Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Jireh Lim - Ba't 'Di Na Tayo Lyrics

Parang kailan lang
Tayo ay masaya
‘Di ko namalayan
Tayo pala’y wala na
Kani-kanina lang
Tayo’y naglalampungan
Sa sobrang panatag ko’y
Bigla ka na lang nawala na parang bula

‘Wag kang kukurap
‘Di mamamalayan ang mahal mo ay wala na
‘Wag magpasarap
Nagtatanong na lang

Ba’t ‘di na tayo?
Ba’t ‘di na tayo?
Ba’t ‘di na tayo?
Ba’t ‘di na tayo?
Ako’y nagtataka
Sa pagkawala ng pag-ibig mo
Nagbago ng ihip ng panahon

Ano bang nagawa
Hindi manlang naawa
Konting pagkakamali
Wala na bang pag-asa na maulit muli

‘Wag kang kukurap
‘Di mamamalayan ang mahal mo ay wala na
‘Wag magpasarap
Nagtatanong na lang

Ba’t ‘di na tayo?
Ba’t ‘di na tayo?
Ba’t ‘di na tayo?
Ba’t ‘di na tayo?
Ako’y nagtataka
Sa pagkawala ng pag-ibig mo
Nagbago ng ihip ng panahon

Ba’t ‘di na tayo?
Ba’t ‘di na tayo?
Ba’t ‘di na tayo?
Ba’t ‘di na tayo?
Ba’t ‘di na tayo?
Ba’t ‘di na tayo?
Ako’y nagtataka
Sa pagkawala ng pag-ibig mo
Nagbago ng ihip ng panahon

Jireh Lim - Extra Large Lyrics

Marami ang nagtataka
Kung bakit daw mahal kita
Di nila makita kung anong nakita ko sayo
Di lang alam kung pano
Ang magmahal sya ng totoo
Chubby man ang syota ko’y
Walang ibang magmamahal sakin ng ganito

Wag alalahanin
Kung ayaw ng iba sayo
Tumingin ka sakin
Wala nang papantay sayo

Iniibig kita
Ipagsisigawan ko pang
Mahal kang talaga
Kahit na extra large ka pa
Sakin ay sexy ka
Kahit ganon ka kabigat
Hindi akalain na masarap umibig
Ng tulad mo

Di bale ng mataba
May kama na may unan pa
Di katulad ng iba
(Pang kama lang sila talaga)

Wag alalahanin
Kung ayaw ng iba sayo
Tumingin ka sakin
Wala nang papantay sayo

Iniibig kita
Ipagsisigawan ko pang
Mahal kang talaga
Kahit na extra large ka pa
Sakin ay sexy ka
Kahit ganon ka kabigat
Hindi akalain na masarap umibig
Ng tulad mo
Ng tulad mo

Iniibig kita
Ipagsisigawan ko pang
Mahal kang talaga
Kahit na extra large ka pa
Iniibig kita
Ipagsisigawan ko pang
Mahal kang talaga
Kahit na extra large ka pa
Sakin ay sexy ka
Kahit ganon ka kabigat
Hindi akalain na masarap umibig
Ng tulad mo

Ng tulad mo…

Jireh Lim - Buwelo Lyrics

Nakatulala tuwing gabi
Iniisip ang ‘yong mga ngiti
Damdamin ay hindi mapakali
Ang puso ay bumibilis ang pintig
Sa bawat oras na nakikita ka
Paligid ko’y nag-iiba ang pinta
Malayo pa lang tanaw na kita
Sabay tago pagsulyap ng ‘yong mga mata

Hinahanap pag wala ka
Pag andyan ka na ay di na ako makasalita

Nananabik makatabi pero nanlalambot ang tuhod pag nandyan ka
Wala akong maibuga nakatingin sa sahig pag malapit ka na

Naisip kong sumulat na lang
Doon ko ipahiwatig sayo
Damdamin kong hindi mapakawalan
Hanggang tingin na lang ba ako sayo

