Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Handshake - Tulog Lyrics

Makatulog na nga, inaantok na ako
Wala man lang magawa, walang makausap dito
Sana’y nandito ka at magkasama tayo
Ngunit anong magagawa, ikaw ay lumayo

Idadaan na lang sa tulog ang lungkot na nadarama ko
At sana sa’king pag-idlip, mawaglit ang sakit na dulot mo

At kahit na iniwan mo akong nag-iisa
Nandito pa rin ako, umaasa na sana
Sa pagpikit ng aking mga mata
Ikaw ang una kong makita

Makatulog na nga, ano pang hinihintay ko
Di ka naman darating upang suyuin ako
Ikaw ay umalis at nagpakalayo-layo
Di ka nagpaalam, bigla na lang naglaho

Idadaan na lang sa tulog ang lungkot na nadarama ko
At sana sa’king pag-idlip, mawaglit ang sakit na dulot mo

At kahit na iniwan mo akong nag-iisa
Nandito pa rin ako, umaasa na sana
Sa pagpikit ng aking mga mata
Ikaw ang una kong makita

Sana sa aking pag-idlip, makita ka sa panaginip
Tumatakbo pabalik sa piling kong nananabik
At ako’y nasasabik na matikman muli
Ang iyong halik

At kahit na iniwan mo akong nag-iisa
Nandito pa rin ako, umaasa na sana
Sa pagpikit ng aking mga mata
Ikaw ang una kong makita

Makatulog na nga...

Handshake - Wala Lang Lyrics

Ako’y nagtaka nang makita kang
May kasamang iba
Magkahawak ang inyong kamay
Para sa akin, OK lang.

Oh, ewan ko ba, napapansin ko lang
Sa tuwing kasama kita
Bukambibig mo ang pangalan niya
Para sa akin, balewala

Manhid nga ba talaga ako
O talagang ayoko na sa’yo?

Hindi ko maintindihan
Hindi man lang ako nasaktan
Nang makita kong hinalikan ka niya
Wala man lang naramdaman
Para bang walang pakialam
Siguro nga’y di na kita mahal

Oh, di ko maisip, tila yata
Di ko na maramdaman
Dati-rati, madaling ma-badtrip
Sa tuwing ika’y napapalingon sa iba

Manhid nga ba talaga ako
O talagang ayoko na sa’yo?

Hindi ko maintindihan
Hindi man lang ako nasaktan
Nang makita kong hinalikan ka niya
Wala man lang naramdaman
Para bang walang pakialam
Siguro nga’y di na kita mahal