak wag pilitin pag pagod
Wag kang ngingiti o titingin sa mamang nag-alok
Kahit kailan wag kang titikim ng bawal na gamot
Wag ka magdodroga ako ang patnubay
Uulitin ko pa para lalo kang maumay
Wag ka magdodroga ako ang patunay
Putulin na agad habang malambot pa ang sungay
Matakot ka sa gulay kahit dahon ng malunggay
Daming magsasakang pag nag-araro ay mahusay
Mata mo ay mulat o mata mo ay mapungay
Automatic ka na adik bao mo may bullseye
Hango to sa tunay na karanasan ng isang tao na basura’y
Balak pang ibaon sa kabaong nya sa hukay
Kung gusto mong matupad ang plano mo sa buhay
Bilang kuya mo ang tanging payo ko sayo ay

Wag ka magdodroga
Wag na wag ka magshabu
Wag ka magcococa
Wag ka magdodroga
Pwede sigarilyo
Pwedeng pwede rin tumoma
Wag ka magdodroga
Ikaw ay maniwala lamang sa mahiwaga
Wag ka magdodroga
Wala ng metapora basta wag ka magdodroga b**ch

Para sa mga pasikat at mga pabida
Wala ka sa amerika di ka si wiz khalifa
Na may cannabis sativa sing lakas ng dinamita
Alam naming adik ka di mo kailangan ipakita
Pano pag mga pulis ikaw ay binisita
Sa ibang bansa ito’y legal na medisina
Dito sa Pinas wala pang ganong direktiba
Dahil ang bansa natin ay walang disiplina
Saking karanasan ako’y maraming natutunan
Masama ang laging tumagay at mamulutan
Mas masama sa katawan ay yosi pag sukdulan
Pinakamasama sa kalusugan ay kulungan
Sa dami ng aking sinabi kulang pa ba to?
Umayos ka bro ingat ingat ka baka makatulad mo ako
Pinagbintangan nila na tulak ng damo
At kung ano ano kaya kung ako sayo

Wag ka magdodroga
Wag na wag ka magshabu
Wag ka magcococa
Wag ka magdodroga
Pwede sigarilyo
Pwedeng pwede rin tumoma
Wag ka magdodroga
Ikaw ay maniwala lamang sa mahiwaga
Wag ka magdodroga
Wala ng metapora basta wag ka magdodroga b**ch

Wag ka magdodroga b**ch
Wala ng metapora basta wag ka magdodroga

Maria juana pag-ibig na ba to?
Bakit ba ako naiinlove sayo
Pag nangangamoy sinindihang damo
Ibig sabihin nun nasa paligid lang ako
Pero bakit ganon pag wala ka nang maisagot
Tatawagin mo kong adik panot
Tangin*mo pag di pasok ang sinasabi ko sa kokote mong gaalikabok
Sarado pa yata paki katok
Pabalik-balik na to laging ganon tama si Larry Gadon
Alamat ko’y mala sari manok
Kaya lahat ng sinungaling takot
Sinasabi ko’y katotohanan wala ng maraming charot
Di alam ang gagawin lahat sila napapraning
Di kami nagtatanim kayo nga tong nangtatanim
Napaniwala nyo ng todo todo mga netizens
Nagpa press conference seryoso mga sentiments
Wanna be soco ng walang evidence
Panong di palpak galing sa bobo yung intelligence

Loonie - Wag Ka Magdroga! (Official Lyric Video)


Loonie releases his newest track — "WAG KA MAGDROGA!" —produced by Klumcee.

Lyric Video by: Mark Jinno Visuals
Artwork by: Yazu

Acepipes - Loonie Lyrics

kamusta ka na idol? anong balita?
panahong di ka nakita isa na ko sa nanghina
daming nakaabang sa kanta mong bago nakapila
kantang tao lang na tila nasa radyo lang kanina
makata na inidolo noon hanggang ngayon
walang banat na patapon panis lahat ng naghamon
tyak na makakasabay pa sa dadaan pang panahon
abang lang sa paglabas ng mga barang nasa kahon
rapper na astig talagang hanep sa pantig
kahit nacancel man ang trip dala ang talent pagtawid
sadyang marami ang sabik muling bumattle ka sa flip
acapella man o may beat tiyak na grabe pagbalik

