Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Honcho - Kaya Pala Lyrics

Medyo kabado pa ko
Dahil nakakapanibago
Dala ko na
Ang gagamitin ko sakay sa eroplano
Pero parang gusto ng puso ko ay umatras
Dahil sa kaba pero ang isip di nagbago ng landas
Gustong gawin kahit di alam
Kung anong meron paglabas
Sa kumportable lalabas
Tas sisigaw ng malakas dahil

Kinakabahan di matandaan
Aking sasabihin ang nararamdaman
Ko’y naiilang parang tanga lang
Sa harap ng tao na kinakantahan

Kaya palang mag-isa
Kala dati kailangan marami
Kaya palang mag-isa
Di pala palagi kailangan marami
Kaya palang mag-isa
Minsan may daan na dapat ka lang mag isa dapat lang
Kaya palang mag-isa
Mag-isa

Paki play ulit ang beat ibalik para malagyan pa ng rap
Ng masabi ko lahat masarap pala kapag nasagad mo sarilli mo
Nakita mo na kayang kaya mo palang dalhin kahit saan makarating
Dahil ang isipin mo ay hindi limitado ang madali ay hindi nagpabago
Sa kung sino ako kung anong gusto kong magbago
Hindi ko tinatago kung anong nakarating sa tenga mo pinasok pa sa isip paglabas nun ay mabaho
Basta ako malayo ang tanaw sa iba’t ibang ibayo bibitaw
Eh ikaw? Tara sabay na tayo tumalon ka sa indayog
Wag paabot sa ayawan kahit parang tinapakan
Ka pa ng talampakan lahat lang yan tawanan mo


Kinakabahan di matandaan
Aking sasabihin ang nararamdaman
Ko’y naiilang parang tanga lang
Sa harap ng tao na kinakantahan

Kaya palang mag-isa
Kala dati kailangan marami
Kaya palang mag-isa
Di pala palagi kailangan marami
Kaya palang mag-isa
Minsan may daan na dapat ka lang mag isa dapat lang
Kaya palang mag-isa

Medyo kabago pa ko
Parang nakakapanibago
Ibang iba sa nakasanayan kong entablado kaya

Kinakabahan di matandaan
Aking sasabihin ang nararamdaman
Ko’y naiilang parang tanga lang

Kinakabahan di matandaan
Aking sasabihin ang nararamdaman
Ko’y naiilang parang tanga lang
Sa harap ng tao na kinakantahan

Kaya palang mag-isa
(kala dati kailangan marami)
Kaya palang mag-isa
(di pala palagi kailangan marami)
Kaya palang mag-isa
(minsan may daan na dapat tahakin mag isa dapat lang)
Kaya palang mag-isa
Mag-isa

Honcho - Kaya Pala (Lyric Video)


Honcho - Kaya pala (Lyric Video)

© 2024 DeeFyre Records.

JohnVic x Honcho - Malapit Na Lyrics

Hook ( Honcho )
malapit ko nang maabot konting usog nalang ay rurok na
sa dami nang nambabato at nanunusok matututo ka
kaya ngayon ko pa ba titigilan to eh nakikita ko na ang nakikita ko dito sa utak ko kaya pag
tulak ko nalang kailangan na gawin
para ang gusto marating

1st Verse ( JohnVic )
Alam kong hindi biro ang basta mangarap
May patag o lubak sa mga hakbang na daraanan
Ngunit bakit minsan pinang hihinaan
Ano bang dapat unahin yung gsto mo kailangan
Na pag alayan nang oras
pano kung wala nang bukas
Pano masilayan ang rosas
kung ang palad mo may posas
Na naka gapos sayo ay pumipigil
Sa pag lukso parang lukso nang puso ay tumigil

Pero ang isip mo nalilito sa hilig mo kung
Hanggang Panaginip mo nalang ang iniisip mo
Pero kung iisipin mo ang hilig mo
Hindi malilito na matupad ang panaginip mo

Sa labas hindi nyo man makita
Nilandas koy matarik na
Nadulas may kumapit pa
Marami man saking humila
lipad ko ngayon ay papalayo na

