Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Juan Caoile ft. Gregory Neil, Kyleswish - Morena (Official Music Video)


Composed by:
John Patrick Caoile
Gregory Neil
Kyle Caplis

Produced by:
Kevin Dela Pena 'Since 1999'
Gregory Neil

Arranged by:
Kevin Dela Pena
John Patrick Caoile
Gregory Neil

Mixed & Mastered by:
John Edmel Tabuniar

Juan Caoile ft. Gregory Neil, Kyleswish - Morena Lyrics

Tagal kong hinanap ang tulad mo
Ikaw ang papawi sa uhaw ko
Ikaw lang nagmarka sa mga nagdaan
At lahat ng iba ay burado
Tumingin ka sa mga mata ko
Ng malaman kung anong totoo
Hindi mo man kasing puti ang ulap
Ngunit ang isla na 'to ay kasing ganda mo
Ramdam ko ang init kahit ‘di ka naka-bikini
Tunaw na ako hindi ka pa man tumititig
Nakakapipe, walang sinabi sa ‘yo
Ibang babae kahit na simple ka lang binibini
Bigyan mo sana ko ng pagkakataon
Na tayo'y magpainit sa harap ng bonfire
Pagmasdan natin ang langit whole night
Habang nakikinig ng music na lo-fi

Nasa puso't isip
Pati sa panaginip
At itong awitin ay ang aking pag-amin
Sa binibining marikit
Sa kutis mong kayumanggi
At matamis mong mga ngiti
Ako ay nabighani

Ang daming 'di pa
Nakikitang dalagitang nakamamangha
At dahil iba pinakita mong karisma
Ikaw sa kanila gandang morena
Please lang ika'y umuwi na
Oh oh oh aking morena
Tunay mo 'kong nahalina
Gandang morena

‘Pag nasilayan talagang hahangaan
Tila ba si Gloria Diaz nung kanyang kabataan
Matalinong mabait at merong pinaglalaban
Kaya ‘di lang panglabas ang kanyang kagandahan
Tanong bakit pa ba ako lalayo
Kung lahat ng hinahanap mahahanap na sa'yo
Bibihirang makakita ng isang Pilipinang
May taglay ng iyong katangiang pambihira
‘Di ko (‘di ko) maitatanggi ika'y natatangi
Iba ang dating ng gandang kayumanggi (kayumanggi)
Pagmalaki ang kulay ng iyong balat
’Pagkat sa gandang mong angkin giliw
Daig silang lahat (daig silang lahat)

Nasa puso't isip (nasa puso't isip)
Pati sa panaginip
At itong awitin ay ang aking pag-amin
Sa binibining marikit
Sa kutis mong kayumanggi
At matamis mong mga ngiti
Ako’y nabighani

Ang daming 'di pa
Nakikitang dalagitang nakamamangha
At dahil iba pinakita mong karisma
Ikaw sa kanila gandang morena
Please lang ika'y umuwi na
Oh oh oh aking morena
Tunay mo 'kong nahalina
Gandang morena

Mainit na panahon
Dagdagan mo pa ng ganda mo
Talagang mapapalingon lahat ng mga ginoo
Morena (morena)
Kutis ng balat ay pambihira (pambihira)
Ibang-iba ka sa lahat
Sa ‘yong katangiang masarap na tignan
Salamat kay bathala
Sa napakagandang likha nya
Kutis ng balat ay perpekto
’Di na kailangan ng iba't ibang effect ‘to
Isang ngiti mo lamang ay sakto na
Sa puso ko walang halong panloloko

Gustong kong ipagmalaki ka
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Kaya ‘wag mo nang ikahiya
'Yong nakatagong ganda
Na parang yamashita

Gustong kong ipagmalaki ka
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Kaya ‘wag mo nang ikahiya
'Yong nakatagong ganda
Na parang yamashita

Ang daming 'di pa
Nakikitang dalagitang nakamamangha
At dahil iba pinakita mong karisma
Ikaw sa kanila gandang morena
Please lang ika'y umuwi na
Oh oh oh aking morena
Tunay mo 'kong nahalina
Gandang morena

Ang daming 'di pa
Nakikitang dalagitang nakamamangha
At dahil iba pinakita mong karisma
Ikaw walang iba gandang morena
Please lang ika'y umuwi na
Oh oh oh aking morena
Tunay mo 'kong nahalina
Gandang morena

Juan Caoile ft. Gregory Neil, Kyleswish - Morena (Official Audio)


Let’s appreciate and embrace the beauty of a Filipina by listening to their latest single, MORENA.

