Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Gloc-9 ft. Ramdiss & Lirah - Kwentong Barbero Lyrics

Anong gusto mong gupit
Yun bang uso't malupit
Anong gusto mong gupit
Di ka nagkamali
Sa pinuntahan ulit...

Dumaan ako sa barber sa may kanto para magpagulit kasi meron akong date
Binilisan kong maligo hindi ito biro sumabit na agad sa jeep para hindi ako malate
May dala pako na di mo masabi may mga babaeng gusto nila palagi may bigay ka
Pag ikaw naman ang may kailangan madalang malaman hanggang mamatay ka mag hintay ka
Binilisang dumating sa pinag usapan naming sa may crossing sa tapat ng shangrila
Hindi ako maka tingin kasi medyo madilim nakatayo sa malayo may anino pa
Tapos dahan dahan na lumapit mahigpit na kumapit saan daw kami pupunta
Teka bakit may ganon pa ako lamang ata ang talo kung may pusta

Naalala ko tuloy bago ako gupitan
Ni mamang barbero isang payo ang pinahiram
Hindi mo pahahalagahan ang mga bagay na nakuha mo lamang ng ganon lamang kadali
Papasalubungan ng ngiti mas masarap ang lasa ng pangarap kung itoy hati hati

Anong gusto mong gupit
Yun bang uso't malupit
Anong gusto mong gupit
Di ka nagkamali
Sa pinuntahan ulit...
Di ka nagkamali
Di ka nagkamali
Sa pinuntahan ulit...


Paulit ulit ako na babalik dahil nakakapanabik na madinig ang kwentong isinalin mo sa musika
Simula palang nung una ay alam ko na gusto kona din gawin ang mga nadidinig sayo
Nakapikit nakangiti habang nakikinig ako kinikilig patong nabibilib sayo
Nasa silid na madilim nag iisa nababato habang kinakabisa ko ang mga bagong kanta mo
Nasa harap ng salamin nakatayo pinapakalma ko ang balahibo kong tumatayo
Sa kilabot, hindi naman nakakatakot
Pero ako'y binabalot ng pag kahumaling
Lalo kapag lumalim ang salitang sinasalin
Mo sa papel at pasaring mga dala mong pasanin
Parang laging para sakin
Pag ikaw ang nag hahain
Lagi akong kumain
Kahit gutom sa pagkain
Busog nako pangarapin
Balang araw ay palaring
Magtagpo ang daan natin

Naalala ko tuloy bago ako gupitan
Ni mamang barbero isang payo ang pinahiram
Dahil pagkatapos ng lahat to ay makakalimutan din naman nila tayong lahat
Hindi ako papayag na digang barbero lang yung sakin pag sara mo ng aklat
Makikitang pamagat ay alamat

Anong gusto mong gupit
Yun bang uso't malupit
Anong gusto mong gupit
Di ka nagkamali
Sa pinuntahan ulit...

Mga di mo akalain pwede palang pangarapin
At syang mapapasa amin wag mo nang hanapin
Kasi sayo manggagaling kung meron man o wala rin
Lagi mo lang tandaan ang paraan ay ganto lang
Kung alam mo kung paano ilang beses ka mang kapkapan
O hakbangan ay huwag ka dyan basta basta mag patalo

Masyado ng maraming
Inindang sakit
Para maispan ko pa na ipagpalit
Ang mga hangarin na pilit pinag kait
Pero patuloy ko parin na inilalapit
Ang aking sarili
Kahit na minsan ayaw ng manatili
Akoy kinakalabit mga tulang dekalibre
Bago ka maging kambing kailangan muna maging bwitre
Sa pag kakaton dapat kagat ay mala tigre

Dahil ang buhay ay para ka lang nag punta sa barbero at nagpagupit
Mga masamang nangyariy kalimutan at di mo na babalikan pa ulit
Talupan ang naka dikit
Nasabi ko na to sayo kaya naman dapat alam mo na
Ito ba'y kataka taka bang mga
Bagay bakit kasi nga ay nagagawa na ito ng iba

Naalala ko tuloy bago ako gupitan
Ni mamang barbero
Isang payo ang pinahiram
Hindi mo pahahalagahan
Ang mga bagay
Na nakuha mo lamang ng
Ganon lamang kadali
Papasalubungan ng ngiti
Mas masarap ang lasa ng pangarap kung itoy hati hati...

Anong gusto mong gupit
Yun bang uso't malupit
Anong gusto mong gupit
Di ka nagkamali
Sa pinuntahan ulit...
Di ka nagkamali
Di ka nagkamali
Di ka nagkamali
Sa pinuntahan ulit...