Hook ( Honcho )
malapit ko ng maabot konting usog nalang ay rurok na ( ohh )
sa dami ng nambabato at nanunusok matututo ka ( damn )
kaya ngayon ko pa ba titigilan to eh nakikita ko na ang nakikita ko dito sa utak ko kaya pag
tulak ko nalang kailangan na gawin
para ang gusto marating


2nd Verse ( JohnVic )
Alam ko at ramdam ko na ako’y malapit na
Habang ako’y pumapanik ay kumakapit pa
Tanaw ko na lahat nang gusto ko na makita
Hindi ko na nga napansin na sobrang layo na
Mga pinto kong pinasukan
Iniwan kong bakas na hindi basta susukuan
Hanggat ang mga paa may nilalakaran
Tuloy sa pag hakbang madulas man ang daanan
Ito na ang simula nang bago kong pahina
Hindi na ito ang oras para maging mahina
Sumulat nang tula at makapag inspira
Mag lagda mag marka mag iwan nang legasiya

Sa labas hindi nyo man makita
Nilandas koy matarik na
Nadulas may kumapit pa
Marami mang saking humila
lipad ko ngayon ay papalayo na

Hook ( Honcho )
malapit ko ng maabot konting usog nalang ay rurok na ( ohh )
sa dami ng nambabato at nanunusok matututo ka ( daman )
kaya ngayon ko pa ba titigilan to eh nakikita ko na ang nakikita ko dito sa utak ko kaya pag
tulak ko nalang kailangan na gawin
para ang gusto marating

Verse ( Honcho )
Kase ngayon alam ko na
Dati kasi ako ay na ngangapa
Kaya ko nang maiwasan ang pagka dapa
Kita ko na din nabulag ang mga mata
Taon narin lumipas nang biglaan ko tong naranasan and hindi inaasahan nakarating kung saan saan nag likom nang palakpakan lalong ginanahan lalo nung nalaman
At nakita kong malapit na ( malapit na )
Dahil Pahirap nang pahirap naka bara ( naka bara )
At Pabigat nang pabigat dala dala ( ohh )
Pag iisip lumalala
Aabot pa kaya ko bakit parang di na kaya
Hindi ganto ang plano pano ko to dadaanan
Hanggang sa nag ka ilaw napa gana
Hindi ko na namalayan na

Hook ( Honcho )
malapit ko ng maabot konting usog nalang ay rurok na ( konting usog nalang ay rurok na ) ( damn )
sa dami ng nambabato at nanunusok matututo ka ( matututo ka ahh ) ( damn)
kaya ngayon ko pa ba titigilan to eh nakikita ko na ang nakikita ko dito sa utak ko kaya pag
tulak ko nalang kailangan na gawin
para ang gusto marating
Ohh para ang gusto marating para ang gusto marating.

JohnVic x Honcho - Malapit Na (Official Music Video)


Artist : @TheIronboi @TheGreatHoncho
Executive producer : Leigh Apor
Music producer & Arranger : Sparo ( Hoodlumrecords Philippines)
Cinematographer / editor : Ethan Pham & Jhay Oxi
Shoot by Ethan Pham ( Honcho )
Shoot by : Marvin Suarez ( JohnVic )

Agsunta ft. Gloc-9 & Honcho - Sabi Nila Lyrics

Para sa lahat ng mga hindi pinaniwalaan
Para sa lahat ng mga hinila pababa
Para sa lahat ng isinantabi
Ito lang ang aming masasabi
Kami po ang AGSUNTA

Sabi ng lahat ay wala ka na
Sabi ng lahat ika’y nadapa
Sabi ng lahat ay wala na to
Sabi nga nila di ka dapat narito

1ST VERSE
Teka lang nangangapa
Ano nga bang meron sa kabila?
Bat ba 'ko makikinig
Sa mga taong di makarinig
Ng katotohanang di nila nakakaila
Na di naman kame naiiba
Sapagkat iisa ang hinihiling
Mga batang may iisang daing
Na palaganapin ang sariling atin
Imbis na ating kalabanin ang isa’t-isa dapat tulungan nating
Umangat ang bawat isa
Iangat pa ang iba
Bat di nalang tumingala
Hayaang Diyos ng manghusga.

