Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Alex Bruce - Dime Girls Lyrics

We got dimes, We got Gucci Hangin'
Binibini’s into money makin'
We flexin' we clout
Our millis will talk
Next time we don’t need to walk
Istilong Patok
Pag kami nang kumatok
Buksan mo at tyak na pasok
Get it??

OOO LA DA DA DI DA (2x)
come on mag-ingay kaliwa’t kanang tayong kakampay
OOO LA DA DA DI DA (2x)
where my ladies at kaway kaway
Yeah we go high

Amin tong game
We’ll make it rain
You all tha same
Check out ma' gang
We all in flames
Amin tong business
Gonna be showin' we own this
Amin tong Amin tong game
Where tha boyz at??
mmm take ya' seat please

Bow & say our name
Ooo that's how we claim
Hit that target not just aim
That's how we do it BANG
Di habol ay basta fame
Kelangan namin CHACHING
We got beauty
We got brains
WE THA D-I-M-E GANG

counting with manicured nailz
Di napapapagod pumirma ng dealz
We don’t worry bout our billz
We got alotta burn & spill

We hella savage
We Livin' so lavish
Di kame typical we ain’t average
Kikinang, kikinang, kikinang lang
Malabo kame na mag tarnish

Di moto kaya boy
Iba tong barbie boy
Di moto ma eenjoy
U can neva make me talk
U can neva make us toys

So come on out boy
Flip tha coin
Heads or tails
And ready naw to be destroyed
Ibang apoy ibang atake boy
Ibahin mo kame sa Kaya mo na itaboy

We got dimes, We got Gucci Hangin'
Binibini’s into money makin'
We flexin' we clout
Our millis will talk
Next time we don’t need to walk
Istilong Patok
Pag kami nang kumatok
Buksan mo at tyak na pasok
Get it??

OOO LA DA DA DI DA (2x)
come on mag-ingay kaliwa’t kanang tayong kakampay
OOO LA DA DA DI DA (2x)
where my ladies at kaway kaway
Yeah we go high
dime girls

Hmm Tara dime girls
We are, we are diamonds
Kumikislap kame na parang diamonds

‘Se we got our milli
Sing anghang kame ng chilli
Ya know we make money money
And we makin it easy

DIME NA TARA SIGE CLIMB
WE GONNA BE SHOWIN THA WORLD THAT WE DOIN JUS FINE
HEYA BOYZ NEEDA LISTEN UP, LISTEN TO THESE RHYMES NOW
KASE Y'ALL VANISH IN NO TIME
VANISH IN NO TIME NOW

Kami naman,Kami naman ngayon sa unahan
Kami naman, Kami naman Ang dapat nyong tingnan
Kami naman Ang magiging modelo at boses na papakinggan
Kung di mo kayang sundan sige upo kanalang

OOO LA DA DA DI DA (2x)
come on mag-ingay kaliwa’t kanang tayong kakampay
OOO LA DA DA DI DA (2x)
where my ladies at kaway kaway
Yeah we go high
dime girls
(REPEAT 2X)

OOO LA DA DA DA DI DA (2x)
Kami naman,BABAE naman ngayon sa unahan
OOO LA DA DA DA DI DA (2x)
Kung di mo kayang sundan sige upo kanalang

Kami naman,Kami naman ngayon sa unahan
Kami naman, Kami naman Ang dapat nyong tingnan
Kami naman Ang magiging modelo at boses na papakinggan
Kung di mo kayang sundan sige upo kanalang

Press Hit Play - Adlaw Lyrics

(CHRLS)
Naalala mo pa ba
Unang araw nagtagpo
Ating mga mata

(Yuuki)
Para bang nahihiya
Ang pusong may halong kaba
Ganun pala pag nakita na

(JP)
Ang bubuo sa buhay ko
Hindi ko inakalang

(Sev)
Hahantong to sa tayong dalawa
Patungo sa
Pangakong sasamahan ka sa

(All)
Araw-araw ikaw lamang
(Chrls)
Ang siyang iibigin ko
Sa bawat paggising ko

(All)
Araw-araw ikaw lamang
(Chrls)
Ang siyang iibigin ko
Sa bawat paggising ko

(Yuuki)
Away at tampuhan
Ay hindi naging hadlang
Mas lalo lang kitang
Minamahal

(Yukito)
Walang oras na hindi ka hinahanap
Ikaw ang aking pangarap
Yeah, Oh ikaw nga

(CHRLS)
Ang kabiyak ng puso ko
Yeah
Hindi ko inakalang

(JP)
Hahantong to sa tayong dalawa
Patungo sa
Pangakong sasamahan ka sa

(All)
Araw-araw ikaw lamang

(Chrls)
Ang siyang iibigin ko
Sa bawat paggising ko

(All)
Araw-araw ikaw lamang

(CHRLS)
May hawak ng puso ko
Pangakong sasamahan ka

(CHRLS)
Lahat ay ibibigay
Tanging pagmamahal
Sayo lamang iaalay

(Sev)
Kaya wala ng hahanapin pa
Sasamahan ka
Sa habang buhay

(All)
Araw-araw ikaw lamang
(Chrls)
Ang siyang iibigin ko
Sa bawat paggising ko

(All)
Araw-araw ikaw lamang
(Chrls)
May hawak ng puso ko
Pangakong sasamahan ka
Araw-araw

