Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Sam Ayson - Kahit Na (Official Music Video)


“Kahit Na”
Sam Ayson
Composed by Sam Ayson and Meg Mangoba
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced, arranged, mixed, mastered and recorded by Kern Faminialagao

ALLMO$T ft. Roberto Bello - Kahit Na Lyrics

Ayan na naman
Nakasimangot, tampo’y ‘di maiwasan
Pero kahit na, kahit na
Ilang ulit kang suyui’y ayos lang
At sinanay mong ganyan

Ang hirap mo na namang kausapin
Ayaw mong malapitan
Kanina pa ko nagsasalita
Ano bang gusto mong palabasin
Mas lalo mong sinusungitan
Kasi ako ayokong lumala
Parang ako na lang ang nag-aalala
Sa tuwing dumadating sa pagkakataon
Na para bang wala ng dahilan
Na ituloy pa tong tinawag mong pagmamahal
P***** ina nakakatanga na ‘di ko maramdaman kung pa’no pa
Natin malabasan kung nasanay ka ng ganyan
‘Di na ko masasabik pang muli sayong halik
Kung halaga ko ay ‘di mo na rin kayang maibalik
Ilang ulit na rin akong napagod, hindi ako sumuko
Sumugod pa rin kahit alam kong malulunod
Lang din naman ako sayong pag-ibig lang na ubod
Ng pait sa susunod ‘di na papayag mapaikot pang muli

Kung ayaw mo na ‘wag mo na sana pang patagalin
‘Di naman ako magtataka kung balak mo na rin namang gawin
Kung ayaw mo na ‘wag mo na sana pang patagalin dahil
Nasanay ka kasing ikaw na lang lagi ang tama
Nalimutan mo na kung pa’no ba ang magpakababa

Ayan na naman
Nakasimangot, tampo’y ‘di maiwasan
Pero kahit na, kahit na
Ilang ulit kang suyui’y ayos lang
At sinanay mong ganyan

Kahit ilang beses pa
Mag-away ‘di pa rin madadala
Sa galit mo ako’y nasanay na
‘Di pa rin makabitaw kahit nagsawa na

Eh kasi
‘Di mo na kailangan pang ipilit ako lang nahihirapan
Bakit nga ba ganito ang nararanasan
Kung kayang-kaya pa naman nating pag-usapan
Bakit ka nga ba nagkaganyan?
‘Di katulad noong nakaraan
Bawat trip ko sa iyo palagi mo na lang sinasakyan
Kaya kahit na
Kahit, kahit na
Kung gusto mo sumuko pwede mo na sya gawin ngayon hanggat maaga pa
Kung ayaw mo na
Kung ayaw mo na
Di kita pinipilit mapanatili pa
Manatili pa

Ayan na naman
Nakasimangot, tampo’y ‘di maiwasan
Pero kahit na, kahit na
Ilang ulit kang suyui’y ayos lang
At sinanay mong ganyan

Masaya naman na tayo
Wala na ‘kong hihilingin
‘Di ko man naisip lumayo sa tagal nating
Magkasama ni minsan hindi nabaling ang tingin
Gusto yung palaging sinusuyo ka sa bawat pagtatalo
Para lang tayo ay ‘di na ginawin
Habang tumatagal ay tila parang may nagbago
‘Di ko na kilala ang babaeng nasa salamin
Hindi na kita kilala
Sana ‘wag mo nang hayaan pa na lumala
Hindi porket kinukunsinti ka sa bawat
Pagkakamali ay hindi na binibigyan ng halaga
Ang masama pa yata dito ay naging ako
Masyadong hinayaan ang isang katulad mo
Na gawin ang lahat ng gusto hanggang
Hindi mo na makita kung ano ang halaga
At kung ano ako sa buhay mo

Bakit kailangan pa na mabalewala?
Ano ba ang nagawa kong masama?
Naging maayos naman ang pakikisama
Walang ibang hinangad para ganto ang magawa
Sabihin mo kung ‘di mo na ko kailangan
Para nga hindi ka na nahihirapan
Kusa na kong lalayo para pagdating sa huli
Ay ‘di ko na muli ito na pagsisihan

