Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Jr.Crown, Yella Yurz & Kenjie - Street Luv (Official Music Video)


Performed by: Jr.Crown, Yella Yurz & Kenjie of Quervo
Beat Produced by: J-Lhutz
Mixed & Mastered by: Nck Deezy

Filmed by Anawen Films
Directed by Marco Tanglao

© ℗ 2023 Jr.Crown
All Rights Reserved.

Jr.Crown, Thome & Chin Arce - Nandito Lang (Official Lyric Video)


Music Produced by: Sawndass Music
Beat Produced by: John "J-Lhutz" Hesarza
Composed by: Jr.Crown , Thome & Chin Arce
Mixed & Mastered by: Martin Leonar
Recorded at: Batang Pinas Records

© ℗ 2021 Sawndass Music
All Rights Reserved.

Jr.Crown ft. Mhyre - Ayoko Na Lyrics

Ugh!
‘Di na kita kailangan
La, ng dapat pag-usapan
La na ring dahilan para makita ka pa at muling masilayan
Ayoko na nga bakit andito ka pa
Ayoko na nga! Balewala!
Nagpakatanga lang pala ko sayo walang hiya
Dyem! Buti natuto na rin ang puso kong maging matigas
Kati mo sa ulo para kang kuto kaya nakakabanas
Na lang palagi ang eksena pag kasama ka
Buti na lang pinaalala mong hindi ka mahalaga salamat
Di na para bumalik di ka dapat mahalin
Dahil puro sakin ang ipapadama mo ulit manhid na ko para damahin
Mas mabuti na yung ganito la ka ng rason para muli pa akong guluhin
Sa wakas nakalaya na rin sa pagkakahibang pagkatapos mo kong laruin
Ugh! Pinaikot-ikot mo ko parang turumpo
Ugh! Ngayon wala ka ng puwang sa mundo ko
Ugh! Malaya ka ng gawin kung anong gusto mo
Di na papatukso to kase napakatuso mo

Ayoko ng umibig pa
Puso ko’y nananahimik na
Wag mo ng guluhin damdamin ko ngayon kung bibiguin mo lang ulet kase
Ayoko na nga!
Dahil ayoko ng umibig
Ayoko ng ulitin
Muling magpakatanga sa taong di ka naman kayang bigyang halaga
Ang puso ko’y dalang dala na kaya ayoko na
Ah ah ah! Ayoko na!
Ah ah ah! Ayoko na!
Ah ah ah! Ayoko na!
Kaya sige bahala ka na kase ayoko na!

Di pa ba sayo malinaw na ayoko na
Pinalasa mong pait ngayon andito pa
Di na sana ganito kung nakuntento ka
Oh! Kaso pindeho ka kaya ngayon sige eto ka
Oh! Sino ba ang nawalan! Di ka naman kawalan
Bat kita iiyakan para saan! Di na para balikan
Di na mapapalitan sugat ng nakaraan di na maaalis yan
Ginawa mong iputan buti na lang di ka pinakasalan

Kase kung nagkataon laking mali mo
Baka hanggang ngayon hindi pa rin kita nalimot
Sakit sa ulo at sa puso lang ang naidulot mo
Bangungot sa pagtulog ko buti nagising ako
Kase kung nagkataon laking mali ko
Baka hanggang ngayon hindi pa rin kita nalimot
Sakit sa ulo at sa puso lang ang naidulot mo
Bangungot sa pagtulog ko buti nagising ako

Ayoko ng umibig pa
Puso ko’y nananahimik na
Wag mo ng guluhin damdamin ko ngayon kung bibiguin mo lang ulet kase
Ayoko na nga!
Dahil ayoko ng umibig
Ayoko ng ulitin
Muling magpakatanga sa taong di ka naman kayang bigyang halaga
Ang puso ko’y dalang dala na kaya ayoko na
Ah ah ah! Ayoko na!
Ah ah ah! Ayoko na!
Ah ah ah! Ayoko na!
Kaya sige bahala ka na kase ayoko na!