DJ Loonyo ft. Gloc-9 - Bakit Lyrics

Bakit, “awit” ako’y inlove sayo
Hindi mapigilan ang damdamin ko nahulog sayo
Kapit, kahit di mapansin mo
Sa susunod na lang baka sakali

Nagdadalawang isip kung lalapit
Nagbabakasakaling kausapin
Sana’y madinig ang simple kong hiling
Hindi ko lang alam kung maaari
Sa dami ba kasing nakaabang
Gusto ko lang naman ipahayag
Ang aking nararamdaman

Di ko man masabi sayo kaagad
(Mag-aantay ng tamang oras, dala-dala ang mga rosas)
Ngayo’y hindi ka na matiis
Sana naman mapansin mo
Ang nararandaman sayo

Bakit, “awit” ako’y inlove sayo
Hindi mapigilan ang damdamin ko nahulog sayo
Kapit, kahit di mapansin mo
Sa susunod na lang baka sakali

Kahit na anong iyong gawin
Di ka titigilan kahit ako’y alukin
Milyong milyong pera kotseng nakahilera
Babae’t bahay lupa pagkaing nasa mesa
Hinding hindi makumpara lakas ng ‘yong dating
Nag-iisang bituin sa langit ko tuwing gabi
Ako’y nanginginig, naduduling
Habang ako’y papalapit sa’yo “Kareng”

Di ko man masabi sayo kaagad
(Mag-aantay ng tamang oras, dala-dala ang mga rosas)
Ngayo’y hindi ka na matiis
Sana naman mapansin mo
Ang nararandaman sayo

Bakit, “awit” ako’y inlove sayo
Hindi mapigilan ang damdamin ko nahulog sayo
Kapit, kahit di mapansin mo
Sa susunod na lang baka sakali

Kahit na marami diyang iba
Di ko kayang ibigay ang kayang ibigay nila
Sakin ay ikaw muna lagi kang una
Parang sibuyas sa bawang sa tuwing naggigisa
Hawakan mong aking kamay hayaan mong maging gabay
Simula ngayon di ka na mag-iisa
Alisin mo ang kaba iingatan lang kita
Hanggang dulo simula sa umpisa

Araw-araw liligawan ka
Laging hatid sundo malayo
Yan ay hindi batid kahit nasan pa
Hayaan mong alayan ka
Pitasin mo lang sa akin
Pagmamahal ko na sinasadya

Di ko man masabi sayo kaagad
(Mag-aantay ng tamang oras, dala-dala ang mga rosas)
Ngayo’y hindi ka na matiis
Sana naman mapansin mo
Ang nararandaman sayo

Bakit, “awit” ako’y inlove sayo
Hindi mapigilan ang damdamin ko nahulog sayo
Kapit, kahit di mapansin mo
Sa susunod na lang baka sakali

Bakit, “awit” ako’y inlove sayo
Hindi mapigilan ang damdamin ko nahulog sayo
Kapit, kahit di mapansin mo
Sa susunod na lang baka sakali

Bakit, “awit”
Bakit, “awit”
Bakit, “awit”
Sa susunod na lang baka sakali

Jeffrey Querubin - Lipad Lyrics

Ipikit mo ang iyong mata, huminga nang malalim
Saka ka dumilat at pagmasdan ang tanawin
Damhin mo ang hangin sa 'yong mukha
Habang nakalutang ka sa ibabaw ng mundo

Lipad, lipad, kaya mong lumipad
Lipad, lipad, anuman ang iyong hangad
Maniwala sa iyong galing, abot mo ang bituin
Lipad, lipad, kaya mong lumipad

Basta't kaya mong isipin ay kaya mong gawin
Kalimutan ang kaba, tayo ay sama-sama
Maaabot mo din ang pangarap mo
'Pagkat sa puso mo, kayang-kaya mo

Lipad, lipad, kaya mong lumipad
Lipad, lipad, anuman ang iyong hangad
Maniwala sa iyong galing, abot mo ang bituin
Lipad, lipad, kaya mong lumipad

'Pagkat sa puso mo ay kayang-kaya mo
Kayang-kaya mo, whoa

Lipad, lipad, kaya mong lumipad
Lipad, lipad, anuman ang iyong hangad
Maniwala sa iyong galing, abot mo ang bituin
Lipad, lipad, kaya mong lumipad

Lipad, lipad, kaya mong lumipad
Lipad, lipad, anuman ang iyong hangad
Maniwala sa iyong galing, abot mo ang bituin
Lipad, lipad, kaya mong lumipad

Kaya mong lumipad
Lipad, lipad

The Juans - Sabik Lyrics

'Di maitago ang ngiti
Dinadama ang bawat sandali
Gusto kita hindi maikukubli
Maghihintay 'di magmamadali

Kaya dahan-dahan walang alinlangan
Nais kong malaman mong ako'y nasasabik na

Makita ka, mahagkan ka
Mapakita sa'yong ika'y mahalaga
'Di mawawala, 'di mangangamba
'Pagkat tayo'y tiwala sa isa't isa, oh-ooh

'Di mawala-wala ang ngiti sa mga mata
Paano pa kaya kapag ika’y kasama na?
Wala nang ibang hahanapin pa (Hahanapin pa)
Maghihintay sa oras na itinakda

