I.
Gumigising sa ‘yong ganda tuwing Linggo ng umaga.
Almusal ko’y pananatili sa higpit ng iyong mga bisig.
Sa ilalim ng isang kumot, ikaw ang aking pahinga.
Pre-chorus:
Ang pangako ng bukas at alaala ng kahapon
Ay ‘di hihigit sa ligaya ng Linggo.
Chorus:
Dahil sa araw na ito, nandito ka sa piling ko,
hinding-hindi lilisan umaraw man o bumagyo.
Sa araw na ito, sa langit tayo’y sabay nangako.
Oras, buwan at taon, pipiliin ko’y ikaw at Linggo.
II.
Bubuksan ang lumang radyo, mananalangin ang APO;
May di masabi si Ric Segretto, tawad hihingin ni Rico Puno.
Pan-Linggong mga awiting ‘di kukupas gaya ng pag-ibig sa’yo.
Pre-chorus:
Ang pangako ng bukas at alaala ng kahapon
Ay ‘di hihigit sa ligaya ng Linggo.
Chorus:
Dahil sa araw na ito, nandito ka sa piling ko,
hinding-hindi lilisan umaraw man o bumagyo.
Sa araw na ito, sa langit tayo’y sabay nangako.
Oras, buwan at taon, pipiliin ko’y ikaw at Linggo.
Bridge:
Isang Linggo sa buwan ng Hunyo
sa loob nitong puting kwarto,
Sa tulog mong kay himbing,
ika’y ‘di na nagising.
Chorus II:
Sa araw ng Linggo, ako pala’y iiwan mo.
Sa iyong dinaramdam, tuluyan kang sumuko.
Sa araw ng Linggo, sa langit na ang iyong tungo.
Oras, buwan at taon, ito na ang huli nating Linggo.
Ikaw at Linggo, ikaw at Linggo.
Mananatili ka sa aking puso.
Ikaw at Linggo, ikaw at Linggo.
Sa kahuli-hulihang paghinga, ikaw pa rin ang pahinga.
Outro:
Isasara na ang lumang radyo, mananalangi’t magsusumamo,
Sa tulong na ‘yong hiningi, patawad kung hindi ko nadinig.
Magigising sa ‘yong alaala tuwing Linggo ng umaga.
Sa ilalim ng ating kumot, masasanay ring mag-isa.