Gloc-9 ft. Ramdiss & Lirah - Kwentong Barbero (Official Music Video)


After winning the second batch of Tribal's Gloc-9 44 Bar Challenge, things are looking really great for Raymart Profugo aka Ramdiss.

The rapper and songwriter from Sta. Mesa, now shares the limelight together with his idol Gloc-9 in this song Kwentong Barbero another featured artist is Lirah.

The song was recorded, mixed and mastered at Studio Z Audio Productions and Recording Studios.

Gloc-9 ft. Lirah - Macho Rap (Official Music Video)


Ilabas ang mga bote at tawagin na ang mga kapwa #MangTomas lover! Sabayan si Gloc9, Lirah, Benjie and Andre at panoorin ang #MangTomasMachoRap Music Video! Excited na ba kayo? Oras na para ipakita ang inyong pagiging #MachoGanado!

NutriAsia

Gloc-9 ft. Lirah - Macho Rap Lyrics

Ayy nako
Nagugutom na naman ako
May handang inihaw, lechong manok at isdang prito
Syempre sinabaw ko ang Mang Tomas sa isang platong kanin ko
Aba meron ding pritong itlog
Kainan na!

Parang nasa ulap ang feeling ko
Kapag Mang Tomas ang nasa ulam ko
Original o siga man ang Mang Tomas ko
Kumpleto na ang paborito ko
Litsong kawali, chicharon, inasal, pata, torta, tokwa pati na tilapia
Mas masarap ang lahat ng ‘to kapag kasama ang Mang Tomas ko
Minu-minuto, segu-segundo macho Ganado sa Mang Tomas ko
Kahit anong ulam ang ihain mo
‘Pag may Mang Tomas talo-talo na ‘to

Wala ka talagang katulad oh Mang Tomas ko
Wala ka talagang katulad oh Mang Tomas ko
Ang handa ay sinisimot ko
Lumalabas katakawan ko
Kahit kanin lang papatulan ko
Ganito ako ‘pag ganado

Hinding-hindi ipagpapalit ang sarap ng sandali
Mas masarap kumain kapag Mang Tomas ang katabi
Pwede bang wala ng dulo ang handaan na ito
Dahil macho Ganado with Mang Tomas ko

Kahit anong ulam ang ihain mo
‘Pag may Mang Tomas talo-talo na ‘to

Wala ka talagang katulad oh Mang Tomas ko
Wala ka talagang katulad oh Mang Tomas ko
Ang handa ay sinisimot ko
Lumalabas katakawan ko
Kahit kanin lang papatulan ko
Ganito ako ‘pag ganado

Ang handa ay sinisimot ko
Lumalabas katakawan ko
Kahit kanin lang papatulan ko
Ganito ako ‘pag ganado

Gloc-9 ft. Lirah - Tanan Lyrics

Bakit hindi
Ka naman dumating
Sinadyang biguin
Mo ang aking hiling

Bakit hindi mo ako hinintay
Kailangang ibigay ko ang aking kamay

Sa taong hindi ko naman minahal
Ngunit di nag tagal kami ay kinasal

Bakit hindi
Ka naman dumating
Sinadyang biguin
Mo ang aking hiling


Alam kong hindi boto sakin ang iyong mga magulang
Kasi kung ano mang meron akong kokonti ay kulang

Perang laman ng pitaka ko ay kay bilis mabilang
Sasahod nako sa lunes kaya puwede nang mangutang

Pero kahit langit kat lupa ako alam mo
ngayon lamang ako nag lakas loob ng ganito

Lalo na nung naramdaman kong may pag asa ako
Pakiramdam ko ay kayang kaya kong buhatin ang mundo

Ayun na nga pinayagan mo akong sunduin kita
Hawakan ang iyong kamay kahit nakatingin sila

Kitang kita ko ang aking saya sayong mga mata
Wala tayong pakialam sa sasabihin ng iba

Tuwang tuwa ka sa mga regalo kong di mamahalin
Kahit na sa mumurahin ay sabay tayong kumakain

Akoy nag papasalamat kahit na di madasalin
Pero bakit nag iba yata ang ihip ng hangin

Hanggang isang araw parang iniiwasan mo ako
Hindi na kita masilayan kahit na sa bintana nyo

Ilang linggo ang lumipas
Nagbakasali ako
Buti nalamang at sinagot mo na rin ang tawag ko

Bakit ka umiiyak ano bang dahilan
Parang awa mo na Susan sabihin mo naman

Narito ko para sayo kahit na ano pa yan pero
Di ko inasahan ang kanyang naging kasagutan

Gusto akong ipakasal ng aking ama sa iba may hihilingin ako sayo sana ay pumayag ka

Bago mag simbang gabi dun sa lumang talipapa sasama na ako sayo basta hihintayin kita

Dali dali akong umuwi hinakot ang damit
Dalawang maong limang kamiseta kaso isay punit

Ngunit ang mundoy sadya nga yatang napaka lupit
Dahil kaming dalaway di na magkikita pa ulit..