Jr.Crown ft. Mhyre - Ayoko Na (Official Lyric Video)


Beat Produced by Thyro Alfaro
Mixed & Mastered by Martin Leonar

Sawndass Music™

Jr.Crown ft. Thome - Kampay (Audio)


Music Produced by: Sawndass Music
Composed by: Jr.Crown & Thome
Beat Produced by: John "J-Lhutz" Hesarza
Mixed & Mastered by: John "J-Lhutz" Hesarza

© ℗ 2021 Sawndass Music
All Rights Reserved.

Jr.Crown ft. Thome - Kapareha Lyrics

Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako ugh!

Sa dami daming nilingon sayo lang napatitig
Maraming mas higit pero sayo ko napaibig
Dating nananahimik na damdamin ay
Binuhay mo ikaw lang pala ang inaantay hay
Masasabi kong ikaw pala ang kulang
Pagmamahal na handang isigaw hanggang sukdulan
Natutunang pagtuonan hindi pwedeng matutulan
Kwento natin kahit nung una’y akala ko’y wala lang
Pero pinadama mo tunay na pagmamahal
Kaya pangako sayo walang iwanan hanggang sa tayo ay makasal
Pinapangarap na makasama hanggang sa tayo ay tumanda na
Magkaanak at magkaapo kasabay ng buhay na masagana
Hahay! Diba ang sarap sa feeling
Salitang atik laham sayo ko lang yan sasabihin
Hanggang tayong dalawa’y magkasabay mag-ulyanin
Walang iba ikaw pa rin ang huli kong mamahalin kase

Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako
Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako

Wag kang mawawala dito ka lang sa tabi
Ikaw lang gustong makasama araw man gabi
Ika’y naiiba hindi naman nagbibida
Kapag itinapat sa kanila wala na finish na
Kase! Ikaw ang binibining pinipili kahit mag inimini sayo lang mananatili
Ikaw ang ilaw at ako naman ang s’yang haligi
Ng tahanan na magkasabay nating pagtitibayin
Mahal! Magtiwala ka lang
Panghawakan ang pangako na walang iwanan
Ikaw lang hanggang magpakailanman
Makakaasa na hindi ka na mapapalitan
Dahil sayo lang ulit muling umikot ang mundo
Kahit na magkagalit agad ding magkakasundo
Dahil wala ng iba

Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako
Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako

Ikaw at wala ng iba
Pang hihilingin sa buhay ko
Ay ang laging…

Makasama ka, magpapasaya
San man mapunta tayong dalawa
Magpakailanman, hinding hindi ka iiwan
Sa dulo ng walang hangganan

Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako
Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako

Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako
Ikaw ang bumubuo
Nang pira-piraso kong mundo
Kahit gano kagulo basta ko’y nasa tabi mo
Nagiging okay na ako

Jr.Crown ft. Thome - Kapareha (Official Lyric Video)


KAPAREHA - Jr.Crown (feat. Thome) [Prod. By J-Lhutz]

Music Produced by: Sawndass Music
Composed by: Jr.Crown & Thome
Beat Produced by: John "J-Lhutz" Hesarza
Mixed & Mastered by: John "J-Lhutz" Hesarza

© ℗ 2020 Sawndass Music
All Rights Reserved.

Jr.Crown, Kath, Thome, Cyclone & Young Weezy - Darating (Official Music Video)


Music Produced by: Sawndass Music
Directed by: Vince Greg
Co-Directed by: Douglas Brocklehurst & Kiwii John Genesis
Beat Produced by: John "J-Lhutz" Hesarza
Composed by: Jr.Crown, Kath, Thome, Cyclone & Young Weezy
Mixed & Mastered by: Martin Leonar
Recorded at: Batang Pinas Records
Mounted by: TMP Productions Inc

© ℗ 2020 Sawndass Music
All Rights Reserved.

