Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Gatilyo ft. D. flo - Determinado (Official Music Video)


DIRECTED BY RANNY ABORDO
BEAT PRODUCE KLBEATS
WRITTEN & PERMORED BY GATILYO AND D.FLO
MIXED AND MASTER ( MASTERDEL)

Composed by: Gatilyo
Produced and arranged by: Stay Creative Studio
Videographer by: Ranny Abordo
Directed by: Job Navarez

Gatilyo ft. Jet Drew & Nasty - Tagumpay (Official Lyric Video)


Title : Tagumpay

Mixed & Mastered : Rusty M. Loayon
Lyrics Video By : Ricky Ferrer

Composers :
Gatilyo
Jet Prianes
Drew Flores
Job Navarez X Nasty

Gatilyo x Nasty x Josh - Call Me Lyrics

You are my one and only
I feel so crazy
You call me baby

Kay sarap balikan
Ang ating nakaraan
Di ko maiwasan
At di ko makalimutan
Nang ika’y makilala ko
Labis na ang kasiyahan ko
Huminto ang mundo ko
Noong ako ay iniibig mo

You are my one and only
I feel so crazy
You call me baby
Ikaw lang ang nasa isip ko

Kaya wag mag-alala
Na ikaw ay iwan pa
I promise baby
Ikaw lang ang iibigin ko

You are my one and only
I feel so crazy
You call me baby
Ikaw lang ang iibigin ko
You are my one and only
I feel so crazy
You call me baby
Ikaw lang ang nasa isip ko

Labis ang aking kasiyahan magmula ng makilala
Ang babaeng matagal kong pinangarap makasama
At sa wakas nadinig din ang aking mga panalangin
Na bigyan ako ng ‘sang katulad mong handang ibigin
Di ako kahit na ako ay ganito
Na wala man ako maipagmalaki sayo
Ako’y simpleng nilalang pero tinanggap mo ang
Buong pagkatao ko kaya ang puso ko’y sayo
Ako si Gatilyo simpleng tao wala man akong mamahaling oto
Pero seryoso pag naging tayo mamahalin kita ng todong todo
Solong solo di kayang manloko para sa iyo handang magbago
Kupas man ang paboritong polo na regalo pa ang aking lolo
Maski papaano kahit di gaano ang mga suot ko’y di na mga bago
Nilalait man tayo ng mga tao na hindi raw bagay tayo
Pero ito lang ang masasabi ko sayo mahal
Na mahal kita kaya sana pag-ibig magtagal

You are my one and only
I feel so crazy
You call me baby
Ikaw lang ang iibigin ko
You are my one and only
I feel so crazy
You call me baby
Ikaw lang ang nasa isip ko

Di ko din alam kung saan pupuntahan
Ng ating samahan na maraming may alam
Illegal man o legal o kahit ano pa man
Para kang si Mary Jane ang hirap ng iwasan
Ikaw din naman kasi dahilan kung ba’t gan’to
Oksi lang sayo kahit galawan ko ay ghetto
Negatibo man akong maipangako na sa’yo
Sa ganda mo marami laging nagkakainteresado
Iba man ang mindset ko nego ang inuna ko
Para din sa atin to pag humirit ng gusto mo
Iwasan mong magtampo ikaw lang ang pinay ko
Sinagip noong broke ako sa sandaling lubog ako
Sa dami man ng menu ko ikaw lang ang ginusto
Luto ko na mala-pro dun tayo sa bed ko
Pasarapin natin gabi na para bang mims ko
Tandaan lahat ng to ay pasasalamat sa iyo

You are my one and only
I feel so crazy
You call me baby
Ikaw lang ang iibigin ko
You are my one and only
I feel so crazy
You call me baby
Ikaw lang ang iibigin ko

Gatilyo x Nasty x Josh - Call Me (Official Lyric Video)


Call Me - Gatilyo x Nasty x Josh (Official Lyrics Video)

©Rupert Estopin

Moprasst ft. Gatilyo - She Is The One (Official Music Video)


Directed by : Ranny Boy Abordo

Production Designer : Ranny Boy abordo

Mix and Mastered : Rusty M. Loayon

Composers
Gatilyo Badilla
Yowda Rivera
Job Adriel Navarez X Nasty

Film Editor : Ranny Boy Abordo

Camera Operator
Ranny Boy Abordo
Enrique
Macmac

Produced by : Job Adriel Navarez

STARRING BY
GATILYO BADILLA

CAST
Randy Evanglista Badilla
Jefferson Pagatpatan
Joshua Lopez
Deogracia Rivera
Princess Dela Guerra
Mae Magno
Job Adriel Navarez