Kaya dahan-dahan walang alinlangan
Nais kong malaman mong ako'y nasasabik na
Makita ka, mahagkan ka
Mapakita sa'yong ika'y mahalaga
'Di mawawala, 'di mangangamba
'Pagkat tayo'y tiwala sa isa't isa, oh-ooh

Ako'y nasasabik na

Makita ka, mahagkan ka
Mapakita sa'yong ika'y mahalaga
'Di mawawala, 'di mangangamba
'Pagkat tayo'y tiwala sa isa't isa
Tiwala sa isa't isa

Valley of Chrome - Mahirap Mahalin Lyrics

Nasasakal ka na, ano ang dapat kong gawin
Masakit makita na iyong leeg may nakatutok na talim
Minamahal kita, sa puso ko'y dala
Sa tuwing nagpupumiglas
Nasusugatan ka

Sinasaktan, dinudusta, ang iyong pangalan
Dinadala sa putikan, minamahal kong bayan

Sa katunayan nga, mahirap kang mahalin
Bayan kong inabuso ng mga salarin
Mahirap mahalin, bansang nasasakdal
Hangga't sila'y makapangyarihan di tayo magtatagal

Sinasaktan, dinudusta, ang iyong pangalan
Dinadala sa putikan, minamahal kong bayan

Ang dati mong ganda, naglalaho na
Inaabusong kapangyarihan, may matitira pa ba

Hangga't may kamay na bakal na sumusuntok sa kanyang dibdib
Hangga't may mga dilang anghel na may garote sa kanyang leeg
Alam kong marami sa atin ang pagod nang ipaglaban siya
Sa huli kung walang kikilos, sama sama tayong tutumba

Di kami papayag

Di kami papayag, walang galang sa ama
Di mo na masasaktan, ang aming ina
Di mo na masasaktan, ang aming ina

8 Ballin' - Di Na Lyrics

hook (ego)

'Di ko kailangan sabihin pa
Kitang-kita mo naman lahat sa 'king mata
'Di ko kailangan aminin pa
Alam mo na naman lahat mula nung umpisa
'Di ko kailangan… di ko kailangan pa
'Di ko kailangan… di ko na kailangan pa

verse (Juan-E)

Distance ain't a hindrance
Love is not a game you are ready to play
Dito lang ako when you need me
Mag sabi ka lang sakin I am one call away

Di ko kailangan ng iba
Ika'y sapat na sakin sinta
Halika na samahan
Para nang iyong malaman

verse (TEEN)

Sana naman malaman na ikaw lamang ang dadamayan
Sasamahan ka sa mga gusto, natutukso ngunit
Subok na rin to huminto at lumayo
ngayon ay napasayo

Ayokong humantong ang tanong kung anong
merong sating dalawa
Alam mo ang sagot na ikaw
ang gamot na aking pinag damot
Abutin ang taas wag ka lang babaklas

verse (Lvx)

Di ko man sabihin sayo
Pinapakita ko namang totoo
Dahil kahit ano pa ang aminin
Talagang ikaw lang aking gusto

Di ako papayag na may sumira
Satin kahit minsan tayo'y magulo
Sadyang ang tulad mo'y bibihira
Kay tagal ko din na naghintay sayo

hook (ego)

'Di ko kailangan sabihin pa
Kitang-kita mo naman lahat sa 'king mata
'Di ko kailangan aminin pa
Alam mo na naman lahat mula nung umpisa
'Di ko kailangan… di ko kailangan pa
'Di ko kailangan…. di ko na kailangan pa

verse (R!S)

Oh yea walang wala na sakin sinasabi ng iba
Gahddamn you're so fine
Alaalang di malimot yea parang may mahika
Namsayin one time

Kailangan kong hanapin (kung san ka)
Alam na wag umamin (ge san ba)
Ituloy na natin
Gabi gabi ka sakin (ays na)

verse (PRAY)

Ang pasalamat ko palagi
Kaw na yung aking kasama kahit dati
Nakita mo lahat ng aking paghihirap
Di matanggal init ng pag ibig parang nabibinat

Pag nanghihina ikaw lang okay na ako
Pag ikaw nadapa ako ang sasalo
Sasambitin kahit di na
Galaw mo lang aking medisina

hook (ego)

'Di ko kailangan sabihin pa
Kitang-kita mo naman lahat sa 'king mata
'Di ko kailangan aminin pa
Alam mo na naman lahat mula nung umpisa
'Di ko kailangan… di ko kailangan pa
'Di ko kailangan…. di ko na kailangan pa

verse (Supboi K)

You make it like I'm peter and you're mj
I'll make you feel that everyday's your birthday
Maybe u deserve it prolly I just like ya
I know you want me just chill no rush

Baby you know you can ride with me
You make me feel alive that's where I wanna be
I don't know but I want you
On God know I love you

verse (Ya'akov)

Di na para patunayan
Binigay naman lahat kahit pa na walang wala
Kahit di mo namalayan
Handa naman palaging bumalik sa simula

'Kaw lang hahanap-hanapin
Kahit di garantisadong mapasakin
Sisisirin pa kahit gano kalalim
Alam mo na naman lahat to para saken

verse (cXy)

Di maalis sa isip parang nakaposas
Payag na kong angkinin mo ko, ge sayo na
Parehas lang nadarama, yeah kita ko na
Goodvibe lang, para sayo may oras

Bibigay naman sayo
Alisin natin sa isip mo mga tanong
I've been sending hint alamin sagot
'Lam ko naman san mo gusto sige masunod