Composed by:
John Patrick Caoile
Gregory Neil
Kyle Caplis

Produced by:
Kevin Dela Pena 'Since 1999'
Gregory Neil

Arranged by:
Kevin Dela Pena
John Patrick Caoile
Gregory Neil

Mixed & Mastered by:
John Edmel Tabuniar

Artwork Made by:
Ralph Albert Rodriguez

Visuals:
Nico Dela Cruz

Recorded by:
Dennis Tolentino

Studio:
Viva Amerasian Studio

Kyleswish ft. Yayoi - Tulay Lyrics

Pinipilit naman na maging masaya
Kahit na alam ko na hindi na talaga
Pinipikit ko aking mata
Tuwing makikitang hawak ka niya
Sana ‘di na lang ginawa
Na pagtagpuin kayong dalawa

Ako dapat ang nandiyan
Kayakap mo sa tuwing ika’y masaya
Takbuhan kapag may problema
Sandalan kapag nahihirapan na

Sana ako na lang
(Ang nasa pwesto niya)
Sana ay hindi na lang

Sana ‘di na lang kita hinayaan
Na mapunta ka lang sa kanya
Ako ngayon yung nahihirapan
Dahil ako yung nagpaubaya

Sana hindi nalang ako naging tulay
Kung kaya ko lamang na bawiin ang ‘yong kamay
Hindi ko nalang sana binigay

Masakit palang na makita kita na masaya ka na
Nandito ako nakatitig nalang sa inyong dalawa

Bakit hindi ko pa nahalata na sa ‘kin may iba na
Ako pang naging daan para mapunta ka sa kanya

Kung alam ko lang nung una palang
‘Di na sana hinayaan nalang
Kung meron lang sanang tapang
Sasabihin ko na sana ako nalang

Kung ‘di lang sana ako naging tulay
At ‘di ka sa kanya ibinigay

Sana ‘di na lang kita hinayaan
Na mapunta ka lang sa kanya
Ako ngayon yung nahihirapan
Dahil ako yung nagpaubaya
Sana hindi nalang ako naging tulay
Kung kaya ko lamang na bawiin ang ‘yong kamay
Hindi ko nalang sana binigay

Sana ‘di na lang kita hinayaan
Na mapunta ka lang sa kanya
Ako ngayon yung nahihirapan
Dahil ako yung nagpaubaya
Sana hindi nalang ako naging tulay
Kung kaya ko lamang na bawiin ang ‘yong kamay
Hindi ko nalang sana binigay

Kyleswish ft. Yayoi - Tulay (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Tulay" by Kyleswish feat. Yayoi.

Performed by Kyleswish and Yayoi Corpuz
Composed by Kyleswish, TineTine Loresto and Yayoi Corpuz
Publisher: Viva Music Publishing, Inc.
Mix and mastered by Al Auacay
Beat producer: Mc beats
Produced by Mc Beats
Arranged by TineTine Loresto
Artwork by Maria Everlasting Usi
Concept & Idea of TineTine Loresto

Kyleswish ft. Aldrich - Ipagdiwang Ang Pasko Lyrics

Pre chorus:
(Kyle)
Isantabi ang problema
Tayo'y Magmahalan
Basta buo ang pamilya
Sabay sabay na ipagdiwang

Chorus:
Maligayang, Maligayang, Maligayang Pasko
Maligayang, Maligayang, Maligayang Pasko

Verse1 (Kyle)
Puno ng problema
Solusyon ay kulang
Sa sobrang hirap ng buhay
Ngiti ay nakalimutan

Dulo’y may liwanag
Sagot sa katanungan
Inulan man ng pagsubok ay
Handa ka nyang payungan

Sa gabi ng pag sasalo
Paboritong hamonado
Lahat makikisalok
Lahat imbitado
dapat magbigayan, bawal dito ang madamot

Pre-chorus:
(Kyle)
Isantabi ang problema
Tayo'y Magmahalan
Basta buo ang pamilya
Sabay sabay na ipagdiwang

Chorus:
Maligayang, Maligayang, Maligayang pasko
Maligayang, Maligayang, Maligayang Pasko

Verse 2:
(Drich)
Kay sarap na tignan
Ang bawat kapaligiran
Napupuno ng liwanag
at may nag aawitan

(Drich)
Kahit na ano pang handa
ay di alintana
Basta masaya ang eksena
Sa gabi ng pagdiriwang

(Kyle)
Dahil kaarawan nya
Napupuno ng pag asa
Tayo’y magmahalan
Biyaya nyang buhay

(Drich)
ito ay diwa ng pasko
sya ay nag iisang tao
Sya si Hesukristo
Nag iisang nating Diyos

Pre-chorus:
(Kyle)
Isantabi ang problema
Tayo'y Magmahalan
Basta buo ang pamilya
Sabay sabay na ipagdiwang

Chorus:
Maligayang
Maligayang
Maligayang pasko (2x)

Pre chorus:
(Kyle)
Isantabi ang problema
Tayo'y Magmahalan
Basta buo ang pamilya
Sabay sabay na ipagdiwang

Chorus:
(Kyle)
Maligayang
Maligayang
Maligayang Pasko (2x)

(Slow)(Drich)
Ipagdiwang natin ang pasko...

(Kyle)
Maligaya maligaya Maligayang pasko
Maligaya maligaya maligayang pasko (2x)

(Aldrich)
Maligaya maligayang maligatang pasko
Maligaya maligayang maligayang pasko

Kyleswish ft. Aldrich - Ipagdiwang Ang Pasko (Lyric Video)


Performed by:
Kyleswish & Aldrich Ang
Arranged by:
Kyleswish & Kevin Dela Peña
Beat producer: Kevin Dela Peña (since 1999)
Mix & Mastered by:
Al Auacay & John Edmel Tabuniar