CHORUS

Sabi ng lahat ay wala ka na
Sabi ng lahat ika’y nadapa
Sabi ng lahat ay wala na to
Sabi nga nila di ka dapat narito

Sabi ng lahat ay wala ka na
Sabi ng lahat ika’y nadapa
Sabi ng lahat ay wala na to
Sabi nga nila di ka dapat narito

2ND VERSE
Excuse me lang pasintabi muna
Sa mga di makaka sikmura
Ng aming mga ibabato
Sorry nalang ikaw ba 'to?
Sa panahon ngayon ang sikat na linya
Ay ipopost kita sa social media
Maling balita, maling akala
Maling-mali na ang kinakalat at
Di ka dapat naniniwala sa sinasabe ng iba
Maniwala ka kung sino kang talaga
Sa sarili mong mata, sa sariling mong mata ikaw ay mahalaga

CHORUS

Sabi ng lahat ay wala ka na
Sabi ng lahat ika’y nadapa
Sabi ng lahat ay wala na to
Sabi nga nila di ka dapat narito

Sabi ng lahat ay wala ka na (teka muna)
Sabi ng lahat ika’y nadapa (nandito pa)
Sabi ng lahat ay wala na to (honcho!)
Sabi nga nila di ka dapat narito


3RD VERSE (Honcho)
Bakit nga ba andito? meron lang sasabihin
Marami-rami na rin kasing karanasan na masakit sa feeling
Yun bang tagos hanggang buto at yun ang nagpatibay biruin mo
Ipinilit ko lang makapasok dati kahit di ako piliin sa eenie meenie miney moe
Napaka daming mga patibong
Napaka tulis parang balisong
Binilisan ko pa ng pasulong
Para akalain nila pabaon, palipad na pala yon
Nasugatan ma’y gumagaling parin
Tumitibay lang di na iniinda ang tumitimbang
Parang anak at bigla na lang mawiwindang, damn!
Ang lakas ng hangin yun na lang ang maririnig mo
Pag di nila kayang hatakin at sila’y napa bilib mo
Di naman nila kayang aminin, tumingin
Wag kang pumikit dapat gising! Sundin ang nanaisin
Sa dulo niyan masarap sa feeling
Lalo’t kasama mo sa piling
Ang mga mahal mo at walang kapalit
Ang mga tagpo nakakasabik
kahit bali-baliktarin wag kang makinig basta sabi-sabi

CHORUS

Sabi ng lahat ay wala ka na
Sabi ng lahat ika’y nadapa
Sabi ng lahat ay wala na to
Sabi nga nila di ka dapat narito

Sabi ng lahat ay wala ka na
Sabi ng lahat ika’y nadapa
Sabi ng lahat ay wala na to
Sabi nga nila di ka dapat narito

4TH VERSE (Gloc-9)

Isang gabi may napanaginipan
para bang kandila na hinipan
naghintay ng matagal pero iniwan
walang kasalanan laging napagiinitan
nagabot ka ng kamay para tumulong
sa huli ikaw ang nakitang gumulong
sa putikan at may ilan titignan ka pababa hndi na naman daw kasi marunong
tigilan mo na yan hanggang diyan ka lang
hindi ka nababagay dito wala ng puwang
mga salita na tila nakakabuang
pinapasikip ang mga daan na maluwang
kahit na kasya pa naman ang marami
parang mga mekaniko sa banaue
sama-sama pag ginapos na dayami
kahit ako ang taya baka pwedeng sumali
sa laro na matagal ko ng inaral
sulat sa papel na binasa ko ng mabagal
di nagpatalo alam ko naman na sagabal
sinalang sa baga hanggang sa lumambot ang bakal
wag kang bibitaw ikaw man ay mapaso
ang tumigil mangarap ang tunay na atraso
kahit na ano pa yan, kahit walang kaso tandaan di sukatan ang hindi puno na baso
ano ba ang mura sa mamahalin
o kaya'y mababaw sa malalim
gaano kalinis ang hangarin
pwede kang malasin o palarin
pagdating ng panahon ay masasalin
biglang mababago ang ihip ng hangin
sa isang lamesa mahahain na sayo, sa kanya at sakin