Jr.Crown & J-Quiv - TikTok Girl Lyrics

Oh binibining kay ganda mula sa tiktok
Everyday I wanna dance with you
Oh binibining kay ganda mula sa tiktok
Everyday I wanna dance with you
Kaya bawat galaw mo’y inaabangan
Ako’y napapatulala sayo ano ba naman
Kase ng dahil sa tiktok (Na fall ako sayo)
Ng dahil sa tiktok (Inlove agad sayo girl)

Ako’y napapangiti pag nakikita ko ganda mo
I feel so high parang nakatira ng damo
Pero hindi pambobola to miss ito’y totoo please
Maniwala kang di ako sayo magloloko cheese
Kakaiba kasi yang pagka-pinay mo
Di ka pangkaraniwan yung tipong todo bigay
Halos lahat sayo namamangha di mai-deny
Daming nababaliw sayo nako patay na patay
Grabe galing mo kase kaya finollow kita
Napapa wow ha! Lalo na pag sumasayaw ka
Kada giling mo’y nakakabitin
Kay sarap isipin pag ika’y nakapiling

Oh binibining kay ganda mula sa tiktok
Everyday I wanna dance with you
Oh binibining kay ganda mula sa tiktok
Everyday I wanna dance with you
Kaya bawat galaw mo’y inaabangan
Ako’y napapatulala sayo ano ba naman
Kase ng dahil sa tiktok (Na fall ako sayo)
Ng dahil sa tiktok (Inlove agad sayo girl)

Di na mapigilan ang damdamin ko bakit ganto
Magmula ng masilayan ang tunay na kagandahan mo
And then you say “My heart went oooppss”
Ang sumunod na pangyayari ay sadyang nakakagulat
Haaaayyy! Grabe talaga! Oww!
Di ka naman dagat pero nakakalunod ka yey!
Pag tumingin ka’y slow motion
Animoy parang dalagang Filipina version
Ika’y langit tanging panalangin
Tanggapin mo ang tulad ko wohh ohh!
Dahil lagi ka na lang sumasagi sa panaginip ko

Oh binibining kay ganda mula sa tiktok
Everyday I wanna dance with you
Oh binibining kay ganda mula sa tiktok
Everyday I wanna dance with you
Kaya bawat galaw mo’y inaabangan
Ako’y napapatulala sayo ano ba naman
Kase ng dahil sa tiktok (Na fall ako sayo)
Ng dahil sa tiktok (Inlove agad sayo girl)

Di na mapigilan ang sariling mapaibig sa iyo
Ano ba to?
Gusto ka laging nakikita ng mga dalawang mata ko
Baliw sayo oh ohh…
Everything you like lahat ay sayo ibibigay
If you be my wife ako ay handang maghintay
Everything you like lahat ay sayo ibibigay
If you be my wife ako ay handang maghintay

Oh binibining kay ganda mula sa tiktok
Everyday I wanna dance with you
Oh binibining kay ganda mula sa tiktok
Everyday I wanna dance with you
Kaya bawat galaw mo’y inaabangan
Ako’y napapatulala sayo ano ba naman
Kase ng dahil sa tiktok (Na fall ako sayo)
Ng dahil sa tiktok (Inlove agad sayo girl)

Kaya bawat galaw mo’y inaabangan
Ako’y napapatulala sayo ano ba naman
Kase ng dahil sa tiktok inlove ako sayo
Ng dahil sa tiktok na fall agad sayo

Tiktok girl

Jr.Crown & J-Quiv - TikTok Girl (Official Lyric Video)


Music Produced by: Sawndass Music
Beat Produced by: J-Lhutz
Lyric Video by: Janquiven "JQuiv" Escanillas
Composed by: Jr.Crown & JQuiv
Mixed & Mastered by: Martin Leonar
Recorded at: Batang Pinas Records

© ℗ 2020 Sawndass Music
All Rights Reserved.