Hinahanap pag wala ka
Pag nandyan ka hindi na ako makasalita

Nananabik makatabi pero nanlalambot ang tuhod pag nandyan ka
Wala akong maibuga nakatingin sa sahig pag malapit ka na

Sinasabi ko nga na bumebwelo lang ako
Araw-araw na ganto maitatago ko pa kaya ito

Nananabik makatabi pero nanlalambot ang tuhod pag nandyan ka
Wala akong maibuga nakatingin sa sahig pag malapit ka na
Nananabik makatabi pero nanlalambot ang tuhod pag nandyan ka
Wala akong maibuga nakatingin sa sahig pag malapit ka na

Jireh Lim - Pundido Lyrics

Ilang araw ka nang nagtatampo
Ilang araw na tayong magulo
Ilang ulit pa ba na ganito
Walang mangyayari kung ika’y lalayo

Walang paramdam kahit isang tawag lang
‘Di na alam kung tayo ay may patutunguhan
Ika’y nasaktan oo alam ko naman
Ngunit dapat bang gan’to ang ating kahantungan

Ipahiwatig mo sakin kung pano na ba
Bumbilya natin ay pundido na ba

Patawarin, patawarin, patawarin mo ako
Patawarin, patawarin, patawarin mo ako
‘Di ko sinasadyang masaktan ka mahal
‘Wag ka nang magtampo patawarin mo ako

‘Di na ramdam ang aking bawat hakbang
Sa tuwing ang alaala mo ang binabalikan
Wala bang hanggan ating pag-iibigan
Kung ang nais mo lamang ay kalayaan

Ipahiwatig mo sakin kung pano na ba
Bumbilya natin ay pundido na ba

Patawarin, patawarin, patawarin mo ako
Patawarin, patawarin, patawarin mo ako
‘Di ko sinasadyang masaktan ka mahal
‘Wag ka nang magtampo patawarin mo ako

Patawarin, patawarin, patawarin mo ako
Patawarin, patawarin, patawarin mo ako
‘Di ko sinasadyang masaktan ka mahal
‘Wag ka nang magtampo patawarin mo ako

Patawarin mo ako…

Jireh Lim - Parusa Lyrics

Walang mas sasakit pa sa maiwan
Sa kahit na anong paraan
Lalo kung ‘di manlang magpapaalam
Tila wala manlang pakialam

Lagi na lang akong pinaparusahan
Ano ang kasalanan lagi ang katanungan
Walang humpay na pagmamahalan
Ang tanging kahilingan sana’y mapakinggan

Ayokong malimot ng mundo, ng mundo
Nasanay na lagi sa piling mo, sa piling mo
Kailan makakamtan ang kahilingang hindi maiwanan

Sa mga ulap ay nakatingin
Humahalik sa mga bituin
Ang buhay ko’y wala manlang ningning
Bumabalot ay puno ng dilim

Lagi na lang akong pinaparusahan
Ano ang kasalanan lagi ang katanungan
Walang humpay na pagmamahalan
Ang tanging kahilingan sana’y mapakinggan

Ayokong malimot ng mundo, ng mundo
Nasanay na lagi sa piling mo, sa piling mo
Kailan makakamtan ang kahilingang hindi maiwanan

Mundo ko ay ikaw, mundo ko ay ikaw
Mundo ko ay ikaw, mundo ko ay ikaw…

Ayokong malimot ng mundo, ng mundo
Nasanay na lagi sa piling mo, sa piling mo
Ayokong malimot ng mundo, ng mundo
Nasanay na lagi sa piling mo, sa piling mo
Kailan makakamtan ang kahilingang hindi maiwanan

Jireh Lim - Ikaw Lang Lyrics

Simula nang tayo’y pinagtagpo
Kalungkutan ay naglaho
Biyaya ka sakin ng maykapal
Ikaw lang ang dinarasal

