Mukha mong maamo
Nanunuyo sa ‘king puso
Hindi ba kasalanan
At umamin ng biglaan
Ikaw, ako parang tayo, pag-ibig na sinta
Wala bang hangganan
Sabay bang lalaban
Halika na’t yumakap sa aking katawan
Sabay nating abutin ang paraisong makulay
Laging hiling sa Maykapal
Na hindi na mawawalay
Kahit paikot-ikot lang ikaw ako
Sa ating mundong kulay bahaghari, yeah
Hindi imposible
Ang ginuhit na pangyayari
Kulay ng rosas
Ang paligid ko na dati
Na patay madilim ‘di ko alam
Ngayo’y nandito ka
Walang alinlangan
Wala nang kailangan
Halika na’t yumakap sa aking katawan
Sabay nating aabutin ang paraisong makulay
Laging hiling sa Maykapal
Na hindi na mawawalay
Kahit paikot-ikot lang ikaw ako
Sa ating mundong kulay bahaghari, yeah ooh…
Kahit paikot-ikot lang ikaw ako
Sa ating mundo…
Init ng yakap ‘di makagalaw
Gigil ng puso siyang laging ramdam
Buka ng bibig iwinika sa ‘yo
Kukunin sa langit aalay sa ‘yo
Sasakyan bituin at bibiyahe tayo
Tayo naghari sa mundo natin
Halika na (‘lika na, ‘lika na, ‘lika na, ‘lika na)
Halika na… (‘lika na, ‘lika na, ‘lika na, ‘lika na)
Halika na… (‘lika na, ‘lika na, ‘lika na, ‘lika na)
Halika na… (‘lika na, ‘lika na, ‘lika na, ‘lika na)
Halika na’t yumakap sa aking katawan
Sabay nating (sabay natin) aabutin (abutin) ang paraisong makulay
Laging hiling (hihiling) sa Maykapal (Maykapal)
Na hindi na mawawalay (hindi na mawawalay)
Kahit paikot-ikot lang ikaw ako
Sa ating mundong kulay bahaghari (maamo, nanunuyo sa ‘king puso)
Kulay bahaghari (maamo, nanunuyo sa ‘king puso)