Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Flict-G - Aking Lahi (14 Dialect Song)


Produced by Flict-G
Instrumental Produced by Cursebox
Background Vocals by Bei Wenceslao

Big thanks to all the translators:

Ilocano - Patrick Vidal
Igorot(Ibaloi) - Greyson Ville
Pangasinan - Freaky Rap
Kapampangan. Arvee "M1" Belonio
Bicol - Mikidee of FlipTop Battle League
Waray - Ronmark Labasano
Bisaya - Hizuka Zato of FlipTop Battle League
Hiligaynon. - Tuglaks RapTube
Maranao - Slmn K Mambuay of E.K. Finest
Maguindanao - Asnawe Baraguir Mawe
Tausug/Chavacano - AJ Shinoda
Yakan. - Abu of Rapzutra

Intro - Speech by Honorable President Jose P. Laurel at the celebration of first Philippine Republic
(Via Creative Commons Attribution license) of MIKAELLISE's Channel and big thanks also to "Jose P. Laurel Memorial Foundation, Inc." Youtube Channel.

Flict-G & Bei - Ikaw (Official Music Video)


Flict-G & Bei - Ikaw (Official Music Video)

Flict G strips love down to it's very core in his latest track "IKAW" (English translation: YOU). The track serves as a sweet ode to all of the love that one person embodies and how that person can mean the whole world to another. Flict showcases a more vulnerable, romantic side in this track, as he delivers poetic lines, backed by an acoustic arrangement that sets the romantic tone even further.

Dionela, Flict-G, & Dello - Oo Na, Kayo Na (Agaw) Official Music Video


Credits:
Director: Justin Villanueva
DOP: Andrew Son
Editors: Jem Vergara and Nico Araneta
Talent: Cerise Concepcion

Executive Producer: Sony Music Entertainment Philippines Composers: Tim Dionela, Dello, Flict-G Music Producers: Timothy Run, Brian Lotho Sonic State Audio

Flict-G - Sariling Mundo (Official Lyric Video)


Instrumental Produced by Cursebox

Lyric Video by Flict-G
Mixed & Mastered by Flict-G
Album Art by Flict-G
Composer: Flict-G
Performed by Flict-G
Recorded at Repablikan Records Pasig
Distributed by: Sony Music Philippines
Repablikan Syndicate
Shockra
FlipTop Battle League
Sony Music Entertainment

Dionela, Dello, & Flict-G - Oo Na, Kayo Na (Agaw) Lyrics

'Di na ko magpapakita
Doon ka na lang kung saan ka masaya
Onti na lang at manhid na
Kaya't sakit ay dagdagan mo pa

Para maging manhid ako
Ewan ko ba kung mali ba ‘to?
At kung sakali na makita mo
Ang tao na dati baliw sayo
Baliw pa rin naman ako
Lalo na at mas pinili mo na maging kayo
Para sayo kakayanin ang sakit na to
Kaya wag ka na ngang mag-alala
Para sakin wag mo na ring paasahin
Kahit naging alanganin ahh
Para satin aalam natin na eto ay dating laban natin
Ngayon ay ako na lang mag-isa pero pilit kakayanin

Pwedeng bago siya lumisan
Pakiusap ko sana'y pakinggan

Oo na kayo na
Huwag mo nang ipamukha
Na naagaw mo siya

Kung yan talaga ang tinadhana sa atin hindi na para humadlang
Hayaan mong akuin ko ang lahat ng bigat para pasanin mo’y gumaan
Wag mo kong intindihin kaya ko to gusto ko ikaw ay maging masaya
Kahit ang kapalit non ay ang yong kahilingan mahal nabitawan kita
Alam mo naman ako gagawin ko lahat para maging maligaya ka lang
Di na ko aasang sakin mo matatagpuan ang saya na iyong inasam
At isa lang ang aking hiling aking dasal na sana’y alagaan ka nya
Kung may pumatak man na luha sayong mga mata ikalulungkot ko talaga
At sa bagong pag-ibig ng aking inibig sayong mga bisig iyong alagaan
At di na ko sisingit di na ipipilit dahil saking isip pangarap na lamang
Lahat ibalik kahit ako’y sabik kaya mga halik nagkaroon ng hangganan
At oo na sige na kayo na wag mo lang ipamukha ng harapan

