Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Ethan Loukas & Janine Tenoso - Hanap-hanap (Live Performance Music Video)

Ethan & Janine give us their romantic take on the blckbuster hit from JaDine "Hanap-Hanap".

Song Title: Hanap-Hanap
Artist: Ethan Loukas & Janine Tenoso
Composer: Thyro Alfaro and Yumi Lacsamana
Guitars: Ethan Loukas, Radlee Laquian
Mixed & Mastered: Ethan Loukas, Robert Javier
Executive Producer: Jaworski Garcia

BLACKSHEEP RECORDS MANILA

Ethan Loukas & Janine Tenoso - Hanap-Hanap Lyrics

Nakilala kita sa 'di ko inaasahang pagkakakataon
Nakakabigla, para bang sinadya at tinakda ng panahon
Tila agad akong nahulog nang hindi napapansin
Pero tadhana ko'y mukhang 'di tayo pagtatagpuin

Pinili kong lumayo
Ngunit pilitin ma'y bumabalik sa'yo

Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap-parap-pap
At kahit magpanggap, 'di matatago na ang 'yong yakap ang
Hanap-hanap-parap-pap-pap
'Di nagbabago
Ikaw ang hanap-hanap ko

Inakala ko ring gano'n kadaling alisin ka sa buhay kong ito
Sinubok umibig ng iba
Pero 'di rin nawala ang pag-ibig ko sa 'yo
Sa tuwing kapiling siya'y ikaw ang nasa isip
At kahit maging panaginip ma'y ika'y nakapaligid

Pinili kong lumayo
Ngunit pilitin ma'y bumabalik sa'yo

Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap-parap-pap
At kahit magpanggap, 'di matatago na ang 'yong yakap ang
Hanap-hanap-parap-pap-pap
'Di nagbabago
Ikaw ang hanap-hanap

Parap-pa-para sa pusong nangangarap
Umaasang magsasamang muli
Para sa 'yo at para sa 'kin
Na tangi lang dalangin
Ay happy ending bandang huli

Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap-parap-pap
At kahit magpanggap, 'di matatago na ang 'yong yakap ang
Hanap-hanap-parap-pap-pap
'Di nagbabago
Ikaw ang hanap-hanap

Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap-parap-pap
At kahit magpanggap, 'di matatago na ang 'yong yakap ang
Hanap-hanap-parap-pap-pap
'Di nagbabago
Ikaw ang hanap-hanap
'Di maglalaho
Ika'y aking pangarap
'Di nagbabago
Ikaw ang hanap-hanap ko

Janine Teñoso - Tag-araw Lyrics

Ikot ng mundo, tila ay bumabagal
Ngunit alam kong 'di na rin magtatagal
Ang aking hinihintay ay makakamit
'Pagkat bughaw na ang kulay ng ating langit

Pilitin man ay 'di mo na mapipigil
Ang kanyang pag-ahon, ang kanyang pag-gising

Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pag-sapit ng tag-araw

Sana ang init mo'y aking maramdaman
Araw na nagdaan ay 'di ko na mabilang
Sa 'king paghihintay, ako'y nasasabik
Pinapanalangin na ang 'yong pagbabalik

Huwag mo na sana sa aki'y ipagkait
Ang tanging hangarin na ika'y makapiling

Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pag-sapit ng tag-araw

Hanggang kailan kaya ako maghihintay
Upang ang tag-araw sa akin ay kusa nang ibigay

Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw

Ng tag-araw, ng tag-araw…

Aubrey Caraan, Janine Tenoso & Carlyn Ocampo - Himala (Official Lyric Video)

Aubrey Caraan, Janine Tenoso and Carlyn Ocampo — Himala [Official Lyric Video] | One Song OST

Viva Records