Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Sam Concepcion - Diwata (Lyric Video)


Diwata - Sam Concepcion | From "Miss Universe Philippines 2021" (Lyrics)

Diwata
Performed by Sam Concepcion
Music/Lyrics: Kiko KIKX Salazar/Nhiko Sabiniano/Ismael Alshdefat/Theo Martel
Music Arrangement: Theo Martel
Mix/Master: Theo Martel/KIKX

Copyright 2021 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

Daze ft. Zendee - Diwata Lyrics

Siya na talaga ang pinakamaganda
Tingnan mo naman kasi yung mga mata
‘Di mo mapigilan mapalingon sa kanya
Sa ‘yo’y aliw na aliw sinta
Nakapagsulat ng ‘sandaang tula dahil sa’yo
Parang ako si Fidel ikaw aking Stella Puno
Ako’y mapag-isa pero pagdating sa kanya
Puso’y kay bilis, ‘di ako makahinga
Parang gin lang at pomelo
Mas bagay ‘pag magkasama tayo
Dahil sa’yo ako’y napakanta ng…

Ikaw ang aking diwata
Tayong dalawa’y tinadhana
‘Di magdadalawang isip pagdating sa iyo
Aking diwata

Ikaw ang aking diwata
Tayong dalawa’y tinadhana
‘Di magdadalawang isip pagdating sa iyo
Aking diwata

Pero, bakit parang hindi mo ‘ko makita
Hindi naman sadista pero parang ang ikli nang
Pag-asa ko sa’yo, ganun na ba talaga?
Sino ba talaga siya? Kaibigan lang ba talaga?
Ako’y nalilito na sa natulungan mo (Sabihin mo)
Kung meron ba ‘kong pwesto diyan sa puso mo?
Gusto kong malaman, ngayon na agad
Para mahalin na kitang higit sa sagad
Higit sa sagad ang ibibigay ko
Para sa’yo lahat ng mga ‘to
‘Di rin makakayang sumuko
Hanggat ‘di ko nakukuha ang “oo” mo

Ikaw ang aking diwata
Tayong dalawa’y tinadhana
‘Di magdadalawang isip pagdating sa iyo
Aking diwata

Ikaw ang aking diwata
Tayong dalawa’y tinadhana
‘Di magdadalawang isip pagdating sa iyo
Aking diwata

Daze ft. Zendee - Diwata (Official Lyric Video)


DAZE - Diwata feat. Zendee (Official Lyric Video)

Off The Record

Kodigo - Diwata Lyrics

Naririnig mo ba ako?
Naririnig mo ba ang tinig ko?

Sa isang malikmata
Mabilis mong makikita
Ang hindi dapat masaksihan
Ng iyong mga mata

Sa lahat ng aking naradama
Parang di ko na kayang paniwalaan pa
Nasan ka na kaya?
Nandiyan ka pa ba?

Sa rurok ng iyong tinig
Minsan ako’y namamanhid
Napapaisip kung saan nanggagaling
Ang boses mong nananatili sa hangin

Naririnig mo ba ako?
Naririnig mo ba ang tinig ko?

Nabibingi at walang naririnig
Palaisipan na panaginip
Nabibingi at walang naririnig
Palaisipan na panaginip

Naririnig mo ba ako?
Naririnig mo ba ang tinig ko?

Kodigo - Diwata (Official Lyric Video)


Official Lyric Video of "Diwata" by Kodigo

Special Thanks To:
Blacklinya
Mico Benitez
Yellow Room Music Philippines
Nineworkz Productions
Kapatid Studios

Abra ft. Chito Miranda - Diwata Lyrics

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

(Aking diwata)
Ikaw ang pinakamaganda
Kapag minamasdan kita, parang nagmamalikmata
(Aking diwata)
Tamang hinala, di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagama’t pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagka’t
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata

Naaalala ko pa n’ung una ka masilayan, nanghihinayang
Gustung-gusto kita kausapin,
Makilala, subalit may kaba
Kaya nahihiya lang

Sinayang, ang nakatakdang tadhana
Karapat-dapat ba na magkandarapa
Sa isang prinsesa na may delikadesa
Kesa sa gano’n baka sakaling game ka maging reyna

Date tayo, oo, ikaw at ako
Liparin natin ang iba’t-ibang parte ng mundo
Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay
Kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay

Kung sabagay, karangalan kong alagaan
At pahalagahan ang natural mong kagandahan
Aminin ko man o hindi
Kapag nasa paligid ay pasimple na nangingiti
Sana kako tamaan

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

(Aking diwata)
Ikaw ang pinakamaganda
Kapag minamasdan kita, parang nagmamalikmata
(Aking diwata)
Tamang hinala, di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagama’t pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagka’t
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata

Hanggang sa nagkakilala muli
At unti-unti nakikilala, munti
Pang tumitiklop na parang makahiya
Naglakas loob ah, d’yan sa kaliwa
Ang daming pumipila, daig pa’ng MRT
Pero diba’t sa pag-ibig mas kabit ‘pag less than three
Anong sagot, p’ede mo ‘kong tanungin
May tanong ako sa’yo, p’ede mo bang sagutin
Sana oo na lang din
Susubukang abutin
Panaginip lang kita, kaya susubuking antukin
Oras na maghawak kamay baka bigla kang alukin
Walang hiling na kapalit, gusto lang kitang mahalin

Ikaw ang aking laging nais na makapiling
Hindi Maria Clara kundi Maria Makiling
Binibining napakaganda at wagas
Walang wakas, samahan mo ko, sabay tayong mangarap nang mataas

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

[Chito Miranda:]
N’ung nakita ko s’ya, ‘di makapaniwala
Sa taglay n’yang ganda, tinamaan din ako
Teka bakit ganito, ba’t napaparap ako
‘Di ba sabi ko sa’yo, ‘wag mo na akong isama
Para ‘kong nasilaw sa kasama mong diwata

Ngayon alam ko na kung ba’t nasisiraan ka nang ulo
Napapakanta ka na lang na parang ganito

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagka’t ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata

(Aking diwata)
Ikaw ang pinakamaganda
Kapag minamasdan kita, parang nagmamalikmata
(Aking diwata)
Tamang hinala, ‘di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagama’t pinagbawalan
Ipaglalaban ka sapagka’t
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh aking diwata