nangingibabaw yung mga kantang walang laman
tapos naghahariharian yung walang karapatan
makarinig ng bago mo ay talagang natatakam
isa lang ako sa mga taga hangang nag-aabang

sana paglabas mo dyan ay maglabas ka na agad
malupit na sulat at may maangas na pamagat
nanatiling may respeto mataas man at angat
malayo man ang narating sadyang patas ka sa lahat
salamat sa mga awiting may kabuluhan
dahil sayo natutong sumulat ng may katuturan
magagandang kahulugan may aral ang kabuuan
di tulad ng ibang kanta na puro lang kaululan
kaya sir loonie ikaw ang idol ko pagkat
plakado ang lahat kahit pasample lang magrap
mapa lovesong at mapa trap mapa hardcore ay alamat
marami na kong nakuha di man mapaarbor ng cap

nangingibabaw yung mga kantang walang laman
tapos naghahariharian yung walang karapatan
makarinig ng bago mo ay talagang natatakam
isa lang ako sa mga taga hangang nag-aabang

bawat bagsak mo pinag-aralan ang tula mo
naging pulido tila parang mga tugma ko
kahit na madalas na hinaharang nakapunta ko
sa puntong ikaw lang ang pinangarap maka collabo
sa kakaaral ko natuto na ko kaya halos
lahat ng isulat natutugma ko ng maayos
sa kakaisip at katutula ko nakagapos
sa isang awitin na natutuwa kong makatapos
rapper na mahusay dami nang patunay
sa bara lang nilalabas ang pangil tsaka sungay
butong itinanim wala sa lalim ng nahukay
ang tunay na kulay ay nasa battle mo sa buhay
bumuo sa pagiging ako yung obra mo
kung susukatin mo ang paghanga ko sosobra to
ikaw ang tunay na hari na sayo suporta ko
nag aabang sa pagbalik mo suot ang korona mo

Acepipes - Loonie (Lyric Video)


Song Title: LOONIE
Artist: Acepipes
Instrumental Produced by: 13th Beatz Exclusive
Recorded at: Platoon13Muzik
Arraged by: John Edmar Dela Cruz

Cucay x Loonie - Kapit Lang Lyrics

Titig laging pailalim
Aking galit nakatanim sa'king awit
Nangangawit kakakapit sa patalim
Mga ganid na nanggamit hala lapit ng maatim
May sasapit na malagim
Mga hapit, mga sakim

May mga bagay na hindi mo masabi
Hindi mo mawari kung ba't nagkaganyan
Dahil ang oras ay hindi mo pagaari
Lahat ng bagay ay may hanggan, kaya

Kapit, kapit ka lang
Konting tiis nalang
Sisikat ang araw may dalang liwanag
Lagi mong tatandaan
Kapit ka lang, konting tiis nalang
Hindi ba mundo mo'y umiikot lang naman?

Panahon ay sadyang mapaglaro parati
Walang pasabi, ika'y nililinlang
Minsan akala mo ikaw ay nakatali
Ika'y binabali, ngunit ika'y pinatatatag lang
Kaya

Kapit, kapit ka lang
Konting tiis nalang
Sisikat ang araw may dalang liwanag
Lagi mong tatandaan
Kapit ka lang, konting tiis nalang
Hindi ba mundo mo'y umiikot lang naman?

Kung nabasa ka sa ulan ba't sumisilong ka pa?
Aba lusungin mo na yang baha, maligo ka na
Nasaktan ka na rin lang, nalasap ang luhang mapait
Siguraduhin mong ika'y makukuhang kapalit
Pantay pantay tayong lahat mayaman man maging dukha
Ang mahalaga marami kang butong naipunla
Kung gusto mo ng umayaw pakinggan mo aking tula at tandaan mo lang palagi kung ba't ka nagsimula
Pagsikapang itaguyod ang sariling pundasyon
Tigas ng ulo mo nung bata ka gamitin mo ngayon
Bukas ko nalang susukuan ang buhay kong kay lupit
Tapos kinabukasan paggising bukas nalang ulit
Ang aking pusong umaawit punong puno ng galit
Laging ganon, daming tanong, puro nalang bakit
Malapit ng maubos ang lubid ko subalit maaari ko pa ring buhulin ang dulo at kumapit

Kapit ka lang
Konting tiis nalang
Di ba mundo mo'y umiikot?