Patawarin mo ako kung nag hintay ka ng matagal
Inabot ka na ng lamig ngipin moy nangatal

Parang tarak ng kutsilyo na hindi mo matanggal yan ang sakit pag tinalikuran ka ng iyong Mahal

Mabuti na rin yun siguro kasi tingnan mo naman maayos ang iyong buhay at inyong kinalalagyan

Sunod sa layaw ang inyong tatlong anak may laruan
Hindi ko kayang ibigay
Ang ganyang karangyaan

Ang meron lamang ako dito ay pag ibig na tunay
Babantayan ka habang ikay nag gagayat ng gulay

Suot ang bigay kong duster
Luma nat kupas ang kulay
ng telang kasing lambot ng buhok mo na naka lugay

Sa gabi alam kong hindi ka nya pinapansin
Ayaw ka nyang alagaan pero bakit inaangkin

Parang isda na bilasa sa palengke mumurahin
Doon ka nya hinahambing
Tuwing ikay naglalambing


Ayaw ko na sanang sabihin sayo ang mga ito
Pero baka ito ang susi ng katahimikan ko

Nong gabing magkikita tayo
Papunta na ako
Kaso dinukot ako ng mga tao ng Ama mo

Ginapos akot itinago sa tambakan ng gulong
Pinag hatian ang baon nating bibingkat puto bungbong

May piring aking mata
Nang marinig ko ang bulong
Isang malakas na putok ang sa ulo koy dumagundong

Tumatagas ang alaala kinaladkad sa Paa
May isa tiningnan pa kung di nako humihinga

Puwing na lupa at bato sa aking mga mata
Bakit ito ang sinapit at napunta ka sa iba

Lagi mo akong kasama masaya narin ako
Na may isang natupad sa mga kahilingan ko

Marahil ay nag tataka bakit alam ko lahat to
Ang bangkay koy nakalibing sa ilalim ng bahay nyo..

Gloc-9 ft. Lirah - Tanan (Official Audio)


Composed by Aristotle Pollisco
Arranged by Paulo Zarate of Studio Z Audio Productions and Recording Studios

LIRAH - Bakit Hindi (Official Music Video)


Official Music Video of LIRAH's latest single "Bakit Hindi" (shot entirely by mobile phone!)

Directed and Edited by: Sean Daniel Pollisco
Shot by: Sean Daniel Pollisco and Andreah May Bermudez

Composed by: Lester Vano
Produced and Arranged by: Lester Vano and Samuel Mopal of Sandiwa
Recorded, mix and mastered at Studio Z Audio Productions and Recording Studio (Paulo Zarate and Martin Andrew Guevara)

Lirah ft. Bosx1ne & Flow G - Mahal Mo Rin Ba Ako? (Official Audio)


Mahal Mo Rin Ba Ako? (Official Audio) | LIRAH ft. Bosx1ne and Flow-G

© 2019 Ivory Music & Video, Inc.

Lirah ft. Bosx1ne & Flow G - Mahal Mo Rin Ba Ako? Lyrics

Puso ko’y kumakaba
Sa tuwing ika’y nakikita
Lumapit ka nakangiti
Puso ko’y biglang sumikip

Pilit kong tinatanggal ka sa isip
Pero ikaw pa rin ang nasa panaginip

Di ko alam kung bakit ganito
Ikaw parati ang laman ng puso ko
Di ko alam kung bakit nagtatanong
Nahihirapan ang isip at nalilito
Mahal mo rin ba ako?
Na na na…

Tinatanong sa langit kung bakit ba ako sayo’y naakit
Pilit man lumayo at di na lumapit
Pero ba’t sayo’y nahuhulog nang labis
Hindi mo naman binigyan ng motibo man lang
Para lang ay alam ko kung hanggang saan ba
Magpaparamdam hanggang dito na lang
Baka o pwede pa sana’y makaramdam
Dahil pilit kang tinatanggal sa isip ko
Di alam ano ang kahinatnan
Ikaw ang gusto ngayo’t di nagsisisi
Mahal na kita at ikaw ang napili

