Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

kiyo ft. Space Moses - G Lyrics

sabi sakin ng matatanda nung akoy bata pa,
nagmana daw ako sa aking tatay.
di ko lang alam kase di ko pa sya nakita,
natutunan mga bagay kahit ‘di nya ko sinanay.

sikap para sa tinapay, araw-araw bagong silang,
kita saking palad, sama-sama kung gumapang.
kasangga ko ay walang iba kundi sarili ko,
alam ng salamin kung ano ang pangako ko.

saking sarili, gusto kong lumipad.
aking ipilit, gusto kong sumigaw,
daming gustong sabihin, pero wag nalang,
pero wag nalang, pero wag nalang.

gusto ko maklabay,
gusto ko tumakbo papalayo sa lahat.
gusto ko mamatay,
pero bawal pa, inay ko’y malulumbay.

tagal ng friday night, gusto ko na malaman
kung may bagong episode, ang aking inaabangan,
oh kaya naman, tumambay maglakad, kung
saan man ako dalhin ng mga paa ko sa lansangan.
ako’y isang halaman, ako’y isang halaman.

bigyan mo ako ng oras, hayaan mag-isa.
hindi maganda ang bukas kung iyong ididikta.
sa akin ay gusto kong ipinta,
kung ano ang buhay at mga kulay ayon sa akin nakikita.
kaya kung may problema bahala ka na dyan.
ayoko mag-isip pwedeng bukas nalang yan.
kasi wala na kong pake,
wala na kong pake, wala na kong pake, wala na akong pake.

There ain’t no day, that I won’t live my way
Come what may, Come what may.
Let me and my music drift away.

hindi araw araw masaya,
kaya kung gusto mo malungkot tayong dalawa
halika’t sumama ka
sabay natin silipin panibago na umaga

kiyo ft. Space Moses - G (Official Music Video)


kiyo - G ft. Space Moses
PROD BY. SHORTONE

Director: Yukihiro Rubio
DOP/Edited/Colored by: Lancelot & Visual Illness
Stylist: Prettytaco