Ayan na naman
Nakasimangot, tampo’y ‘di maiwasan
Pero kahit na, kahit na
Ilang ulit kang suyui’y ayos lang
At sinanay mong ganyan

Ang gusto ko lang naman
Ay ang makita kang nakangiti
Pero bakit laging simangot ang iyong binabawi
Sa tuwing nilalambing ka
Kala ko ba ako ang nagmamay-ari
Ng puso mo pero bakit parang hindi
Nakakawalang gana
Parang ayoko ng umasa
Na matagal pa kitang makakasama kasi
Hindi naman magkakaganito kung hindi mo ako pinahirapan
Kaya mas pipiliin ko na lang din siguro na talikuran
Ang ipinangako natin sa isa’t isa
Kasi parang lahat din naman ay iyong binalewala
Kaya ‘wag kang magtataka
Kung wala na ko sa tabi mo sa susunod na magalit ka

Ayan na naman
Nakasimangot, tampo’y ‘di maiwasan
Pero kahit na, kahit na
Ilang ulit kang suyui’y ayos lang

Ayan na naman
Nakasimangot, tampo’y ‘di maiwasan
Pero kahit na, kahit na
Ilang ulit kang suyui’y ayos lang
Yeah

ALLMO$T ft. Roberto Bello - Kahit Na (Official Lyric Video)


ALLMO$T - Kahit Na (ft. Roberto Bello)
Produced by MadFlowMusic

Soon on all streaming platforms.

© 2019 Peso Productions & ALLMO$T Music

Sam Ayson - Kahit Na Lyrics

Heto' na naman
Wala namang dahilan
Panay ang away
Wala namang hahantungan
‘Di ba sabi mo noon, sa akin
Na ako'y iyong tahanan
Na ako'y iyong sandalan

Ngunit bakit ganito
Pinipilit mang ayusin
‘Di mapigilan ang damdamin

Kahit na
Pinaglalayo ng tadhana
Ikaw pa rin ang nais na makasama
Kahit na
Tumigil ang mundo
Ikaw pa rin ang iibigin ko
Kasi mahal kita

Heto na naman
Gulong-gulo ang isipan
Alam kong wala ka na pero bakit pinipilit pa

Oh, bakit ka ba nagkaganyan
Ang hindi ko lang maintindihan
Kung saan ako nagkulang

Ngunit bakit ganito
Pinipilit mang ayusin
‘Di mapigilan ang damdamin

Kahit na
Pinaglalayo ng tadhana
Ikaw pa rin ang nais na makasama
Kahit na
Tumigil ang mundo
Ikaw pa rin ang iibigin ko


Alam ko naman na mahal mo ako
Pero bakit tayo nagkaganito
Balewala lang ba ang lahat sayo
At ako'y sinuko mo

Ngunit bakit ganito
Pinipilit mang ayusin
‘Di mapigilan ang damdamin

Kahit na
Pinaglalayo ng tadhana
Ikaw pa rin ang nais na makasama
Kahit na
Tumigil ang mundo
Ikaw pa rin ang iibigin ko
Kasi mahal kita
Mahal pa rin kita
Kasi mahal kita

Sam Ayson - Kahit Na (Official Lyric Video)


“Kahit Na”
Sam Ayson
Composed by Sam Ayson and Meg Mangoba
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced, arranged, mixed, mastered and recorded by Kern Faminialagao

True Faith - Kahit Na (Official Music Video)


Directed by Lui Villaruz
Written by Governor Robert Lee Rodrigueza

Copyright 2018 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

Anja Aguilar - Kahit Na Lyrics

Kahit na ikaw pa ay lumisan
Halik mo 'di ko na malilimutan
Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusa'y ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa 'king buhay

Kahit na ikaw pa ay lumimot
Mundo ko'y tutuloy sa pag-ikot
Ang bituin, akala mo'y naglalaho
'Yun pala sa ulap lang nakatago
Katulad ng pag-ibig mong mapaglaro

REFRAIN:
'Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping 'di magwawakas
'Di kita pipigilin kailan man magbago ng isipan
Habang kapiling ka,
Ligaya'y walang hanggan

Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusa'y ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa 'king buhay

REFRAIN:
'Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping 'di magwawakas
'Di kita pipigilin kailan man magbago ng isipan
Habang kapiling ka,
Ligaya'y walang hanggan