Sa piling mo’y napupuno ng
Hiwaga at ng mahika

Ikaw lang ang laman ng puso’t isipan
Ikaw lang ang tanging pakakasalan
Sa hirap at ginhawa tayong dalawa
Wala nang iba pang aangat ikaw lang

Damdamin ay gumagaan
Sa tuwing ikaw ang nasisilayan
Sa bawat oras na kasama ka
Ang puso ko’y tumutula

Sa piling mo’y napupuno ng
Hiwaga at ng mahika

Ikaw lang ang laman ng puso’t isipan
Ikaw lang ang tanging pakakasalan
Sa hirap at ginhawa tayong dalawa
Wala nang iba pang aangat ikaw lang

Ang nagbibigay ng kasiyahan
Ikaw lang at wala nang iba
Wala nang iba

Ikaw lang ang laman ng puso’t isipan
Ikaw lang ang tanging pakakasalan
Sa hirap at ginhawa tayong dalawa
Wala nang iba pang aangat…

Ikaw lang ang laman ng puso’t isipan
Ikaw lang ang tanging pakakasalan
Sa hirap at ginhawa tayong dalawa
Wala nang iba pang aangat ikaw lang

Ikaw lang
Ikaw lang
Ikaw lang
Ikaw lang

Jireh Lim - Balewala Lyrics

Bawat araw nagdaan
Dinadama ang katotohanan
Nakatakda na yata saking masaktan
Bawat patak ng ulan
Lalo kong nararamdaman
Mga luha sa mata’y dumaraan

Silipin mo
Ang kalagayan ko
Puso’y nasugatan
Nang di mo pinaglaban

Balewala na lang
Wala na bang katapusan
Ng pagmamahalan na
Mauuwi rin sa wala
Balewala na lang
Lagi na lang nasasaktan
Dapat bang paulit-ulit ulit pa
Para matauhan ang puso ko

Balewala na lang…

Humiwalay na ng daan
Ang ating nakaraan
Ngayo’y wala na akong pagsisilbihan
Wala ka bang matandaan
Sa ating mga bulungan
Na kailanma’y wala nang iwanan

Silipin mo
Ang kalagayan ko
Puso’y nasugatan
Nang di mo pinaglaban

Balewala na lang
Wala na bang katapusan
Ng pagmamahalan na
Mauuwi rin sa wala
Balewala na lang
Lagi na lang nasasaktan
Dapat bang paulit-ulit ulit pa
Para matauhan ang puso ko

Balewala na lang…

Pwede bang
Matulog na lang
At din a gumising sa mundo

Balewala na lang
Wala na bang katapusan
Ng pagmamahalan na
Mauuwi rin sa wala
Balewala na lang
Lagi na lang nasasaktan
Dapat bang paulit-ulit ulit pa
Para matauhan ang puso ko

Balewala na lang…

Jireh Lim - Kung Mahal Mo Ako Lyrics

Ang daming nagbago
Ikaw pa ba yan
Di matatago ang kalungkutan
Di na tayo magkasundo
Urong sulong
Laging may sumpong

Tatalikuran ang nakaraan
Sana’y hindi ko na maranasan

Hindi ko na kayang patuloy pang
Masaktan at tayo’y madurog lang
Ayoko na munang magparamdam
Kailangan ko na sayo’y magpaalam
Kung mahal mo ako
Palayain mo na ko
Mahal mo ba ako…

Lumipas ang panahon na
Laging nagtatanong kung bakit ba
Di mo napapansin at
Hindi ka kasi yung laging nasasakal
Hindi yun pagmamahal
Ang puso’y hinihingal

Hindi ko na kayang patuloy pang
Masaktan at tayo’y madurog lang
Ayoko na munang magparamdam
Kailangan ko na sayo’y magpaalam
Kung mahal mo ako
Palayain mo na ko
Mahal mo ba ako…

