Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Joshua Feliciano - Gunita Lyrics

Kahit `di na pakuin
Nakaukit na sa `kin
Puso man ay pagurin
Ang tibok sa ‘yo pa rin

Paligid ma`y tauhin
Ganda mo`y tanaw pa rin
Dagat sa `king buhangin
Sa ‘yo babalik pa rin

Kumupas man ang memorya na ating pinunan
Alaala ma`y tuluyang lumisan
Kung `di ka na kilala`t muli kitang makita
Sa tahanan mo pa rin ang punta

Bente kwatrong oras man
Tumitig sa kawalan
Inip ay `di mapansin
Sapagkat tanaw sa mga bituin
Kinabukasan natin


Oh kumupas man ang memorya na ating pinunan
Alaala ma`y tuluyang lumisan
Kung `di ka na kilala`t muli kitang makita
Sa tahanan mo pa rin ang punta

Sa `yong mga halik (sa `yong mga halik)
Sa tahanan mo`y mananabik (sa tahanan mo`y mananabik)
Sa `yong mga halik (sa `yong mga halik)
Sa tahanan mo`y muling mananabik

Kumupas man ang memorya na ating pinunan
Alaala ma`y tuluyang lumisan
Kung `di ka na kilala`t muli kitang makita
Sa tahanan mo pa rin (ang punta)
Sa tahanan mo pa rin
Sa tahanan mo pa rin ang punta

Joshua Feliciano - Gunita (Official Lyric Video)


Composed by Joshua Feliciano
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Rogelio M. Feliciano Jr.
Arranged by Joshua Feliciano
Vocal Arrangement: Joshua Feliciano
Mixed and mastered by Joshua Feliciano at Original Sounds Studio
Cover Art Design: Joshua Feliciano

End Street - Gunita (Official Music Video)


The official music video from End Street, released May 3, 2023 under Tower of Doom Music.

Credits:
Director: Nicole Monta (Nojire Studios)
Directors of Photography: Germain Gomez & Drey Ballesteros (Nojire Studios)
Editor: Yani Custodio

Tracked, mixed and mastered by Symoun Durias of Tower of Doom.

End Street - Gunita Lyrics

Di ko na masilayan ang kulay ng ulap
O ang lamig ng buwan, pagsibol sa kalangitan.
Nanlalamig ang pusong puro lang sakit
kaya pwede na bang mamahinga ng saglit?

At kung di na mabibigyan ng buhay ang himig,
kakayanin mo bang ikaw na lang ang huhuni?

Patuloy sa pag ikot ang kamay ng orasan,
tuluyan na bang napag iwanan?

Paano kung sa pag gising mo,
hinahanap mo ako?
Kaso walang tumutugon
kahit pagsapit ng dapit hapon.
Kung ang yakap ko ay walang higpit,
gaano kasakit kung ang bukas ay hindi ko maipangako.


At kapag nasinagan na ng huling liwanag,
pwede mo bang ipangako sa akin na
Kung pag ibig para sakin ang natitira,
ipamahagi mo na lang ito sa iba

Paano kung sa pag gising mo,
hinahanap mo ako?
Kaso walang tumutugon
kahit pagsapit ng dapit hapon.
Kung ang yakap ko ay walang higpit,
gaano kasakit kung ang bukas ay hindi ko maipangako.

At kung akoy tatanggihan ng langit
pwede ba sayo akoy kumapit?
At pag nagkita na tayong muli,
aawitan kita tulad ng dati

Paano kung sa pag gising mo,
hinahanap mo ako?
Kaso walang tumutugon
kahit pagsapit ng dapit hapon.
Kung ang yakap ko ay walang higpit,
Gaano kasakit? Gaano kasakit? Gaano kasakit?

End Street - Gunita (Official Lyric Video)


The new single from End Street, released April 26, 2023 under Tower of Doom Music.

Tracked, mixed and mastered by Symoun Durias of Tower of Doom.

Sugarcane - Gunita Lyrics

Hmm...

Alaalang nilikha,
Masasariwa pa kaya?
Mga kwentuhan at tawanan,
Nawa'y 'di malimutan,
Mag-iba man ang ihip ng,
Hangin na ating daraanan,
Mananatili ang pinagsamahan.

Tandang-tanda ko pa,
Unang araw sa eskwela,
Halong tuwa't kaba ang nadama.
Lahat nagpakilala,
Kanya-kanyang istorya,
Ngunit tanging sa'yo lamang,
Nabihag ang mga mata.