Pwedeng bago siya lumisan
Pakiusap ko sana'y pakinggan
Pwedeng bago nya ko iwan
Pakiusap ko sana’y pakinggan

Oo na kayo na
Huwag mo nang ipamukha
Na naagaw mo siya
Na mahirap ng tayong dal’wa
Kaya sayo na lang sya
‘Di bat mahirap ng tayong dal’wa
Kaya sayo na lang sya
(Dagdagan mo pa)

Oo na kayo na (Di na ko sisingit, di na ipipilit)
Huwag mo nang ipamukha (Sayong mga bisig iyong alagaan)
Na naagaw mo siya (At oo na sige na kayo na wag mo lang ipamukha ng harapan)
Oo na kayo na (Oo na nanalo ka na sa kanya)
Huwag mo nang ipamukha (Dahil sayo ginawa nya kong tanga)
Na naagaw mo siya (Nangyari na ngang talaga wala na kami kayong ng dalawa)

Oo na kayo na
Huwag mo nang ipamukha
Na naagaw mo siya

Dionela, Dello, & Flict-G - Oo Na, Kayo Na (Agaw) Official Lyric Video


Music Producers: timothy Run, Brian Lotho, Chrisanthony Vinzons
Composers: Dello, Flict-G, Lem Belaro
Executive Producer: Sony Music Entertainment Philippines

Flict-G - Hapi Holiday (Official Music Video)


MV Produced by Flict-G
Directed by Flict-G
Video Edited by Flict-G
Composer: Flict-G
Performed by Flict-G
Mixed & Mastered by Flict-G
Album Art by Flict-G

Flict-G - Hapi Holiday Lyrics

Ako’y maglilibang buong araw susulitin ko ang holiday
Available ako ngayon sabihin mo lang kung ano ang time and place
At ako ay darating lika na hey
Kung ano ang trip mo yo come on let’s play
Next day, mo na lang isipin ang mga problema

Halika na sulitin ang oras na binigay
Magliwaliw ano pa ang iyong hinihintay
Walang pipigil sa lahat ng trip mo
Gawin mo lahat ng gusto mo ora mismo
Netflix and chill o party like a rock star
Malate clubs? Let’s go to where the girls are
Kung gusto mo ng rides meron yatang bump car
Get in my car, how far?
Ang gusto mo para sa ating road trip
Chill ka lang while listening to my top hits
Kung gusto mo mag-freestyle meron diyang old beats
You got bars, huh oh shii..
Sige lang tuloy tuloy lang ang gala
Para tayong mga nakawalang bata
Ang tawag nila dito buhay binata
‘Wag kang mag-alala si Batman bahala

Ako’y maglilibang buong araw susulitin ko ang holiday
Available ako ngayon sabihin mo lang kung ano ang time and place
At ako ay darating lika na hey
Kung ano ang trip mo yo come on let’s play
Next day, mo na lang isipin ang mga problema

Isipin mo lahat ng bagay na gustong gawin
Magplano na tayo ano ating tutunggain
Nag-food trip na kanina para bang gutom pa rin
Bili na lang yung bag ko ‘wag mo nang halungkatin

It doesn’t matter kung marami kang kasama
Pagsamahin na lang natin ang barkada
Sila na bahala na magpakilala
Mukhang aabutin tayo ng umaga
Kung magkulang man ambagan na lang
Bahala na kung san mapunta walang pakialam
Kalimutan ang problema ‘nak ng tupa naman
Po-problemahin ko pa ba? Huh bukas na lang

