Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Fiona - Haraya Lyrics

dalawang linggong naghihintay
nag-aabang sa talatang pinaghirapan
oras oras pinagmamasdan
kahit sandali na tamis na pinagsaluhan

ang sakit
luha ang kapalit
nangungulila, nagdurusa, darating pa ba?

nasasabik na muling makita
baka sakaling muling mabulag sa liwanag
nagsaya nang tayo'y magkasama
ako'y nasasaktan, mahihirapan kung bibitaw

ang sakit
luha ang kapalit
nangungulila, nagdurusa, darating pa ba?
ang sakit
luha ang kapalit
nangungulila, nagdurusa, darating pa ba?

darating pa ba?
darating pa ba?

ang sakit
luha ang kapalit
nangungulila, nagdurusa, darating pa ba?
ang sakit
luha ang kapalit
nangungulila, nagdurusa, darating pa ba?

Mark Oblea - Fiona Lyrics

Ang kalmadong paligid
Napahiran ng lungkot
Mukha’y nakatago
Sa ilalim ng malamig na kumot

Pagkatapos ng paalam
Nagbabalik ang nakaraan
Puso’y kay bigat
‘Di na muling mahahagkan

Tinig ay paos, hininga ay kapos
Nalulunog sa pagluhang ‘di matapus-tapos

Ngunit nand’yan ka na
Sana’y masaya ka
Salamat sa magagandang alaala
Bukas paru-paro ay babati
Ibabalik ang ngiti
Inampon ka na ng langit
D’yan magkikitang muli

Sa kahon inipon mga mumunting alaala
Masasayang kahapon sa isip ko ay buhay pa
Sa ‘king pangungulila, sa ‘king pag-iisa
Hawak ang aking gitara’t dinaan sa kanta

Tinig ay paos, hininga ay kapos
Nalulunog sa pagluhang ‘di matapus-tapos

Ngunit nand’yan ka na
Sana’y masaya ka
Salamat sa magagandang alaala
Bukas paru-paro ay babati
Ibabalik ang ngiti
Inampon ka na ng langit
D’yan magkikitang muli
D’yan magkikitang muli

Ngunit nand’yan ka na
Sana’y masaya ka
Salamat sa magagandang alaala
Bukas paru-paro ay babati
Ibabalik ang ngiti
Inampon ka na ng langit
D’yan magkikitang muli
D’yan magkikitang muli
D’yan magkikitang muli

Mark Oblea - Fiona (Official Music Video)


The official music video of "Fiona" from the Bakwit Boys Original Motion Picture Soundtrack.

Performed by Mark Oblea
Composed by Jhaye Cura
Arranged by Iean Iñigo
Produced by Iean Iñigo and JD Tiri Tacata

BAKWIT BOYS (Pista ng Pelikulang Pilipino 2018)

Written and Directed by: Jason Paul Laxamana
Starring: Vance Larena, Devon Seron, Nikko Natividad, Ryle Santiago and Mackie Empuerto
Release Date: August 15, 2018