Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

I Belong to the Zoo - Hopia Lyrics

kung nakikita mo lang ang aking namamasdan
mapapawing lahat ng gulo sa iyong isipan
meron pa lang nilalang na papantay
sa bighaning taglay ng buwan
dala ay himbing gaya ng paboritong unan

kung hahayaan mo lang na ako ay mapagbigyan
ipapangako sa'yo kailanma'y 'di ka iiwan
hindi man tiyak ang dala ng paghihintay
lahat pa rin ay isusugal
hanggang ang pangalan ko ay maging pangalan mo

'di ko man magawang sabihin
pipilitin kong hanapin
kung dati palagi ko na lang nililihim
alam kong ngayon hindi na magkakamali


kung sa iba mababaling ang iyong pagtingin
walang ibang masisisi kundi aking sarili
puno man ng kaba ang damdamin ko
kalabanin man ako ng buong mundo
gusto ko lang namang patunayan sa iyo
na ang isang tulad mo ay tinatangi ko

'di ko man magawang sabihin
pipilitin kong hanapin
kung dati palagi ko na lang nililihim
alam kong ngayon hindi na magkakamali

'di ko man magawang sabihin
pipilitin kong hanapin
kung dati palagi ko na lang nililihim
alam kong ngayon hindi
alam kong ngayon hindi
alam kong ngayon hindi na magkakamali

I Belong to the Zoo - Hopia (Official Lyric Video)


I Belong to the Zoo - Hopia (Official Lyric Video)

Enchong Dee - Hopia Lyrics

Buong araw ako'y naghihintay
Kahit isang maikli mo lang na reply
Pakiramdam ko lagi na lang akong deny
Pero ayos lang, pagmamahal ko sayo'y walang humpay

Lahat ng hopia, itaas ang mga kamay!
Ito ang kantang matagal niyo nang hinihintay
Pagdating sa pag-ibig talagang medyo sablay
Halika awitin natin ng sabay sabay!

HOPIA!

Buong araw ikaw ang pinagmamasdan
Alam kong nakakatakot, wag kang kabahan
Ito kasing puso ko mahirap talagang pigilan
Ewan ko ba sa'yo, iba ang nararamdaman.

HOPIA!

Lahat ng hopia, itaas ang mga kamay!
Ito ang kantang matagal niyo nang hinihintay
Pagdating sa pag-ibig talagang medyo sablay
Halika awitin natin ng sabay sabay!

HOPIA!

Lahat ng hopia, itaas ang mga kamay!
Ito ang kantang matagal niyo nang hinihintay
Pagdating sa pag-ibig talagang medyo sablay
Halika awitin natin ng sabay sabay!

HOPIA asa ka pa?! Beh!!