Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Palos ft. JMara - Padale Lyrics

Chorus:

Wag maniwala dyan, dito ka sakin makinig
Lahat ng yan ay di padadaig
Samu't-sari kung ano-ano kanya-kanyang padale
Mag-ingat ka baka dyan ka pa madale (2x)

(1)

Maniniwala ka ba dyan? Dito ka sakin makinig
Mas mabilis pa sa kartero mga komentaryo kong hatid
Madaling araw kumulo hanggang ngayon mainit pa rin
Laging bukambibig "kanton" nitong mga kulang sa "pansit"

Walang ipapantay na rima para di tunog imbento
Dapat ako ang lamang, tinaguriang pinakamalayang preso
Sastreng gamit ay gantsilyo sa pagtatahi ng kwento
Katotohanang walang kwenta kasinungalingang may presyo

Matalas ang dila sa mga purol ang isip
Bubusalan ng salapi para lamang ako ay manahimik
Nasa pwesto lang sila pero wala sa katayuan
Ang tanong kung nayabangan ito o tinag na ba yan?

Maayos ako manghayop tiyak sira ang pagkatao mo
Pagtitinginan ka parang singkit na biglang naubo
Walang balat-sibuyas pag ako ang nagbalatkayo
Pag pumikit ka na saka lamang may sisilip sayo

(2)

May kwentong magpapantay sa loob at labas ng kulturang siksikan
Modernong galawan may palabas kung hangad pataas na paghila
Gintong karangalan ay para lamang sa mga bitawang pasikat
Habang may nag-aantay mga nilalang na likas na masikap


Bagong balagtasan ng mga lipi sa siraan lamang nagkadiin
Nagsisilabasan ang mga lihim na paraan para lang manaig
Nagpapataasan ng mga ihi puro dumi nalabas sa bibig
Hangad umakyat agad sa kalangitan nitong mga buhay na inip

Hunghang lang ang sayo'y maniniwala
Lilitaw ang tungkab ng pagtatagong ipinatag
Pusong may lagablab pa rin ang syang mangingibabaw
Sa bawat pagaspas prinsipyo ay naiingatan

Inayawan ang salapi galing sa tanggapang gahaman
Ang katapatan sa galing-galingan may malaking kalamangan
Magkita tayo sa huli, doon mo lamang malalaman
Dapat may ipong panukli buong-buo kami magbayad

Chorus:

Wag maniwala dyan, dito ka sakin makinig
Lahat ng yan ay di padadaig
Samu't-sari kung ano-ano kanya-kanyang padale
Mag-ingat ka baka dyan ka pa madale (2x)

Bridge:

Pag-isipan mo munang mabuti
Kung kaninong panig ka nga ba dapat sumali

Chorus:

Wag maniwala dyan, dito ka sakin makinig
Lahat ng yan ay di padadaig
Samu't-sari kung ano-ano kanya-kanyang padale
Mag-ingat ka baka dyan ka pa madale (2x)

Palos ft. JMara - Padale (Music Video)


Title - Padale
Written by Palos,JMara,Medmessiah
Produced by DJ Medmessiah
Shot by Jado
Directed by DJ Medmessiah
Executive producer Morobeats Ent.

JMara ft. ZAKI - Gapos Lyrics

Chorus:
Dumating ang kalungkutan sa buhay kong ito
Nawalan na ng panlasa sa mga bagay na gusto
Aking enerhiya'y bigla na lang nagbago
Ako ay binisita ng malungkot na mundo

Zaki Verse:
Di ko inakala wala ka na pala agad na pumatak ang luha nung nalaman
sabi mo sa akin magaling ka na wala ng karamdaman
daya mo naman lumisan ka di manlang nakapag palaam
daming kasalanan dami kong hiningi pero ni minsan di pa ko nakakahingi ng tawad
kinamumuhian ko aking sarili
panahon ay lumilipas di ko manlang yon naisip
lahat ay lumilumisan kahit na ipilit
kahit gustuhin na permanenteng manatili
akoy nangungulila di ko na mapigil
Kadalasan marami ka pang gusto sabihin
kaso lang kamatayan ang nagpapatahimik
sa panaginip na lang nakikita
naglalaho rin agad tuwing gigising na
tinutulog ko ulit kasi nabitin pa
di ko na alam ppaano sisigla
matagal ko narin tong iniinda
sino kaya ang makapag liligtas
di na babalik pero hinihintay
ngayon pumapasok sa aking isipan

para kong tanga saka ko hinahanap kung kelan pa nawala
kung bigyan ng panahon bibihira talaga
ang palagi nyang tanong bibisita ka pa ba
di ko manlang masagot busy ako't abala
mas inuna ko pa yung usok galing sa palara
mga aral na tinuro mo palaging kong dala
mawala ka man sa mundo saking puso di maaring mawala

Chorus:
Dumating ang kalungkutan sa buhay kong ito
Nawalan na ng panlasa sa mga bagay na gusto
Aking enerhiya'y bigla na lang nagbago
Ako ay binisita ng malungkot na mundo

JMara Verse:
Ang buhay ng tao ay napakahalaga
Masanay na tayo na sa buhay ay mag isa
Wag kana magtaka lahat yan ay mabubura
Walang mananatili sa atin na masaya

Walang tao na maaring makapagdikta ng kapalaran
Walang tao na maaring di maka kita ng kalungkutan