CHORUS

Sabi ng lahat ay wala ka na
Sabi ng lahat ika’y nadapa
Sabi ng lahat ay wala na to
Sabi nga nila di ka dapat narito

Sabi ng lahat ay wala ka na
Sabi ng lahat ika’y nadapa
Sabi ng lahat ay wala na to
Sabi nga nila di ka dapat narito

(CHANT)
Di ka dapat naniniwala sa sinasabi ng iba
Maniwala ka kung sino ka talaga
Sa sarili mong mata, sa sarili mong mata ikaw ay mahalaga

Di ka dapat naniniwala sa sinasabi ng iba
Maniwala ka kung sino ka talaga
Sa sarili mong mata, sa sarili mong mata ikaw ay mahalaga

Agsunta ft. Gloc-9 & Honcho - Sabi Nila (Official Music Video)


Sabi Nila - Agsunta ft. Honcho & Gloc-9
Official Music Video

Directed by Titus Cee

Written and Performed by Agsunta, Gloc-9, Mark "Honcho" Maglasang
Produced by Agsunta (Mikel Arevalo, Jireh Singson, Josh Planas, Stephen Arevalo)
Synth and Music Elements by Choi Padilla
Mixed and Mastered by Emil Dela Rosa
Recorded at Point Bee Multimedia

Honcho ft. Floydiebanks & Thugprince - Tamang Panahon Lyrics

Lumalamig na ang hangin, ramdam ang nginig
Sa aking katawan ang ginaw ang putla ng bibig
Ramdam ko na ang pagtibok ng puso’y unti-unting humihinto
Wala ng mga pulsong tumitibok, nalilito
Ang isip ko na lang ang hindi pa rin humihinto

Pero di ko alam kung ito na ba ang
Tamang oras parang di pa naman
Ang dami ko pang gustong magawa
Pano na lang

Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon
Para sabihing paalam sa hanggang eto pala yun
Magkikita naman tayo dun sa may langit
May anghel dun sabay ding umawit
Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon

Ako’y bigla ng nagising sa tila ba isang bangungot
Namataan ko si nanay na nagdarasal sa sulok
Bakit may nag-iiyakan sa nakatakip na kumot
At ako ay napaisip kailan ba ako natulog
Bakit ba tayo nandito sinong nasa ospital
Ang ginaw ng pawis ko tila hingal na hingal
Painom muna ng tubig ako’y uhaw na uhaw
Natulala na lang at parang di ako makagalaw
Ano bang nangyari bakit ba wala kong maalala
Ng biglang may bumulong sa kanya daw ako sumama
Sumisigaw ako pero wala kayong naririnig
Sa paghagulgol ay pangalan mo pa ang bukang bibig
Ang salitang paalam ay sinasambit na lang sa hangin
Lahat ng kasalanan, pagkukulang sana’y patawarin
Kung panaginip lang ito gisingin nyo ko pakiusap
Marami pa kong kamalian na dapat itama bukas


Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon
Para sabihing paalam sa hanggang eto pala yun
Magkikita naman tayo dun sa may langit
May anghel dun sabay ding umawit
Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon

Eto pala yun, eto pala yun
Pwede bang takasan na lang ang aking sundo
Ako yung nakadapong paru-paro sa balikat ng aking ina
Ako yung halimuyak na sumabay sa hangin ng naamoy nila ang amoy ng kandila
Para maramdaman nyo na pinapatanggap ko na sa inyo ng matanggap ko na
Na sa mundong ‘to’y wala na ‘di na muling babalik pa
Hindi ko manlang nayakap ang aking anak at asawa
Sa huling lamay lahat mag-ingay paikutin ang tagay
Puso ko’y masayang alaalang babaunin sa paglalakbay
Magkikita pa naman tayo sa langit
Sumabay tayo sa mga anghel umawit

Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon
Para sabihing paalam sa hanggang eto pala yun
Magkikita naman tayo dun sa may langit
May anghel dun sabay ding umawit
Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon
Eto pala yun

Honcho ft. Floydiebanks & Thugprince - Tamang Panahon (Official Music Video)


DeeFyre Records presents Tamang Panahon
Produced by Fritz Claro
Directed by Warren "Warz" Tablo

Music video by Honcho featuring Floydiebanks and Thugprince performing Tamang Panahon. © 2022 DeeFyre Records.

