Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

UpLiftZ ft. Jekkpot of Ex Battalion - Sayo Ba (Official Music Video)


Music Produced: UPLIFTZ MUSIC
Beat Produced by: J-Lhutz Beatz
Mixed & Mastered by: John " J-Lhutz " Hesarza
Special thanks: Kai Chinita x JVE Ph x Jan2 Nalus x Source Clothing

Jekkpot ft. Kxle - Ice Choco Lyrics

Hays yoko muna
Hays yoko munang umuwi
Hanggat wala ka dito sa tabi ko
Hindi nila mapapabalik
Hays yoko munang umuwi
Lalo pag ika’y wala
Mundo’y napakalamig lalo pag ika’y wala
Hindi kita pwedeng iwanan kahit na sa daan
Pag wala ka aking tahanan
Anong silbi ng uuwian

Maaari bang buksan mo yung telepono
Pwede ba na mensahe ko’y silipin mo
Kausapin mo ng di ako nalilito
Kahapon pa ko dito di ako nagbibiro
Tagay ng tagay lang kahit nangangalay ang
Mga paa ko sa kakasilip kung nandyan ka lang
Kasi kanina lang nangako walang iwanan
Ngunit bigla kang nagbago bakit mo ba ko nilayuan

Halos matuyuan tapos maulanan
Sadyang nabibigatan tila wala ka ng pakealam
Ano ba talagang dahilan bakit hindi mo pa ako balikan
Nasan ka ba bakit hindi mo sabihin
Ako’y sabik ng ika’y mahalikan

Hays yoko muna
Hays yoko munang umuwi
Hanggat wala ka dito sa tabi ko
Hindi nila mapapabalik
Hays yoko munang umuwi
Lalo pag ika’y wala
Mundo’y napakalamig lalo pag ika’y wala
Hindi kita pwedeng iwanan kahit na sa daan
Pag wala ka aking tahanan
Anong silbi ng uuwian


Bakit ba kasi sayo iba ang dating
Malambing naman ako ano ba ang dapat gawin
Ganun din kung sisilipin mo itong pagtingin
Ikaw rin ang laman kahit san mo pa ko dalhin
Ikaw lang ang laman kada pahina kung bubuklatin
Masyado ng malalim ang pag-ibig ko kung tutuklasin
Handa kong iwanan ang mundong ito kung iisnobin mo ako
Tingnan mo

Halos matuyuan tapos maulanan
Sadyang nabibigatan tila wala ka ng pakealam
Ano ba talagang dahilan bakit hindi mo pa ako balikan
Nasan ka ba bakit hindi mo sabihin
Ako’y sabik ng ika’y mahalikan

Hays yoko muna
Hays yoko munang umuwi
Hanggat wala ka dito sa tabi ko
Hindi nila mapapabalik
Hays yoko munang umuwi
Lalo pag ika’y wala
Mundo’y napakalamig lalo pag ika’y wala
Hindi kita pwedeng iwanan kahit na sa daan
Pag wala ka aking tahanan
Anong silbi ng uuwian

Jekkpot ft. Kxle - Ice Choco (Lyric Video)


Written by Jekkpot & Kxle
Music Produced by Goodson
Mixed and Mastered: Crepole D
Lyric vid by Niks/Nico Dela Cruz

Jekkpot ft. Jnske x JRoa - Kapit Lang Lyrics

Alam ko din na marami kang problema
Halos tawagin ‘tong dilema
May ubo tapos makapit pa na plema
Hilaw ka pa pero bulok na sa sistema
Ganyan talaga ‘wag magwawala
Buti buhay ka pa ‘yan ang mahalaga
May oras talagang ikaw’y mag-iisa
Pati sa’yong mantika ay magigisa
Nang hindi sinasadya ikaw’y biglang madadapa
‘Yung liwanag didilim mapipilitang mangapa
Kahit buksan mo ang mata hindi mo mahahalata
Kung hindi mo sasaingin ang bigas na malata
Nakaka-badtrip na ‘yung mga ganitong eksena
Bakit ba naimbento kasi ang pera?
Nais nang lumipat ng ibang planeta
Kapit lang ‘yan ang panibago na meta

Kung ano man ang ‘yong dinadala
Kahit na ga’no pa ‘yan kabigat
‘Di pa huli madami pang bukas
Walang trabaho na mahirap
Kung pursigido ka tuloy mo lang
Hangga’t makuha ang inaasam
Tandaan na ‘di pa huli ang lahat
Subukan mo nang iyong makita
Ang liwanag