Ako’y maglilibang buong araw susulitin ko ang holiday
Available ako ngayon sabihin mo lang kung ano ang time and place
At ako ay darating lika na hey
Kung ano ang trip mo yo come on let’s play
Next day, mo na lang isipin ang mga problema

It doesn’t matter kung marami kang kasama
(Kung magkulang man ambagan na lang)
Pagsamahin na lang natin ang barkada
(Bahala na kung san mapunta walang pakialam)
Sila na bahala na magpakilala
(Kalimutan ang problema ‘nak ng tupa naman)
Mukhang aabutin tayo ng umaga
(Po-problemahin ko pa ba? Huh bukas na lang)

Ako’y maglilibang buong araw susulitin ko ang holiday
Available ako ngayon sabihin mo lang kung ano ang time and place
At ako ay darating lika na hey
Kung ano ang trip mo yo come on let’s play
Next day, mo na lang isipin ang mga problema

Ako’y maglilibang buong araw susulitin ko ang holiday
Available ako ngayon sabihin mo lang kung ano ang time and place
At ako ay darating lika na hey
Kung ano ang trip mo yo come on let’s play
Next day, mo na lang isipin ang mga problema

Flict-G - Hapi Holiday (Official Lyric Video)


Composer: Flict-G
Performed by Flict-G
Mixed & Mastered by Flict-G
Album Art by Flict-G
Lyric Video by Flict-G

Special Thanks:
Backup Aerial Footage by Jaycee Ocampo
Album Art photo by Ryan Nucup
Repablikan Records Pasig
Fubu MANILA
Yown Clothing
Rap n Ralph Hip-Hop Clothing
KDM Lokalidad Clothing
Duffy Clothing
Vwear PH
Dentallica Dental Clinic
Hook Up Clothing
Team Chixology
Team Brusko
Curse of Vapers
Repablikan Syndicate
Crazy Family Badboys
Shockra
FlipTop Battle League
Frontrow International
Sony Music Entertainment

Flict-G - Adultery (Official Lyric Video)


Flict-G - Adultery (Official Lyric Video)

Dekada Nobenta ft. Flict-G, Krazykyle, Badang, Salubsob & Klez D' One - Sigaw Lehitimo (Lyric Video)


This song is all about reminiscing 90's rap song.

Producer: Sigaw Lehitimo.
Instrumental produced by: Ronald Yusi.
Mix and Mastered by: Delta.
Video Editor: Makatang Aklanon Production.
Main Artist: Sigaw Lehitimo.
Featured Artist: Flict G, Krazykyle, Badang, Salubsob & Klez D' One.

Flict-G, Dello, Curse One, Siobal D & Aikee - Frontline Lyrics

Hindi biro ang trabahong malagay sa alanganin
Trabaho na isugal ang buhay sa ngalan naming
Nangangamba kami maging sila maging ako
Dahil katulad ng lahat, may pamilya rin kayo
Puyat at gutom ang lagi niyong kasama
Mapagaling nyo lang yung pasyente na nakaratay don sa kama
Para kumita ng pera kahit papano magkaron
Laging overtime tapos takbo rito takbo ron
Pag may problema o kalamidad lagi kayong nandyan
Kayo ang unang umaakay sa mga nasasaktan
Kahit ang buhay minsan ay sadyang mapait
Kayo ang superhero ng mga nagkakasakit
Salamat po sa pagtuloy niyo na kabayanihan
Gabayan nawa kayo ng Diyos na makapangyarihan
Gusto ko lang malaman niyo kaya kami nag-collaborate
Marami po kami na nakaka-appreciate

Tunay na kahanga-hanga ang pinamalas niyong katapatan
Kahit merong haka-haka buong puso ang katapangan
Bawat laban katatagan ang pinagkukunan
Determinasyon at dedikasyon ang nagsilbing puhunan
Para sa bayan handang makipagsabayan
Saludo po ako maging ang mga kababayan
Sa kabi-kabilang banta na meron sating bansa
Di nyo po alintana ang panganib na dala
Nakahanda kayong itanggi ang sarili
Mas pinili sa kalsada’t ospital na manatili
Nakangiti habang matindi ang sinasagupa
Kayo ang makabagong bayani dito sa lupa
Alam namin ang inyong lagay ay alanganin
Kaya laging laman kayo ng aming panalangin
Nakabaling ang tingin naming sa taas
Ang suliranin ito sa tulong nyo ay magwawakas salamat