Honcho - Kasalanan Lyrics

Gusto ko ng ibalik ang nakaraan
Pero hindi ko magawa kasi nandyan
Na ang mga kasalanan
Matagal ko ng pinagsisihan
Kasi naman ang dami ng nagbago satin
Nawalan ng buhay ang lahat sa atin
Pano mababalik kung saking kada halik
Balik ulit ang nakaraan

Ang dami ng kasalanan
Marami na ring nagawang kamalian
Pero di ibig sabihin non ako’y nanlamig
Baka lang nalilito pero babalik
Wag kang mag-alala
Dahil sakin iba ka
Ikaw ang pinangarap ko na makasama pagtanda
Kahit ano ay handa kong gagawin at basta
Ako ay alipin mo lang kahit san tayo mapunta
Yun ang mga pagbawi ko saking pagkamali
Pupunasan ko ang luha dulot ng pagkasawi
Pero di ka na ulet iiyak saking tabi
Pinapangako ko ito na ang huli at

Wag kang mangangambang hindi ko na magagawa sayo
Lahat yun pinagsisihan ngayon susubukan kong maibalik

Gusto ko ng ibalik ang nakaraan
Pero hindi ko magawa kasi nandyan
Na ang mga kasalanan
Matagal ko ng pinagsisihan
Kasi naman ang dami ng nagbago satin
Nawalan ng buhay ang lahat sa atin
Pano mababalik kung saking kada halik
Balik ulit ang nakaraan

Alam kong ang hirap ibalik
Tiwala mo na punit hindi ganon kadali makamit at huli na
Dahil noong ikaw ay sabik hindi ako bumalik
Imbis na manghingi ng tawad ako pa ang galit lumakad
Papalayo hindi maawat
Ngayon ito ang tinatahak, landas nawasak
Kasi baka hindi pumayag at hindi mo tanggapin
Patawad kong at merong dumating kayakap mo
Kaya kapag nakarating tong awit ko
Dito sinulat ang lahat patawarin mo

Sana ay tanggapin
Ako muli sana di ka pa rin
Nagbago sakin ulitin
Na lang natin ang lahat
Pilitin na lang ang dapat nating ibalik

Gusto ko ng ibalik ang nakaraan
Pero hindi ko magawa kasi nandyan
Na ang mga kasalanan
Matagal ko ng pinagsisihan
Kasi naman ang dami ng nagbago satin
Nawalan ng buhay ang lahat sa atin
Pano mababalik kung saking kada halik
Balik ulit ang nakaraan

Honcho - Kasalanan (Official Music Video)


Kasalanan performed by Honcho

Beat Produced by: GC Beats & The Kontrabandz

℗ & © 2022 Ex Battalion Music, a division of Ex Battalion Entertainment.

Astro, Dcoy, Honcho, Layzie Fu, Mike Kosa, Pricetagg, Zargon - Puso at Diskarte (Music Video)


Music video by Astro, Layzie Fu, Mike Kosa, Dcoy, Pricetagg, Honcho, and Zargon performing ‘PUSO AT DISKARTE’. Produced by Cursebox. © 2021 Def Jam Recordings Philippines, a division of MCA Music Inc. A Universal Music Group Company.

Gloc-9 ft. Honcho - Sa'kin 'Yan (Official Lyric Video)


Composed by Aristotle Pollisco
Additional Lyrics by Mark "Honcho" Maglasang
Arranged by: Rassel “Goodson” Tiquia
Mixed & mastered by: John Edmel “Gcode” Tabuniar

Honcho ft. Flow G & Skusta Clee - Rosario Lyrics

Maraming salamat
Dahil na nandyan kada tawag
Hindi pinahamak
Kahit na isang beses di ko ramdam na may lamat

Buti na lang laging nandyan ka
‘Pag sa problema ko’y di iniwanan
At ‘di mo naisip ako ay hayaan
Buti na lang
Buti na lang
‘Pag sa problema ko’y di iniwanan
At ‘di mo naisip ako ay hayaan

