Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Pat Cardoza - Kailan Ka Babalik Lyrics

Sa bintana ako'y nakasilip
Tinatanaw ang madilim na paligid
Nasa’n ka, nasa’n ka
Kailan ka babalik

Tumatakbo ang kamay ng orasan
At tila ba mga mata ko'y ayaw nang tingnan
Ang tagal, ang tagal
Ngunit ako'y maghihintay
Sa 'yong pagbabalik....

At kung maisip man ako
Sana'y maramdaman ng puso mo
Na ikaw, oh ikaw ang lagi kong inaasam
At kung malayo man ang abutin
Ng awit kong kulang sa pansin
Mahal ko, mahal ko, sana ito'y iyong dinggin

Sa kwaderno ay aking inipit
Mga sulat mong tunog ay langit
‘Di na ba, ‘di na ba ito muling mauulit

Mga pangako mo’y aking hinahagkan
At bawat luha ang patak ay tila ulan
Dapat ba, dapat ba
Dapat pa bang maghintay
Sa ‘yong pagbabalik

At kung maisip man ako
Sana'y maramdaman ng puso mo
Na ikaw, oh ikaw ang lagi kong inaasam
At kung malayo man ang abutin
Ng awit kong kulang sa pansin
Mahal ko, mahal ko, sana ito'y iyong dinggin

Mahal lumisan na ang araw, ohh…
Mahal lumisan na ang araw

Sa bintana ako'y nakasilip
Tinatanaw ang madilim na paligid
Nasaan ka, nasaan ka
Kailan ka babalik

Pat Cardoza - Kailan Ka Babalik (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Kailan Ka Babalik" by Pat Cardoza.

Words and music by by Patricia Alyanna Cardoza
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Civ Fontanilla
Arranged by Nick Lazaro
Recorded by Ponz Martinez
Vocal Supervision by Zebedee Zuñiga
Guitars by Janno Queyquep
Mixed and mastered by Joel Mendoza at Viva Recording Studios