Goodson Hella Bad
Liwanag ng buwan
Ang silbing gabay pag-uwi
Kapag ako’y hindi mapakali
Ang simoy ng hangin
Kapag inabot ng dilim
Yan ang kaakbay
Kapag ako’y walang kasabay
Kailangan lumayo
Sayo papalayo
Ayokong lumingon
Baka mahuli mo ako
Takas sa mundo
Kailangan lumayo
Sayo papalayo
Ayokong lumingon
Baka mahuli mo ako
Takas sa mundo
Kapit sa sarili
Ay bumibitaw pag tumatalim
Salitang naririnig
Bakit parang lagi nalang?
Kapos sa paghinga pag nag-iisa
Reyalidad na di matakasan
Kailangan lumayo
Sayo papalayo
Ayokong lumingon
Baka mahuli mo ako
Takas sa mundo (ahhhh)
Dami-dami nating iniisip
Parang laging nasa panaginip
Buhay na nililibag, naka-tagilid
May umihip sa bulak
Di maalis sa gilid
Natabunan ng alikabok sa tagal
Hanggang sa minura mo ang iyong minamahal
Minsan ang kalaban di palaging pusakal
Malalambot ang mga palad na nakasakal
Kailanma’y hindi ko tinatang hambing
Ng tulad ko sa mga tinatawag na kambing
Salamat sa papuri ng mga malalambing
Parang hinagisan na saging ang mga matsing
Sinalo ko ang mga baryang kumakalansing
Habang naka-lambitin sa manipis na bagting
Kahit ayaw kausapin ng mga papansin,
paringgan ang mga tenga hanggang sa mapanting!
Kahit pala i-tingin ng iba
Laging tanungin na “sino ka?”
Sunod sunod saluhin
Pagpagin ang alikabok sa mukha
Tatawagin para itaboy
Tatakpan ang mga maamoy
Inipon na mga tuyo na dayami
Papatayin din naman ang apoy
Kinakausap ang sarili
Pinipili, nawiwili
Nandidiri, pinipigilan na maisuka
Tumingin ka sa paligid, mamilipit
Pinipilit na iguhit ng tama lahat ng mga letra
Sinusubukan pagurin,
Lunurin, sunugin, durugin
Ng hindi ka makasama dito sa lamesa
Habang kinakalaga na nakagapos na kamay at paa
Tinutunaw ng luha mga kadena
Aaaaaah…
Aaaaaah…
Aaaaaah…
Aaaaaah…
Aaaaaah…
Kailangan lumayo
Sayo papalayo
Ayokong lumingon
Baka mahuli mo ako
Takas sa mundo