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Habang ang lahat ay balot ng takot at kaba ang kanilang damdamin
Heto sila kung nasan ang peligro at ang lagay na pinaka-alanganin
Ang panalangin ay ang malagpasan ang hamon ng ligtas
Muling makapiling ang pamilya na iniwanan para sa Pinas
Sila yung mga nasa hanay na kung saan buhay nila ang syang nakataya
Batid man nila ang panganib na pwedeng masapit ay di sila nagpabaya
Nakikipaghatakan kay kamatayan sa lubid ng buhay ng mga pasyente
Kahit sila ay pwedeng makalawit ng mahabang karit na hugis pa syete
Dama ng gutom at pagod ay di makuha na magpahinga
Ang tanging lakas na pinagkukunan ay ang larawan ng pamilya nila
Na nakaabang sa muling pag-uwi makayakap makasama nilang muli
Habang ang iba naman ay di pinalad na napasama sa mga nasawi
Salamat ng marami sa lahat ng inyong mga sakripisyo
Walang salapi na pwedeng itumbas sa inyong binigay na serbisyo
Para sa bawat Pilipino ito ang aming pagpupugay
Sa mga nasa unang hanay na handang itaya ang buhay para samin

Di ko alam kung makakaya ko bang tumbasan
Ng awit ang yong dalang malasakit na kung saan
Ka man mapadpad na merong gantong sitwasyong pangit
Sayo kami kumakapit salamat sa di mo pagsuko kahit
Dumadami na ang lista akalaing parang mitsa
Puro takot kaya hakot ng hakot paubos na ang tinda
Pero sa halip na magpahinga ikaw pa nasa gitna
Pinipilit mo kaming sagipin kahit di mo alam kung masasagip ka
Tulad naming ay tao ka rin pero alam mo ang dapat gawin
Pag alanganin at madilim ikaw ang gabay sating lalakbayin
At tatawirin lalagpasan kapit kamay ang mga palaban
Sa mga panahon na may ganito lagi kayo ang nasa harapan
Buti na lang merong katulad niyo na pag ganito na merong sakuna
Kahit na minsan maraming puna lagi pa rin kayong nauuna
Para tumulong mabahiran ka man ng dugo na pula
Di ka papayag na bandera ng pinoy matumba

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Flict-G, Dello, Curse One, Siobal D & Aikee - Frontline (Official Lyric Video)


Repablikan Records Syndicate Productions (Mandaluyong)
Repablikan Records Pasig (Pasig)
Sicktunes Music (Valenzuela)
Dello Records (Cavite)

Flict-G, Spyker & Diziplint - Prayoridad Lyrics

Halika na kapatid
Sabay nating hamunin ang mundo
Walang sasayanging mga oras
Gawin na ang prayoridad sa buhay mo
Pag ito’y nakamit mangako ka
Na lilingon pa rin sa umpisa
Walang palalampasing mga araw na lilipas bigyan mo ng
Puso at pagpapahalaga

Gigising ng maaga bakit ba ‘ko bumabangon
Para sa anak para meron silang mabaon
Walang bigas sa amin kaya walang masaing
Kailangan kong kumilos nang sa mesa may mahain
Ang gabi ginagawa kong araw
Walang kapaguran dinaig pa kalabaw moooo!
Kaya pass muna sa mga gimik at barkada
Medyo busy lang prayoridad ang inuuna
Ang daming bayarin patong patong naka pila
Merong pinapakain at meron akong pamilya
Kayod lang ng kayod ba-bawal ang mapagod
Sugod lang ng sugod pagapang o paluhod
Oras sakin ay ginto mahalaga bawat minute
Walang dapat sayangin kahit na isang segundo
Focus lang palagi sa aking ginagawa
Lahat ng tinanim sa huli ay magbubunga