Sige, sulat lang sa bawat pahina (Pahina)
Kulayan mo bawal magpahinga (Pahinga)
Kung ayaw mo sige, ‘di sa’kin na
Tapos panoodin mo at wawasakin na (Sakin na)
Ang entablado kung sa’n imbitado
Bigay ang todo kahit na konti ang tao
Kuntento na kasi ikaw ay naparito
Sa laban mang ito ako ay naiprito
Kapit lang babawi tayo
Dapat konting praktis pa para manalo
Idoble pa ‘yung acting at ‘yong isapuso
Hanggang sa maging superstart ka na’t umuso
D’yan kasi nagsimula sa dati din nagmula
Ngayon may bago ng tula
Sabay nating ibuga tara ‘wag ng mahiya
Wala mang title ang kanta mong ginawa, ey

Kung ano man ang ‘yong dinadala
Kahit na ga’no pa ‘yan kabigat
‘Di pa huli madami pang bukas
Walang trabaho na mahirap
Kung pursigido ka tuloy mo lang
Hangga’t makuha ang inaasam
Tandaan na ‘di pa huli ang lahat
Subukan mo nang iyong makita
Ang liwanag

Sipagan mo lang palagi
Kahit wala pang nangyayari
Higpitan lang ang iyong kapit
Matutupad din ang lahat ng ninanais
Tibayan mo lang palagi
Kahit ano pang mangyari
Tandaan lang na laging
Sa dulo ng ulan ay mayroong bahaghari

Kung ano man ang ‘yong dinadala
Kahit na ga’no pa ‘yan kabigat
‘Di pa huli madami pang bukas
Walang trabaho na mahirap
Kung pursigido ka tuloy mo lang
Hangga’t makuha ang inaasam
Tandaan na ‘di pa huli ang lahat
Subukan mo nang iyong makita
Ang liwanag

Kumapit ka lang
Kumapit ka lang
Kumapit ka lang

Kumapit ka lang
Kapit ka lang
Kumapit ka lang

Jekkpot ft. Jnske x JRoa - Kapit Lang (Lyric Video)


Beat Produced by Himig Borhuh
Mixed and Mastered: Louie "Jekkpot" Rivera
Lyric vid by KJ Toffer

Honcho ft. Jekkpot, Brando & MC Einstein - Ulap Lyrics

Nakatingala sa mga ulap
Nakangiting humihiling at kahit san
Nakatingala sa mga ulap
Nag-aantay na masagot at mabuksan
Ang aking liham sulat na minsa’y aking pinadala
Kahit na malayo’t umabot ay malabo
Sakin pinadama
Yah yah yah

Alam nyo po ba? Labis ang sisi ko
Bakit po ba sya ang napili ko?
Kase no’ng una di ko po naisip to
Hirap makuha lalo’t sobrang busy po
Nitong dalaga na kaninang umaga ko pa hanap
Maghapon kong pinangarap hanggang pagdilim ng ulap
At laging unan na lang ba ang aking makakayakap
Sa panaginip ko na lang siguro sya makakausap
Makakasama ko pero pano magkakatotoo
Kase sa twing ako’y lalapit sya ay lumalayo
May mali ba saking gamit na sabon at pabango
Di ko na nga din po alam ang itatanong sa’yo
Mahal nya ba ko? Sya ba’y mayron ding plano
May balak po kaya syang sumakay sa eroplano
O mananatili dito dahil ako’y nandito
Hindi umaalis naghihintay po ng sagot nyo

Nakatingala sa mga ulap
Nakangiting humihiling at kahit san
Nakatingala sa mga ulap
Nag-aantay na masagot at mabuksan
Ang aking liham sulat na minsa’y aking pinadala
Kahit na malayo’t umabot ay malabo
Sakin pinadama
Yah yah yah

Pwedeng makuntento isang daang porsyento
Nasa sayo na kung pano ka maging kuntento
Di pwedeng nahiling ng tawad pero di natuto
Walang sinong gumaling na tumitigil mag imbento
Mag eksperimento man gawin ng pabulong
Lahat may pag asa pa kahit pa yung nakakulong
Wag na magtanong basta ibigay mo ng buong
Buo ang iyong lakas ‘di to pera o bayong
Wag sabihing buhay di na fair kahit pa inaapi
Pre di pa sarado ang pinto ng langit be aware
Pare be real wag mabalutan ng fear
Kahit pa’t sabihing di ka fit ituring kang weird
Ng mga tao sayong paligid wag mong sisihin
Itaas nakayuko na ulo langit silipin
Bahaghari andun sa dulo bago isipin
Na wala ka ng pag asa utoy ‘ge manalangin pray!