Jr.Crown, PSPK & Chin Arce - Mananatili Lyrics

Kahit madalas na tayong di na magkasundo
Walang iba ikaw pa rin ang ginugusto
Kaya magtiwala ka lang mahal di ko hahayaang
Magkalabuan tayong dalawa sa simpleng awayan
Pagkat ako’y sayo at akin ka lang

Grabe napakalupet talaga ni kupido
Nahuli mo ang kiliti ng lalaking stupido
Nagseryoso dahil sayo ang puso kong dating bato
Nakita ko sarili ko sa piling mo, nagtatanong “Bakit ako?”
Yan ang palaging katanungan
Kalaunan natutunang mahalin ka ng lubusan
Kahit parang nung una sige laro lang ang lahat
Nagkatuluyan hanggang sa mapamahal na ng sagad
Sapagkat wala nang pwedeng pumalit pa sayo
Pag-ibig na di kayang tumbasan ng kahit ano
Dito sa ating mundo tanging ikaw at ako
Kaya’t wag nang magtampo ikaw lang ang gusto ko
Dahil pag-ibig mo’y walang kapalit
At walang kapantay
Oo mag-aaway lang pero hindi tayo maghihiwalay

Kahit madalas na tayong di na magkasundo
Walang iba ikaw pa rin ang ginugusto
Kaya magtiwala ka lang mahal di ko hahayaang
Magkalabuan tayong dalawa sa simpleng awayan
Pagkat ako’y sayo at akin ka lang

May kasalanan na naman
Ba ‘kong nagawa para tingnan mo ng ganyan?
Lagi namang inuunawa’t pinagbibigyan
May nasasabi pa rin minsan ang sarap mo nang saktan
Syempre biro lang boss pag-utusan mo pa ko
Pag-ibig ko malaos? Ay lubos na malabo
Di yan magtatapos kahit halos paubos na ang pasensya
Ikaw lang ang iibigin ko pangako!
Pakatandaan mo na sayo lang ako master
Kaugali mo man yung manang dun sa kung-fu hustle
Ikaw ang dahilan kaya nasasabihang under
Pero ayos lang ganito magmahal ang body builder
Pwede bang wag ng patagalin pa
Pag may away na namamagitan sating dalawa
Palawakin pa ang pang-unawa saki’y laging magtiwala
Para sayo ay hahamakin ko kahit tadhana

Kahit madalas na tayong di na magkasundo
Walang iba ikaw pa rin ang ginugusto
Kaya magtiwala ka lang mahal di ko hahayaang
Magkalabuan tayong dalawa sa simpleng awayan
Pagkat ako’y sayo at akin ka lang

Kahit na ano mangyare pakatandaan
Na wala ng hahanapin pa, ikaw lang ang laman
Madalas man na magtalo ay di magiging hadlang
Kahit ano pang maging dahilan wala ng ibang mas lalamang
Sapagkat ako ay kontento na
Natuto na mula nung ikaw na ang aking makilala
Mahalin ka ng walang halong pangangamba
Kaya sinta ko pwede sana wag mag-alala
Dahil ikaw ang naging dahilan kung ba’t nabago
Dahil sayo ako ngayon ay nakasigurado
Muling nabuksan ang puso kong nakakandado
Noon dahil ayokong mapunta sa maling tao
Ikaw ang nagbigay kulay ng buhay sa tunay
Na pagmamahal mo na sa akin inialay
Ipinakita mong panghabangbuhay kaagapay
Ka sa bawat laban kaya pangakong di mawawalay

Kahit madalas na tayong di na magkasundo
Walang iba ikaw pa rin ang ginugusto
Kaya magtiwala ka lang mahal di ko hahayaang
Magkalabuan tayong dalawa sa simpleng awayan
Pagkat ako’y sayo at akin ka lang

Kahit madalas na tayong di na magkasundo
Walang iba ikaw pa rin ang ginugusto
Kaya magtiwala ka lang mahal di ko hahayaang
Magkalabuan tayong dalawa sa simpleng awayan
Pagkat ako’y sayo at akin ka lang

Jr.Crown, PSPK & Chin Arce - Mananatili (Official Lyric Video)


Music Produced by: Sawndass Music
Beat Produced by: J-Rain
Lyric Video by: Awsome Lyrics
Composed by: Jr Crown, PSKP, Chin Arce
Mixed & Mastered by: Martin Leonar
Recorded at: Batang Pinas Records

© ℗ 2020 Sawndass Music
All Rights Reserved.