Halika na kapatid
Sabay nating hamunin ang mundo
Walang sasayanging mga oras
Gawin na ang prayoridad sa buhay mo
Pag ito’y nakamit mangako ka
Na lilingon pa rin sa umpisa
Walang palalampasing mga araw na lilipas bigyan mo ng
Puso at pagpapahalaga

Magsikap magtiyaga yan lang ang lagi kong sagot para ma-prayoridad ko ang pamilyang binuo
Di magagawang tumigil at hindi magpapapigil hanggat di ko nakakamit ang mga nanaisin ko
Sa aking buhay yan ang katagumpayan kahit anong pagsubok yan hindi ko mahihindian
Basta maiibungad ko ang pangangailangan nila lahat susuuingin para sa kinabukasan ng aking pamilya
Yan ang aking prayoridad wala sa bokabularyo ko ang tatamad-tamad
Kaya bigyang abilidad ang bawat hakbang mo nilalang sa bawat hamon di alam kung anong hahantungan
Basta’t isipin mo lang ang iyong kakayahan ay kayang maibigay at iyong makakamtan
Ang mga pangarap mo sa buhay mo gawin mong prayoridad yun ang isipin mo

Halika na kapatid
Sabay nating hamunin ang mundo
Walang sasayanging mga oras
Gawin na ang prayoridad sa buhay mo
Pag ito’y nakamit mangako ka
Na lilingon pa rin sa umpisa
Walang palalampasing mga araw na lilipas bigyan mo ng
Puso at pagpapahalaga

Lumilipas ang panahon dapat nang magbago
Kailangan nang kumayod tumatanda na tayo
Eto na ay sapalaran gawan mo ng paraan
Dapat mo nang gamitin natutunan sa paalaran
Kun’ dati palaro-laro lang malakas magdota
Ngayon pambayad-utang na lang yung katas na sobra
Kung wala kang kinikita pare dapat kang magduda
Kailangan abutin ang kota pambayad ng upa
Magbanat ka na ng buto di na uso tumambay
Maghanap kang pagkain mo magluto ka sa bahay
Dapat dumiskarte tapos matuto kang masanay
Wag nang maarte dapat marunong makibagay
Sa hirap ng buhay bawal ang tutulog-tulog
Kundi yung tiyan mo sa gutom ay tutunog-tunog
Wag kang umasa sa magulang mo na uugod-ugod
Dapat unahin ang prayoridad para busog lusog

Halika na kapatid
Sabay nating hamunin ang mundo
Walang sasayanging mga oras
Gawin na ang prayoridad sa buhay mo
Pag ito’y nakamit mangako ka
Na lilingon pa rin sa umpisa
Walang palalampasing mga araw na lilipas bigyan mo ng
Puso at pagpapahalaga

Halika na kapatid
Sabay nating hamunin ang mundo
Walang sasayanging mga oras
Gawin na ang prayoridad sa buhay mo
Pag ito’y nakamit mangako ka
Na lilingon pa rin sa umpisa
Walang palalampasing mga araw na lilipas bigyan mo ng
Puso at pagpapahalaga

Flict-G, Spyker & Diziplint - Prayoridad (Official Lyric Video)


Produced by Flict-G & Spyker
Instrumental produced by Jason Haft
Performed by Flict-G, (Spyker & Diziplint of Floetic Hustlaz)