Hook (ego)

'Di ko kailangan sabihin pa
Kitang-kita mo naman lahat sa 'king mata
'Di ko kailangan aminin pa
Alam mo na naman lahat mula nung umpisa
'Di ko kailangan di ko kailangan pa
'Di ko kailangan di ko na kailangan pa

Adie - Tahanan Lyrics

Mmm,

Oh woah oh

Sa araw araw
Tanging ikaw ang
Palagi kong hinahangad

Laging tanaw
Sa’yo ang ilaw
Na, nagsisilbi kong liwanag

Labis ang ngiti kapag ika’y ka-harap
Ramdam ko ang pagmamahal giliw
Namumukod tangi ka at walang katulad
Ikaw lang ang para sa’kin

Sa’yo lang, sa’yo lang (lalalalala)
Ako uuwi

Kaya naman

Dito ka sa piling ko
O, Dito ka lang
Dito ka lang
Bumabagal ang ikot ng mundo
Kapag ika’y nariyan
O aking tahanan

Ta ta ta ta ta, tahanan

Dito ka lang

Dito ka lang

dito ka lang

o aking tahanan
Latatadatadatadada mmm

Sa bawat sandali
Na tayo ay magkayakap ng mahigpit
taglay mong init ang bumabalot sa’king
Nilalamig na damdamin (ah)

Tayong dalawa’y pinagtagpo
Ng tamang pagkakataon

Hindi maitatanggi
Na sa’akin ikaw ang tanging
Tiyak ah (o ang aking tanging tiyak)

Ikaw lang, ikaw lang ang tinatangi (ikaw lamang ang tinatangi ko)

Ikaw lang at ako ang
Naaaninag (naaaninag)

Sa gitna ng paraiso na
Ating sinimulan
O aking, tahanan

Pinapawi lahat ng iyong mga ngiti
Negatibo na nakadikit sa’king labi

Huli ng iyong ngiti ang aking kiliti
(shubidubap pa, bidubap pa
Katotohanan na hindi ko maitatanggi
(shubidubap pa, bidubap pa)
Na mahal kita,
Walang iba

Kaya naman

Dito ka sa piling ko
O, Dito ka lang
Dito ka lang (ah)
Bumabagal ang ikot ng mundo

Kapag ika’y nariyan

O aking tahanan

ta ta ta ta ta, tahanan

Dito ka lang
Dito ka lang
Dito ka lang

Dito ka sa piling ko oh
(pinapawi lahat ng iyong ngiti,
negatibo na nakadikit sa’king labi)

Bumabagal ang ikot ng mundo woah oh
(huli ng iyong ngiti ang aking kiliti,
katotohanan na hindi ko maitatanggi)

ta ta ta ta ta, tahanan

Dito ka lang
Dito ka lang
Dito ka lang

o aking tahanan
mmmm

Zack Tabudlo - Pano Lyrics

Verse 1:
oh giliw naririnig mo ba
ang yong sarili
nakakabaliw lumalabas
sa yong bibig

alam kong uto uto ako
alam ko na marupok
tao lang din naman
kasi ako

Pre-chorus:
may nararamdaman din ako
di kasi manhid na tulad mo
alam kong sanay bumitaw
ang isang tulad mo
lalayo na ba ako

Chorus:
pano naman ako
nahulog na sayo
binitawan mo lang ba talaga ako

pano naman ako
naghintay ng matagal sayo
wala lang ba talaga lahat ng yon sayo
ano na bang gagawin ko

Verse 2:
sinasadya mo ba ang lahat
o trip mo lang ba ako saktan
pagtapos kong ibigay balikat ko
pag ika'y umiiyak

ano bang tingin mo saakin
isa ba akong alipin
wala ka bang modo
anong ginawa mo
nagtiwala naman sayo

Pre-chorus:
may nararamdaman din ako
di kasi manhid na tulad mo
alam kong sanay bumitaw
ang isang tulad mo
lalayo na ba ako

Chorus:
pano naman ako
nahulog na sayo
binitawan mo lang ba talaga ako

pano naman ako
naghintay ng matagal sayo
wala lang ba talaga lahat ng yon sayo
ano na bang gagawin ko

pano naman ako
nahulog na sayo
binitawan mo lang ba talaga ako

pano naman ako
naghintay ng matagal sayo
wala lang ba talaga lahat ng yon sayo
ano na bang gagawin ko

Matthaios, Gloc-9 - Araw-Araw Pasko Lyrics

[Intro]
Matthaios be wonderin'

[Hook: Matthaios]
Araw-araw ay gawing Pasko (yes, sir)
Alisin natin ang mga tampo (yuh-yeet)
Iparamdam sa lahat ang pag-ibig na wagas
Lalo na't sa mga taong nagbibigay sa 'tin ng lakas
Araw-araw ay gawing Pasko (yes, sir)
Alisin natin ang mga tampo (yuh-yeet)
Pamilya man o barkada, kasama sa Noche Buena
Merong Monito Monita, hamon, at Queso de Bola

[Verse 1: Matthaios]
Nandito na naman simbang gabi
Malamig na simoy ng hangin sa 'yo ay dadampi
Maririnig si Jose Mari Chan (yuh, yuh, yuh)
Sa bahay, mall, at kung saan-saan (wooh, wooh)
May puto bumbong at parol
Caroling, lata na tambol
Inaanak mo na budol, kahit saan ay hahabol
Masaya ang Pasko sa Pinas
Promise wala 'tong katumbas
Patunay ang nakaranas
Dito Merry aming Christmas
Merry Christmas