(2x)
Kung mahal mo ako
Palayain mo na ko
Mahal mo ba ako…

Hindi ko na kayang patuloy pang
Masaktan at tayo’y madurog lang
Ayoko na munang magparamdam
Kailangan ko na sayo’y magpaalam
Kung mahal mo ako
Palayain mo na ko
Pagod na ang damdamin ko

Jireh Lim - Ngayong Pasko Lyrics

Damhin ang hanging lumalamig
Pati ang pumipintig na pag-ibig
Nandito ako at nariyan ka
Kailan pa ba tayo magkakasama

Nang makayakap ka
Buong pamilya sama sama

Bakit kailangan na magkalayo
Sa panahong dapat sama sama
Tanging hiling ko ngayong pasko
Ay makapiling ko ang mahal ko
Hangarin ko, dalangin ko
Makayakap kayo
Ngayong pasko

Ang bituin ay nagniningning
Tanging naglalapit sa ating piling
Sa bawat tibok ng puso mo
Tanging nagbibigay lakas sa akin

Nang makayakap ka
Buong pamilya sama sama

Bakit kailangan na magkalayo
Sa panahong dapat sama sama
Tanging hiling ko ngayong pasko
Ay makapiling ko ang mahal ko
Hangarin ko, dalangin ko
Makasama kayo
Ngayong pasko

Tanging hiling ko ngayong pasko
Ay makapiling ko ang mahal ko
Hangarin ko, dalangin ko
Makasama kayo
Ngayong pasko

Jireh Lim - Let Me Be The One Lyrics

Somebody told me you were leavin’
I didn’t know
Somebody told me you’re unhappy
But it doesn’t show
Somebody told me that you don’t want me no more
So you’re walkin’ out the door
Nobody told me you’ve been cryin’
Every night
Nobody told me you’d been dyin’
But didn’t want to fight
Nobody told me that you fell out of love from me
So I’m settin’ you free

Let me be the one to break it up
So you won’t have to make excuses
We don’t need to find a set up where
Someone wins and someone loses
We just have to say our love was true
But has now become a lie
So I’m tellin’ you I love you one last time
And goodbye

Somebody told me you still loved me
Don’t know why
Nobody told me that you only
Needed time to fly
Somebody told me that you want to come back when
Our love is real again

Let me be the one to break it up
So you won’t have to make excuses
We don’t need to find a set up where
Someone wins and someone loses
We just have to say our love was true
But has now become a lie
So I’m tellin’ you I love you one last time
And goodbye

Just turn around and walk away
You don’t have to live like this , no
But if you love me still then stay
Don’t keep me waiting for that final kiss
We can work together through this test
Or we can work through it apart
I just need to get this off my chest
That you will always have my heart
Let me be the one

Let me be the one to break it up
So you won’t have to make excuses
We don’t need to find a set up where
Someone wins and someone loses
We just have to say our love was true
But has now become a lie
So I’m tellin’ you I love you one last time
And goodbye

Jireh Lim - Sinong Nagbago Lyrics

dapat bang dibdibin damdamin ko
tumitibok ang ating puso palayo
nanginginig ako kaiisip sayo
naglaho na ang pag-ibig mo

mahuhulaan ba kung yuyuko ka lang
lahat binabale-balewala mo lang
sa puso mo ako’y meron pa bang puwang
naglaho na ang pag-ibig mo

Chorus:
sinong nagbago ikaw o ako?
nagsimula nang mag-sigawan
nang tayo ay nagkatampuhan, nagka-iringan
may pag-asa pa ba tayo?
o tuluyan nang lalayo sayo?

nahahabag ako pag naaalala ko
mga ngiting sa umaga’y minulat ko
mga kahapon nang tayo’y pinagtagpo
naglaho na ang pag-ibig mo

Chorus:
sinong nagbago ikaw o ako?
nagsimula nang mag-sigawan
nang tayo ay nagkatampuhan, nagka-iringan
may pag-asa pa ba tayo?
o tuluyan nang lalayo sayo?

bawat pangako
bawat unos
dito ba tayo magtatapos?