Kasama ka sa buhay
Sa tuwing ako ay
May dinadala ikaw nagdadala sakin ng pampakulay
Sakin buti na lang ay di ka naumay
Tunay pala na kapag ligaw ako ay may makakapitan pa
Ako na tunay at yun naman ay ikaw ang nagpatunay
Pagka nasayo masaya ako
Sa mga mali ko may taga salo
Kasi alam mo na di totoong
Sa lahat ng oras matigas ako
Baka kung hindi kita nakakausap
Baka di na nakausad
Ikaw ang nagmulat sakin na ang tulad mo’y walang katulad
Ikaw ang liwanag sakin sa dilim ng mundo
Sayo ay hindi ko nakitang may tuldok
At dama ‘ko sa’yong walang hanggan pwede kang hagkan
Sa lahat ng oras ay nandiyan

Buti na lang laging nandyan ka
‘Pag sa problema ko’y di iniwanan
At ‘di mo naisip ako ay hayaan
Buti na lang
Buti na lang
‘Pag sa problema ko’y di iniwanan
At ‘di mo naisip ako ay hayaan

Palagi na kitang kapiling
Ano pa ba ang hahanapin ko
Sa daming pagkakamali
Hindi mo pinagsarhan ng pinto
Hindi ako nagkamali
Na hindi ka pinagpapalit
Pag nalilito ako ikaw ang siyang nagtutuwid
Puso ko’y hindi mo na kailangan pang utusan
Pupunta sayo ng kusa
Wala naman akong ibang mapupuntahan
Ikaw lang ang aking takbuhan
Basta ba nandiyan ka
Hinding-hindi sasagi sa isip kong iwan ka
Woaaaahhhhhhh

Buti na lang laging nandyan ka
‘Pag sa problema ko’y di iniwanan
At ‘di mo naisip ako ay hayaan
Buti na lang
Buti na lang
‘Pag sa problema ko’y di iniwanan
At ‘di mo naisip ako ay hayaan

Buti na lang laging nandyan ka
‘Pag sa problema ko’y di iniwanan
At ‘di mo naisip ako ay hayaan
Buti na lang
Buti na lang
‘Pag sa problema ko’y di iniwanan
At ‘di mo naisip ako ay hayaan

Honcho ft. Flow G & Skusta Clee - Rosario (Lyric Video)


4 of 4 - ROSARIO EP by HONCHO
Beat Prod by Dabeat x Faby

℗ & © 2021 Ex Battalion Music, a division of Ex Battalion Entertainment.

Honcho - Pagkakamali (Lyric Video)


3 of 4 - ROSARIO EP by HONCHO
Beat Prod by Matthew May

℗ & © 2021 Ex Battalion Music, a division of Ex Battalion Entertainment.

Honcho - Pagkakamali Lyrics

Minsan na rin naman akong nalito
Nagkamali ako ng daan hirap lumiko
Nakauwi na kung saan dapat ako narito
Ngayon ko lang natagpuan saya sa sarili ko
Sa liriko na sinusulat ko ngayon
Sana ay matandaan pagdating ng panahon
Dami ng napagdaanan pagkakamali ko
Diniretso ang daan di na ko nagtanong uhhh…

Sabe nila
Hindi daw ako uusad
Dami ko daw kasalanan
Napatungan ng napatungan
Pero ito ako ngayon
Kayo kausap

Pagkakamali ay di pa huli
Para itama at hindi na kailangan pag isipan
Hindi man madalian ay ayos lang
Pagkakamali ay di pa huli
Para itama at hindi na kailangan pag isipan
Hindi man madalian ay ayos lang

Napakadaming pwedeng tamang gagawin
Pero mas pinili mo na tama ang ‘yong mahalin
Lipad sa hangin nakatingin sa mga ulap at bituin
Tamang praning nanalamin
Hindi naman kase tama ang puro daing aba’y galing!
Bago ko maitatama dapat tanggap mo mali mo
Di pa naman huli yun sa tingin ko
Kase ako parang kayo tao lang din nakakatayo
Hindi naman ibig sabihin kung nagkamali mabibigo

Kaya kung nalilito ka pumikit ka lang
Isipin mo lang lahat ng alaala sa ‘yong nakaraan
Lalakasan mo lang naman pakiramdam
Para matuklasan ang tamang daan