Nakatingala sa mga ulap
Nakangiting humihiling at kahit san
Nakatingala sa mga ulap
Nag-aantay na masagot at mabuksan
Ang aking liham sulat na minsa’y aking pinadala
Kahit na malayo’t umabot ay malabo
Sakin pinadama
Yah yah yah

Salamat na agad,
Ang dalangin ay laging natutupad
Baka kahit di na para sakin, ay binibigay pa rin
Kahit anong hilingin pa at hinahangad
Mahaba pa ang panahon para magpasalamatan pa kita
Kahit alam mo na, kulang ang salitang salamat para sa mga nagawa

Mo! Para sa aming mga nananalangin
Sana bitbit ng hangin, tungo sayo
O aming nag iisang hari gabayan nyo po palagi
Kasama ka kahit san mapadpad ang mga paa habang

Nakatingala sa mga ulap
Nakangiting humihiling at kahit san
Nakatingala sa mga ulap
Nag-aantay na masagot at mabuksan
Ang aking liham sulat na minsa’y aking pinadala
Kahit na malayo’t umabot ay malabo
Sakin pinadama
Mahal na kita!

Honcho ft. Jekkpot, Brando & MC Einstein - Ulap (Lyric Video)


1 of 4 - ROSARIO EP by HONCHO
Beat Prod by YoungTaylor

℗ & © 2021 Ex Battalion Music, a division of Ex Battalion Entertainment.

MC Einstein ft. Yuridope x Jekkpot x Flow G - Bahala Ka Lyrics

Di mo manlang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Hanap ako ng hanap ikaw iwas ng iwas
Gusto sayong yumakap kaya pakitang gilas
A-a-e ganyan mo pa ko astahan
Tinatanong ka lagi ang sagot mo basta lang oy
Oo lang naman ang gusto ko na marinig
Ako na ang bahala lagi satin sa kilig
Ako diba ang dali lang kaso may mali
Ikaw kasi ayaw pa sakin na sumama pauwi e
Ikaw bahala wala tong sisihan
Kaya pasensya ko’y di mo na maiiklian
Pano ubos na at simot sayo kakaabang
Ngalay na din likod mo lang palagi ang katitigan

Di mo manlang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Ano ang kulang bakit di kuntento
Sa sinasabi ko na di naman imbento
Kasi ang dami ko ng kwento pero para bang walang epekto to
O talaga lamang na iyong sinasadya to
Mabalewala lahat palabasing hindi sapat
Sa bawat banat mo at hugot habang pinagtatapat
Ang nadarama parang drama na
Ang sa puputahan na wag ng umasa pa kase marami pa namang iba
Wooh! Sana nagbibiro ka lamang
Ng di mo pagsisihan bakit mo ako sinayang
Sakin minsan lang ang mabaliw sa niligawan
Ikaw pa ang may ayaw di ko na yan kasalanan ha
Nasayang porma ko at pabango nako
Nagbago na takbo ng utak ko nagtampo na sayo
Kasi ang gaga mo akala mo pag-ibig ko’y laro lang
Lambing ang kailangan ko wag mo akong sungitan

Di mo manlang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Ano pang kailangan kong gawin para yong atensyon mo ay limusin
Gusto mong isakay ka pa sa limousine
Akitin sa bagay na di mo kayang bilhin
Gusto ko rin naman yan kaso nga lang la ko ni kusing
Pero di mo pwedeng ismolin
Sakin di ka mag-uulam ng asin
Ang dami kong naipong mga baka sagutin
Ikaw ang gusto ko kaya puro baka yung dumating
Ako naman yung nandito lagi pero bakit pailing
Ako yung dumating kaso di ako hiling
Sa hirap at ginhawa ay handa kang gustuhin
Ang hirap lang sayo hirap ka ring ako ay gustuhin sows!
Baka mamatay akong dilat
Patagal ng patagal ay pailap ka na ng pailap
Pahirap ng pahirap wala ng tyansang mainlove
Kung ayaw mo di wag

Di mo manlang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

Di mo manlang ba lilingunin?
Kanina pa ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan, bigla mo pa kong susungitan
Edi bahala ka

