Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Matthaios & VNCE - Ligaw Lyrics

Matthaios be wonderin'
Yuh

Kakaskasin ang gitara
At aalayan ka ng isang harana
Sana'y iyong pakinggan, aking mga dahilan
Kung ba't ang puso ko'y ikaw ang nilalaman

Kakaskasin ang gitara
At aalayan ka ng isang harana
Sana'y iyong pakinggan, aking mga dahilan
Kung ba't ang puso ko'y ikaw ang nilalaman

Nagsimula lang sa isang ngiti
Ngayon ako ay hindi mapakali
Iuukit ko sa paraang
Pag-awit ang aking pagmamahal
Iilawan ka sa bawat gabi
Kahit pa maubusan ako ng sindi
Iguguhit ko ang naramdamang
Pag-ibig sa 'ting mga biruan

At kahit na ako'y 'yong 'di makita
Mananatili ang paghuni ng aking pagsinta

Kakaskasin ang gitara
At aalayan ka ng isang harana
Sana'y iyong pakinggan, aking mga dahilan
Kung ba't ang puso ko'y ikaw ang nilalaman

Kakaskasin ang gitara
At aalayan ka ng isang harana
Sana'y iyong pakinggan, aking mga dahilan
Kung ba't ang puso ko'y ikaw ang nilalaman

Hihilain upuan bago ka umupo
At kapag ika'y sasakay, pagbubuksan ng pinto
'Di ko sinasabi na hindi mo kaya ito
At kahit 'di ka pa magsabi, gagawin pa rin 'to
"Araw-araw liligawan" 'yan ang sabi ko sa "Chito"
'Di man mahilig sa alak pero shoshot kay tito
Iwan ka man nila ako palagi lang nandito, pangako ko
Ako ang Eugene mo, ikaw ang Jenny ko
Kung sa tingin mo'y nagloloko ako, pakinggan mo na lang ang awiting 'to

Kakaskasin ang gitara
At aalayan ka ng isang harana
Sana'y iyong pakinggan, aking mga dahilan
Kung ba't ang puso ko'y ikaw ang nilalaman

Kakaskasin ang gitara
At aalayan ka ng isang harana
Sana'y iyong pakinggan, aking mga dahilan
Kung ba't ang puso ko'y ikaw ang nilalaman

You already know, MIDA$ Records

Matthaios & VNCE - Ligaw (Official Lyric Video)


Watch the official lyric video for "Ligaw" by Matthaios & VNCE.

Video by Knotter

Producer: VNCE

© ℗ 2021 MIDA$ Records

SUD - Ligaw Lyrics

Hinanap ka
Walang patid
Tinanong ko na silang lahat
Wala pa 'rin

Napagod lang
Sa pag-lihis
Paikot-ikot lang naman
Baligtarin man ang damit

Ngunit dumating ang araw
Na ikaw ay napansin
Ako ay naliligaw
Yun pala ay ikaw rin

At sa tagal ng panahon
Na naligaw, o kay bilis ng buhay
Buti at nahanap ka ng pagkakataon
Na makilala ang pag-ibig mo
Handa na 'ko na maligaw sa 'yo

O kay ganda ng 'yong ngiti
Sa tuwing kamay mo'y nasa 'kin

Wala tayong pupuntahan
Kahit saan pa ‘yan
Basta andyan ka lang

Ngunit dumating ang araw
Na ikaw ay napansin
Ikaw ay naliligaw
Yun pala ay ako rin

At sa tagal ng panahon
Na naligaw, o kay bilis ng buhay
Buti at nahanap ka ng pagkakataon
Na makilala ang pag-ibig mo
Handa na 'ko na maligaw sa 'yo

Joshua Feliciano - Ligaw Lyrics

Naaalala mo pa ba ang unang araw na tayo’y nagkakilala
Walang araw na hindi nangangawit kangingiti ang aking labi
Dati pangarap lang kita ngayo’y pagmamahal sa ‘yo’y nag-uumapaw na
Dahil sa’yo napagtanto ng puso ko na may pag-asa pang muling sumaya

Ngayong gabing ito nais kong ipaalam sa iyo
Na gusto kong kasama ka sa panibagong yugto
Ng buhay ko, ng puso kong matagal naghihintay sa ‘yo

Hawakan mo aking kamay
Gagabayan, maglalakbay, patungo sa pinapangarap mong buhay
Meron pa din namang lalaking handang sumeryoso tulad ko
Kaya sana ay sagutin mo na ‘ko ng
Oo woh oh oh oh oh
Oo woh oh oh oh oh oo woh oh oh
Kaya sana ay sagutin mo na ako

Akalain man ng iba na ako’y manloloko at gago
‘Di alintana tinanggap mo ‘ko ng buong-buo
Laking pasalamat ko kay Lord nang ika’y nakilala ko
Binigyang-kulay mo ang namamatay kong puso

Ngayong gabing ito nais kong ipaalam sa iyo
Na gusto kong kasama ka sa panibagong yugto
Ng buhay ko, ng puso kong matagal naghihintay sa ‘yo

Hawakan mo aking kamay
Gagabayan, maglalakbay, patungo sa pinapangarap mong buhay
Meron pa din namang lalaking handang sumeryoso tulad ko
Kaya sana ay sagutin mo na ‘ko ng
Oo woh oh oh oh oh
Oo woh oh oh oh oh oo woh oh oh
Kaya sana ay sagutin mo na ako ng
Oo woh oh oh oh oh
Oo woh oh oh oh oh oo woh oh oh
Kaya sana ay sagutin mo na ako

Joshua Feliciano - Ligaw (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Ligaw" by Joshua Felicianno.

"Ligaw"
Composed by Joshua James C. Feliciano
Published by Viva Music Publishing, Inc.

Producer: Jojit Feliciano
Arranger: Joshua Feliciano