Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

EJ De Perio - Hanggang Kailan Lyrics

Dalang dala at nalilito
Lahat nasakripisyo
Hanggang kailan kaya?
Itong nadaramang takot

Pinilit magpakatatag
Lahat na lang gumuho
Hanggang kailan kaya?
Luluha ang puso

Tama na ang pagdududa
Panibago na ang pag-asa

Mula ngayon
Nandito lang
Hindi ka bibitawan
Hindi ka iiwanan

At kahit na
Nalulumbay
Hindi ka iiwanan
Hindi ka na mag-iisa


Huwag na huwag maniwala sa
Bawat kasinungalingan
‘Di na magpapatalo
Sa bawat huni ng takot

Bitawan ang bagahe
Wag mo nang isipin
Akin na ang dalahin
Lahat yan ay sa akin

Tama na ang pagdududa
Panibago na ang pag-asa

Mula ngayon
Nandito lang
Hindi ka bibitawan
Hindi ka iiwanan

At kahit na
Nalulumbay
Hindi ka iiwanan
Hindi ka na mag-iisa

Kahit na
Mawala ang lahat
Ikaw ang pipiliin
Ako’y mananatili

Ako pa rin
Ang matitira
Hindi ka bibitawan
Hindi ka na mag-iisa

EJ De Perio - Hanggang Kailan (Official Lyric Video)


'Hanggang Kailan'
Performed by: EJ de Perio
Written by: EJ de Perio, Jason Marvin
Produced by: Fran 'theRingmaster' Lorenzo, Gabba Santiago

Patty Tiu ft. Owen Greyson - Hanggang Kailan Lyrics

Umiiyak na naman
Walang nakakaalam
ng tunay na nararamdaman
Maraming tanong sa isipan

Laging nag iisa marami namang nakapaligid
Hanggang kailan magiging malakas?
Pinipilit na maging matatag
Minsan ang puso ko'y pagod narin

Hanggang kailan, Hanggang kailan
Hanggang kailan, Hanggang kailan

ooh, ooh, ooh,
ooh, ooh, ooh, ooh
ooh, ooh, ooh,
ooh, ooh, ooh, ooh

ooh, ooh, ooh,
ooh, ooh, ooh, ooh

Ginagawan naman ng paraan
Kahit araw araw ay paulit-ulit nalang
Sumasayaw mag isa sa ulan
Kelan ba matatapos? itong bagyo'y tinatangay ako

Magpahinga pag napapagod ngunit hinding hindi susuko
Magpahinga pag napapagod ngunit hinding hindi susuko
Sisikat din ang magandang umaga
Sisikat din ang magandang umaga

Hanggang kailan, Hanggang kailan
(Hanggang kailan matatapos ang paghihirap ko?)
Hanggang kailan, Hanggang kailan
(hanggang kailan matatapos? nandito parin ako)

ooh, ooh, ooh,
(Di ka nag iisa)
ooh, ooh, ooh, ooh
(Di ka nag iisa)
ooh, ooh, ooh,
(Di ka nag iisa)
ooh, ooh, ooh, ooh

ooh, ooh, ooh,
ooh, ooh, ooh, ooh

Patty Tiu ft. Owen Greyson - Hanggang Kailan (Official Audio)


The official audio of 'Hanggang Kailan' by Patty Tiu ft. Owen Greyson

Composer : Patty Tiu, Owen Greyson
Publisher : OC Music Publishing Inc.
Production House : Thompson Productions Inc.
Producer : Patty Tiu
Co–Producer : Mark Thompson
Arranger : Patty Tiu
Mixing & Mastering Engineer : Mark Thompson
Recoding Engineer : Owen Greyson & Mark Thompson
Cover Art : Venus Veritas

Vlync ft. Joshua Mari - Hanggang Kailan Lyrics

Vlync:
May kulang ba?
Sa akin bakit ka nagka ganyan?
Lahat naman ay gagawan ng paraan, basta sabihin mo lang.
Wala naman akong ibang hangad.
Kundi yung mahalin ka ng paulit ulit, tulad nang pangako ko sayo ngunit ay parang ikaw na yata ang may ayaw. Ohhh.
Hanggang kailan mo ba ko papasakitan?
Nanlalamig ka meron bang ibang nakikita?
Ang puso mo na sabi mo ay sakin lang pero pakiramdam ko'y hindi na ahhh.
Sobrang sakit na makita kong ganyan ka na..
Hindi kaya pag ibig mo ay nabaling na sa iba?
Sabihin mo naman, sabihin mo naman.

