Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Itim Na Ulap - Diskaril Lyrics

May salbabida ka bang nakikita?
Kumapit ka binabaha ka ng karma
Sarado ang langit bakit ka nabahala?
Kabado ka ba at walang mahanap na tala?

Walong dipa mula sa hagdanan
Umakyat ka pa ay di mo matatakasan
Pagdaloy ng pagibig na ginawa mo
Bumubulong sa hindi kalayuan
Itim na puso ay hindi pahihintulutang wakasan ang panalangin ko..

CHORUS:
Bago ang kulog may kidlat
Parusa sa pagibig na tapat
Hindi ko masisikmura kung bigla na lamang mawawala
Kasabay ng pagbabago ng senaryo
Kailan ba naging pebrero ang senakulo?
Meron bang kapalit na premyo ang pangakong naipako
na kasama si kupido?

Saranggolang hawak mo sa iyong kanan
Matalim na punyal sa kaliwa ang iyong tangan
Isang prosesong walang katiyakan
Madugong labanang walang nais masugatan

Walong dipa mula sa likod mo
Saradong kamay naka amba sa gatilyo
Pasabugin ang sentido ng pagibig mo
Prinsesang walang prinsipe at kastilyo
walang korona hawak ay sigarilyo
Kasabay ng usok halik ay maglalaho

Bridge:
Sa bawat nasirang pangako, ay may pait na kapalit sa dila ay di mawawaglit
Sa bawat nasirang pangako, ay may pait na kapalit sa dila ay di mawawaglit
Kasabay ng pagkalunod mo ay kikitilin na ang masamang ugat na dumadaloy sa puso ko
Kasabay ng pagkalunod mo ay kikitilin na ang masamang ugat na dumadaloy sa puso mo

Itim Na Ulap - Diskaril (Official Lyric Video)


The latest single from Itim Na Ulap, released September 24, 2021 under Tower of Doom Music.

Tracked, mixed and mastered by Symoun Durias of Tower of Doom.

Itim Na Ulap - Origami Lyrics

Ako'y bangkang papel na naglalayag sa gitna ng iyong mga dahilan
maalat na dagat ng kasinungalingan
Mga bituing papel sa langit kong tanaw iyong sinisilaban
Kasamang naabo ang mga kahilingan
Sakaling mawala ang usok, pwede ba muling sumubok?
Sakaling mawala ang usok, Paano pa kaya ulit titibok?

Chorus:
Punit na puso kong nahulog sa iyong mga kamay
Iginuhit na litrato pilasin natin ng sabay
Unti-unti mong sinarado, ang iyong palad kasabay
nag paglukot mo sa puso kong papel sabay kaway.

Sa eroplanong papel ay nakasaad ang pangakong di pahahadlangan
kasamang lumipad ang mga kahilingan
Sa pagbulusok ay nahulog sa lapag malapit sa iyong paanan
pinulot at hinagis sa di kalayuan

Sakaling mawala ang lukot, pwede ba muling sumubok?
Sakaling mawala ang lukot..

Itim Na Ulap - Origami (Official Lyric Video)


The latest single from Itim Na Ulap, released April 5, 2021 under Tower of Doom Music.

Tracked, mixed and mastered by Symoun Durias of Tower of Doom.

Rigodon - Itim na Ulap Lyrics

Mga matang nagpapanggap
(Sabik sa bawat pag-tingin, hinihintay ang pag-dilim)
Mga bituin sa'yong harap
(Sakaling lumuhod ang tala, tawagin natin 'tong tadhana)

(PRE-CHORUS)
Hindi na tama buhat pa 'nung tayo ay mag-umpisa
at kung maulit man muli wala rin balak na baguhin pa,

(CHORUS)
Mga gintong sandaling ninakaw ko,
naka-ukit na sa isip ang larawan mo,
may bitbit na gasolina at posporo
at sabay na silaban ang paligid na'to

Hukayin natin ang kislap
(Hayaang humalik sa lupa at tahakin ang landas ng liwanag)
sa palad kong sugat-sugat.
(Hawakang mahigpit ang lubid, hugutin natin ang pag-ibig)

(PRE-CHORUS)
(CHORUS)

Wala nang hahadlang, sa ating pupuntahan (wala na! wala na!)

Wala nang hahadlang, sa ating hahantungan (wala na! wala na!)

Wala na sa ating maka hahadlang, (wala na! wala na!)

sa destinasyon na kasasadlakan (wala na! wala na!)

Rigodon - Itim na Ulap (Official Lyric Video)


The second single from Itim Na Ulap, released July 17, 2019 under Tower of Doom Music.

Itim na Ulap ft. Arianne Gonzaga of DELANEY - Ika-Labing Walo Lyrics

Ikaw ang reyna ng esquerda
Punong puno ka ng sorpresa,
Ikaw ay tala sa umaga
At sa gabi ikaĆ½ bumababa

Kung iisipin ko, ano ba ako sayo?
Kailangan bang magtanong?
Wag mong sabihin na
Wala kang nadama..

CHORUS:
Tinitigan at humiling
Nasilaw sa isang ngiti
Bituin sa likod ng mga labi
Umaasang makikitang muli
Ang kislap ng gabi
sa iyong matang nagniningning

Karirinig lang sa iyong mga labi
Agad mo nang binabawi
Pabago-bago ang isip mo
Dapat ka ngang ipangalan sa bagyo

Kung iisipin ko, ano ba ako sayo?
Kailangan bang magtanong?
Wag mong sabihin na
Wala kang nadama..

(Chorus)

Bridge:
Naaalala mo ba nang iyong sinabi na
Kung mahina ka ay iiyakan mo siya
ngunit pinili kong kamuhian ka
Sa ganitong paraan ba ay panalo na?

Nanghihinayang nga at sana ay may nagawa
Ano bang laban ko at ano ba ako sayo?
May kalalagyan ba kung ipaglalaban ko
Itong pag ibig na ako lang ang nakakadama?

Bridge (2nd voice):
Hindi na dapat maulit pa ito
Insidenteng nakapaloob sa iyo
Maliwanag ang bawat salita
Kasing liwanag ng kristal at tala

Itim na Ulap ft. Arianne Gonzaga of DELANEY - Ika-Labing Walo (Official Lyric Video)


The debut single from Itim Na Ulap (feat. Arianne Gonzaga of DELANEY), released May 16, 2019 under Tower of Doom Music.