Di ko alam kung anong kulang pano ko pupunan
Ano pa bang kailangan ko na gawin para mahalin mo ko ng tuluyan oh
Kahit anong paraan oh mabigat o magaan
Gaganapan para di mo masabi na wala kang nararamdaman
Alam mo bang matagal na kong takot kaso baka malagot
Pag tinanong kita di ko nakuha yung hinahanap na sagot
At baka di ko kayanin pag nangyari yung masama na kutob
Ay mas lalong lumalim ang sugat sa aking damdamin ikaw ang makakagamot
Kahit pa balewala ang nararamdaman palala pa rin ng palala
Habang yung pag-asang mamahalin mo rin ay pawala na rin ng pawala
Kaya ngayon magtatanong na ko gusto ko nang maging klaro
Gusto ko na maging tayo sumagot ka mahal mo rin ba ko

Di ko alam kung bakit ganito
Ikaw parati ang laman ng puso ko
Di ko alam kung bakit nagtatanong
Nahihirapan ang isip at nalilito

Mahal mo rin ba ako?
Na na na…
Mahal mo rin ba ako?
Na na na…

Di ko alam kung bakit nagtatanong
Nahihirapan ang isip at nalilito

Mahal mo rin ba ako?

Lirah ft. Bosx1ne & Flow G - Mahal Mo Rin Ba Ako? (Official Music Video)


Mahal Mo Rin Ba Ako? (Official Music Video) | LIRAH Feat. Bosx1ne and Flow G

© 2019 Ivory Music & Video, Inc.

Gloc-9 ft. LIRAH - Pulubi Lyrics

laging salat sa salapi
sugat na kay hapdi
bubong ang puro tagpi
pawis na di makubli
kalye at lansangan
ang hapag kainan
laging natitikman
mga tira-tirang ilan

sino (sino) sino (sino)
ang tunay na pulubi
sino (sino) sino (sino)
ang tunay na pulubi
sino (sino) sino (sino)
ang tunay na pulubi
sino (sino) sino (sino)
ang tunay na pulubi

silang mga nasa kalsada madumi ang damit
malamang wala pang ligo minsa'y punit-punit
hindi lang ang kasuotan 'no kung ano ang bitbit
madalas ay kalooban na may tangan na sakit
hinanaing, sino ba'ng may kayang magpagaling
lakad kami ng lakad ba't ang hirap makarating
laging nasasalubong di naman lilingunin
gano katalas ang kahirapan subukang salatin
ng malaman suotin mo ang tsinelas na patid
ko sa tuwing lalagnatin ang bunso mong kapatid
sa maginaw na gabi o tanghaling tag-init
kami lang ang tabi-tabi yayakapin lang ulit
kahit ganito ang buhay kami ay sama sama
karton sa kalsada'y mistulang malambot na kama
kalarong mga anak at katuwang ang asawa
oras ay ang tunay na kayamanang napapamana

sino (sino) sino (sino)
ang tunay na pulubi
sino (sino) sino (sino)
ang tunay na pulubi
sino (sino) sino (sino)
ang tunay na pulubi
sino (sino) sino (sino)
ang tunay na pulubi

palasyo mansyon (matayog na bahay)
negosyo ambisyon (kay daming alalay)
iba't ibang bansa (makapal na alahas)
laging destinasyon (di ka ba nangangalay)
di mabilang na pera (animoy pabuyang)
matatag na karera (takot na magkulang)
kaya mong mabili, lahat ng nasayo
sana wala kang binebenta

pero sa kasagsagan ng pagtamasa mo nito
minsan ba'y tumigil at tinanong ang sarili mo
naiintindihan mo bang lahat ng sinasabi ko
isang sagot na diretso at di ka malilito
kayang itago ang apoy kaso hindi ang usok
pag nagmamadali malalim ang tibong tumusok
sa magarang sapatos ng paang puno ng bubog
nakahiga sa karangyaan di naman makatulog
ngayon ay nasa ospital may karamdamang malala
na minsan ang pinakamalungkot ay ang mahal na kama
wala ang mga anak at katuwang na asawa
oras ay ang syang tunay na kayamanang napapamana

laging salat sa salapi
sugat na kay hapdi
bubong ang puro tagpi
pawis na di makubli
kalye at lansangan
ang hapag kainan
laging natitikman
mga tira-tirang ilan

sino (sino) sino (sino)
ang tunay na pulubi
sino (sino) sino (sino)
ang tunay na pulubi
sino (sino) sino (sino)
ang tunay na pulubi
sino (sino) sino... (baka tayo)

ang tunay na pulubi

Gloc-9 ft. LIRAH - Pulubi (Official Audio)


Check out the official audio video for "Pulubi" by Gloc-9 Ft. LIRAH

Lirah - Sahod (Official Music Video)


Sahod | LIRAH | Official Music Video

© 2019 Ivory Music & Video, Inc.