Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Flict-G - Pagsikat Pagyaman Pagyao (Official Lyric Video)


Flict-G - Pagsikat Pagyaman Pagyao (Official lyric video)

Flict-G & Curse One ft. Bei Wenceslao - Aking Hiling (Official Lyric Video)


Produced by Flict-G
Instrumental by Blaster Cordes

Collaboration of Flict-G and Curse One featuring Bei

Flict-G & Curse One ft. Bei Wenceslao - Aking Hiling Lyrics

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin “Ikaw lang ang aking hiling”

Di ko akalain na makikilala
Ko ang dalagang nagpatibok ng puso ng isang binata
At bigla na lang napalunok, napatameme, nabulaga
Para bang hinele, natulala
Nang papalapit ka sa akin diyos ko para kang anghel na ibinaba
Ng langit para mahalin ng tagalupang tulad ko na di mo kalevel
Ang pagitan nating dalawa ay mas malayo pa sa magkabilang dulo ng tore de babel
Pagkat ikaw ay isang diwata, mas makislap pa sa mga tala
Pagpasensyahan mo na lang ang mga salita ito’y labis na paghanga
Di ko maipaliwanag ang nadarama sa tuwing magkasama tayong dalawa
Walang bagay na makakasukat sa mundong ito kung gano ka ba kahalaga
Pagkat buong araw ko ay kumpleto na, sa ngiti mo pa lang kuntento na
Kung pag-ibig mo ay naging rebolusyon handang punitin ang sedula
At nang dumalaw sa bawat araw, ikaw na nga raw hanggang pumanaw
Walang kaagaw sa puso ko, daig pa ang kayamanang hindi mananakaw
Akalain mo, kala ko ay panaginip lang ang mga to
Kung sino pa talaga yung di mo inasahang makilala yun pa yung babago ng buhay mo

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin “Ikaw lang ang aking hiling”

Sa milyong-milyong tala, kahit hindi na mapansin ang hiling ko
Hinding hindi ako magsasawa na abangan ang pagdating mo
Sa buhay ko na ikaw na lang ang kulang, sa puso na pag-ibig lamang ang lulan
Ang katulad mo lang ang may kakayanang makapagtanggol sakin hangad kong makatuluyan
Nanatili na sa isip, damdamin ko na di matahimik
Nakatingala sa mga bituin sana’y magising sa magandang panaginip
Magkatotoo na mabago ang mundo dahil di ko na alam kung sa papanong paraan pa
Dikit sana ng kalawakan ang sigaw nito nadarama na makamtan ka
At sana sakin ikaw ay itadhana di sasayangin ang pagpapala hanggang sa pagtunog ng kampana
Makasama sa dambana hanggang sa harap ng altar ohhh…
At sa hardin may umaawit na mga sagradong anghel
Ikaw ang kalma sa bawat bagyo ako’y nahimlay sa mala dyosa mong ganda
Napakagaan sa pakiramdam tuwing napapamiss ako akin na bukas sa maamo mong mata
Tamis sa ngiti may liwanag dahilan na babangon para tuparin ang mga pangarap
Inspirasyon at destinasyon ikaw ang aking masaya at masaganang tahanan

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin “Ikaw lang ang aking hiling”

Gusto ko lang malaman mo kahit mundo natin ay magkaiba
Palaging hangad sana puso natin ay magkaisa
Malayo ma’y malapit lang langit at lupa’y kayang tawirin sinta
Walang kahapon ang makapagdidikta sa magandang kinabukasan nating dalawa
Ikaw at ako wala ng iba iniibig kita sana palagi mong tatandaan
Ngayon bukas hanggang sa dulo ng walang hanggan

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin “Ikaw lang ang aking hiling”

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin “Ikaw lang ang aking hiling”

Flict-G & Curse One ft. Bei Wenceslao - Aking Hiling (Official Music Video)


Flict-G & Curse One - Aking Hiling (Official Music Video) ft. Bei Wenceslao

Starring: Zeinab Harake & Khifer Brosse.
Performed by:
Flict-G
Curse One
Bei Wenceslao

Producer: Flict-G
Director: Christian Paolo Gabriola (Motus Multimedia)
Instrumental: Blaster Cordes (Blast Beats)
Director of Photography: John Cris Dela Cruz & Japsyy Ballers
Makeup Artist: Megz Jimenez Valmonte

Flict-G ft. Grin Department - Mahal Kita Kahit (Official Lyric Video)


Executive Producer: Vertical Brew Music
Music Producer: Raymond Buensuceso Rivera
Video Editor: Andrea Sam Ortiz

SPECIAL THANKS TO: Warner Music Philippines, GlyphStudios Inc.

