Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

David Reyeg - Dulo Lyrics

Ito nanaman
Palaging paulit ulit lang itong sumpa
Ako'y sawang sawa na masaktan
Binigay ang puso ko sa isang hangal
Isang hangal
Ilang beses na
Ako'y iniwan lang sa kawalan
Medyo ako'y nasanay na ng magisa
Bigla nalang sila lumaho ng walang kasabihan
Kailan pa ba
Kita masisilayan
Ang puso'y handa na
Ibigay lahat sa’yo
Nakatitig lang sa kawalan
Iniisip kung sa na papunta ito
Kung patungo na sayo
Handa akong ibigin ka


Ibibigay lahat ng makakaya ko
Ako'y maghihintay hanggang dulo
Sa dami ng
Dalamhati na aking nalampasan
Umaasa na ika'y matagpuan
Ikaw nalang ang kulang saking walang hanggan
Walang hanggan

Kelan pa ba
Kita masisilayan
Ang puso'y handa na
Ibigay lahat sa’yo
Nakatitig lang sa kawalan
Iniisip kung sa na papunta ito
Kung patungo na sayo
Handa akong ibigin ka
Ibibigay lahat ng makakaya ko
Ako'y maghihintay hanggang dulo

Nakatitig lang sa kawalan
Iniisip kung sa na papunta ito
Kung patungo na sayo
Handa akong ibigin ka
Ibibigay lahat ng makakaya ko
Ako'y maghihintay hanggang dulo

David Reyeg - Dulo (Official Audio)


The official audio of "Dulo" by David Reyeg

Artist: David Reyeg
Composer: David Reyeg
Publisher: OC Music Publishing, Inc
Producer(s): David Reyeg, Liam Reyes, Austin Vinci Flores
Drums: David Reyeg
Guitar: David Reyeg
Guitar Solo: Austin Vincis
Bass: Liam Reyes, David Reyeg
Keys: David Reyeg
Arrangers: David Reyeg
Mixing and Mastering: Liam Reyes
Production House: David Reyeg

The Juans - Dulo Lyrics

Nakatingin na naman sa kawalan
Tinatago ang tunay na nararamdaman
Hangggang kailan ko 'to kakayanin
Hanggang saan kita uunawain

Pa'no ipaglalaban ang pagmamahal
Kung sa pananatili ay nasasakal
Nahihirapan na ating mga damdamin
'Di malaman kung pa'no aaminin

Naubos na ang luha at mga salita
Siguro'y 'di sapat aking pagmamahal

Ito na ba ang hinihintay
Ang pagwawakas ng paglalakbay
Lahat nama'y ibinigay
Ngunit baliwala lang kaya paalam

Kailangan na yatang harapin
Na ito ay 'di para sa atin
Mahirap man natanggapin
Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo (ang dulo)

Bibitawan at papalayain ka
Kasama ang pangako't alaala
Ngunit hindi kita pipilitin
Hahayaan ko na lang ito 'yong mapansin

Naubos na ang luha at mga salita
Siguro'y 'di sapat aking pagmamahal

Ito na ba ang hinihintay
Ang pagwawakas ng paglalakbay
Lahat nama'y ibinigay
Ngunit baliwala lang kaya paalam

Kailangan na yatang harapin
Na ito ay 'di para sa atin
Mahirap man natanggapin
Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo

Gusto mang kumapit, mahirap ipilit ang 'di para sa atin
Hihintayin ko na maramdaman mo, ito na ang dulo

Ito na ba ang hinihintay
Ang pagwawakas ng paglalakbay
Lahat nama'y ibinigay
Ngunit baliwala lang kaya paalam

Kailangan na yatang harapin
Na ito ay 'di para sa atin
Mahirap man natanggapin
Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo, ang dulo (ito na ang dulo)

Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo

The Juans - Dulo (Official Lyric Video)


Dulo - The Juans (Official Lyric Video)

Sarah Geronimo - Dulo Lyrics

Nakatingin sa malayo
Nakatikom mga bibig
Magkatabi nga ba tayo
Bakit tila walang imik?

Hindi akalain na pagkatapos ng mahabang panahon
Biglang nangyari na sa paglaoy dito rin lamang hahantong
Sana'y panaginip nalang
Sana'y magising pwede bang
'Di na harapin para bang ayokong maniwala

Narating na ba natin ang dulo
Parang di pa maamin ng puso
Narating na ba?
Narating na ba?
Narating na ba natin ang dulo?
Ang dulo
Ang dulo

Paano ang aking pag gising
Wala ka ng unang tawag
Pagtulog wala ng kapiling
Walang kadaupang palad

Walang magawa nanghinayang nalang sa tinapos sayang sana
Salamat nalang sa ligaya at mga pinabaong alaala
Sana'y panaginip nalang
Sana'y magising pwede bang?
'Di na harapin para bang ayokong maniwala

Narating na ba natin ang dulo
Parang di pa maamin ng puso
Narating na ba?
Narating na ba?
Narating na ba natin ang dulo?
Ang dulo
Ang dulo

Ang dating walang hanggan
Naging hanggang dito nalang
Narating na ba?
Narating na ba?
Narating na ba natin ang dulo?
Ang dulo..

Narating na ba natin ang dulo
Parang di pa maamin ng puso
(di maamin ng puso)
Narating na ba?
Narating na ba?
Narating na ba natin ang dulo?
Ang dulo
Ang dulo

Narating na ba natin ang dulo
(akala ko'y hanggang wakas)
Parang di pa maamin ng puso
(hanggang dito nalang ba?)
Narating na ba?
Narating na ba?
Narating na ba natin ang dulo?
Ang dulo
Ang dulo