Flict-G - Pagsikat Pagyaman Pagyao Lyrics

Gusto kong sumikat para mukhang kagalang galang
Para kahit wala kong pera magmukha akong mayaman
Oo gusto kong sumikat para maalala ng kaibigan
Tapos pag hindi ako nagreply lumaki na yung ulo, mayabang
Gusto kong sumikat kaso lang nakakatakot
Pag di ako nagpautang ako pa yung madamot
Oo gusto kong sumikat alam mo ba kung bakit?
Para arboran mo ng cap, cd at ng mga gamit
Oo gusto kong sumikat sikat sa mga hiphop
Para mdamay yung asawa ko pag battle ko sa fliptop
Oo gusto kong sumikat sikat sa mga tao
Para pag di ako nagreply sa chat sabihan akong suplado
Oo gusto kong sumikat sikat lang na humble
Yayain sa inuman tapos pilitin nyo mag-sample
Oo gusto kong sumikat para maraming kaibigan
Tapos pag laos ka na ayun bigla kang iiwanan
Gusto kong sumikat gusto ko ng pagbabago
Mga sipsip sa opisina ayoko nang katrabaho
Gusto kong sumikat kunyari matalino
Pag nagkamali ako tawagin nyo kong bobo
Oo gusto kong sumikat magkaroon ng mga tropa
Mapa-ibang landas tapos malulong ako sa droga
Oo gusto ko sumikat sa mainstream mapasama
Para plastikin ako ng mga hiphop na purist
Oo gusto kong sumikat pag-usapan bawat oras
Pati pribado kong problema alam ng buong Pilipinas
Oo gusto kong sumikat para marami na kong pera
Tapos maalala ko lang yung Diyos kapag meron akong problema
Oo gusto kong sumikat ayokong magtrabaho
Ayokong murahin ng palihim yung kuripot kong mga amo
Masarap pala sumikat gustong gusto ko to grabe
Pagtalikod ko puro bulungan at ang dami na nilang sinasabi

Sabi nila ang pagsikat mabigat na karga sa balikat
Minsan magaan minsan ay para ka namang pinupulikat
Minsan malungkot minsan masaya minsan ay nakakapagod
Di bale na kung ganon basta ang mahalaga kumakayod

Sabi nila ang pagsikat mabigat na karga sa balikat
Minsan magaan minsan ay para ka namang pinupulikat
Minsan malungkot minsan masaya minsan ay nakakapagod
Di bale nang ganon basta ang mahalaga kumakayod

Dahil gusto kong yumaman dumami yung pera balang araw
Maupo sa gobyerno magpasarap at magnakaw
Oo gusto kong yumaman araw-araw sa casino
Pag naubos yung pera magbaril na lang ako sa ulo
Gusto kong yumaman maraming ari-arian
Dahil sa lupa sa kamag-anak makipagpatayan
Gusto kong yumaman bumiyahe at magtrip
Hanggang sa di ko na alam kung magkano yung pamasahe sa jeep
Gusto kong yumaman alak yosi hanggang sa maduwal
Pagtanda ko uubusin ko yung ipon ko sa ospital
Oo gusto kong yumaman milyon-milyon sa maleta
Mahalin ako ng asawa ko nang dahil lang sa pera
Gusto kong yumaman ang dami kong bibilhin
Bibili ako ng mga sapatos tapos hindi ko naman susuotin
Bibili ako ng mga ganyan bibili ako ng mga ganto
Bibili ako ng mga bagay na hindi ko naman gusto
Sabi nila kayamanan ang sagot sa kahirapan
Tapos nung nagkapera lalo silang nahirapan
Di mo ba napapansin pag nilamon ka ng sistema
Kung marami kang pera mas marami ka ring problema
Di mo mamamalayan pag namatay ka na
Ang inipon mong kayamanan sa iba lang mapupunta
Naghukay ka ng kayamanan sa baba walang lumabas
Dahil ang tunay na kayamanan ay nandon sa taas

Flict-G - Pagsikat Pagyaman Pagyao (Official Lyric Video)


Flict-G - Pagsikat Pagyaman Pagyao (Official lyric video)

Flict-G & Curse One ft. Bei Wenceslao - Aking Hiling (Official Lyric Video)