© 2018 VERTICAL BREW MUSIC INC.
--TO GOD BE THE GLORY--

Flict-G ft. Grin Department - Mahal Kita Kahit Lyrics

Nung una kang maka-bonding
Parang normal lang wala namang dahilan
‘Di ako mafa-fall sa’yo
Kasi nga diba tropa tayo

Pinigilan ko ang sarili
Kasi nga baka masayang lang
Ang pinagsamahan natin ng ilang taon

Meron akong sasabihin
Pero gusto ko ‘wag kang makinig
Isisigaw ko malapit sa inyo
Na mahal kita kahit hindi mo alam

Mahal kita kahit ‘di mo alam
‘Tong feelings ko’y isisikreto na lang
Bawal ang ma-inlove sa’yo
Kasi nga may jowa ka na

Bakit ganto aking nadarama
‘Di ko alam kung tama ba o tama na
Yung ulo ko siguro may tama na
Kaya dinadaan na lamang sa kanta
Oo mahal kita pero mali na to
‘Wag kang lumapit nahuhulog lang ako sa’yo
‘Wag kang magsalita naaakit ako sa boses mo
‘Wag mo kong titigan nababatobalani ako
Natotorpe, natatameme at natatahimik
Nakakakaba, nakaka-guilty at nakakabwisit
Nakakahibang, nakakabaliw, nakakadyahe
Nakakainis at ‘di nakakaaliw ang nangyayari
Ano ba naman ‘wag ka nang tumitig please maawa ka
Kakalapit mo yung puso ko sasabog na
Kung di lang masama mang-agaw ng may asawa
Matagal ko nang ginawa para ikaw ay makasama

Mahal kita kahit ‘di mo alam
‘Tong feelings ko’y isisikreto na lang
Bawal ang ma-inlove sa’yo
Kasi nga di ba may jowa ka na

Gusto kong ilabas pero ‘di ko kayang aminin
Ako yung tagadikta bakit ako yung alipin
Ng sarili kong puso pati na damdamin
Ang daling makaramdam pero mahirap sabihin
Ang dali mong makita ang hirap lumapit
Ang daling mahulog ang hirap kumapit
Ang dali mong lapitan ang hirap kasama
Ang daling humiling bakit ang hirap umasa
Ang daling sumulat ang hirap ibigay
Ang dali mong magtext bakit ang hirap magreply
Madaling magkunwari pero ang hirap pagtakpan
Ang daling umibig ang hirap masaktan
Minsan hindi ka papalarin sa guhit ng kapalaran
Madalang ang kadalasan bwenas ka sa kamalasan
‘Di ko naman intensyon na mahulog loob ko sa’yo
Nagkamali lang yata ng pinana ‘tong si Kupido

Mahal kita kahit ‘di mo alam
‘Tong feelings ko’y itatago na lang
Bawal ang ma-inlove sa’yo
Kasi nga di ba taken ka na

Mahal kita kahit ‘di mo alam
‘Tong feelings ko’y isisikreto na lang
Bawal ang ma-inlove sa’yo
Kasi nga di ba may jowa ka na

Ammm sinulat ko nga pala ‘tong kantang ‘to
Para kahit papano mailabas ko ‘tong saloobin ko
Kasi pag ‘di ko nilabas ‘to sasabog na lang ‘to
Na parang palpak na missile ng North Korea
Pero masaya ko kasi lagi tayong magkasama
Kahit ‘di mo alam kung gaano ako ka-inlove sa’yo
Kahit may asawa ka na kahit kinasal ka na sa iba
Pinapangako ko mamahalin pa rin kita
Nandito pa rin ako hinding-hindi kita iiwan
Kahit magbago man ang mundo kahit maging
Tatsulok na parang kanta ni Bamboo
Pangako iikot at iikot parin sayo ang mundo ko
Kahit alam ko na masakit at mapait na parang ampalaya
Kasi mapait talaga ang ampalaya
Oo am’palayain ang minamahal mo tandaan mo
Mahal na mahal pa rin kita…

Pedro