[Hook: Matthaios]
Araw-araw ay gawing Pasko (yes, sir)
Alisin natin ang mga tampo (yuh-yeet)
Iparamdam sa lahat ang pag-ibig na wagas
Lalo na't sa mga taong nagbibigay sa 'tin ng lakas
Araw-araw ay gawing Pasko (yes, sir)
Alisin natin ang mga tampo (yuh-yeet)
Pamilya man o barkada, kasama sa Noche Buena
Merong Monito Monita, hamon, at Queso de Bola

[Verse 2: Gloc-9]
Tao po
Dito sa amin ang Pasko ay mismo
Simoy ng hangin ang magsasabi sa 'yo
Luto na ’ng kutsinta, turon na may langka
Masayang pagsasaluhan ng lahat ng bata
Sana makabisita ang mga nasa ibang bansa
At matikman muli nila ang nakalakihang handa
Sa Noche Buena kulang man sa pera
Ang importante laging sama-sama
Kaya

[Hook: Matthaios]
Araw-araw ay gawing Pasko (yes, sir)
Alisin natin ang mga tampo (yuh-yeet)
Iparamdam sa lahat ang pag-ibig na wagas
Lalo na't sa mga taong nagbibigay sa 'tin ng lakas
Araw-araw ay gawing Pasko (yes, sir)
Alisin natin ang mga tampo (yuh-yeet)
Pamilya man o barkada, kasama sa Noche Buena
Merong Monito Monita, hamon, at Queso de Bola

[Outro]
You already know, MIDA$ Records

I Belong to the Zoo - Maybe Lyrics

See, I've been thinking 'bout you
Much more than I'm supposed to
And every day, I've been wondering if
I am still inside your mind too

It's been a few weeks now since you've been gone
And I'm finding it hard to keep myself from breaking down
Will all my words still be enough?
Now that you're so far away from me?

I wish your dreams would all come true
Never turning back from fear of what they mistakenly say about you
I hope you never doubt yourself
'Cause you have done so much, you're enough

See, I've been thinking 'bout you
Much more than I'm supposed to
And every day, I've been wondering if
I am still inside your mind too
See, I've been thinking 'bout you
Much more than I'm allowed to
And nobody knows what we're going through
'Cause I still failed to tell you my truth

It's hard enough that we can't talk like other days
Even worse now that I see you every day
When will I ever be enough? Come back to me
Come back to me

I replay all the voices that you've sent
Imagine conversations just to keep myself sane and I
I don't mind, if you wanna hide
But if you want me to stay, then I'll keep you

I hope you know that I don't ever wanna be
Someone who keeps on pulling you down
But all this mess inside of me just keeps on saying
Maybe I am the one

See, I've been thinking 'bout you
Much more than I'm supposed to
And every day, I've been wondering if
I am still inside your mind too
See, I've been thinking 'bout you
Much more than I'm allowed to
And nobody knows what we're going through
'Cause I still failed to tell you my truth

Truth be told, I don't know where to go
Feels like I'm lost even more than before
I don't know where to place myself anymore
Anymore

Maybe in another life, you'll see me
You'll see me in a different light, finally
Maybe in another life, maybe in another life
Maybe in another life, you'll see me
You'll see me in a different light, finally, oh
Maybe in another life, maybe in another life

See, I've been thinking 'bout you
Much more than I'm supposed to
And every day, I've been wondering if
I am still inside your mind too
See, I've been thinking 'bout you
Much more than I'm allowed to
And nobody knows what we're going through
'Cause I still failed to tell you my truth

See, I've been thinking 'bout you
Much more than I'm supposed to
And every day, I've been wondering if
I am still inside your mind too
See, I've been thinking 'bout you

Gloc-9 ft. Jillian Ita-as - Pag Nagising Ako Lyrics

Ako'y nanaginip kagabi
Sana ay maulit pangmuli
Tanda ko lahat 'di mamamali
Kung gusto mong malaman 'to
Ikukwento ko sayo
Ikkwento ko sayo
Pag nagising ako

Wala na daw mahirap
Lahat tayo mayaman
At sa kapangyarihan ay wala na daw gahaman
Kung may nagsusumikap
Nagagantimpalahan
Kapag mata'y dumilat
Laging may kagandahang Matatanaw
Wala nang uhaw Nakukuntento
Kasi parepareho lamang
Tayo ng porsiyento
Pantay pantay ang hatian kasi nakasentro
Puro salamat at walang inggit na kinukwento
Gumagaling lahat ng sakit Walang malubha
Tuyuin kapag ipinikit Matang paluha
Walang mga palad
Ang sa langit ay nakakura
Ano nga bang ibig sabihin ng salitang dukha
Puro tawa lang ang madidinig mo sa mga bata
May kasiyahan, kasaganahan walang kawawa

Ang lahat ng galit ay napapalitan ng awa
Pagmamahal na bayad ang laging sukli sa kapwa

Ako'y nanaginip kagabi
Sana ay maulit pang muli
Tanda ko lahat 'di mamamali
Kung gusto mong malaman 'to
Ikkuwento ko sayo
Ikukwento ko sayo
Pag nagising ako