Kapit, kapit ka lang
Konting tiis nalang
Sisikat ang araw may dalang liwanag
Lagi mong tatandaan
Kapit ka lang, konting tiis nalang
Hindi ba mundo mo'y umiikot lang naman? (titig laging pailalim
Aking galit nakatanim sa'king awit
Nangangawit kakakapit sa patalim
Mga ganid na nanggamit hala lapit ng maatim
May sasapit na malagim
Mga hapit, mga sakim)

Kapit ka lang
Konting tiis nalang
Hindi ba mundo mo'y umiikot?

Cucay x Loonie - Kapit Lang (Official Music Video)


MUSIC AND LYRICS: CUCAY PAGDILAO
RAP AND RAP ARTIST: LOONIE
VIDEO: MALCOLM VELAZCO (MAV PRODUCTIONS)
ARR, MIX, MASTER: ROJH BAQUIRAN (THE NORTH HIT PROJECT)
ASSISTING ARTISTS: EMPI MARTINEZ, DANI PAJARILLO II, BENJO JUNI

Loonie ft. Ron Henley - Ganid (Official Music Video)


Directed By: Loonie
Director of Photography: Michael Dolero
Cameraman: Michael Dolero and Ivan Agustin
Edited By: Michael Dolero
Stylist: Jasper Salimbangon and Posh Zara Cabbo
HMUA: Aira Castor
Propsman: David Rizon
Cast and Cameos:
Joel Silas
Destro Lazo
Armin Torculas
Kristine Mallari
Boss Toyo
Shanti Dope
Because
John Roa
Ex Battalion
Klumcee
Al James
Pricetagg
Apekz
Abra

Loonie ft. Brass Pas Pas Pas Pas - Tunay na Tabloidista (Music Video)


Makiindak sa awitin ng mga tunay na tabloidista mula sa titik at musika ng Hari ng Tugma na si Loonie at ng bandang Brass Pas Pas Pas Pas.

Abante

Quest, Loonie & KZ Tandingan - Ginebra Ako Lyrics

Ilang pagsubok man ang magdaan ito ako tuloy-tuloy pa rin
Hinding-hindi magpapasindak anumang klaseng hamon ang dumating
Walang takot, duda at kaba dapat matayog lagi ang tingin
Walang di kayang gawin kahit bituin aking aabutin

Ngayong lahat nagsasabi mga bagong bayani
Pusong natatangi “Never Say Die!” sigaw palagi
Sa mga kilalang palaban di nag-aalangan
Sugod lang sa pangarap anuman ang daan
Sa init at lubak, sa hirap at lumbay, diretso lang sa tagumpay

Para sa tapang na tunay, para sa tibay at husay (Ginebra!)
Isang tagay sa mga ganado sa buhay
Para sa pusong lalaban, pangarap, pamilya at bayan (Ginebra!)
Isang tagay, isang tagay sa mga ganado sa buhay

Ilang beses mang tumumba eto nakatayo pa rin
Nanganib at nangamba pero ‘di pa rin ako nadaig
Wala ni isang umubra kahit pasan ko ang daigdig
May angas pa rin ang mata sa pangarap na nais makamit

Ngayong lahat nagsasabi mga bagong bayani
Pusong natatangi “Never Say Die!” sigaw palagi
Sa mga kilalang palaban di nag-aalangan
Sugod lang sa pangarap anuman ang daan
Sa init at lubak, sa hirap at lumbay, diretso lang sa tagumpay

Para sa tapang na tunay, para sa tibay at husay (Ginebra!)
Isang tagay sa mga ganado sa buhay
Para sa pusong lalaban, pangarap, pamilya at bayan (Ginebra!)
Isang tagay, isang tagay sa mga ganado sa buhay

Ikaw, ako, tayo, malapit o malayo
Kahit saang lupalop, bandila’y tinatayo
Hindi ‘to madali pero ‘di nagmamadali
Lahat ng hamon dinaanan hanggang sa huli
Puso ay pursigido laging may paraan
Kaya sa Luzon mayroong hagdan-hagdang palayan
Ngayon ay nagdiriwang tayo na ang hinirang
Na pinaka ang bansa sa kung saan ka isinilang
Bisayang Lapu-Lapu ang tapang, Andres Bonifacio kung lumaban
Utak Apolinario, diskarte ni Jawo
Nakita mo na ba si Scottie Thompson maglaro?
Pitong libong isla ang tinatanaw
‘Sing kulay ng Vinta sa Mindanao
Ganado ka pa ba? Meron pa bang kaba?
Tanggalin na yan. Tara tagay ka!