Jr.Crown, Kath, Niero, Soul & Thome - Maghihintay Lyrics

Mahal kahit na malayo man
Ang agwat nating dalawa’y ako’y maghihintay
Kahit malayo ‘di maglalaho ang pag-ibig ko
‘Di magbabago yan ang pangako ko sayo ako’y maghihintay

Ako’y maghihintay na muling makayakap makasama
Babaeng pinangarap makapiling ko sa t’wina
Huling mamahalin at matatawag na asawa
Panghabang-buhay at sabay gigising sa umaga diba
Napakasarap isipin kung ngayon ay araw-araw kita na kapiling
Bawat sandali pangakong ‘di na mabibitin
Susulitin ang bawat laan na oras para sa’tin ng panahon
Kaya ako’y maghihintay, mag-uugnay, nalulumbay man sa ngayon
Asahan mo kahit ganon ang sitwasyon
Ikaw pa rin at sa iba hindi na lilingon
Kaya mahal magtiwala ka lang
Walang malayo na pagitan ang makakahadlang
Napatunayan na nating hindi yon ang basehan
Kahit na ga’no katagal hindi ka papalitan kaya…

Mahal kahit na malayo man
Ang agwat nating dalawa’y ako’y maghihintay
Kahit malayo ‘di maglalaho ang pag-ibig ko
‘Di magbabago yan ang pangako ko sayo ako’y maghihintay

Madalas man dalawin ng kalungkutan
Sinta dahil napakalayo mo sa akin
Pero wag mong isipin na ako’y magsasawang ibigin ka
Kung ‘di man kita kapiling sa ngayon
Palagi mo lang tatandaan na kahit na anong mangyari ay ikaw ang laman
Kayamanan na dapat pagkaingatan ko sa mahabang panahon na ‘di kayang tumbasan
Kahit gaano katagal ako’y nakahandang maghintay sa iyo
Kaya tiwala’y ibigay mo sana sakin
Dahil hanggang sa huli ikaw ay makakaasa
Ang pag-ibig mo ay ‘di ko sasayangin

‘Di man sa ngayon maghihintay pa rin sa tamang pagkakataon
Hanggang umayon na ang tadhana’t panahon

Mahal kahit na malayo man
Ang agwat nating dalawa’y ako’y maghihintay
Kahit malayo ‘di maglalaho ang pag-ibig ko
‘Di magbabago yan ang pangako ko sayo ako’y maghihintay

Sa ngayon tiis lang muna yon ang dapat gawin
Wag kang masyadong malungkot wag mo na ring damdamin
Darating na rin yung araw muling magkakasabay
Tayong kakain at lalakad din ng hawak kamay
Sa tuwing nalulungkot ka’y titigan mo yung larawan pati na yung alaalang pinabaon
Mga sandaling kasama, katabi kita’t ang oras ‘di natin pansing lumipas sa maghapon
Kaya naman mahal magtiwala ka lang sakin pagkat
Walang malayo pagitan distansya’t agwat
Na pwedeng makapagpabago kung ano ko sayo
Mananatili na ikaw hanggang sa pagbalik mo kaya…

‘Di man sa ngayon maghihintay pa rin sa tamang pagkakataon
Hanggang umayon na ang tadhana’t panahon

Mahal kahit na malayo man
Ang agwat nating dalawa’y ako’y maghihintay
Kahit malayo ‘di maglalaho ang pag-ibig ko
‘Di magbabago yan ang pangako ko sayo ako’y maghihintay
Uh haa… ako’y maghihintay
Ohhh… ako’y maghihintay
Hmmm… maghihintay…

Maghihintay

Jr.Crown, Kath, Niero, Soul & Thome - Maghihintay (Official Lyric Video)


Music Produced by: Sawndass Music Beat
Beat Produced by: J-Rain
Lyric Video by: Sawndass Music
Composed by: Jr Crown, Kath, Niero, Soul & Thome
Mixed & Mastered by: Martin Leonar
Recorded at: Batang Pinas Records

© ℗ 2020 Sawndass Music
All Rights Reserved.