Chorus:
Hanggang kailan? Hanggang kailan?
Mo ba ko sasaktan paulit ulit na lang bakit ba, wala na bang nararamdamang pagmamahal?
Hanggang kailan? Hanggang kailan?
Ako mag titiis, sayong mga pananakit.
Hanggang kailan? Hanggang kailan?

Joshua Mari:
Tila lumalalim ang dilim...
Di ko na makita ang dating liwanag at init na ating...
Araw araw na pinagsasaluhan, na napalitan ng kalungkutan.
Parang ang hirap nang takasan dahil nga mahal kita.
Hanggang kailan mo ba ko hahawakan?
Kung puso ko'y hindi na kailangan.
Pakiusap ay sabihin mo.
Para mundo'y di na iikot sayo.
Alam kong di na ako laman ng isipan
Inakalang tatagal ay merong hangganan.
Pinang hawakan ko, mga pangako ko.

Chorus:
Hanggang kailan? Hanggang kailan?
Mo ba ko sasaktan paulit ulit na lang bakit ba, wala na bang nararamdamang pagmamahal?
Hanggang kailan? Hanggang kailan?
Ako mag titiis, sayong mga pananakit.
Hanggang kailan? Hanggang kailan?

Bridge:
Vlync:
Wala na yung dating init.

Joshua Mari:
Kapit ay di na mahigpit.

Vlync:
Wala na ba ang yong pag-ibig? yeah.

Joshua Mari:
Yung ikaw at ako?
Pwede bang sabihin mo kung?!

Chorus:
Hanggang kailan? Hanggang kailan?
Mo ba ko sasaktan paulit ulit na lang bakit ba, wala na bang nararamdamang pagmamahal?
Hanggang kailan? Hanggang kailan?
Ako mag titiis, sayong mga pananakit.
Hanggang kailan? Hanggang kailan?

Repear Chorus.

Color The Era - Hanggang Kailan Lyrics

Hindi ko na alam
Saan na ang patutunguhan
Nangungulila sa lahat
Hindi lubos maisip
Bakit nagkaganito
Nagbagong lahat sa iyo

Saan nagkamali
Sana ay bumalik

Hanggang kailan
Pagmamasdan mga larawan
Sa ilalim ng ulan
Sana'y nandito ka pa
Hanggang kailan pagpipilitang
Hindi ka na muling mapapasakin pa
Paano na tayo, sinta?

Hindi ko na alam
Lumisan nang nakaraan
Nangungulila sa lahat
Hindi maramdaman
Ang dati kong kinagisnan
May pag-asa pa ba?

Saan nagkamali
Sana ay bumalik

Hanggang kailan
Pagmamasdan mga larawan
Sa ilalim ng ulan
Sana'y nandito ka pa
Hanggang kailan pagpipilitang
Hindi ka na muling mapapasakin pa
Paano na tayo, sinta?

Saan nagkamali
Sana ay bumalik

Hanggang kailan
Pagmamasdan mga larawan
Sa ilalim ng ulan
Sana'y nandito ka pa
Hanggang kailan pagpipilitang
Hindi ka na muling mapapasakin pa
Paano na tayo, sinta?

Sana ay bumalik

Color The Era - Hanggang Kailan (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Hanggang Kailan" by Color The Era

Composed by Ronnel Pangyarihan
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced and arranged by Color The Era
Recorded, mixed and mastered by Juju Maglacas

Xian Lim - Paalam Muna Lyrics

Hanggang dito na lang ba ang kuwento nating dalawa
Urong-sulong ang simula ngunit bakit ang pagtatapos ay bigla

'Di pa ko handa
Sa yong biglang paglisan nang kusa
Wala na kong magagawa
Kailangang sabihin na

Paalam muna mahal ko
Hanggang dito munang ating yugto
Nais ko man ika'y manatili
Sa ngayo'y di na to maaari
Kaya't paalam muna

May nasabi bang mali
Kaya't ang paglambing mo ay biglang kumubli
Akala ko ikaw na ang siyang papawi ng pait at hapdi

Ngunit di na maaari
Kailangang hayaan na ika'y umalis
Wala na akong magagawa
Kailangang sabihin na

Paalam muna mahal ko
Hanggang dito munang ating yugto
Nais ko man ika'y manatili
Sa ngayo'y di na to maaari

Baka sa hinaharap
Pwede pang bumalik ang damdaming nawala
Sa isang panahong walang hahadlang
Sa mga pusong naghahanap
Ngunit sa ngayon

