Pinoy Radio Here:

Followers:

This Band - Huwag Matakot Lyrics

Ano naman kung naiba
Ang pamantayan ba nila
Ang susundin natin, ‘di ba
'Wag mong hayaan na sila
Sa buhay mo na magpasya
Du’n ka kung sa'n liligaya
Iba-iba man ating kulay
Iba man gusto sa buhay
Kung saan tunay ka na masaya
Hayaan mo sila

'Wag kang matakot sa sasabihin ng iba
Sa mundo na mapanghusga lahat ay pinupuna
Palayain lahat ng nadaramang bigat
Sarili ay unahin na
Piliin na sumaya, hoh ohh ooh

May mga tao talaga sa 'yo hihila pababa
Wala tayong magagawa
Sadyang ganyan na lang sila
E kasi hindi kayo parehas ng opinyon mo

'Di estado mo sa buhay
Tanging magpapatunay
Kung anong meron ka at sino ka
Hayaan mo sila

'Wag kang matakot sa sasabihin ng iba
Sa mundo na mapanghusga lahat ay pinupuna
Palayain lahat ng nadaramang bigat
Sarili ay unahin na
Piliin na sumaya

Pakinggan mo ang laman ng puso't isip mo
Anuman ang piliin 'wag nating tratuhin
Iba siya sa atin
Kailan kaya na matatapos ‘to itong gan'to
Mga panghuhusga n’yo
Bakit 'di n’yo na lang pag-isipan ang mga sasabihin n’yo
Bakit ba lahat na lang merong puna
Bakit ba lahat na lang 'di maganda
Sana inyo ring isipin
Ang damdaming nararamdaman nila

This Band - Huwag Matakot (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Huwag Matakot" by This Band.

Composed by Euwie Von Loria
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced and arranged by This Band
Recorded, mixed and mastered by Adrian Drexler Mongalo at MadCatMusic