Pagkakamali ay di pa huli
Para itama at hindi na kailangan pag isipan
Hindi man madalian ay ayos lang
Pagkakamali ay di pa huli
Para itama at hindi na kailangan pag isipan
Hindi man madalian ay ayos lang

Pagdating ng araw lumipas ang buwan
Ang ‘yong kamalian lalong nadagdagan
Ang tubig aapaw pag ang baso may laman
Napupuno rin tayo dapat nating tandaan
Kung may isang dahilan na pumipigil sayo
May isang daang rason pa rin para gawin mo
Kung may isang dahilan na pumipigil sayo
May isang daang rason pa rin para gawin mo

Pagkakamali ay di pa huli
Para itama at hindi na kailangan pag isipan
Hindi man madalian ay ayos lang
Pagkakamali ay di pa huli
Para itama at hindi na kailangan pag isipan
Hindi man madalian ay ayos lang

Wag magmadali wag magmadali (Wah)
Baka mamali baka mamali (Baka)
Pag nagkamali ay di pa huli
Itama di kailangan pag isipan
Wag magmadali wag magmadali (Wah)
Baka mamali baka mamali (Baka)
Pag nagkamali ay di pa huli
Itama di kailangan pag isipan

Honcho ft. JRoa - Yakapin Lyrics

Kapag walang wala ka nang pwedeng magawa
Lalo pag mabigat na ang ‘yong dinadala
Agad akong hanapin para ikaw ay yakapin
Pag walang umintindi sakin mo lang ilabas
Hindi ako hihindi puro oo madalas
Agad akong hanapin para ikaw ay yakapin

Tawagin mo ako huwag mahiya
Palagi okay lang hindi ka mapapahiya
Ako ang sasalo ng pwede mong ikasama
Tandaan mo gusto ko ‘to kaya ko ginagawa

Kung nabibigatan ka huwag mo sanang
Kakalimutan di ka nag-iisa
Kapag pakiramdam mo na pasan pasan
Mo ang mundo di mo kailangan na mailang
Na tawagin ako kahit gano kagulo
Laging nandito ako na handang sumalo
Gusto ko to kahit hindi mo pa sabihin
Tatanggapin ka kahit pa ulit-ulitin
Kahit ano ang mangyari di ka papabayaan
Ilang daang daanan man ang daanan
Tandaan mo lang na palagi kang may ako na matatakbuhan

Kapag walang wala ka nang pwedeng magawa
Lalo pag mabigat na ang ‘yong dinadala
Agad akong hanapin para ikaw ay yakapin
Pag walang umintindi sakin mo lang ilabas
Hindi ako hihindi puro oo madalas
Agad akong hanapin para ikaw ay yakapin

Tawagin mo ako huwag mahiya
Palagi okay lang hindi ka mapapahiya
Ako ang sasalo ng pwede mong ikasama
Tandaan mo gusto ko ‘to kaya ko ginagawa

Di ka mahihirapan na hulihin
Madali mo lang ako na palapitin
Nandiyan agad ako basta sabihin
Mo lang pag kailangan mo ko pagkagising
Dahil di ka iiwanan mamatay man! Di pababayaan lagi sasamahan
At wala ‘kong kapalit na hihingin
Ako’y laging tapat sayo di maglilihim
Wag kang mahiya na sambitin pangalan ko
At pag nalilito, nandito lang ako hindi mabibigo
Sa buhay kase may mahirap talagang madadaanan
Sating lalakaran ano man yan ay laging tandaan

Kapag walang wala ka nang pwedeng magawa
Lalo pag mabigat na ang ‘yong dinadala
Agad akong hanapin para ikaw ay yakapin
Pag walang umintindi sakin mo lang ilabas
Hindi ako hihindi puro oo madalas
Agad akong hanapin para ikaw ay yakapin

Tawagin mo ako huwag mahiya
Palagi okay lang hindi ka mapapahiya
Ako ang sasalo ng pwede mong ikasama
Tandaan mo gusto ko ‘to kaya ko ginagawa

Tawagin mo ako huwag mahiya
Palagi okay lang hindi ka mapapahiya
Ako ang sasalo ng pwede mong ikasama
Tandaan mo gusto ko ‘to kaya ko ginagawa

Hallelujah
Hallelujah
Hallelujah
Hallelujah

Honcho ft. JRoa - Yakapin (Lyric Video)


2 of 4 - ROSARIO EP by HONCHO
Beat Prod by RossGossage & Sephgotthewaves

℗ & © 2021 Ex Battalion Music, a division of Ex Battalion Entertainment.