Wala ng mura kasi lahat ay nagmamahal
Para sa mabuti lang ang pinagdarasal
Hindi naiinip kung meron mang nagtatagal
Sa buhay di mo na kailangan pa na sumugal
O hanapin ang kapalaran mo sa malayo
Kaganaha'y makita mo
Hindi nakatago
Kinabukasan ay malinaw
Hindi malabo
Mahal sa buhay na abot kamay maipangakong
Masamahang lumaki ang iyong mga anak
Alalayan sila sa kanilang bawat yapak
Makilala ka sa isipan nila'y tumatak
Ang maihele sila sa tuwing umiiyak
Di kailangang mahati pa sa tama o mali
Di na rin ugat ng kasamaan ang salapi
Walang digmaan ang lahat ay magkakabati
Pinapahalagahan lagi ang bawat sandali
Dahil alam mo na ang bukas ay 'di naka pako
Hawakan ng mabuti kapag sa'yo dumapo
Lakasan mo ang loob panabla pati pato
Lumakad man sa baga ay hindi ka mapapaso
Sana lahat ng pangit ay kabaligtaran (ay kabaligtaran)
At ang kasamaan ay may katapusan (ay may katapusan)
Himulin mo'ng nagdurugo ang sugat ko nang maimulat at mabuksan ko ang aking mga mata

Ako'y nanaginip kagabi
Sana ay maulit pang muli
Tanda ko lahat 'di mamamali
Kung gusto mong malaman 'to
Ikkuwento ko sayo
Ikukwento ko sayo
Pag nagising ako

LITZ - Natataranta Lyrics

Na-na-na, natataranta na
Na-na-na, natataranta na
Na-na-na, natataranta na
Natataranta na, natataranta na
Na-na-na, natataranta na
Na-na-na, natataranta na
Na-na-na, natataranta na
Natataranta na, natataranta na

Napapadalas ka ng gabi-gabi
Naglalalabas diyan sa tabi-tabi
At inuumaga ka na sa pag-uwi
Magpapalit lang at lalakad nang muli

Akala ko ba tayo'ng dalawa'y nagkasundo
'Di ba pangakong magbabago
Pero ba't nagkaganto, oh

Natataranta na, natataranta na
'Di mapakali ang isip kakaba-kaba
Natataranta na, natataranta na
Bakit nga ba may mali sa nadarama
Natataranta na, natataranta na
Sabihin mo nga kung ako lang ba'ng nag-iisa
Ako'y natataranta na, natataranta na

Na-na-na, natataranta na
Na-na-na, natataranta na
Na-na-na, natataranta na
Natataranta na, natataranta na

May nakapag-sabing ika'y nagloloko (Nagloloko)
Nagbakasakaling hindi ito totoo (Hindi ito totoo)
Sa mga bulong-bulungan 'di na naniwala
'Wag mo akong turuang 'di na magtiwala

Akala ko ba tayo'ng dalawa'y nagkasundo
'Di ba pangakong magbabago
Pero ba't nagkaganto oh

Natataranta na, natataranta na
'Di mapakali ang isip kakaba-kaba
Natataranta na, natataranta na
Bakit nga ba may mali sa nadarama
Natataranta na, natataranta na
Sabihin mo nga kung ako lang ba'ng nag-iisa
Ako'y natataranta na, natataranta na

Na-na-na, natataranta na
Na-na-na, natataranta na
Na-na-na, natataranta na
Natataranta na, natataranta na
Na-na-na, natataranta na
Na-na-na, natataranta na
Na-na-na, natataranta na
Natataranta na, natataranta na

Natataranta na, natataranta na
'Di mapakali ang isip kakaba-kaba
Natataranta na, natataranta na
Bakit nga ba may mali sa nadarama
Natataranta na, natataranta na
Sabihin mo nga kung ako lang ba'ng nag-iisa
Ako'y natataranta na, natataranta na

Michael Dutchi Libranda - Distansya Lyrics

Sa aking pag-alis
May pabaon na yakap at halik
Sa aking paglalakbay
Ilang taon man ako ay maghihintay

Walang sino man ang makakahadlang
Basta’t tayo’y nagmamahalan
Hinding hindi magsasawang mahalin ang tulad mo
Hinding hindi magsasawang marinig na mahal mo ako

Ikaw ang ningning
Sa gabing dumarating ang mga bituin
Ikaw ang hangin
Na humahaplos yumayakap sa akin
Ikaw ang dahilan
Kung bakit ko nabuo itong awitin
Ikaw ang dahilan
Kung paano ko natiis ang layo’t distansya natin
Layo’t distansya natin
Layo’t distansya natin

Pinapangako ko
Na hinding hindi magbabago
Ang mga pangarap ko
Ay para lang sayo

Araw-araw kitang patatawarin at gabi-gabi kang haharanahin
Ni walang oras na sasayangin
Kahit na magkalayo

Walang sino man ang makakahadlang
Basta’t tayo’y nagmamahalan
Hinding hindi magsasawang mahalin ang tulad mo
Hinding hindi magsasawang marinig na mahal mo ako

Ikaw ang ningning
Sa gabing dumarating ang mga bituin
Ikaw ang hangin
Na humahaplos yumayakap sa akin
Ikaw ang dahilan
Kung bakit ko nabuo itong awitin
Ikaw ang dahilan
Kung paano ko natiis ang layo’t distansya natin
Layo’t distansya natin
Layo’t distansya natin
Layo’t distansya natin
Layo’t distansya natin