Binaling ko man ang tingin,
Para kilig ko’y di mapansin,
Ngiti sa labi ko’y, ikaw salarin.
Agad nagka in love-an,
Ang dal’wang magkaibigan.
Napahingang malalim,
Hay!
'Di malimot ang...

Ala-alang nilikha,
Masasariwa pa kaya?
Mga kwentuhan at tawanan,
Nawa'y 'di malimutan,
Mag-iba man ang ihip ng,
Hangin na ating daraanan,
Mananatili ang pinagsamahan.

Tinaga pa sa bato,
Pangalan ko't pangalan mo,
Na hanggang wakas na ang,
Tambalang ito.
'Di sukat akalain,
Mag-iiba ang hangin.
Pinaglayo man ng tadhana’y
T'yak ikaw parin.

Lumipas ang mga taon,
Marami man ang nagbago,
Pwera na lamang ang,
Pagtingin ko sa’yo.
Araw-araw sasariwain,
Pinagsamahan natin.
Ipipikit mga mata’t
Hahayaang magpadala sa...
(Instrumental)

Hindi ka man katabi sa dulo ng paglalakbay,
Nawa ay masaya ka't kailan ma'y 'di nalulumbay.
Ang puso ma'y nagkubli, ikaw lang ang sinisigaw.
Magbago man lahat, pag-ibig ko'y tanging ikaw.

Ala-alang nilikha,
Masasariwa pa kaya?
Mga kwentuhan at tawanan,
Nawa'y 'di malimutan,
Mag-iba man ang ihip ng,
Hangin na ating daraanan,
Mananatili ang pinagsamahan.

Lalalalala, lalala,
Lalalalala, lalala...

Sugarcane - Gunita (Official Lyric Video)


Written by: Froilan Bautista
Composed, Recorded, & Mixed by: Cedric Angeles
Mastered by: Juju Maglacas of Aural Canvas Records
Album Art by: Felix Gasmen
Animation by: Zach Diwa

Sponge Cola ft. Janine Berdin - Gunita Lyrics

Patuloy na pumapatak
Ang bawat sandaling natitira
Habang ika'y kapiling ko

Siguro nga'y maraming dahilan
Kang maibibigay ngunit
Ako ay may isang tanong?

Hindi ka ba magtatagal?
Pagtigil mo'y dalangin na
Aking inaasam
Siguro nga'y paalam na

Subalit may iiwan kang puwang

Kung kaya kong pigilan lang
Ang oras sa kanyang pintig
Asahan mong ako'y di hihinto?

Ako'y isang manhid
Na'di makikinig
Sa bawat sasabihin ng mundo
Ako'y isang manhid
Na'di makikinig
Hangga't ikaw pa'y narito

Sponge Cola ft. Janine Berdin - Gunita (Music Video)


Sponge Cola feat. Janine Berdin - Gunita

Recorded April 2020.

Sandiwa - Gunita (Official Music Video)


Gunita | Sandiwa | Official Music Video

© 2019 Ivory Music & Video, Inc.

Sandiwa - Gunita Lyrics

Nang bumalik ang ulirat
Unti-unting naglalaho
Ang yakap mo, mga ngiti
Naparam na alaala

Ang tanging naisin
Ay maranasan kang muli

Maaari bang hawakan
At pansamantalang punan ang aking kamay
Sa paggising man ay may luha
Ikukubli ang ‘yong gunita

At sa matalik na pahanon
Asilo na ‘di na maituturing
Naiwang kanlungan sa panaginip
Tatak ng iyong alaala

Maaari bang hawakan
At pansamantalang punan ang aking kamay
Sa paggising man ay may luha
Ikukubli ang ‘yong gunita

Gunita
Gunita

Ang tanging naisin
Ay maranasan kang muli
Ang tanging naisin
Ay maranasan kang muli

Maaari bang hawakan
At pansamantalang punan ang aking kamay
Sa paggising man ay may luha
Ikukubli ang ‘yong gunita

Maaari bang hawakan
At pansamantalang punan ang aking kamay
Sa paggising man ay may luha
Ikukubli ang ‘yong gunita

Gunita
Gunita

Sandiwa - Gunita (Official Lyric Video)


Sandiwa | Gunita | Official Lyric Video

© 2018 Ivory Music & Video, Inc.