Pilipino ako!
Matapang ako!
Ganado ako!
Ginebra ako!
Babangon ako!
Lalaban ako!
Mananalo ako!
Ginebra ako!

Para sa tapang na tunay, para sa tibay at husay (Ginebra!)
Isang tagay sa mga ganado sa buhay
Para sa pusong lalaban, pangarap, pamilya at bayan (Ginebra!)
Isang tagay, isang tagay sa mga ganado sa buhay

Quest, Loonie & KZ Tandingan - Ginebra Ako (Lyric Video)


FIRST EVER COLLABORATION BY QUEST, LOONIE AND KZ TANDINGAN. LISTEN AND BE INSPIRED.

Ginebra San Miguel

John Roa ft. Loonie - Pagitan Lyrics

Marami mang humahadlang
Marami mang may ayaw
Marami mang hindi sang-ayon
Pero wala 'yon
Wala naman tayong pakialam do'n

Kahit ano man ang balakid
Kahit ano man ang mangyari
Kahit minsan imposible
Hindi pwedeng 'di pwede
Tayo pa rin hanggang sa huli

'Di man natin masasabi na
Tayo talaga ang itinadhana
Para sa isa't isa pero sana
Kumapit ka lang sa 'kin at
Sabay nating sirain ang

Kongkretong pader
Na namamagitan
Sa pamamagitan ng pagmamahal
Kongkretong pader
Na namamagitan
Gusto nila tayong pigilan
Pero ang ating pagmamahalan
Hindi kayang higitan ng kahit na ano man

'Di na, 'di na, 'di na
'Di na, 'di na, 'di na
'Di na, 'di na, 'di na
'Di na, 'di na, 'di na

Gaano man kalalim, handa kong languyin
Gaano man kahirap ay handa kong tiisin
Gaano man kalayo ay handa kong lakbayin
'Wag ka lang mawalay sa 'kin

'Di man natin masasabi na
Tayo talaga ang itinadhana
Para sa isa't isa pero sana
Kumapit ka lang sa 'kin at
Sabay nating sirain ang

Kongkretong pader
Na namamagitan
Sa pamamagitan ng pagmamahal
Kongkretong pader
Na namamagitan
Gusto nila tayong pigilan
Pero ang ating pagmamahalan
Hindi kayang higitan ng kahit na ano man

'Di, 'di, 'di na
'Di na, 'di na, 'di na
'Di na, 'di na, 'di na
'Di na, 'di na, 'di na

Kayang-kaya kahit pa kalaban militar
Basta 'wag na 'wag ka lamang bibitaw
Lagi mong tandaan kakampi kita
Walang makakapigil, 'di kayang higitan
Hindi ito haranang tipikal
'Pag tanan wala nang mahabang pilitan
Galawang kriminal resulta ng pagmamahalang ilegal
Kailangang bilisan
Alam ko naman kasing nahihirapan ka na kung sa'n kita kikitain
At naiilang ka sa mga nakapaligid
Bakit 'di mo pa aminin na mahilig kang manitig lagi
'Di ka ba nabibigla sa lihim na pag-ibig natin
Araw-araw unti-unti akong nabibighani
Kasi maski alipin sa piling mo nagiging hari
Aking lilinawing malinis ang aking hangarin
Nais kitang angkinin, kailan ka ba magiging akin

Kongkretong pader
Na namamagitan
Sa pamamagitan ng pagmamahal
Kongkretong pader
Na namamagitan
Gusto nila tayong pigilan ('Di nila kayang pigilan)
Pero ang ating pagmamahalan
Hindi kayang higitan ng kahit na ano man

'Di, 'di, 'di na
'Di na, 'di na, 'di na
'Di na, 'di na, 'di na
Woh 'di na, 'di na