MC Einstein ft. Yuridope x Jekkpot x Flow G - Bahala Ka (Music Video)


Bahala Ka performed by MC Einstein x Yuridope x Jekkpot x Flow G

Directed by: Titus Cee
Cinematography: Benjie Phillip
Cam operator: Michael Jamandre
BTS Videographer: Kenken De Guzman, Nivek Vasquez
BTS Photographer: Bruce Cuervo
VFX: Warren Tablo
Production Assistant:
Liezel Osias
Eulla Guiveses
Joed Bermudo
Edcel Espera
Patrick John Corpuz

Lights: Cinejepoy
Cameras: Red Apple
Car Rental: Don Robert

℗ & © 2020 Ex Battalion Music, a division of Ex Battalion Entertainment.

Honcho ft. Jekkpot x Skusta Clee - Pasensya Na Lyrics

Gusto ko ng sabihin na mahal pa kita
Pero di ko magawa 'di makasalita
Kaya pasensya na
Pasensya na (Pasensya na)

Hanggang tingin nalang ba
Baka mapahiya o baka mawala
Kapag inamin ko pa
Kaya pasensya na
Pasensya na (Pasensya na)

Lagi nalang nag-aabang
Nakatingin kung san
Napailing nalang
Dahil di kuwentado kahit alam kong malabo
Pero bakit di ko mabago
Di ko mabago
Kahit gaano kalayo

Kahit anong gawin, maglasing
Magpakalunod ng gising
Lapitin ng sakit kahit ako'y nakapiring
Ano ba (Ano ba)

Pwede bang sakin kana (Akin ka)
Kasi di madali at napakahapdi na
Tatanggapin na ayoko ng makita
Pero hindi parin ako nanghihina
Kaya halika sakin magpakita

Gusto ko ng sabihin na mahal pa kita
Pero di ko magawa 'di makasalita
Kaya pasensya na
Pasensya na (Pasensya na)

Hanggang tingin nalang ba
Baka mapahiya o baka mawala
Kapag inamin ko pa
Kaya pasensya na
Pasensya na (Pasensya na)

Di mo ba alam na mahal pa kita
Sa bagay di ko pinadadama
Sa iyo di ko pinapahalata
Ang gagawin mo lang ay kung ano ang mahalaga

Na dapat ang di mo pinagtanto
Kung bakit ganto
Ako'y huminto sa inyong pinto
Kasi lihim kong pinagmamasdan ang paglabas mo

Okay na sakin yung ganto
Mahabang tiisan to
Habang tinitingnan ko ang kilos mo
Nawiwindang to, nahihibang to
Nagbibilang to ng araw, saan pasasaan to
Habang pasan ko ay parang mundo
Naghihintay nalang ng sundo

Gusto ko na kasi ay lumigaya ka
Mapatawad moko sa aking mga nagawa na
Di ko din nasasabi na biglang nawala
Kaya sakin malamang Ika'y nagbago na

Kaya pasensya na
Ako'y nakokonsensya na
Sa eksena na
Ako dapat yung nandon sa presensya na

Gusto ko ng sabihin na mahal pa kita
Pero di ko magawa 'di makasalita
Kaya pasensya na
Pasensya na (Pasensya na)

Hanggang tingin nalang ba
Baka mapahiya o baka mawala
Kapag inamin ko pa
Kaya pasensya na
Pasensya na (Pasensya na)

Oo Mahal pa kita 'di na mawawala yan
Anong magagawa mo yan ang nakasanayan
Sa dami mong iniisip ayaw ko na ng makipagsabayan
Tadhana na siguro ang may ayaw sayang

Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya
Pag nakita kong nakatingin ang yong mata
Sa akin kaso ngalang ay wala akong magawa
Laging nilalamon ng hiya
At kung di talaga para satin ang isat-isa
Siguro'y hahayaan na muna kita
Kahit Mahal pa kita

Gusto ko ng sabihin na mahal pa kita
Pero di ko magawa 'di makasalita
Kaya pasensya na
Pasensya na (Pasensya na)

Hanggang tingin nalang ba
Baka mapahiya o baka mawala
Kapag inamin ko pa
Kaya pasensya na
Pasensya na (Pasensya na)

Honcho ft. Jekkpot x Skusta Clee - Pasensya Na (Official Music Video)


Official music video by Honcho featuring Jekkpot & Skusta Clee performing "Pasensya na." Directed by Titus Cee

Beat Prod by Zero and XXXMAKEITBOUNCE

℗ & © 2020 Ex Battalion Music, a division of Ex Battalion Entertainment.