Sa aking pagbalik
Sasalubungin ng yakap at halik
Tapos na ang paghihintay
Pangakong hindi na tayo maghihiwalay

Daryl Ong - Bitaw Lyrics

‘Di ako manhid
Ramdam ko ang ‘yong panlalamig
‘Di umiimik
Ngunit ako’y hangal kung di ko batid
Na ‘pag…

Kahit ang simpleng bagay
Pagmumulan ng away
‘Di mo kailangang itago na nagsasawa ka na
(Kaya ngayon…)
Malaya ka na…

Kahit na ikaw ang laman ng puso
Handa ‘kong bumitaw at ika’y isuko
Hindi ko na ‘to pahahabain pa
Bakit kakapit pa?
Kung gusto mo nama’y iba

Ako’y bibitaw
(Sige na sige, sige, sige)
Ako’y bibitaw
(Sige na sige, sige, sige)
Ako’y bibitaw
(Sige na sige, sige, sige)
Ako’y bibitaw

Kung maririnig
Ikaw pa rin ang sigaw ng dib-dib
Nand’on pa rin ang sakit
Nadarama t’wing puso’y pipintig
Kasi..

Hindi to simpleng bagay
Dapat na ‘kong masanay
Sa bagong buhay, ‘di tulad nung dating hawak kita
(‘Pagkat ngayon…)
Malaya ka na…

Kahit na ikaw ang laman ng puso
Handa ‘kong bumitaw at ika’y isuko
Hindi ko na ‘to pahahabain pa
Bakit kakapit pa
Kung gusto mo nama’y iba

Ako’y bibitaw
(Sige na sige, sige, sige)
Ako’y bibitaw
(Sige na sige, sige, sige)
Ako’y bibitaw
(Sige na sige, sige, sige)
Ako’y bibitaw

Dapat masanay nang wala ka
Sa pagtulog ko sa gabi
At pag-gising sa umaga
Tanging unan na lang ang katabi
At ‘di na magbabalik…

Kahit na ikaw ang laman ng puso
Handa ‘kong bumitaw at ika’y isuko
Hindi ko na ‘to pahahabain pa
Bakit kakapit pa
Kung gusto mo nama’y iba

Nagyo’y naliligaw kung saan tutungo
Ang puso kong ikaw pa rin ang tinuturo
Hindi ko na ‘to pahahabain pa
Palalayain ka
Kakayanin kong mag-isa

Ako’y bibitaw
(Sige na sige, sige, sige)
Ako’y bibitaw
(Sige na sige, sige, sige)
Ako’y bibitaw
(Sige na sige, sige, sige)
Ako’y bibitaw

Ako’y bibitaw

Marion Aunor - Maghihintay Lyrics

Puso ko'y iyong-iyo
Mahal kita't mahal mo ako
Ngunit bakit ba nagkaganto
Pinagtagpo para lang ika'y ilayo

Siguro nga 'di tayo tinadhana
Siguro dapat nang ipaubaya
Siguro dapat ngang 'di na umasa
Pero kahit na

Maghihintay hanggang kabilang buhay
Maghihintay hanggang kabilang buhay
Hanggang mahagkan sa kabilang buhay
Kabilang buhay

Naniniwala pa rin ako
Na tayo ang dapat sa dulo
Pero buhay ay mapaglaro
Pag-ibig na kay tagal nang tinago

Siguro nga 'di tayo tinadhana
Siguro dapat nang ipaubaya
Siguro dapat ngang 'di na umasa
Pero kahit na

Maghihintay hanggang kabilang buhay
Maghihintay hanggang kabilang buhay
Hanggang mahagkan sa kabilang buhay
Maghihintay hanggang kabilang buhay
Maghihintay
Kabilang buhay
Maghihintay hanggang kabilang buhay
Maghihintay
Hanggang mahagkan sa kabilang buhay
Kabilang buhay

Lapis - Urong Sulong Lyrics

Nakahiga na lang
Nanlalamig
Ilang oras nang walang kibo, naghahabol
Sa paghinga’y kinakapos

Lumalawak na ang puwang sa ating dalawa
Ilang beses ng lumiliko
Tadhana ba’y sumusuko
Magsawa at nahihilo

Urong sulong tayo, ang isipan mo’y naglalaro
Hinahagkan kahit nasasaktan
Meron bang katuturan itatabi ang nasimulan
Gulong-gulo ang aking isipan

Samu’t saring kwento, inaalala ko
Naghahamon ang gabi
Nag-iisang kumukubli
Nilalabanan ang sandali

Urong sulong tayo, ang isipan mo’y naglalaro
Hinahagkan kahit nasasaktan
Meron bang katuturan itatabi ang nasimulan
Gulong-gulo ang aking isipan

Maglaho man ang langit, mundo nati’y sisikip
Nandito lang ako

Urong sulong tayo, ‘di na maitatago
Meron pa ba tayong nararamdaman

Urong sulong tayo
Urong sulong tayo
Urong sulong tayo
Urong sulong tayo

Urong sulong tayo
Urong sulong

Shanne Dandan - Pagsamo Lyrics

Kung bibitaw nang mahinahon ako ba’y
Lulubayan ng ating
Mga kahapon na ‘di na kayang
Ayusin ng lambing
Mga pangako ba’y sapat na
Upang muli tayong ipagtagpo ng hinaharap