Chorus:
sinong nagbago ikaw o ako?
nagsimula nang mag-sigawan
nang tayo ay nagkatampuhan, nagka-iringan
may pag-asa pa ba tayo?
o tuluyan nang lalayo sayo?

sinong nagbago ikaw o ako?
nagsimula nang mag-sigawan
nang tayo ay nagka-iringan, nagkatampuhan
may pag-asa pa ba tayo?
o tuluyan nang lalayo sayo?

Jireh Lim - Pananagutan Lyrics

Sa gitna ng agos di matapos tapos
Ang problemang bumuhos
Huwag ka nang matakot
Di ako susuko at di ako lalayo

Tutol man ang bayan ikaw ay itatanan
Tayo'y bubukod ng tahanan
Ang buhay barkada'y dito matatapos
Ating ipagpa sa Diyos

Tahan na
Tahan na
Tahan na

Alam kong hindi natin to gusto
Ngunit haharapin ko ang pananagutang ito
Sabay nating sisikaping buhayin
Ang bunga ng ating pag ibig at pagmamahalan
Tahan na
Tahan na
Tahan na

Ang mundo'y iikot na lang sayo at sa
Anak natin na darating
Ako'y mag susumikap, di tayo hihirap
Matutupad ang pangarap

Tahan na
Tahan na
Tahan na

Alam kong hindi natin to gusto
Ngunit haharapin ko ang pananagutang ito
Sabay nating sisikaping buhayin
Ang bunga ng ating pag ibig at pagmamahalan
Tahan na
Tahan na
Tahan na

Di tayo susuko, di magpapatalo
Kayang kaya natin to
Di tayo susuko, di magpapatalo
Kayang kaya natin to

Alam kong hindi natin to gusto
Ngunit haharapin ko ang pananagutang ito
Sabay nating sisikaping buhayin
Ang bunga ng ating pag ibig at pagmamahalan
Di ako liliban sa piling mo kahit hindi to gusto
O tutol ang mga magulang mo
Tahan na
Tahan na
Tahan na

Jireh Lim - Mangga Lyrics

Sa binigay mong lagim
Sa buhay pag-ibig ko'y nabalot ng dilim
Pag-asa ay naglaho na
Meron ka pang ibang kasama
Kayakap mo pa

Huwag mag-alala
Hindi na ipipilit na muling ibigin mo
Kung di pa sapat ang lahat ng

Pag-ibig na wagas sa'yo inalay
Sa puso ay bakas lahat ng bagay
Ngayon ay tulala

Mangga-gamit ka
hindi ko akalain na
mapapaikot mo ako
sa kasinungalingan na
Pinagmamalaki mo pa
huling huli ka na nga

Sa lawak na iyong lihim
nahukay ko ang kulay mo
Sinusunog ako ng tadhana
may pag asa ba
pag ibig na wagas na sa'yo inalay
sa puso bakas lahat ng bagay
Ngayon ay tulala

Mangga-gamit ka
hindi ko akalain na
mapapaikot mo ako
sa kasinungalingan na
pinagmamalaki mo pa
huling huli ka na nga

Ngayon ako'y nanginginig
Sa katotohanang ika'y mahal ko
pero sa iyo ay kalandian lang ako
May araw ka ring letse ka
Makakaganti rin ako

Mangga-gamit ka
Mangga-gamit ka
Mangga-gamit ka
Mangga-gamit ka
hindi ko akalain na mapapaikot mo ako
sa kasinungalingan na pinagmamalaki mo pa
huling huli ka na nga

Ngayon ako'y nanginginig
Sa katotohanang ika'y mahal ko
pero sa iyo ay kalandian lang ako
May araw ka ring leche ka
Makakaganti rin ako
Mangga-gamit ka
Mangga-gamit ka
Mangga-gamit ka.