MC Einstein ft. Flow G, Yuri Dope & Jekkpot - Titig Lyrics

ewan ko kung pano ko bibitbitin
yung pagtingin ko kasi kung hanggang tingin lang ay bitin
ayoko rin naman tong kimkimin kaso mukhang
hindi ko pa rin to sayo kayang banggitin
at baka isnabin mo lang at di mo pansinin
bitin kahit na empi at gin ang inumin
yung tapang ay wala pa rin san ko hihiramin
kahit maglasing wala rin kung paggising ko duwag pa rin
pano sasama kung hindi ako nag-aaya
pano tatama kung hindi ako tumataya
minsan iniisip ko na wag na lang kaya
kaso yung isip ko ay nagbabago din maya maya
at sobra sa pag-asa kulang sa kumpyansa
kaya mukhang malabong magka tyansa
gusto ko lang naman ay maging popoy mo basha
yan ang matagal ko na pantasya

matagal na kitang sinusundan, tinititigan at hindi maiwasan
na ikaw ay di tingnan sa malayuan at pinag-iisipan ko kung ano ang paraan
para ikaw ay malapitan, kaso malayo ang pagitan
hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala
saking ginagawa na pag kung tumaya ay wag mapahiya

di lang ako kumikibo, matagal ng tumitibok
ang puso ko para sayo kaso minsan kumikirot
di ko kasi masabi, di ako umaarte lang
di ko lang alam kung papaano aatake
kasi baka naman ako ay tablahin
kaya tinatak sa isip ko na wag nang tangkain
panaginip lang lahat ng yon ako ay tampalin
para gising na ako tamang panahon aantayin
ko na lamang woh, kasi wala naman masama sa magtyaga
kung para sa akin ka eh di mag aabang ako hanggang sa merong mapala
kaso wala naman magaganap lalo't na pag wala ako ginawa
tsaka baka mamuti lang ang mata pag nag antay ng himala
di naman malabo na mapansin mo ko kapag di ako nagtatago
kailangan ko lamang na maging matapang kung gusto ko na magka tayo
wala naman kasing ibang paraan kung san takot ay magpapatalo
kawawa na ko puro na lang tingin sa malayo kailangan ko yatang magbago kasi...

matagal na kitang sinusundan, tinititigan at hindi maiwasan
na ikaw ay di tingnan sa malayuan at pinag iisipan ko kung ano ang paraan
para ikaw ay malapitan, kaso malayo ang pagitan
hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala
saking ginagawa na pag kung tumaya ay wag mapahiya

kay tagal na din pala kung iisipin mo
kaso hindi mo pala to alam sinong sisisihin ko
kundi sarili ko na labis ang takot na baka mapahiya lang
torpe man akong ituring ay wala akong pakielam
sa sasabihin ng mga hibang na walang pake sa nararamdaman
sana hindi nyo ito maramdaman na mahal kita ng hindi mo alam
nabihag mo kasi ganda mo pang fantasy
yan ang pinoproblema ko ako ay simple lang kasi
pano ba kita mapapaibig
sa mga mata'y di makatitig
baka diskarte ko magkaloko-loko
kaso hindi ko na mapigilan na ika'y masolo ko
sa panong atake kita makakausap
hindi ko mawari baka ika'y magulat
pag ako lumapit na kaba sa dibdib ko ay matic na
nais ko lang ay malaman mo na noon pa man ay matagal kitang

matagal na kitang sinusundan, tinititigan at hindi maiwasan
na ikaw ay di tingnan sa malayuan at pinag iisipan ko kung ano ang paraan
para ikaw ay malapitan, kaso malayo ang pagitan
hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala
saking ginagawa na pag kung tumaya ay wag mapahiya

matagal na kitang sinusundan, tinititigan at hindi maiwasan
na ikaw ay di tingnan sa malayuan at pinag iisipan ko kung ano ang paraan
para ikaw ay malapitan, kaso malayo ang pagitan
hanggang kailan kaya mag aabang kung may mapapala
saking ginagawa na pag kung tumaya ay wag mapahiya

MC Einstein ft. Flow G, Yuri Dope & Jekkpot - Titig (Lyric Video)


Titig - Mc Einstein ft. Flow G, Yuri Dope & Jekkpot

℗ & © 2019 Ex Battalion Music, a division of Ex Battalion Entertainment.