Ba’t pa ipapaalala ‘di rin naman panghahawakan
Ba’t pa ipipilit kung ‘di naman tayo ang

Para sa isa’t-isa
‘Di ba sinta tayong dalawa lang noon
Para sa isa’t-isa ooh, ooh
Ba’t ‘di sumang-ayon sa ’tin ang panahon

Siguro nga’y wala nang natira
Sa mga sinulat mo na para sa ‘kin
Alam kong luha ang bumubura
Ngunit hayaan mo na lang

Walang saysay ang panalangin ko
Kung ‘di ako ang hahanapin mo
Kahit sigaw pa ang pagsamo ko sa ’yo bakit ‘di mo dama ‘to

Ba’t pa ipapaalala ‘di rin naman panghahawakan
Ba’t pa ipipilit ‘di ri naman tayo ang

Para sa isa’t-isa
‘Di ba sinta tayong dalawa lang noon
Para sa isa’t-isa ooh, ooh
Ba’t di sumang-ayon sa ’tin ang panahon

Para sa isa’t-isa
‘Di ba sinta tayong dalawa lang noon
Para sa isa’t-isa ooh, ooh
Ba’t ‘di sumang-ayon sa ’tin ang panahon

Tanya Markova - Medusa Lyrics

Baka sakali na makalapit ika'y masungit baka ako'y kagatin
'Di maaninag 'di mahagilap nag iisip kung ano ang iyong gagawin
Medusa huwag magdusa Medusa huwag magduda

Nasisilaw sa mga ilaw at ang paligid mo ay puro bato
Di makalaya sa alaala nakakulong sa magara't lumang palasyo

Medusa huwag magdusa Medusa huwag magduda

Gusto ko lang ikay matitigan
Di ko naman kasi mapigilan
Di ko naman kasi maiwasan
Nais ko lang na ikay samahan
Di ka naman kasi malapitan
Di ka naman kasi karaniwan

Sana ngayon, ang panahon, Medusa

Medusa (di ka naman kasi)
Gusto ko lang ikay matitigan di ko naman kasi mapigilan di ko naman kasi maiwasan
Nais ko lang na ikay samahan di ka naman kasi malapitan di ka naman kasi karaniwan

Sana ngayon ang panahon
Sana ngayon ang panahon
Sana ngayon, ika'y lumingon

Medusa... Medusa..

Davey Langit - Hinga Lyrics

Romeo Vidal, bente siyete anyos
Nars sa ospital, taga Malolos
Katawan ko ay pagal at sobra nang tagal
Mula nang huli kong mayakap ang aking mama’t papa
Dito ay wala nang kama
Nagkakaubusan ng kwarto sobra ng puno
Oras-oras may tinatakbong bagong kaso
Pila-pilang sasakyan
Mga pasyente na walang mapaglagyan
Labing anim na oras na ‘ko dito
Walang pumapalit mga kasama ko, isa-isa nang nagkakasakit
Paano kung ako naman ang tamaan?
Paano kung hindi ko pala ito kayang labanan
Sa nasa itaas, nagmamakaawa na matapos na
Nakakapagod na, ayoko na
‘Di na ako makahinga

Hanggang kailan ba ang delubyo?
Pagod na pagod na ako
Kailan ba matatapos ‘tong delubyo?
Hanggang kailan ba ganito?

Gabriel Andrada, tatlumpu’t lima
Ahente sa umaga, sa gabi ay banda
Nagrerenta sa Maynila
Kasama ang asawa ko’t dalawa naming anak
Nung wala pa ‘tong delubyo
Ang hirap nang pagtagpuin ng dulo’t dulo
Kahit pagsamahin pa ang aming sweldong mag-asawa
Minsan sapat, madalas pa rin salat
Biglang nagkaganyan hindi ko napaghandaan
Biglang walang mabenta, biglang walang matugtugan
Ang dati nang mahirap, mas humirap pa
Kahit anong diskarte ang gawin ko, nagkukulang talaga
Paano kung hindi na tayo bumalik sa dati?
Paano ang pamilya kong batbat ng dalamhati
Sa nasa itaas, parang awa na
Nakakapagod na, ayoko na
‘Di na ako makahinga

Hanggang kailan ba ang delubyo?
Pagod na pagod na ako
Kailan ba matatapos ‘tong delubyo?
Hanggang kailan ba ganito?

Albert Domingo, singkwenta’y kwatro
Positibo
Hindi ko alam paano ko nakuha ‘to
Nag-ingat naman ako
Ang huling naaalala ko namili kaming pagkain
Gayun na rin lahat ng pwede naming kailanganin
Ilang araw lang lumipas, nilagnat ng alanganin, naghahabol ng hangin
Itakbo nyo na ako! Kahapon lang mapayapang nasa bahay
Ngayon isang tangke sa paghinga’y umaalalay
Naisip ko pamilya ko, kailangan pa nila ako
Buntis pa ang panganay ko sa una kong apo
Natatakot na ako
Paano kung hindi ko na mayakap ang asawa ko?
Sa nasa itaas, pahingi pa sanang oras
Parang awa mo na, sige na
‘Di na ako makahinga

Hanggang kailan ba ang delubyo?
Pagod na pagod na ako
Kailan ba matatapos ‘tong delubyo?
Hanggang kailan ba ganito?