Marami nang nagbago
Perpekto ka noon, ngayon lalo
Kinakausap sarili ‘pagkat ‘di mapakali
Nakikita ka nagmamahal ng iba
Matagal na kitang mahal, kahit bawal
Aralin mang tumigil hindi kayang gawin
Lalayo na lang ako
Mawawala sa buhay mo
Suklian mo lang ako
Pagmamahal na patago
Kay hapdi sa puso ko
Na ako’y gusto mo
Pero kapiling mo siya
Gabi-gabi at umaga
Hiramin man kita
Tunay masasaktan ka
Na magmahal ng dalawa
Matagal na kitang mahal, kahit bawal
Aralin mang tumigil hindi kayang gawin
Lalayo na lang ako
Mawawala sa buhay mo
Suklian mo lang ako
Pagmamahal na patago
Iguhit mo ngayon sa puso ang pangalan ko
At kung maglalaho ay pipilitin ko
Na umalis na walang panghihinayang sa labi mo
Pagbibigyan mo ba ako
Kakayanin mo ba, kahit bawal
Paligayahin ako hanggang kayo ay ikasal
Katotohana’y lilitaw at du’n ka lang ba bibitaw
Sino ba, sino na
Pipili ka ba
Iwanan mo ang sinta mo
Kahit hindi ako’y sa ‘yo
Gano’n kita kamahal
Kahit bawal