Honcho ft. Jekkpot, Brando & MC Einstein - Ulap Lyrics

Nakatingala sa mga ulap
Nakangiting humihiling at kahit san
Nakatingala sa mga ulap
Nag-aantay na masagot at mabuksan
Ang aking liham sulat na minsa’y aking pinadala
Kahit na malayo’t umabot ay malabo
Sakin pinadama
Yah yah yah

Alam nyo po ba? Labis ang sisi ko
Bakit po ba sya ang napili ko?
Kase no’ng una di ko po naisip to
Hirap makuha lalo’t sobrang busy po
Nitong dalaga na kaninang umaga ko pa hanap
Maghapon kong pinangarap hanggang pagdilim ng ulap
At laging unan na lang ba ang aking makakayakap
Sa panaginip ko na lang siguro sya makakausap
Makakasama ko pero pano magkakatotoo
Kase sa twing ako’y lalapit sya ay lumalayo
May mali ba saking gamit na sabon at pabango
Di ko na nga din po alam ang itatanong sa’yo
Mahal nya ba ko? Sya ba’y mayron ding plano
May balak po kaya syang sumakay sa eroplano
O mananatili dito dahil ako’y nandito
Hindi umaalis naghihintay po ng sagot nyo

Nakatingala sa mga ulap
Nakangiting humihiling at kahit san
Nakatingala sa mga ulap
Nag-aantay na masagot at mabuksan
Ang aking liham sulat na minsa’y aking pinadala
Kahit na malayo’t umabot ay malabo
Sakin pinadama
Yah yah yah

Pwedeng makuntento isang daang porsyento
Nasa sayo na kung pano ka maging kuntento
Di pwedeng nahiling ng tawad pero di natuto
Walang sinong gumaling na tumitigil mag imbento
Mag eksperimento man gawin ng pabulong
Lahat may pag asa pa kahit pa yung nakakulong
Wag na magtanong basta ibigay mo ng buong
Buo ang iyong lakas ‘di to pera o bayong
Wag sabihing buhay di na fair kahit pa inaapi
Pre di pa sarado ang pinto ng langit be aware
Pare be real wag mabalutan ng fear
Kahit pa’t sabihing di ka fit ituring kang weird
Ng mga tao sayong paligid wag mong sisihin
Itaas nakayuko na ulo langit silipin
Bahaghari andun sa dulo bago isipin
Na wala ka ng pag asa utoy ‘ge manalangin pray!

Nakatingala sa mga ulap
Nakangiting humihiling at kahit san
Nakatingala sa mga ulap
Nag-aantay na masagot at mabuksan
Ang aking liham sulat na minsa’y aking pinadala
Kahit na malayo’t umabot ay malabo
Sakin pinadama
Yah yah yah

Salamat na agad,
Ang dalangin ay laging natutupad
Baka kahit di na para sakin, ay binibigay pa rin
Kahit anong hilingin pa at hinahangad
Mahaba pa ang panahon para magpasalamatan pa kita
Kahit alam mo na, kulang ang salitang salamat para sa mga nagawa

Mo! Para sa aming mga nananalangin
Sana bitbit ng hangin, tungo sayo
O aming nag iisang hari gabayan nyo po palagi
Kasama ka kahit san mapadpad ang mga paa habang

Nakatingala sa mga ulap
Nakangiting humihiling at kahit san
Nakatingala sa mga ulap
Nag-aantay na masagot at mabuksan
Ang aking liham sulat na minsa’y aking pinadala
Kahit na malayo’t umabot ay malabo
Sakin pinadama
Mahal na kita!

Honcho ft. Jekkpot, Brando & MC Einstein - Ulap (Lyric Video)


1 of 4 - ROSARIO EP by HONCHO
Beat Prod by YoungTaylor

℗ & © 2021 Ex Battalion Music, a division of Ex Battalion Entertainment.