Paano ko lalagpasan ang mga ito
Kung parati na lamang nasa loob ng kwarto
Di ako lumalabas binabanas
Bumubulong si satanas
Ako ay tinatanong kung nais ko ba alisan ang lahat ng ito
Wakasan ang buhay kong magulo lisanin ang mundong nakakalito
Mali paraan na mabisa nga lang ay wala ng balikan ito
Di mo na dapat ibabad sa isip masyadong makitid wala sa bilibid
palitan ng kawad ang dating sinulid ika'y makinig at ikaw ay manalig
hindi siya kalaban aking kapatid
Sa bawat sigaw siya lang ang nakinig


Chorus:
Dumating ang kalungkutan sa buhay kong ito
Nawalan na ng panlasa sa mga bagay na gusto
Aking enerhiya'y bigla na lang nagbago
Ako ay binisita ng malungkot na mundo

2nd verse:
Dala wang taon mo din
Akong sinubukan
Mga ilang tanong ah
Basta di ko mabilang
Habang bumubulong
Dinig ko din patak ng ulan
Sa bubong ng bilangguan
Dikit dikit maalinsangan
At puno ng kalungkutan
Ngunit papaano ko nga ba to nilabanan
Unang gabi ang pinaka matinding kalaban
Ako mismo di ko kinaya gusto ko ng mawala
Subalit maypumigil na kung anong hindi ko malaman
Nangangatog habang umiimik
Sa pagtanong sa akin ng ibang kasama ko
Hindi ho ako masama
Akoy kabilang sa napakaraming
Mahihirap na may gusto lang na mapala
Ngunit hindi ko ibinigay ang hinigingi ng pagkakataon
Inilaban ko dalawang taon ng hindi ko binalak na tumalon

Chorus:
Dumating ang kalungkutan sa buhay kong ito
Nawalan na ng panlasa sa mga bagay na gusto
Aking enerhiya'y bigla nalang nagbago
Ako ay binisita ng malungkot na mundo

JMara - Mahal Kong Pilipinas Lyrics

Intro:
Mahal kong pilipinas
Mahal mo ba ako
Malapit ng mabutas
Ang tsinelas
Pero mahirap parin tayo
Walang makain
Walang tirahan
Mahirap humanap ng pagkakitaan
Bakit ganito bakit

Wooooh
Mahal kong pilipinas
Mahal mo ba ako
Malapit ng mabutas ang tsinelas
Pero mahirap parin tayo
Walang makain
Walang tirahan
Ang hirap humanap ng pagkakitaan
Bakit ganito oooh wooo oooh bakit

Verse 1:

Parang trapo na itsura ko kakatrabaho
Panay sugat sa kamay at makapal na mga kalyo

Ang kaso'y tila di pa din makadama
Na makaluwag tila
Ako ay lumulumod ng medisinang
Walang bisa
Na
Pakadalang pa makakuha ng kahit ano
Na galing sa mga tao na tautauhan niyo

Oo ang dami namin dito
Araw araw na iniisip kung papano
Pero parang!!!
Imposible ang lahat ng plano
Pagkabayad ko sa utang uutang ng panibago
Bakit kamo!!!
Kasi kulang kulang na kulang
Yung kikitain ko ngayong araw
Ginastos ko na kahapon
Ipinambili ko ng ulam

Chorus:
Mahal kong pilipinas
Mahal mo ba ako
Malapit ng mabutas
Ang tsinelas
Pero mahirap parin tayo
Walang makain
Walang tirahan
Mahirap humanap ng pagkakitaan
Bakit ganito bakit

Wooooh
Mahal kong pilipinas
Mahal mo ba ako
Malapit ng mabutas ang tsinelas
Pero mahirap parin tayo
Walang makain
Walang tirahan
Ang hirap humanap ng pagkakitaan
Bakit ganito ooooh hoo

Verse 2:

Patawarin mo sana
Ako sa aking mga nagawa

Anumang buhay ang ibigay sa atin ay pasalamatan
Kahit na gaano kapa pahirapan ay walang may karapatan

Ikaw lamang at wala ng ibang dapat paniwalaan
Anumang bagay na galing sayo ay dapat na pangalagaan
Oooooh hoo wooo oh hoo
Oooooooh hooo hoo wooooo oh woooo

Bridge:
Kung meron man o walang ipagkaloob ay palaging magpasalamat
Ang buhay galing sa panginoon kaya kung ano man ang mangyayari sayo ay walang makakaawat

Oo mahirap subalit hindi lang ikaw ang nakakaranas nito
Lahat ng nilalang ay mayroon pinagdadaanan sa mundo

Kaya kung ikaw mahirap ka na nga
Hindi ka pa naniniwala sa panginoon
Wala kang karapatan na magreklamo

Chorus:
Mahalin mo ang pilipinas ano man ang mangyari sayo
Kahit pa mabutas
O
Mawasak o ano man ay
Wag na wag kang hihintoo

Mahalin mooo aang piliipinaaas
Kahit pa na madapa
Mabutas oh mawasak ay
Wag na wag kang hihinto

Outro:
Mahalin mo ang pilipinas
Kahit pa mabutas mawasak
O kung ano pa man
Mahalin moooo aaang pilipiiiinaas
At wag kang hihintooo....

JMara - Mahal Kong Pilipinas (Official Music Video)


Music video by JMara performing Mahal Kong Pilipinas. © 2022 Def Jam Recordings Philippines, a division of UMG Philippines Inc. A Universal Music Group Company