Produced by Flict-G
Instrumental by Blaster Cordes

Collaboration of Flict-G and Curse One featuring Bei

Flict-G & Curse One ft. Bei Wenceslao - Aking Hiling Lyrics

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin “Ikaw lang ang aking hiling”

Di ko akalain na makikilala
Ko ang dalagang nagpatibok ng puso ng isang binata
At bigla na lang napalunok, napatameme, nabulaga
Para bang hinele, natulala
Nang papalapit ka sa akin diyos ko para kang anghel na ibinaba
Ng langit para mahalin ng tagalupang tulad ko na di mo kalevel
Ang pagitan nating dalawa ay mas malayo pa sa magkabilang dulo ng tore de babel
Pagkat ikaw ay isang diwata, mas makislap pa sa mga tala
Pagpasensyahan mo na lang ang mga salita ito’y labis na paghanga
Di ko maipaliwanag ang nadarama sa tuwing magkasama tayong dalawa
Walang bagay na makakasukat sa mundong ito kung gano ka ba kahalaga
Pagkat buong araw ko ay kumpleto na, sa ngiti mo pa lang kuntento na
Kung pag-ibig mo ay naging rebolusyon handang punitin ang sedula
At nang dumalaw sa bawat araw, ikaw na nga raw hanggang pumanaw
Walang kaagaw sa puso ko, daig pa ang kayamanang hindi mananakaw
Akalain mo, kala ko ay panaginip lang ang mga to
Kung sino pa talaga yung di mo inasahang makilala yun pa yung babago ng buhay mo

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin “Ikaw lang ang aking hiling”

Sa milyong-milyong tala, kahit hindi na mapansin ang hiling ko
Hinding hindi ako magsasawa na abangan ang pagdating mo
Sa buhay ko na ikaw na lang ang kulang, sa puso na pag-ibig lamang ang lulan
Ang katulad mo lang ang may kakayanang makapagtanggol sakin hangad kong makatuluyan
Nanatili na sa isip, damdamin ko na di matahimik
Nakatingala sa mga bituin sana’y magising sa magandang panaginip
Magkatotoo na mabago ang mundo dahil di ko na alam kung sa papanong paraan pa
Dikit sana ng kalawakan ang sigaw nito nadarama na makamtan ka
At sana sakin ikaw ay itadhana di sasayangin ang pagpapala hanggang sa pagtunog ng kampana
Makasama sa dambana hanggang sa harap ng altar ohhh…
At sa hardin may umaawit na mga sagradong anghel
Ikaw ang kalma sa bawat bagyo ako’y nahimlay sa mala dyosa mong ganda
Napakagaan sa pakiramdam tuwing napapamiss ako akin na bukas sa maamo mong mata
Tamis sa ngiti may liwanag dahilan na babangon para tuparin ang mga pangarap
Inspirasyon at destinasyon ikaw ang aking masaya at masaganang tahanan

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin “Ikaw lang ang aking hiling”

Gusto ko lang malaman mo kahit mundo natin ay magkaiba
Palaging hangad sana puso natin ay magkaisa
Malayo ma’y malapit lang langit at lupa’y kayang tawirin sinta
Walang kahapon ang makapagdidikta sa magandang kinabukasan nating dalawa
Ikaw at ako wala ng iba iniibig kita sana palagi mong tatandaan
Ngayon bukas hanggang sa dulo ng walang hanggan

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin “Ikaw lang ang aking hiling”

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin “Ikaw lang ang aking hiling”

Flict-G & Curse One ft. Bei Wenceslao - Aking Hiling (Official Music Video)


Flict-G & Curse One - Aking Hiling (Official Music Video) ft. Bei Wenceslao

Starring: Zeinab Harake & Khifer Brosse.
Performed by:
Flict-G
Curse One
Bei Wenceslao

Producer: Flict-G
Director: Christian Paolo Gabriola (Motus Multimedia)
Instrumental: Blaster Cordes (Blast Beats)
Director of Photography: John Cris Dela Cruz & Japsyy Ballers
Makeup Artist: Megz Jimenez Valmonte