Jr.Crown, Thome & Chris Line - Sulyap Lyrics

Di na mapigilan ang sariling mapa-ibig sa iyo
Ano ba to?
Gusto ka laging nakikita ng mga dalawang mata ko
Baliw sayo oh oh!
Kaya laging nag-aabang
Para ika’y masulyapan
Dahil isang ngiti mo lang
Okay na ako nang dahil sayo oh oh!

Laging nag-aabang kung san ka dadaan
Nagbabakasakaling muli kang masulyapan
Ang ganda mo at ngiti mong kay tamis
Nakakainis kasi hindi kita maalis
Sa aking isipan di na mapigil ang
Damdamin ko para sayo kahit hanggang titig lang
Kaya minsan gusto kitang ichat sa FB
Ayain lumabas at sabay na mag FT
I can be your superman kahit di pang superhero
Ang aking katawan ilalaban kahit kanino
Oo simple lang ako at Malabo mong matipuhan
Kaya okay nang kahit sa FB mo lang mapusuan kase

Di na mapigilan ang sariling mapa-ibig sa iyo
Ano ba to?
Gusto ka laging nakikita ng mga dalawang mata ko
Baliw sayo oh oh!
Kaya laging nag-aabang
Para ika’y masulyapan
Dahil isang ngiti mo lang
Okay na ako nang dahil sayo oh oh!

Eyy! Binibini oo ‘lam ko naman
Na hindi ako ang nararapat mong magustuhan
Tanggap kong hanggang titig na lang
Kaya sa himig na lang baka sakaling pakinggan mo
Di man kaya na sabihin to sa harap mo
Para lang aminin ko na laman ka ng isip ko
At dalahin pa sa panaginip hanggang sa paggising ko
Siguro nga ako’y baliw sa iyo oh oh
Hiling ko lang naman ay mapansin mo at masabing

Di na mapigilan ang sariling mapa-ibig sa iyo
Ano ba to?
Gusto ka laging nakikita ng mga dalawang mata ko
Baliw sayo oh oh!
Kaya laging nag-aabang
Para ika’y masulyapan
Dahil isang ngiti mo lang
Okay na ako nang dahil sayo oh oh!

Di ko alam kahit minsan
Bakit di kita nagawang palitan
Kahit alam ko naman na
Malabo mo din ako na magustuhan
Sa mundong ito sayo ko nakita
Lahat ng wala sa iba
‘Kaw yung tipo ng babaeng walang kolorete
Sa paningin ko maganda ka na
Pag dadaan ka nakaabang kahit di ka malapitan
At kapag ngumingiti ka yun yung pinakamasarap titigan
Kung meron man akong kahilingan
Mahigit na ilang ulit na babanggiting
Makasama kita wala ng iba
Ikaw at ikaw ang hihilingin
Kahit alanganin pa ang katuparan
Tatandaan mong ika’y iingatan
Di ko hahayaang mabastos ka lamang
Payat man ako handa kang paglaban
Di man mahawakan ang mga kamay
Patuloy pa rin sa paghihintay
Kahit imposibleng atensyon mo saking tuon at maibigay

Di na mapigilan ang sariling mapa-ibig sa iyo
Ano ba to?
Gusto ka laging nakikita ng mga dalawang mata ko
Baliw sayo oh oh!
Kaya laging nag-aabang
Para ika’y masulyapan
Dahil isang ngiti mo lang
Okay na ako nang dahil sayo oh oh!

Di na mapigilan ang sariling mapa-ibig sa iyo
Ano ba to?
Gusto ka laging nakikita ng mga dalawang mata ko
Baliw sayo oh oh!

Jr.Crown, Thome & Chris Line - Sulyap (Official Lyric Video)


Music Produced by: Sawndass Music>
Beat Produced by: John "J-Lhutz" Hesarza>
Lyric Video by: M Zhayt Visuals>
Composed by: Jr Crown, Thome & Chris Line>
Mixed & Mastered by: Martin Leonar>
Recorded at: Batang Pinas Records>

© ℗ 2020 Sawndass Music
All Rights Reserved.