Paalam muna mahal ko
Hanggang dito munang ating yugto
Nais ko mang ika'y manatili
Sa ngayo'y di na to maaari
Kaya paalam muna mahal ko
Hanggang dito munang ating yugto
Nais ko mang ika'y manatili
Sa ngayo'y di na to maaari
Kaya paalam muna
Oh wohh wohh

Xian Lim - Paalam Muna (Official Lyric Video)


Xian Lim - Paalam Muna [Official Lyric Video] | Hanggang Kailan? OST

PAALAM MUNA
Performed by Xian Lim
Words and music by Francis Dela Paz
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced by Xian Lim
Arranged by Jem Florendo
Recorded by Joel Vitor
Mixed and mastered by Joel Mendoza
Recorded, mixed and mastered at Amerasian Studios

Marion - Maling Pag-Ibig Lyrics

Kapit sa patalim
Pag-ibig na palihim
Na natagpuan sa dilim

Usapang pang-magdamag
'Di umamin ang pusong duwag
Nalulong sa maling pag-ibig

Halos araw-araw magkasama
Pero 'di naman nagkikita
Ang bawat galaw ay kinukuwento
Nagmumukhang tanga sa kahit sino

Ngunit walang pakialam
Dahil 'di nila naiintindihan
Ang ating mundo
Kahit gaano kalabo
Tayo ay kumakapit sa patalim
Pag-ibig na palihim
Na natagpuan sa dilim

Usapang pang-magdamag
'Di umamin ang pusong duwag
Nalulong sa maling pag-ibig

'Di naman malaman sa'n patungo
Bulag na pagsunod sa mga puso
Pag-ibig ay pilit na binibiro
Sabi ng iba'y baka mapaso

Ngunit wala pa ring pakialam
Dahil 'di nila naiintindihan
Ang ating mundo
Na kahit gaano kalabo
Tayo ay kumakapit sa patalim
Pag-ibig na palihim
Na natagpuan sa dilim

Usapang pang-magdamag
'Di umamin ang pusong duwag
Nalulong sa maling pag-ibig

Maling pag-ibig, oh wohh...
Hay yay yay... ohh woh ohh
Ohh hoh...

At sa huli sino ba ang salarin
Ang paasa na nang-iwan o ang pusong umaasa pa rin

Sige lang at kumapit ka sa patalim
Pag-ibig na palihim
Na natagpuan sa dilim

Usapang pang-magdamag
'Di matuto ang pusong bulag
Nalulong sa maling
Maling pag-ibig

Marion - Maling Pag-Ibig (Official Music Video)


Marion - Maling Pag-Ibig [Official Music Video] | Hanggang Kailan? OST

Official music video of "Maling Pag-Ibig" by Marion Aunor.

Theme from the upcoming movie of Xian Lim and Louise Delos Reyes under VIVA Films.

Viva Records

Angelina Cruz - Hanggang Kailan (Umuwi Ka Na Baby) (Official Lyric Video)


Angelina Cruz - Hanggang Kailan (Umuwi Ka Na Baby) (Official Lyric Video)

Universal Records PH

Michael Pangilinan - Hanggang Kailan Lyrics

Akala ko sa’yo natagpuan
Pag-ibig na walang hanggan
Ang ating pagsasama
Pinaglaruan ng tadhana

Nagmahal ka ng iba
Iniwan mo akong mag-isa
Hindi ko maturuan ang pusong
‘wag magmahal ng tapat sa’yo

Kahit pa
Ako’y bahagi na lamang
Ng nakaraan mo
Andito lang ako sa’yo

Hanggang kailan aasa?
Hanggang kailan magdurusa?
Hanggang kailan?
Hanggang kailan?

Hanggang kailan aasa?
Hanggang kailan magdurusa?
Hanggang kailan?
Hanggang kailan?

Tanggap kong ako’y
Muling masasaktan
Pagdurusa sa piling
Mo’y pagdaraanan

Ang tanging tanong ko lang
Hanggang kailan?
Batid kong hanggang dito na lang
Kaya’t pipiliting ika’y talikuran

Ika’y aking lilimutin
Hanggang kailan

Hanggang kailan aasa?
Hanggang kailan magdurusa?
Hanggang kailan?
Hanggang kailan?

Hanggang kailan aasa?
Hanggang kailan magdurusa?
Hanggang kailan? (Sana ako’y mapagod na…)
Hanggang kailan