Gatilyo - Tintang Tula Lyrics

Ito ang unang pahina ng aking tunay na buhay
Na minsan ay pinangarap ko na rin maging mahusay
Na gumawa ng mga awit at malalim na tula
Kahit na palagi akong nilalait ng madla
Kinapalan ko ang mukha kahit na kinukutya
Pumunta ako sa gitna kahit walang natutuwa
‘Di pa rin nadadala kahit ilang beses natalo
Iniisip ko na lang ang Diyos sakin mayroong plano
Kaya di nagpaapekto sige sa pag eensayo
Kahit na wala sa tono pinilit makabisado
Pagsampa sa entablado kahit na medyo kabado
Nang bumanat na ako naghiyawan na mga tao
Sa wakas nagbunga na rin ang aking pagtyatyaga
Nang dahil sa pagra-rap ako ay tinitingala
Gamit ang tintang tula ako ay gumagawa
Ng mga awit na kinakanta ng bata’t matanda
Kahit saan ako maggala ay maraming bumabati
At pag may mga inuman ako’y nagra-rap palagi
Nag guest ako sa Taguig, Marikina, Parañaque
Pasig, Cavite, Tondo, at pati na sa Makati
Kaya’t laki pasasalamat ko sa Panginoon
Ang mga dalangin ko ay kanya nang itinugon
Ang mga kanta ko sa youtube umabot limang milyon
Sinasabihang mabangis na para raw isang leon
Kaya lalong ginanahan pa ko sa pagsusulat
Makagawa lang ng mga awit okay lang kahit puyat
Kahit maga na ang kamay ay hindi iniinda
Di pa rin humihinto kahit ubos na ang tinta
At hindi katagalan ang panahon ay nag-iba
Marami nang nagtataka kung bakit di na kumakanta
Biglang nawala sa industriya na parang isang bula
At nanghihinayang yung iba bat di na ko gumagawa
Ng mga awit na inawit ng mga bata sa lansangan
At bigla raw lumubog ang dati ko na kasikatan
Sa mga tao na nanabik ito ang aking pagbabalik
Hinila man ako pababa ay pipiliting pumanik
Maraming salamat sa aking kaibigan na sa pamilya ko nakasuporta sila
Ang nagpapalakas ng loob ko na lumaban ako sa mga problema
Kaya kahit hindi na kaya pipilitin ko pa rin
Ang mga pangarap ko ay pipilitin tuparin
Abutin! Parang mga bituin sa kalangitan
At hindi na sasayangin ang mga pinaghirapan
Ako man ay masugatan sa pinili kong larangan
Di ako mapipigilan sa’king mga kagustuhan
Dahil ang mga natutunan ay magsisilbing leksyon
Mahirap man ang sitwasyon basta’t mayroong inspirasyon
Na nagpapalakas ng loob na makipagsabayan
Sa hamon ng buhay ko na puno ng kalungkutan
Di nyo na yata naaalala kung sino ako
Sabagay marami na ang nagsisikatan sa mundo
Kung di mo natandaan susubukang balikan
Ang mga nakaraan na hinangaan ng ilan

(Sa pagbigkas ko ng pangalan ko na Randy at Gatilyo,
Tingin ko lang sayo na tinutukan ng kutsilyo)
Ang gatilyo na pangalan ay kumalat at umugong
Minsan di mo pinasilong kung tayo’y nagkasalubong
Oh ano nalaman mo na ba at naaalala
Yung bata na inakala mo na di makikilala
Aking binalewala marami man ang talangka
Matutupad din ang pangarap dahil sa pagtyatyaga
Ilang beses nang nadapa pero pinilit makabangon
At sa kahirapan ay pinipilit ko din umahon
Pumasok ng walang baon pero di nagrereklamo
Kung nakapagtapos sana gusto maging abugado
Kaso nagging barumbado pati naging abusado
Hanggang sa natuto na ko tumikim ng mga bisyo
Ako’y tao lang na natukso na gusto magbago
Ang pintuan ng pag-asa ay hindi nagsasarado
Pagkat si Hesukristo ang laman ng aking puso
Sya ang dahilan kung bat hinding-hindi ako sumuko
At ngayon alam nyo na ang tunay ko na istorya
Eto na huling yugto ng kwento ni Randy Badilla

Gatilyo - Tintang Tula (Official Music Video)


Composed by: Gatilyo
Produced and arranged by: Stay Creative Studio
Videographer by: Ranny Abordo
Directed by: Job Navarez

Gatilyo - Bagyo Lyrics

Sa isang kisap mata, bigla nalang nawala
Di malaman kung saan na napunta

Pinilit kong lumayo
Upang pigilan ang isip kong mapaglaro

Wag!!!
Ang daming naiisip na nais kong sabihin
Pinipilit sarilihin ang sigaw nitong!!!

Lumiliyab na apoy sa gitna ng bagyo
Kailan ba ako matututo?
Binulong ko sa hangin ang nais sabihin!
Saan bakit paano ganito na lang ba tayo?

Unti-unting bumabalik
Tulad ng hangin na nais na dumampi
Gisingin ang diwa ng manhid na katawan
Bagyo ang dala ng pananabik na mahagkan
Lisanin ang pangamba
Yakapin ang ulan
Kidlat kulog at hagupit ng amihan
Ang bagyong dala ng pagnanasa ay iyong pagbigyan!!!

BLKD - Gatilyo Lyrics

Luwal sa panahon ng nakapaniping kalayaan
Nakakahon sa makasariling kabanalan
Bulag sa paghahari-harian
Tamad manindigan, tamad mangatwiran
Tayo ang henerasyong nilululong sa luho
Isip ay pilit kinukulong sa turo
Ng kulturang kanya-kanya
Upang mabusog sa pag-unlad na barya-barya
Tayo ay inaaliw upang maging abala
At nang hwag mag-alala sa pagsasamantala
Hanggang malasakit ay masaid
Tayo’y minamanhid sa sakit ng ating mga kapatid
Lunod na lunod sa mga tsismis at balitang
Luhod na luhod sa iilang pinapanigan
Lugod na lugod silang nagbabait-baitan
Pagka’t maledukado, maledukado tayo

Pagmasdan ang bayan, kayamanan ang nasasakupan
Nasaan ang katarungan? Panay sakahan, may kagutuman?
Sa lawak ng lupa ba’t may mga walang matirhan?
Kahit magtyaga, walang mapala, natanikala na sa hirap na ‘di maibsan
Hungkag ang pag-unlad na sa sambayanan ay humahati
At pag dahilan ng pag-angat ng iilan ay pagtapak sa nakararami
Pagka’t sa daing ay dahas ang cariño
Pagmulat ay pagkasa, tayo ang Gatilyo